1. Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago
at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino
Maricar Francia
manunulat
TELEBISYON
2. • Isa pang mahalagang midyum sa
larangan ng broadcast media at
hindi maikakailang bahagi ng buhay
ng bawat Pilipino ang telebisyon.
Naging bahagi at sinasabing kasama
nga sa daily routine ng mga Pilipino
ang panonood ng mga palabas sa
telebisyon simula sa paggising sa
umaga sa mga morning show
hanggang sa oras na bago matulog
sa mga prime time na mga panoorin
kabilang na ang mga teledrama,
balita at mga dokumentaryong
pantelebisyon.
3. • Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng
telebisyon noong panahon ng Martial Law, sumibol
naman ang mas matapang na anyo ng balita at
talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng
telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala
ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng
mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa
sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon.
Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na
sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho,
Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at
Kara David.
.
5. Dokumentaryong
Pantelebisyon – Mga
palabas na naglalayong
maghatid ng
komprehensibo at
estratehikong proyekto
na sumasalamin sa
katotohanan ng buhay
at tumatalakay sa
kultura at pamumuhay
sa isang lipunan.
6. Gaya ng pelikula ang mga programang
pantelebisyon ay maituturing ding isang uri
ng sining na nagsisilbing libangan at
gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.
Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng
kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal,
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon
at iba pa. Malaki ang nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang
nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan
at pananaw ng isang nilikha ay maaaring
maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na
mga programa sa telebisyon.
7. MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG
MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG
DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON:
1.PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM
*Magpaalam sa taong gustong
kapanayamin
*Kilalanin ang taong kakapanayamin
*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang
kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/inter
view_checklist.htm
Things to do before an interview
Interview Technique
Pre-Interview
8. 2. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat na ibig malalam
kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng
kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.co
m/interview_checklist.htm
Interview Technique
Interviewing Success