SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  20
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Layunin: Nasasabi ang batayangimpormasyon tungkolsa
sarili: PANGALAN
Konsepto: Ang Aking Sarili
Ang aking Pangalan
Aralin I.A.1a
A. Pag-isipan
Ano ano ang alam ninyo tungkolsa inyong sarili?
Makikilala ba kayo kapag wala kayong pangalan?
Alam ba ninyo ang inyong pangalan?
B. Gawain 1
Ituroang awit sa klase.
Awit ito ng lahatan pagkataposay pangkatan.
Tumawag lamang ng ilang bata upang gamitin ang kanilang
pangalan.
Itanong:Anong impormasyon ang inyong ibinigay matapos kayong
umawit?
Gawain 2
Isa-isahing tawagin ang bata upang magpakilala sa unahan.
Gabayan ang mga bata sa pagsasabi ng kanilang pangalan.
Itanong:Bakit kailangang alam mo ang iyong pangalan?
(Kung may oras pa isagawa ang GAWAIN 3 na nasa TG p. 6 at LM p.6)
C. Tandaan:
Mahalagang malaman mo ang pangunahing impormasyon
tungkolsa iyong sarili tulad ng iyong pangalan.
Magagamit mo ito sa pagpapakilala sa mga bagong kaibigan,
kaklase, at kalaro.
Inihanda ni:
ROSANNA A. CAYABYAB
Bansud District
Ako ay may pangalan,pangalang maganda
Ito’y bigay sa akin ng aking ama’t ina.
Nene, Nene ang tawag sa bahay,
Anelyn, Anelyn ako sa eskwela.
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkolsa sarili:
Kaarawan
Konsepto: Ang Aking Sarili
Ang Aking Kaarawan
Aralin I.A.1b
A. Pag-isipan
Tingnan ang larawan, ano sa palagay nyo ang isinasaad ng
larawan? Sino sa inyo ang nakadalo na sa isang pagdiriwang na
katulad nito? Nakaranas na ba kayong magdiwang ng kaarawan?
Ano ang inyong naramdaman?
B. Gawain 1
Laro: Paglaruin ang mga mag-aaral. Sabihin ang mga panuto bago
simulan ang laro.
Magpapangkat – pangkat kayo ng iyong mga kamag-aral
ayon sa buwan ng inyong kaarawan. Pipili ang guro ng lider sa
bawat buwan. Bibigyan ng guro ang bawat lider ng lobo na may
nakasulat na ngalan ng buwan.
Matapos ang laro, itanong ang mga sumusunod sa mga mag-
aaral?
a. Ano ang mga impormasyong ibinahagi mo sa iyong kamag-
aral habang naglalaro?
b. Anu-anong pagkakataon mo kailangang sabihin ang iyon
kaarawan?
c. Bakit kailangang alam mo ang iyong kaarawan?
Gawain2
Awit: Paghahandog ng awit sa mga batang may kaarawan sa
kasalukuyang buwan. ( Awit: “ Happy Birthday”)
Tandaan:
Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol
sa iyong sarili tulad ng iyong kaarawan.
Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong
sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro.
Inihanda ni :
Bb. Modgieline M. Co
San Teodoro District
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkolsa sarili: Edad
Konsepto: Ang Aking Sarili
Ang Aking Edad
Aralin I.A.1c
A. Pag-isipan
Tingnan ang larawan. Ano ang masasabi nyo sa dalawang bata na
nasa larawan? Ano ang masasabi nyo sa bihis ng batang babae?
Bakit kaya maganda ang bihis niya? Ilang taon na kaya siya?
Gawain 1
Laro: Pasahan ng bola sa saliw ng tugtugin.
Gagawa ang mga bata ng isang malaking bilog. Ibibigay ng guro
ang bola sa isang bata, pagtigil ng tugtog, sasabihin ng batang may
hawak ng bola ang kanyang edad.
Matapos ang laro, itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral?
d. Ano ang mga impormasyong ibinahagi mo sa iyong kamag-
aral habang naglalaro?
e. Anu-anong pagkakataon mo kailangang sabihin ang iyon
edad?
f. Bakit kailangang alam mo ang iyong edad?
Gawain2
Pagguhit
Gumuhit ng isang malaking keyk. Sa ibabaw nito,gumuhit ng mga
kandila na nagpapakita ng iyong edad. Lagyan ng paboritomong kulay
ang larawan.
Tandaan:
Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol
sa iyong sarili tulad ng iyong edad.
Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong
sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro.
Inihanda ni :
Gng. Olivia D. Carolino
San Teodoro District
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1
Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon sa sarili:Pangalan ng mga
magulang.
Konsepto: Ang Aking Sarili
Pangalan ng aking mga Magulang
Aralin I.A.1d
Pag-isipan: Anoang tawag mo sa iyong tatay at nanay?Alammo
ang tunay nilang pangalan? Ngayon ipapakilala nyo
ang inyong mga magulang.
Gawain1.
Idikit ang inyong dalang larawan ng inyong mga
magulang sa puppet stick.Pipili an glider ng bawat
pangkat na magpakilala ng kanyang mga magulang.
Gawain2.
Pag aralan ang sitwasyon. Namamasyal kayong mag-
Anak sa parke.Naaliw ka sa paglalaro sa slide at napa-
hiwalay ka iyong mga magulang. Nagtanong ka sa
gwardya para ipaalam sa mga magulang mo na
nawawala ka. Ano ang sasabihin mo?
Tandaan
Mahalagang malaman mo ang tunay na pangalan ng
iyong mga magulang.
Inihanda ni:
ANGELINA M. CEREZO
Socorro District
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkolsa sarili: Tirahan
Konsepto: Ang Aking Sarili
Ang Aking Tirahan
Aralin I.A.1e
A. Pag-isipan
Mayroon akong mga pira-pirasong bahagi ng larawan. Buuin ang
mga pira-pirasong bahagi ng larawan. Ano ang inyong nabuo?
Lahat ba kayo ay may bahay? Saan matatagpuan ang inyong
bahay?
Alam nyo ba kung saan naroroon ang inyong tirahan?
Gawain 1
Pagsasadula
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grupoat hikayating makiisa
ang lahat sa pagsasadula ng ibibigay na sitwasyon ng guro.
Sitwasyon
Isang araw ng Linggo, ang inyong mag-anak
ay namasyal sa parke. Sa di inaasahan, bigla kang
napahiwalay sa kanila dahil nalibang ka sa
panonood sa mga makukulay na bulaklak. Nakita ka
ng isang pulis at nagmagandang –loob na ikaw ay
ihatid sa inyong bahay, kung kaya’t ikaw ay
tinanong niya kung saan ka nakatira.
Matapos ang dula-dulaan, itanong ang sumusunod:
 Naranasan nyo na ba ang ganitong sitwasyon na kayo ay
napahiwalay sa inyong mga magulang habang kayo ay
namamasyal?
 Ano ang inyong naramdaman? Ano ang inyong ginawa?
Gawain 2
Iguhit Mo
Sa loob ng kahon, iguhit ang larawan ng iyong tirahan.Isulat sa
ilalim nito ang pangalan ng lugar kung saan kayonakatira.
Tandaan:
Inihanda ni :
OLIVIA D. CAROLINO
San Teodoro District
Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing
impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong tirahan.
Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala
ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro.
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkolsa sarili: Paaralan
Konsepto: Ang Aking Sarili
Ang aking paaralan
Aralin I.A.1f
A. Pag-isipan
Upang dagdagan ang mga kaalaman sa lahat ng bagay,saan
kaya maaaring pumunta ang lahat ng mga bata upang
matuto?Alam ba ninyo ang pangalan n gating paaralan
B. Gawain1- Field Trip
Hikayatin ang mga bata na lumabas ng silid-aralan upang
pagmasdan ang lugar kung saan nakapuwestoang paaralan.
Alamin natin ang pangalan ng ating paaralan.
Iturokung saan nakasulat ang ngalan ng paaralan at ipabigkas ito
ng tatlong beses sa mga bata.
Gawain 2-Pagkilalang Paaralan
Piliin ang larawan ng isang paaralan. Idikit ang pangalan ng
paaralan sa larawan.
C. Tandaan
Sa paaralan, napapaunlad ang kaalaman ng bawat mag-aaral.
Dito hinuhubog ang pagkataong isang bata gayundin po
angwastong asal at pag-uugali. Dito nabubuoang mga pangarap
ng bawat tao.
Inihanda ni:
AILEEN MARQUINA-CLAUD
Master Teacher I
Bongabong South District
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkolsa sarili:
pangalan,kaarawan,edad, magulang, tirahan,paaralan
Konsepto: Ang Aking Sarili
Aralin I.A.1g
Pag-isipan
Ano-ano ang mga nalalaman mo tungkol sa iyong sarili?
Gawain 1
Manghuli Tayo ng Isda
Sa isang malaking aquarium, ay may mga isdang naglalaman ng ngalan
ng bawat mag-aaral. Sa unang bahagi ng laro, ang guro ay manghuhuli
ng isda, ang pangalan na kanyang nahuli ang syang unang
magpapakilala ng kanyang sarili. Ang batang unang nagpakilala ang
sya naming manghuhuli ng isda para sa susunod na magpapakilala ng
kanyang sarili hanggang sa lahat ng bata ay makapagpakilala.
Gawain 2
Spin a Wheel
Ang bawat bata ay bibigyan ng guro ng colored cartolina strips na may
nakasulat na bilang. Paiikutin ng guro ang wheel na may nakasulat na
mga bilang.Kung sino man ang may hawak ng strip na may nakasulat na
bilang na natapatan ng arrow ay syang pupunta sa unahan upang
ipakilala ang sarili.
Tandaan:
Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol
sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan, kaarawan, edad, magulang,
tirahan, at paaralan.
Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong
sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro.
Inihanda ni :
Bb. Modgieline M. Co
San Teodoro District
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Layunin: Nailalarawan ang pisikal na katangian sa pamamagitan ng iba’t
ibang malikhaing pamamaraan
Konsepto: Ako ay Katangi-tangi
Aralin I.A.2
A. Pag-isipan
Bakit kaya ang bawat isa sa inyo ay may iba-ibang mukha?
Mayroon ba
sa inyo ang magkakaparehoang itsura?
B. Gawain3- Pagmomodelo
Tumawag ng 3 hanggang 4 na bata sa unahan ng klase.
Ipalarawan ang bawat isa ayon sa katangiang pisikal ng mga ito.
Lito Marisa Lina Ben
Ipaliwanag ang dahilan ng pagkakaiba-iba ng katangiang pisikal
ng bawat Pilipino depende sa laki ng katawan,kulay ng balat, hugis
ng mukha at taas o sukat ng isang nilalang. Ipaliwanag na ang
itsura ng kanilang sarili ay nakukuha mula sa kani-kanilang
magulang o ninuno.
Gawain4- Palalarawan
Tingnan ang larawan. Magbigay ng pagkakaiba o pagkakapareho
ng mga bata sa larawan.
Itatala ng guro ang mga sagot ng mga mag-aaral sa pisara.
C. Tandaan
Bawat tao ay nagkakaiba-iba ang katangiang pisikal tulad ng laki
ng isang katawan,kulay ng balat, hugis ng mukha at taas o sukat ng
katawan.Bagaman may pagkakahawig o pagkakapareho kung
minsan,
Hindi pa rin maaaring mangyari na ang dalawa o higit pang tao ay
magkatulad na magkatulad sa lahat ng bagay dahil taglay ng
bawat isa ang kanyangnatatanging katangiangpisikal.
Inihanda ni:
AILEEN MARQUINA-CLAUD
Master Teacher I
Bongabong South District
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Layunin: Nailalarawan ang mga pansariling kagustuhan tulad ng:
paboritong kapatid at pinsan.
Konsepto: Ang Aking Sarili
Paglalarawan ng paboritong kapatid at pinsan
Aralin I.A.5a
A. Pag-isipan
Sino sa inyo ang maraming kapatid?pinsan?
Mayroon ba sa kanila na tinuturing ninyong paborito o pinakagusto
ninyong kasama ?
Bakit kaya naging paborito ninyo sila?
B. Gawain1- Paglalarawanng Paboritong kapatid
Ilarawan ang inyong paboritong kapatid (maaaring kuya o ate)
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon kung ang isinasaad ng
pangungusap ay nagsasabi tungkolsa iyong paboritong kapatid at
ekis kung hindi.
1. Mabait ang paborito kong kapatid.
2. Maganda ang paborito kong ate.
3. Masipag ang paborito kong kuya.
4. Kulot ang paborito kong kuya
5. Mapagmahal si ate/ kuya.
Gawain2-Paglalarawanng Paboritong pinsan
Panuto:Iguhit ang masayang mukha kung tinutukoynito ang
paborito mong pinsan at malungkot na mukha kung hindi.
______1.Mahaba ang buhok.
______2.Bungi ang ngipin
______3.Mapagbigay sa lahat ng pagkakataon
Larawan ng kuya Larawan ng ate
______4.Palaaway
______5.Masayahin o palatawa
C. Tandaan
Bawat isa sa atin ay may pinakagustoo pinakapaboritong bagay.
Maaring ito ay pagkain o laruan. Pero may paborito rin tayong tao
at ito ay maaaring kapatid o pinsan. Sila ang maituturing na malapit
sa ating puso.Sa kanila natin nakikita ang katangian na gustong-
gusto natin. Sa kanila rin natin nararamdaman ang pagmamahal at
kalinga na hinahanap-hanap natin na nagbibigay halaga sa ating
pagkatao.
Inihanda ni:
AILEEN MARQUINA-CLAUD
Master Teacher I
Bongabong South District
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Layunin:Nailalarawan ang mga pansariling kagustuhan tulad
ng pagkainsa malikhaing pamamaraan.
Konsepto: Pagkilala sa Sarili
Paboritong Pagkain
Aralin I.A.5b
A. Pag-isipan
Kumakain ba kayobago kayopumasok sa paaralan?
May mga paborito ba kayong pagkain?
Ano ano ang mga ito?
B. Gawain 1
Pangkatin ang mga bata sa 4.
Bigyan ng puzzle ang bawat grupo.
Ipabuoang puzzle.
(larawan ng mga prutas)
Itanong:
Ano ang nabuo ninyo?
Gusto ba ninyo ang mga ito?
Ano ba ang naibibigay nito sa atin?
Gawain 2 ( Tingnan sa TG pahina 29-32)
Gawain 3 (Tingnan TG pp. 22-23 at LM pp.23-24)
C. Tandaan
Ang bawat bata ay may kani-kaniyang paboritong pagkain.
Ito ang nagpapakilala na ang bawat bata ay natatangi
D. kasunduan:
Magdala bukasng mga lumang magazine o lumang catalog
/brochurena makukulay,gunting at pandikit. Inihanda ni:
Inihanda ni:
ROSANNA A. CAYABYAB
Bansud District
UNANG MARKAHAN
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I
Layunin:Nailalarawan ang mga pansariling kagustuhan tulad
ng: damit,laruan at kulay sa malikhaing pamamaraan.
Konsepto: Pagkilala sa Sarili
Paboritong Damit, Laruan at Kulay
Aralin I.A.5c
A. Pag-isipan
Ano anong mga damit at laruan ang paborito ninyo?
May paborito ba kayong kulay?Ano ito?
B. Gawain 1
Mula sa mga lumang magazine, catalog/brochurena ipinadala
gumupit ng larawan ng mga damit at laruan na may paborito ninyong
kulay. Gamit ang ginupit na larawan,idikit ang mga ito sa malinis na
papel. Huwag kalimutang ilagay ang iyong pangalan at ang pamagat
na “Ito ang Gusto Ko.”
Sabihin na ang kanilang ginawa ay isang halimbawa ng collage.
Ipaliwanag ang konseptong ito.
Ang collage (ko-láds) ay pinagsama-samang larawan na
nagpapakita ng isang malaking ideya.
Hikayatin ang bawat mag-aaral na ibahagi sa klase ang natapos
nilang collage.
Gawain 2
a. Kumuha ng isang malinis na papel.
b. Itupi ang papel. Sa kanang bahagi iguhit ang paboritong damit
at sa kaliwang bahagi naman iguhit ang paboritong laruan.
c. Kulayan ito gamit ang paborito o pinakagustong kulay.
(Mga idinikit Larawan)
d. Ilagay ginawa sa paskilan.
C. Tandaan:
Ang bawat bata ay may kani-kaniyang paborito o
pinakagustong damit,laruan at kulay.
Ito ang nagpapakilala na ang bawat bata ay natatangi.
Inihanda ni:
ROSANNA A. CAYABYAB
Bansud District

Contenu connexe

Tendances

Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
JesiecaBulauan
 
lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan
Mhelane Herebesi
 
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Glydz Ubongen
 
Banghay aralin sa filipino 5
Banghay aralin sa filipino 5Banghay aralin sa filipino 5
Banghay aralin sa filipino 5
DepEd Philippines
 
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernalMultigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
Edi sa puso mo :">
 
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docxBANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
GenevieAnigan
 

Tendances (20)

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
 
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
 
Sanhi at Bunga DLP 6.docx
Sanhi at Bunga DLP 6.docxSanhi at Bunga DLP 6.docx
Sanhi at Bunga DLP 6.docx
 
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
 
Araling Panlipunan 6 - MELC Updated
Araling Panlipunan 6 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 6 - MELC Updated
Araling Panlipunan 6 - MELC Updated
 
Maikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdfMaikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdf
 
lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan
 
Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan
Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotanEpp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan
Epp aralin 5 8 pangangalaga ng kasuotan
 
Detalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VI
Detalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VIDetalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VI
Detalyadong Banghay-Aralin sa HEKASI VI
 
K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1
K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1
K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1
 
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
Detalyadong banghay sa araling panlipunan 3
 
Banghay aralin sa filipino 5
Banghay aralin sa filipino 5Banghay aralin sa filipino 5
Banghay aralin sa filipino 5
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
 
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernalMultigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
Multigrade lesson plan in filipino (uri ng pangngalan) by sheena bernal
 
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docxBANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4  2ND QUARTER  SY 2021-2022.docx
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 4 2ND QUARTER SY 2021-2022.docx
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
 
Lesson plan english 6 -retelling
Lesson plan english 6 -retelling Lesson plan english 6 -retelling
Lesson plan english 6 -retelling
 

Similaire à Ap g1 lp q1

Ap teacher's guide (q1&2)
Ap teacher's guide (q1&2)Ap teacher's guide (q1&2)
Ap teacher's guide (q1&2)
Nancy Damo
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
BabylynNate
 
Masusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-AralinMasusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-Aralin
ar_yhelle
 
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W8_D4 (1).docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W8_D4 (1).docxDLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W8_D4 (1).docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W8_D4 (1).docx
obadojosie40
 

Similaire à Ap g1 lp q1 (20)

Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12
 
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdfTG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
 
Ap teacher's guide (q1&2)
Ap teacher's guide (q1&2)Ap teacher's guide (q1&2)
Ap teacher's guide (q1&2)
 
Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 1_Q1_W1.docx
 
AP_DLP 8 31.docx
AP_DLP 8 31.docxAP_DLP 8 31.docx
AP_DLP 8 31.docx
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxMLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
 
Araling panlipunan.pptx
Araling panlipunan.pptxAraling panlipunan.pptx
Araling panlipunan.pptx
 
MTB-Q1W1-WEEKLY-LEARNING-PLAN.docx
MTB-Q1W1-WEEKLY-LEARNING-PLAN.docxMTB-Q1W1-WEEKLY-LEARNING-PLAN.docx
MTB-Q1W1-WEEKLY-LEARNING-PLAN.docx
 
Saklolo manual
Saklolo manualSaklolo manual
Saklolo manual
 
instructional materials in apan pptx doc
instructional materials in apan pptx docinstructional materials in apan pptx doc
instructional materials in apan pptx doc
 
WEEK-1-AP-day-1-5.pptx
WEEK-1-AP-day-1-5.pptxWEEK-1-AP-day-1-5.pptx
WEEK-1-AP-day-1-5.pptx
 
WEEK-1-AP-day-1-5 (1).pptx
WEEK-1-AP-day-1-5 (1).pptxWEEK-1-AP-day-1-5 (1).pptx
WEEK-1-AP-day-1-5 (1).pptx
 
Q4-WEEK6DAY3.pptx
Q4-WEEK6DAY3.pptxQ4-WEEK6DAY3.pptx
Q4-WEEK6DAY3.pptx
 
AP1-Q1-M1-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M1-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M1-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M1-FINAL_SLM.pdf
 
Filipino 4
Filipino 4Filipino 4
Filipino 4
 
PANGHALIP_PANANONG.pptx
PANGHALIP_PANANONG.pptxPANGHALIP_PANANONG.pptx
PANGHALIP_PANANONG.pptx
 
Masusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-AralinMasusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-Aralin
 
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W8_D4 (1).docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W8_D4 (1).docxDLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W8_D4 (1).docx
DLL_ALL SUBJECTS 1_Q2_W8_D4 (1).docx
 

Ap g1 lp q1

  • 1. UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin: Nasasabi ang batayangimpormasyon tungkolsa sarili: PANGALAN Konsepto: Ang Aking Sarili Ang aking Pangalan Aralin I.A.1a A. Pag-isipan Ano ano ang alam ninyo tungkolsa inyong sarili? Makikilala ba kayo kapag wala kayong pangalan? Alam ba ninyo ang inyong pangalan? B. Gawain 1 Ituroang awit sa klase. Awit ito ng lahatan pagkataposay pangkatan. Tumawag lamang ng ilang bata upang gamitin ang kanilang pangalan. Itanong:Anong impormasyon ang inyong ibinigay matapos kayong umawit? Gawain 2 Isa-isahing tawagin ang bata upang magpakilala sa unahan. Gabayan ang mga bata sa pagsasabi ng kanilang pangalan. Itanong:Bakit kailangang alam mo ang iyong pangalan? (Kung may oras pa isagawa ang GAWAIN 3 na nasa TG p. 6 at LM p.6) C. Tandaan: Mahalagang malaman mo ang pangunahing impormasyon tungkolsa iyong sarili tulad ng iyong pangalan. Magagamit mo ito sa pagpapakilala sa mga bagong kaibigan, kaklase, at kalaro. Inihanda ni: ROSANNA A. CAYABYAB Bansud District Ako ay may pangalan,pangalang maganda Ito’y bigay sa akin ng aking ama’t ina. Nene, Nene ang tawag sa bahay, Anelyn, Anelyn ako sa eskwela.
  • 2. UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkolsa sarili: Kaarawan Konsepto: Ang Aking Sarili Ang Aking Kaarawan Aralin I.A.1b A. Pag-isipan Tingnan ang larawan, ano sa palagay nyo ang isinasaad ng larawan? Sino sa inyo ang nakadalo na sa isang pagdiriwang na katulad nito? Nakaranas na ba kayong magdiwang ng kaarawan? Ano ang inyong naramdaman? B. Gawain 1 Laro: Paglaruin ang mga mag-aaral. Sabihin ang mga panuto bago simulan ang laro. Magpapangkat – pangkat kayo ng iyong mga kamag-aral ayon sa buwan ng inyong kaarawan. Pipili ang guro ng lider sa
  • 3. bawat buwan. Bibigyan ng guro ang bawat lider ng lobo na may nakasulat na ngalan ng buwan. Matapos ang laro, itanong ang mga sumusunod sa mga mag- aaral? a. Ano ang mga impormasyong ibinahagi mo sa iyong kamag- aral habang naglalaro? b. Anu-anong pagkakataon mo kailangang sabihin ang iyon kaarawan? c. Bakit kailangang alam mo ang iyong kaarawan? Gawain2 Awit: Paghahandog ng awit sa mga batang may kaarawan sa kasalukuyang buwan. ( Awit: “ Happy Birthday”) Tandaan: Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong kaarawan. Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro. Inihanda ni : Bb. Modgieline M. Co San Teodoro District
  • 4. UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkolsa sarili: Edad Konsepto: Ang Aking Sarili Ang Aking Edad Aralin I.A.1c A. Pag-isipan Tingnan ang larawan. Ano ang masasabi nyo sa dalawang bata na nasa larawan? Ano ang masasabi nyo sa bihis ng batang babae? Bakit kaya maganda ang bihis niya? Ilang taon na kaya siya? Gawain 1 Laro: Pasahan ng bola sa saliw ng tugtugin. Gagawa ang mga bata ng isang malaking bilog. Ibibigay ng guro ang bola sa isang bata, pagtigil ng tugtog, sasabihin ng batang may hawak ng bola ang kanyang edad. Matapos ang laro, itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral?
  • 5. d. Ano ang mga impormasyong ibinahagi mo sa iyong kamag- aral habang naglalaro? e. Anu-anong pagkakataon mo kailangang sabihin ang iyon edad? f. Bakit kailangang alam mo ang iyong edad? Gawain2 Pagguhit Gumuhit ng isang malaking keyk. Sa ibabaw nito,gumuhit ng mga kandila na nagpapakita ng iyong edad. Lagyan ng paboritomong kulay ang larawan. Tandaan: Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong edad. Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro. Inihanda ni : Gng. Olivia D. Carolino San Teodoro District
  • 6. UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1 Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon sa sarili:Pangalan ng mga magulang. Konsepto: Ang Aking Sarili Pangalan ng aking mga Magulang Aralin I.A.1d Pag-isipan: Anoang tawag mo sa iyong tatay at nanay?Alammo ang tunay nilang pangalan? Ngayon ipapakilala nyo ang inyong mga magulang. Gawain1. Idikit ang inyong dalang larawan ng inyong mga magulang sa puppet stick.Pipili an glider ng bawat pangkat na magpakilala ng kanyang mga magulang.
  • 7. Gawain2. Pag aralan ang sitwasyon. Namamasyal kayong mag- Anak sa parke.Naaliw ka sa paglalaro sa slide at napa- hiwalay ka iyong mga magulang. Nagtanong ka sa gwardya para ipaalam sa mga magulang mo na nawawala ka. Ano ang sasabihin mo? Tandaan Mahalagang malaman mo ang tunay na pangalan ng iyong mga magulang. Inihanda ni: ANGELINA M. CEREZO Socorro District
  • 8. UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkolsa sarili: Tirahan Konsepto: Ang Aking Sarili Ang Aking Tirahan Aralin I.A.1e A. Pag-isipan Mayroon akong mga pira-pirasong bahagi ng larawan. Buuin ang mga pira-pirasong bahagi ng larawan. Ano ang inyong nabuo? Lahat ba kayo ay may bahay? Saan matatagpuan ang inyong bahay? Alam nyo ba kung saan naroroon ang inyong tirahan? Gawain 1 Pagsasadula Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grupoat hikayating makiisa ang lahat sa pagsasadula ng ibibigay na sitwasyon ng guro. Sitwasyon Isang araw ng Linggo, ang inyong mag-anak ay namasyal sa parke. Sa di inaasahan, bigla kang napahiwalay sa kanila dahil nalibang ka sa panonood sa mga makukulay na bulaklak. Nakita ka ng isang pulis at nagmagandang –loob na ikaw ay ihatid sa inyong bahay, kung kaya’t ikaw ay tinanong niya kung saan ka nakatira.
  • 9. Matapos ang dula-dulaan, itanong ang sumusunod:  Naranasan nyo na ba ang ganitong sitwasyon na kayo ay napahiwalay sa inyong mga magulang habang kayo ay namamasyal?  Ano ang inyong naramdaman? Ano ang inyong ginawa? Gawain 2 Iguhit Mo Sa loob ng kahon, iguhit ang larawan ng iyong tirahan.Isulat sa ilalim nito ang pangalan ng lugar kung saan kayonakatira. Tandaan: Inihanda ni : OLIVIA D. CAROLINO San Teodoro District Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong tirahan. Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro.
  • 10. UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkolsa sarili: Paaralan Konsepto: Ang Aking Sarili Ang aking paaralan Aralin I.A.1f A. Pag-isipan Upang dagdagan ang mga kaalaman sa lahat ng bagay,saan kaya maaaring pumunta ang lahat ng mga bata upang matuto?Alam ba ninyo ang pangalan n gating paaralan B. Gawain1- Field Trip Hikayatin ang mga bata na lumabas ng silid-aralan upang pagmasdan ang lugar kung saan nakapuwestoang paaralan. Alamin natin ang pangalan ng ating paaralan. Iturokung saan nakasulat ang ngalan ng paaralan at ipabigkas ito ng tatlong beses sa mga bata. Gawain 2-Pagkilalang Paaralan Piliin ang larawan ng isang paaralan. Idikit ang pangalan ng paaralan sa larawan.
  • 11. C. Tandaan Sa paaralan, napapaunlad ang kaalaman ng bawat mag-aaral. Dito hinuhubog ang pagkataong isang bata gayundin po angwastong asal at pag-uugali. Dito nabubuoang mga pangarap ng bawat tao. Inihanda ni: AILEEN MARQUINA-CLAUD Master Teacher I Bongabong South District UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkolsa sarili: pangalan,kaarawan,edad, magulang, tirahan,paaralan Konsepto: Ang Aking Sarili Aralin I.A.1g Pag-isipan Ano-ano ang mga nalalaman mo tungkol sa iyong sarili?
  • 12. Gawain 1 Manghuli Tayo ng Isda Sa isang malaking aquarium, ay may mga isdang naglalaman ng ngalan ng bawat mag-aaral. Sa unang bahagi ng laro, ang guro ay manghuhuli ng isda, ang pangalan na kanyang nahuli ang syang unang magpapakilala ng kanyang sarili. Ang batang unang nagpakilala ang sya naming manghuhuli ng isda para sa susunod na magpapakilala ng kanyang sarili hanggang sa lahat ng bata ay makapagpakilala. Gawain 2 Spin a Wheel Ang bawat bata ay bibigyan ng guro ng colored cartolina strips na may nakasulat na bilang. Paiikutin ng guro ang wheel na may nakasulat na mga bilang.Kung sino man ang may hawak ng strip na may nakasulat na bilang na natapatan ng arrow ay syang pupunta sa unahan upang ipakilala ang sarili. Tandaan:
  • 13. Mahalagang malaman mo ang mg pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan, kaarawan, edad, magulang, tirahan, at paaralan. Magagamit mo ang mga impormasyong ito sa pagpapakilala ng iyong sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro. Inihanda ni : Bb. Modgieline M. Co San Teodoro District UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin: Nailalarawan ang pisikal na katangian sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing pamamaraan Konsepto: Ako ay Katangi-tangi Aralin I.A.2 A. Pag-isipan
  • 14. Bakit kaya ang bawat isa sa inyo ay may iba-ibang mukha? Mayroon ba sa inyo ang magkakaparehoang itsura? B. Gawain3- Pagmomodelo Tumawag ng 3 hanggang 4 na bata sa unahan ng klase. Ipalarawan ang bawat isa ayon sa katangiang pisikal ng mga ito. Lito Marisa Lina Ben Ipaliwanag ang dahilan ng pagkakaiba-iba ng katangiang pisikal ng bawat Pilipino depende sa laki ng katawan,kulay ng balat, hugis ng mukha at taas o sukat ng isang nilalang. Ipaliwanag na ang itsura ng kanilang sarili ay nakukuha mula sa kani-kanilang magulang o ninuno. Gawain4- Palalarawan Tingnan ang larawan. Magbigay ng pagkakaiba o pagkakapareho ng mga bata sa larawan.
  • 15. Itatala ng guro ang mga sagot ng mga mag-aaral sa pisara. C. Tandaan Bawat tao ay nagkakaiba-iba ang katangiang pisikal tulad ng laki ng isang katawan,kulay ng balat, hugis ng mukha at taas o sukat ng katawan.Bagaman may pagkakahawig o pagkakapareho kung minsan, Hindi pa rin maaaring mangyari na ang dalawa o higit pang tao ay magkatulad na magkatulad sa lahat ng bagay dahil taglay ng bawat isa ang kanyangnatatanging katangiangpisikal. Inihanda ni: AILEEN MARQUINA-CLAUD Master Teacher I Bongabong South District UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin: Nailalarawan ang mga pansariling kagustuhan tulad ng:
  • 16. paboritong kapatid at pinsan. Konsepto: Ang Aking Sarili Paglalarawan ng paboritong kapatid at pinsan Aralin I.A.5a A. Pag-isipan Sino sa inyo ang maraming kapatid?pinsan? Mayroon ba sa kanila na tinuturing ninyong paborito o pinakagusto ninyong kasama ? Bakit kaya naging paborito ninyo sila? B. Gawain1- Paglalarawanng Paboritong kapatid Ilarawan ang inyong paboritong kapatid (maaaring kuya o ate) Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagsasabi tungkolsa iyong paboritong kapatid at ekis kung hindi. 1. Mabait ang paborito kong kapatid. 2. Maganda ang paborito kong ate. 3. Masipag ang paborito kong kuya. 4. Kulot ang paborito kong kuya 5. Mapagmahal si ate/ kuya. Gawain2-Paglalarawanng Paboritong pinsan Panuto:Iguhit ang masayang mukha kung tinutukoynito ang paborito mong pinsan at malungkot na mukha kung hindi. ______1.Mahaba ang buhok. ______2.Bungi ang ngipin ______3.Mapagbigay sa lahat ng pagkakataon Larawan ng kuya Larawan ng ate
  • 17. ______4.Palaaway ______5.Masayahin o palatawa C. Tandaan Bawat isa sa atin ay may pinakagustoo pinakapaboritong bagay. Maaring ito ay pagkain o laruan. Pero may paborito rin tayong tao at ito ay maaaring kapatid o pinsan. Sila ang maituturing na malapit sa ating puso.Sa kanila natin nakikita ang katangian na gustong- gusto natin. Sa kanila rin natin nararamdaman ang pagmamahal at kalinga na hinahanap-hanap natin na nagbibigay halaga sa ating pagkatao. Inihanda ni: AILEEN MARQUINA-CLAUD Master Teacher I Bongabong South District UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin:Nailalarawan ang mga pansariling kagustuhan tulad ng pagkainsa malikhaing pamamaraan. Konsepto: Pagkilala sa Sarili
  • 18. Paboritong Pagkain Aralin I.A.5b A. Pag-isipan Kumakain ba kayobago kayopumasok sa paaralan? May mga paborito ba kayong pagkain? Ano ano ang mga ito? B. Gawain 1 Pangkatin ang mga bata sa 4. Bigyan ng puzzle ang bawat grupo. Ipabuoang puzzle. (larawan ng mga prutas) Itanong: Ano ang nabuo ninyo? Gusto ba ninyo ang mga ito? Ano ba ang naibibigay nito sa atin? Gawain 2 ( Tingnan sa TG pahina 29-32) Gawain 3 (Tingnan TG pp. 22-23 at LM pp.23-24) C. Tandaan Ang bawat bata ay may kani-kaniyang paboritong pagkain. Ito ang nagpapakilala na ang bawat bata ay natatangi D. kasunduan: Magdala bukasng mga lumang magazine o lumang catalog /brochurena makukulay,gunting at pandikit. Inihanda ni: Inihanda ni: ROSANNA A. CAYABYAB Bansud District UNANG MARKAHAN Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I Layunin:Nailalarawan ang mga pansariling kagustuhan tulad ng: damit,laruan at kulay sa malikhaing pamamaraan.
  • 19. Konsepto: Pagkilala sa Sarili Paboritong Damit, Laruan at Kulay Aralin I.A.5c A. Pag-isipan Ano anong mga damit at laruan ang paborito ninyo? May paborito ba kayong kulay?Ano ito? B. Gawain 1 Mula sa mga lumang magazine, catalog/brochurena ipinadala gumupit ng larawan ng mga damit at laruan na may paborito ninyong kulay. Gamit ang ginupit na larawan,idikit ang mga ito sa malinis na papel. Huwag kalimutang ilagay ang iyong pangalan at ang pamagat na “Ito ang Gusto Ko.” Sabihin na ang kanilang ginawa ay isang halimbawa ng collage. Ipaliwanag ang konseptong ito. Ang collage (ko-láds) ay pinagsama-samang larawan na nagpapakita ng isang malaking ideya. Hikayatin ang bawat mag-aaral na ibahagi sa klase ang natapos nilang collage. Gawain 2 a. Kumuha ng isang malinis na papel. b. Itupi ang papel. Sa kanang bahagi iguhit ang paboritong damit at sa kaliwang bahagi naman iguhit ang paboritong laruan. c. Kulayan ito gamit ang paborito o pinakagustong kulay. (Mga idinikit Larawan)
  • 20. d. Ilagay ginawa sa paskilan. C. Tandaan: Ang bawat bata ay may kani-kaniyang paborito o pinakagustong damit,laruan at kulay. Ito ang nagpapakilala na ang bawat bata ay natatangi. Inihanda ni: ROSANNA A. CAYABYAB Bansud District