SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  26
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa
Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang
mga sinaunang Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong
mga pasalin-dila lamang gaya ng mga bulong,
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at
awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-
bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang
mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan
bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay
pasalin-dila. Ngunit may mga panitikan ring
naisulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay
na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na
lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo
(archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan,
pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang
dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga
ito ay gawa ng demonyo.
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay
ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY.
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay
ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at
upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng kanilang nasasakop.
Mahahati ang panitikan sa dalawa sa
panahong ito: una ay pamaksang
pananampalataya at kabutihang-asal at ang
ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.
Dahil sa pananampalataya ang pangunahing
pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang
nalikha sa panahong ito ay halos paksang
pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri
ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang
gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng
konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga
Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga
pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at
prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at
Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.
Sa panahong ito, piling-pili lamang ang
nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang
kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang
nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa
nadaramang takot at pagiging madamot ng mga
Kastila.
Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang
aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana na
nalimbag noong 1553 na isang panrelihiyong
aklat.
Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na
makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa
nama’y ang mga senakulo, santa cruzan,
at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay
pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila,
isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng
mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao
at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang
Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang
Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga
dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa
likod ng isang mailaw at puting tela.
Ang mga panitikan namang ukol sa
kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre
Modesto de Castro.
Nalimbag rin sa panahong ito ang
pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 –
ang Successos Felices (Fortunate Events) ni
Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong
Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang
pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del
Superior Govierno na umabot hanggang
labinlimang tomo.
Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang
pampanitikan, sa panahon ng pananakop ng Kastila,
karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang
rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino
sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at
nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta
at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga
Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang
Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng
mga prayle at pamahalaang Kastila.
Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga
panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang mga
pahayagang propagandista na pinangunahan ng La
Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayong
“Matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang
bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-
ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng
bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at
upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.”
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago
ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-
panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa
mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na
makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may
sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng
pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na
unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa
sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa
mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya
ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga
Kabataang Dalaga sa Malolos.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na
may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-
Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano
Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami
pang iba ay nagsisulat din.
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang
mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang
dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa
pamahalaang Kastila.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa
Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng
mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang
imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at
Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa
bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang
wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga
panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na
manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina
Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal;
Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang
natatanging mga talumpati; si Lope K. Santos na
sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at
nagpauso ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de
Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may
panulat-sagisag na „Huseng Batute; at si Jose dela
Cruz na may panulat-sagisag na “Huseng Sisiw” dahil
sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng
tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng
imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama
ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na pinakaunang
nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at
maraming-marami pang iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy
tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong Tomasites sa
pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre)
ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing
– ang pelikula.
Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng
mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang panitikan sa
bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong
ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan
umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga
sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga
Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa
mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang
tinig (silent films); unti-unting naisantabi pansamantala ang
dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga
Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.
Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay
halos mga dokumentaryo ukol sa pagsabog ng mga bulkan
at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong
bunga lamang ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa
mga katutubong Pilipino.
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay
ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng kanyang
dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood
na ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang
kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene.
Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon
ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose Nepumuceno hango
sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni
Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan.
Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na
makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi
rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga
manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na
paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang
kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay
alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila.
Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon
ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at
sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal
noong Mayo ng 1903 – Ang Tanikalang Ginto. Inakyat
ng mga alagad ng batas ang Batangas habang
itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-
akda. Ngunit napawalang sala rin sa tulong ng isang
mahusay na manananggol na Pilipino. Ang
dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio
Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit
pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako
Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa
ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay.
Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima,
gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor
noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng
kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang
Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na
Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang
pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng
bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong
Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang
pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong
wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat
sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng
panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang
Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa
noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib
ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na
babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at
Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na
maka-feministang maikling-kwento.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may
tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa
taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling
tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay
7-7-7-7)
Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng
kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa
kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang
pampanitikan ng bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t
ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga
sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling
Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling
Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako‟y Isang Tinig ni
Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin
buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa
mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-
wika ng panitikan ng Pilipinas.
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino
nang ilunsad ang Gawad Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo
ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang
dekada ‟80 at ang kanilang panitikang aktibista
gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat
na Rio Alma) at Quintin Perez.
Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag
sa media gaya ng sa radyo, telebisyon at sinehan.
Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda
Papin at Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan
Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na
naging laman ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya nina
Ricardo “Ricky” Lee (may-akda/ Himala at Oro, Plata,
Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng
Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at
Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/ Oro, Plata, Mata).
Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks)
na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang
pinakatanyag na Pugad Baboy.
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit
na sumigla ang panitikang Filipino dahil sa trend o pinauso
na dulot ng media.
Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng
mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla muli sa OPM.
Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads
gaya ng sa Yano, Siakol, Green Department, the Teeth,
Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip
sa kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng
iba pang genre ng musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of
the Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat
pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting kinilalang
imortal sa panahong ito ay ang Huling El
Bimbo, Iskin, Banal na Aso – Santong Kabayo, Himala,
Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare
Ko at Miss sa Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda,
kinilala rin ang mga musika ni Jolina
Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa na
mga supling ng makabagong melo-musika ng bansa.
Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata
lalung-lalo na ang Batibot, Ang TV at 5 and up. At mga
dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda.
Puspusan din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga
maikling-kwento at nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon
ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng
marami pang dulang pampelikula. Naipanganak din ang
maraming genre ng pelikula gaya ng independent
flims at cinema veritae film.
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi
lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa
anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang
panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang
Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video
clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan
hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino
sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang
media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga unibersidad
at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga
pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga
mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi
magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-
usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga
at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa
pagtaguyod ng panitikan ng lahi.

Contenu connexe

Tendances

Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
Marie Louise Sy
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Alexis Trinidad
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysay
AlLen SeRe
 
Panahon ng katutubo
Panahon ng katutuboPanahon ng katutubo
Panahon ng katutubo
Mardy Gabot
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Karen Fajardo
 

Tendances (20)

Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
 
Rehiyon vii gitnang bisayas
Rehiyon vii gitnang bisayasRehiyon vii gitnang bisayas
Rehiyon vii gitnang bisayas
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
 
Pa nahon ng aktibismo
Pa nahon ng aktibismoPa nahon ng aktibismo
Pa nahon ng aktibismo
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysay
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Tatlong Maria (nobela)
Tatlong Maria (nobela)Tatlong Maria (nobela)
Tatlong Maria (nobela)
 
Teoryang imahismo
Teoryang imahismoTeoryang imahismo
Teoryang imahismo
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Panitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng RepublikaPanitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng Republika
 
Ang nobela sa panahon ng hapon
Ang nobela sa panahon ng haponAng nobela sa panahon ng hapon
Ang nobela sa panahon ng hapon
 
Panahon ng katutubo
Panahon ng katutuboPanahon ng katutubo
Panahon ng katutubo
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipinoMaikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipino
 
Karagatan
KaragatanKaragatan
Karagatan
 
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term PaperEbolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino- Term Paper
 
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ; Katangian ng isang Mahu...
 

En vedette (6)

Perseverance
PerseverancePerseverance
Perseverance
 
Perseverance
PerseverancePerseverance
Perseverance
 
Dula
DulaDula
Dula
 
DULA
DULADULA
DULA
 
Perseverance
PerseverancePerseverance
Perseverance
 
Perseverance
PerseverancePerseverance
Perseverance
 

Similaire à Filipino presentation

Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Gilbert Joyosa
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikan
SCPS
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
jobellejulianosalang
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
AngelaTaala
 
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng haponPanahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
SpencerPelejo
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
Nikko Mamalateo
 

Similaire à Filipino presentation (20)

Flordeliza
FlordelizaFlordeliza
Flordeliza
 
Flordeliza
FlordelizaFlordeliza
Flordeliza
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikan
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at TalumpatiKASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
 
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng haponPanahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
Panahon ng himagsikan, panahon ng amerikano at panahon ng hapon
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
Filipino takdang aralin
Filipino takdang aralinFilipino takdang aralin
Filipino takdang aralin
 
Filipino-Group 5
Filipino-Group 5Filipino-Group 5
Filipino-Group 5
 
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptxULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
 
Panulaang Filipino (LIT-6) Reviewer.pptx
Panulaang Filipino (LIT-6) Reviewer.pptxPanulaang Filipino (LIT-6) Reviewer.pptx
Panulaang Filipino (LIT-6) Reviewer.pptx
 
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docxkaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 

Filipino presentation

  • 1.
  • 2. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila lamang gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong- bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
  • 3. Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. Ngunit may mga panitikan ring naisulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.
  • 4. Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.
  • 5. Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.
  • 6. Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila. Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.
  • 7. Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa nama’y ang mga senakulo, santa cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.
  • 8. Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro. Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 – ang Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior Govierno na umabot hanggang labinlimang tomo.
  • 9. Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan, sa panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan. Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.
  • 10. Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayong “Matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang- ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.” Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag- panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.
  • 11. Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos. Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez- Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.
  • 12.
  • 13. Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
  • 14. Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati; si Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na „Huseng Batute; at si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na “Huseng Sisiw” dahil sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang iba.
  • 15. Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula. Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.
  • 16. Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa pagsabog ng mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino. Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan.
  • 17. Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan. Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat.
  • 18. Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – Ang Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may- akda. Ngunit napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay.
  • 19. Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
  • 20. Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento. Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)
  • 21. Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako‟y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling- wika ng panitikan ng Pilipinas.
  • 22. Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang Gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ‟80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
  • 23. Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo, telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na naging laman ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (may-akda/ Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/ Oro, Plata, Mata). Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy. Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang Filipino dahil sa trend o pinauso na dulot ng media.
  • 24. Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano, Siakol, Green Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of the Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El Bimbo, Iskin, Banal na Aso – Santong Kabayo, Himala, Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga musika ni Jolina Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling ng makabagong melo-musika ng bansa.
  • 25. Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na ang Batibot, Ang TV at 5 and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda. Puspusan din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Naipanganak din ang maraming genre ng pelikula gaya ng independent flims at cinema veritae film. Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin.
  • 26. Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga unibersidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag- usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.