paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
1. 1
Kagamitan ng Mag-aaral
(Quarters 3 & 4)
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
PAG-AARI NG PAMAHALAAN
HINDI IPINAGBIBILI
INILAAN PARA SA
Distrito/ Paaralan: ____________________________________
Dibisyon: _____________________________________________
Unang Taon ng Paggamit:_______________________________
Pinagkunan ng Pondo (pati taon):________________________
2. ii
Physical Education and Health – Unang Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral: Quarters 3 & 4 saTagalog
Unang Edisyon, 2012
ISBN: TAGALOG
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapang kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano
Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd
Floor Dorm G, PSC Complex,
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054, 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
PHYSICAL EDUCATION
Consultant: Larry A. Gabao, PhD.
Manunulat: Salve A. Favila, PhD.
HEALTH
Consultant: Evelina M. Vicencio, PhD.
Mga Manunulat: Josefina Q. Era, Teodora D. Conde,Flormay O. Manalo,
Rhodora Ll. Formento, Mark Kenneth S. Camiling, at Lualhati F. Callo,
Mga Editor: Mila Arias, Bernadette Y. Santos, Cynthia L. Diaz, Josefina A
Tuazon, at Evelina M. Vicencio
Mga Tagasuri: Nerisa Beltran (Health), Jenny J. Bendal (PE), Minda Blanca
Limbo, Lourdes Z. Hinampas
Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Elvira E.
Seguerra, Grace U. Salvatus
Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong (PE), Jayson
R. Gaduena, Erich D. Garcia, Jayson Villena, at Mercedita S. Garcia (Health)
Mga Naglayout: Anthony Gil Q. Versoza (Health), Allan R. Thomas, Maria
Leonor M. Barraquias (PE), Ma. Theresa M. Castro
Encoder: Earl John V. Lee
4. iv
TALAAN NG MGA NILALAMAN
(Quarters 3 & 4)
PHYSICAL EDUCATION
Yunit 3: MAPAGLIKHANG PAGGALUGAD
Aralin 6: Mga Ritmo ............................................ 5
Gawain 21: Madramang Ritmo….. …………… 5
Gawain 22 : Malikhaing Ritmo …………………. 6
Gawain 23 : Awiting may Kilos ……………….…. 7
Gawain 24 : Pagsusuri sa Natutuhan ………….. 8
Yunit 4: Mga Larong Pangkalusugan at
Pangkasayahan
Aralin 7: Pagsunod sa mga Babala ..................... 11
Gawain 25: Sabihin kung Ano .….................. 12
Gawain 26: Pasahang Bola sa Itaas at Ibaba.. 13
Gawain 27: Lumukso sa Patpat at Hula Hoop 14
Gawain 28: Mga Gawaing umagamit ng Laso
at Lobo .…………..……………………….
15
Aralin 8: Mga LaroLarong May Awit .................... 16
Gawain 29: Sino ang Ibong Dumapo sa
Sanga?. .…………..……………………….
17
Gawain 30: Sawsaw Suka Mahuli Taya …… . 18
Gawain 31: Pagsukat sa Kaalaman …… . 19
5. 1
Aralin 3: Mapaglikhang Paggalugad
Gusto mo bang makagalaw na may hawak na
bagay tulad ng nasa itaas na larawan? Maaaring
mahirap sa una subalit kapag madalas at wasto ang
Gawain ito’y matututuhan din hanggang sa maging
perpekto. Subukin ang mga gawaing kabilang sa
susunod na aralin, magagawa mo at
maisasakatuparan ang sumusunod:
Makagalaw nang mabagal, mabilis, at
nagpapakita na may hawak na mabigat at
magaan;
6. 2
Maunawaan ang pagkakaiba ng
malaya at di malayang paggalaw;
Maisagawa ang mga larong may
kaugnayan sa gawain habang umaawit;
Makilahok sa mga payak o simpleng laro
na may kapareha at may hawak na
bagay o gamit; at
Makilahok sa masasaya at mahihirap na
gawaing pampalakas ng katawan.
Aralin 6: Mga Ritmo
Naaalala mo ba kung gaano ka kasaya kapag
naglalaro? Naisip mo bang maging isang diwata,
superhero, alagang hayop, bulaklak, paruparo,
eroplano, makina, at iba pang nilikha dahil sa iyong
malikhaing imahinasyon?
Paganahin ang iyong imahinasyon upang magawa
ang mga susunod na pagsasanay.
Gawain 21 – Madramang Ritmo
Panuto: Lumikha ng galaw sa saliw ng musika na
nagsasakilos ng sumusunod. Gumalaw nang
mabagal o mabilis, galaw na nagpapakita na may
magaan o mabigat na dala sa isang maluwag o
masikip na espasyo.
1. Pagtatayo ng bahay
2. Pagpapalipad ng saranggola
7. 3
3. Paglalakbay sa kalawakan
4. Pagbibigay-kahulugan kina Darna, Dyesebel,
Captain Barbel, Panday, at Lastikman
Gaano mo kahusay na naisagawa ang gawain?
Iguhit o ilarawan ang iyong damdamin.
Gawain 22 – Malikhaing Ritmo
Panuto: Magdala ng isang lobo, maliit na bola, laso,
pamaypay, o anumang bagay na maaari mong
gamitin sa gawaing ito.
8. 4
Iguhit ang ginawa mong galaw kasama ang bagay
na iyong dinala.
Mabagal ba o mabilis ang ginawa mong galaw?
__________________________
Naipakita mo ba ang paggalaw na may mabigat o
magaang dala? _________________
Paano ka gumalaw kapag magaan ang dala mo?
_______________ Kung mabigat naman? ____________
Ano ang naramdaman mo sa gawaing ito?
____ Pinakamahusay ____ Mahusay ___ Di gaanong
mahusay
Gawain 23 – Awiting may Kilos
Panuto: Alalahanin ang awit na “Magtanim ay Di
Biro”
Unang Hamon : Lumikha ng kilos para sa awit.
Magtanim ay Di Biro
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo
(Ulitin)
Halina, halina mga kasama
Tayo'y magsipag-unat-unat
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas.
9. 5
Pangalawang Hamon: Kumuha ng kapareha at
lumikha ng sariling liriko ng awit. Palitan ang salitang
may salungguhit at bigyan ng kaukulang kilos
pagkatapos.
Ano ang naramdaman mo sa gawaing ito?
___ Pinakamahusay ___ Mahusay ___ Di gaanong
mahusay
Gawain 24 – Pagsusuri sa Natutuhan
Panuto: Isulat sa patlang kung ang galaw ay
mabagal, mabilis, nagpapakita na may magaan o
mabigat na dala.
_______________________________ ______________________________
____________________________ ______________________________
10. 6
Yunit 4: Mga Larong
Pangkalusugan at Pangkasayahan
Anong mga laro ang madalas ninyong ginagawa ng
iyong mga kaibigan at kamag-aral?
11. 7
Sa yunit na ito:
Ipakikita mo ang ibig sabihin ng nasa ilalim,
nasa ibabaw, nasa likod, nasa tabi, nasa
pagitan, kanan, kaliwa, pataas, pababa,
pasulong, paatras, at nasa harap, sa
pamamagitan ng paggamit ng katawan at
bagay.
Tatalon ka nang sunod-sunod at ilang ulit sa
ibabaw ng isang bagay na hindi gumagalaw,
gamit ang kilos na pasulong-paatras at
patagilid.
Makikilahok ka sa mga payak o simpleng
pangkatang laro.
Masisiyahan ka sa pakikilahok sa mahihirap na
gawaing pisikal.
Gagalaw ka nang mabagal at mabilis habang
may hawak na bagay, at maipakikita ang
kilos kapag may magaan o mabigat na dala.
Makaaawit ka ng habang naglalaro.
Makikilahok ka sa mga payak o simpleng laro na
may kapareha at gumagamit ng mga bagay.
12. 8
Aralin 7: Pagsunod sa mga
Babala
Ano ang ibig sabihin ng mga babala na nasa
itaas?
Saan mo ito kadalasang nakikita?
Bakit mahalagang sundin ang mga babala?
Tama ka kapag sinabi mong, ang pagsunod sa
mga babala ay nakatutulong upang maiwasan ang
aksidente, maisaayos ang mga bagay, at mapanatili
ang kapayapaan at kaayusan.
13. 9
Gawain 25 – Sabihin kung Ano
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na
babala.
1. Kulay
_________ _________ _________
2. Panturong direksiyon
_________ _________ _________ _________
3. Simbolo
__________ ________ ___________ _________
Pula Dilaw Berde
14. 10
Gawain 26 – Pasahang Bola sa Itaas at
Ibaba
Panuto: Sa larong ito, kayo ay magpapangkat-
pangkat.
Makinig sa panuto ng guro. Kailangan ng bola ng
bawat pangkat. Gagawa kayo ng isang hanay.
Tingnan ang larawan sa ibaba.
Ang mga manlalaro ay nakatayo sa likod ng
bawat isa.
Ang unang manlalaro ng bawat hanay ay may
hawak ng bola.
Kapag narinig ang hudyat, ipapasa ng unang
manlalaro sa ikalawang manlalaro ang bola.
Ipapasa ito sa itaas ng ulo.
1 2
3 4
15. 11
Ipapasa naman ng ikalawang manlalaro ang
bola sa ikatlong manlalaro. Ipapasa ito sa
ibaba, sa pagitan ng dalawang hita. Ipapasa
naman ng ikatlong manlalaro sa susunod na
manlalaro sa itaas ng ulo. Samakatuwid,
halinhinan ang paraan ng pagpapasa.
Hahawakan ng huling manlalaro ang bola sa
itaas ng kanyang ulo upang ipakitang tapos nila
ang laro.
Gawain 27 – Lumukso sa Patpat at Hula
Hoop
Panuto : Kumuha ng kapareha. Tumayo nang
magkatabi at gawin ang sumusunod na gawain.
Tingnan ang larawan sa ibaba.
16. 12
Hawakan ang kamay ng kapareha.
Sabay na lumukso nang pasulong at paatras sa
unang patpat.
Muling lumukso pasulong sa una at ikalawang
patpat. Pagkatapos, lumukso nang paurong sa
ikalawang patpat.
Lumukso sa loob ng hula hoop, bitawan ang
kamay ng kapareha at umikot paharap sa
simulang guhit.
Pulutin ang hula hoop at sabay na lumabas sa
loob nito. Lumukso pabalik sa una at ikalawang
patpat hanggang makarating sa simulang
guhit.
Ilang beses kayong lumukso ng iyong kapareha? ___
Naisagawa ba ninyo nang sabay ang gawain? ____
Gawain 28 – Mga Gawaing Gumagamit
ng Laso at Lobo
Panuto:
Gawing Mag-isa:
1. Lumikha ng iba’t ibang hugis gamit ang laso.
Gamitin ang mabagal at mabilis na galaw ng
braso sa paglikha ng iba’t ibang hugis.
8
17. 13
Gawin nang may kapareha :
1. Hawakan ang lobo ng dalawang kamay.
Magkahiwalay ang mga paa.
2. Ipasa ito paitaas sa iyong kapareha.
Ganoon din ang gagawin ng iyong kapareha.
Ibang paraan: ipasa ito gamit ang siko-sa-siko;
tuhod-sa-tuhod; ulo-sa-ulo
Nagawa mo ba ito? ___Oo ___Hindi
Nasiyahan ka ba sa gawain? ___ Oo ___Hindi
Aralin 8 – Mga Larong may Awit
Anong laro ang pinakagusto ninyong
magkakaibigan? Naaalala mo ba ang mga awit na
may kilos o action song na inyong kinagigiliwan?
Ano namang laro na may bilang o number games
ang gusto ninyo?
18. 14
Ang larong “Sino ang Ibong Dumapo sa Sanga”
ay masayang laro . Maari mo itong laruin sa
tahanan kasama ng pamilya o sa paaralan. Bago
magsimula ang laro, bibigyan ng bilang ang bawat
manlalaro ng ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
Tatayo nang pabilog ang mga manlalaro.
Gawain 29 - “Sino ang Ibong Dumapo sa
Sanga?”
Panuto: Pag-aralan ang hakbang sa paglalaro.
Ang guro o lider ang magsisimula ng laro. Gagawa
siya ng kilos at tunog na may ritmo, halimbawa,
pagpalakpak at pagtapik sa hita. Mabagal lamang
sa simula, sasabihin ng guro o lider, ”Sino ang ibong
dumapo sa sanga?”
Sasabihin ng guro na si Ibon 1 ang dumapo sa
sanga.
Sasagot ang batang si Ibon 1 “Sino? Ako ba ?
Ang lahat ng manlalaro ay sasagot nang sabay-
sabay, “Oo ikaw nga.”
Sasagot ang batang si Ibon 1, “Pero, hindi ako.”
Sasagot nang sabay-sabay ang manlalaro ”Kung
hindi ikaw, sino?”
Muling sasagot si Ibon 1, ”Si Ibon 2 ang dumapo sa
sanga.”
Ituloy ang pagsasagawa ng laro hanggang sa
makapagsalita ang lahat ng manlalaro.
19. 15
Layunin ng larong ito na magkaroon ng patuloy na
ritmo o tuloy-tuloy na pagsasalita ang mga
manlalaro.
Subukin Mo
Nasiyahan ka ba sa laro? Iguhit ang iyong
damdamin sa loob ng parihabang kahon.
Gawain 30 - Sawsaw Suka Mahuli Taya
Panuto: Makilahok sa larong ito upang masubukan
kung gaano ka kabilis tumugon.
Sawsaw Suka Mahuli Taya
20. 16
Binubuo ang laro ng isang ”taya” at mga manlalaro.
Sabay-sabay silang aawit ng, “sawsaw suka mahuli
taya.” Habang nakabukas ang isang palad ng taya
at nakasawsaw ang mga hintuturo ng mga
manlalaro. Pagkatapos ng awit, isasara ng taya ang
kanyang palad upang makahuli ng mga daliring
nakasawsaw dito. Ang mahuling daliri ang susunod
na magiging “taya.”
Gawain 31 – Pagsukat sa Kaalaman
Kulayan ang kahon ng berde kung ikaw ay sang-
ayon at pula kung di sang-ayon.
Nagtago ang bata
sa ilalim ng mesa.
Sa babala sa trapiko,
ang ibig sabihin ng pula
ay “GO.”
Ang “Sawsaw Suka
Mahuli Taya” ay
sumusukat ng iyong
kaalaman.
21. 17
Tawiran ang ibig sabihin
ng babalang Pedestrian
Crossing
Malilikha ng laso ang
ganitong hugis sa
pamamagitan nang mabilis
galaw ng mga braso.
8