Pamahalaan – mula sa salitang
pamae na may kahulugang
pananagutan o responsibilidad
at kasingkahulugan ng
pamamatnubay o
pamamatnugot.
Pamahalaan – mula sa salitang
latin na GUBERNACULUMS
na ang ibig sabihin ay TIMON
(ANCHOR). Gumagabay sa
estado at mga namumuno;
isang sistema ng pamamahala
2. Pagpapatayo ng mga
ospital, health centers,
pagkakaroon ng mga
programang
pangkalusugan
Ang pamahalaan ang gumagawa
ng paraan para maibigay ang mga
pangangailangan ng mga tao para
mabuhay nang payapa, maayos, at
makamit ang maunlad na
pamumuhay sa pamamagitan ng:
1. Pagpapagawa ng mga
imprastraktura upang
malutas ang suliranin sa
trapiko at pagsisikip.
2. Paggawa ng mga
parke, palaruan at iba
pang recreational
facilities.
3. Pagpapatayo ng mga
pamilihan para matugunan
ang patuloy na suplay ng
pagkain, damit at iba pang
pangangailangan ng pamilya
4. Nagbibigay ng hanapbuhay
5. Pagtatakda ng mga batas
upang maiwasan ang pag-abuso
ng mga tinatamang karapatan.
6. Pagkakaroon ng ugnayang
diplomatiko sa ibang bansa
upang makipagtulungan at
mapabuti ang kabuhayan ng
bansa.
2 uri ng Monarkiya:
1. Ganap na Monarkiya
(Absolute Monarchy)
-ang lahat ng kapangyarihan ay
nasa iisang namumuno lamang.
Walang taong sakop na hindi
sumusunod sa kautusan ng hari o
reyna.
Sila ang gumagawa ng batas,
nagpapatupad nito at nanghuhukom sa
mga paglabag sa batas.
2 uri ng Monarkiya:
2. Natatakdang Monarkiya
(Limited Monarchy)
-ang kapangyarihan ng isang
namumuno ay isinasaayos ng isang
konstitusyon.
Karaniwang tinatak-daan ng
konstitusyon o kasunduan ang
tungkulin at gawain ng hari o reyna.
Sa Inglatera, Japan, Portugal,
Thailand, ang mga hari/reyna ay
Pansermonyang Puno ng Estado.
Nakasalalay ang kapangyarihang
pampulitika sa parlyamentong
pinamumunuan ng Kataas-taasang
Ministro, ang hari o reyna ang
sagisag ng pambansang pagkakaisa
at ng kapangyarihan ng estado.
TUWIRANG DEMOKRASYA –
pinamamahalaan ng mga tao ang
sarili nila sa pamamagitan ng mga
pagpupulong kung saan pinag-
uusapan nila ang mga suliranin at
mga solusyong dapat isagawa.
DI-TUWIRANG DEMOKRASYA – ang mga
namumuno ay inihahalal ng mga kwalipikadong
manghahalal.
Karamihan sa mga bansang demokratiko ay di-
tuwiran dahil sa lawak ng teritoryo at dami ng
populasyon.
Halimbawa: U.S, Pilipinas
PAMPANGULUHAN – ang pinuno
ng bansa at ng pamahalaan ay ang
pangulo na inihalal ng mga tao.
Walang pananagutan ang Pangulo sa
Batasan ng bansa maliban sa mga
itinadhana ng Saligang-Batas.
PARLYAMENTO – ang sangay ng
tagapagbatas ang may hawak ng
kapangyarihang mamahala.
Ang tunay na pinuno ng pamahalaan ang
ang Punong Ministro at ang kanyang
Gabinete na mga halal na miyembro ng
Parlyamento.
Bansa Uri ng Pamahalaan Pinuno
United Arab Emirates Absolute Monarchy King
Mayanmar Constitutional Republic President
Australia Federal Parliamentary Prime Minster
Switzerland Confederation of Swiss
Confederates
President
Estados Unidos Federal Republic President
Inglatera Constitutional Monarchy Prime Minister
Cuba Totalitarian Communist State President
Afghanistan Islamic Republic President
Spain Constitutional Monarchy Prime Minister
Qatar Monarchy King
Activity:
Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang uri ng
Pamahalaan. Ang bawat isa ay may kanya-kaniyang
alituntunin na sinusunod ayon sa kanilang
ideyolohiya at paniniwala.
Sa iyong palagay anong uri ng pamahalaan ang
nababagay sa Pilipinas? Bakit?
Activity:
1. Ano ang pamahalaan?
2. Bakit kailangan ng bawat lipunan o estado ang isang
pamahalaan?
3. Bakit nagkakaiba-iba ang uri ng pamahalaan?
4. Bakit kailangan ng pamahalaan ang suporta ng mga
mamamayan sa pagsasakatuparan ng gma gawain
nito?
5. Sa lahat ng uri ng pamahalaang natutuhan mo, anong
uri ang pinakagusto mo? Bakit?