2. KONSEPTO SA WIKA NG MGA
DALUBHASA
HENRY GLEASON
Ang wika ay isang masistemang balangkas ng
mga sinasalitang tunog na isinaayos sa
paraang arbitaryo at nagsisilbing daan sa
pagtupad ng tungkulin ng pagpapabatid.
RONALD WARDHAUGH
Ang paggamit ng wika ay nakasalalay sa
kasarian ng taong gumagamit nito
3. HUDSON
Nakasalalay ang wika sa mga karanasang
natatangi sa ng isang nilalang.
BASIL BERNSTEIN
Ang lipunan ang nagsisilbing batayan ng wika
sa tulong ng mga kodang binuo ukol dito.
LEE WHORF
Binubuo ang wika ng mga payak na salitang
nalilikha bunga ng pagtugon ng indibidwal sa
kanyang kapaligaran.
4. NOAM CHOMSKY
Ang kahusayan sa pagtilima sa tunog ng
kapaligiran ang nakapagpahusay sa kasanayan sa
wika.
ARCHIBALD HILL
Pinakapangunahing katangian ng wika ang
gumagamit ng mga simbulo.
ANG WIKA AY…
1. may sinusundang unibersal at sistematikong
balangkas
5. 2. binubuo ng makahulugan at makabuluhang tunog
3. sumasailalim sa proceso ng pamimili at pagsasa-
ayos
4. arbitraryo o nagiiba-iba batay sa kultura, lipunan
at indibidwal na guamagamit
5. mahalaga sa pakikipagtalastasan
6. dinamiko at dumaranas ng pagbabago
KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Instrumento sa pagpapahayag
2. Tagapagtala ng mga mahahalagan pangyayari at
impormasyon sa lipunan, kultura at kasaysayan.
3. Tagapagpalaganap ng mga karunungan at
katotohanan.
6. 3. Tagapagpalaganap ng mga karunungan at
katotohanan.
4. Nagsisilbing instrumento sa pagbubuklod ng
bansa.
5. Naitataas ang antas ng malikhang pag-iisip.
MGA SITWASYONG GINAGAMITAN NG WIKA
1. Sa mga pagtatakda, paglilimita at
pagbibigay katawagan sa mga bagay at tao
(Limiting, Categorizing and Coining).
2. Para sa mga tungkuling pang-ebalwasyon ng
mga bagay (Evaluating)
7. 3. Upang magsilbing behikulo ng mga
pagtataya sa mga pangyayaring
panghinaharap. Kabilang na rin ang
paglalahad ng mga karanasang pangnagdaan
at pangkasalukuyan. (Predicting and
Expository Making)
4. Sa mga pagpapabatid ng impormasyon sa
iba’t ibang uri at antas nito (Informing).
5. Sa pagtatakda ng pag-uutos, pag-aatas at
katungkulang dapat sundin o pahalagahan
(Policy and Rule Making).
8. PITONG TUNGKULIN NG WIKA
1. Instrumental –tungkulin sa pagtungon sa mga
pangangailangan.
2. Regulatory- nagkokontrol at gumagabay sa mga kilos at
asal.
3. Informative- bilang tsanel ng impormasyon, kaalaman
at kamalayan.
4. Heuristic- kagamitan sa pagtuklas at pagharap ng mga
tala, impormasyon at datos.
5. Interactionary- tagapagtatag ng mga ugnayan at
samahang sosyal.
6. Imaginary- sa mga paglalahad ng mga paraan ng
pagpapahayag ng nilalaman ng haraya o imahinasyon.
7. Personal- lunsaran ng pagpapabatid ng sariling
damdamin, opinion at ideya
9. MGA PALAGAY UKOL SA PINAGMULAN NG WIKA
1. Teoryang Ding-dong- ipinapalagay ng teoryang
ito na kinakatawan ng isang ispesipikong tunog
ang mga bagay sa kapaligiran.
2. Teoryang Bow-wow- para sa teoryang ito, ang
mga tunog na nililikha ng mga bagay sa
kapaligiran ay ginagaya ng tao at siyang
pinapangalanan.
3. Teoryang Ta-ta- ang “ta-ta ay maihahalintulad sa
paraan ng pagsasabi ng mga Pranses sa
“goodbye” o paalam. Sa teoryang
ito, binibigyang –diin na ang papakahulugan
sapagkat ang mga ito ay sariling likha niya.
10. 4. Teoryang Pooh-pooh- itinataguyod ng teoryang na
ang anumang sambitla ng mga nilalang bunga ng
mga emosyon ay matutumbasan ng mga
pagpapakahulugan sapagkat ang mga ito ay sariling
likha niya.
5. Teoryang Sumasalig sa Aramaic bilang Unang Wika-
ipinapalagay ng teoryang ito na ang kauna-unahang
wika sa munda ay ang Aramaic, na wika ng mga
Aramacan. Maliban dito, pinaniniwalaan nila na ito
ang orihinal na wika ng biblia at ang wikang ginamit
ni Hesus.
6. Teoryang Yo-he-ho- ipinapalagay ng teoryang ito na
wika ang nililikha ng tao kung siya ay nagbubuhat ng
mabibigat na bagay. Kabilang dito ang mga tunog o
salitang namumutawi sa bibig kung nag-eehersisyo.
11. 7. Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay – nakatuon naman
ang teoryang ito sa mga nalilikhang tunog sa mga
ritwal o selebrasyong pampangkat.
8. Teoryang Ukol sa Tore ni Babel – matatagpuan ang
salaysay ukol sa tore ni Babel sa Lumang Tipan ng
Biblia. Binabanggit dito ang nilikhang tore ng mga tao
sa Babilonia. Ang templong nagsilbi ring tore ay isang
sagisag ng kapalaluan at walang hanggang pagnanasa
ng tao. Ikinagalit ng Diyos ang ginagawang ito ng mga
tao, kaya’t ginulo. Niya ang kanilang wika. Ang lunsod
ay kilala bilang Lunsod ng Babel at Tore ni Babel
naman ang templong tore. Sa Ingles ito ang tinawag
na “ TOWER OF CONFUSION.
12. 9. Teorya sa Wika ni Haring Pammitichus – si
Pammitichus ay hari ng sinaunang
Ehipto, nagsagawa siya ng isang eksperimento
sa pamamagitan ng pagpapakuha at
pagpapaalaga sa dalawa. Natuklasan diumano
ng hari na ang kauna-unahang salitang
kanilang nasambit ay “bekos” (wikang
Phrygian para sa “ bread” o tinapay. Ipinalagay
ng hari na bagamat walang wikang narinig ay
matututunan ng nilalang ang kanyang likas na
wika.
13. BALANGKAS NG WIKA
Ang wika ay napakahalaga sa pakikipagtalastasan
kaya napakahalaga na maunawaan at matutunan
ang wastong balangkas ng wika. Ang balangkas ng
wika ay tinutugon ng sumusunod:
1. Balarila ng wika o Gramatika – pinahahalagahan
nito ang tatlong salik sa pagbuo ng salita.
Kabilang mga salik nito ay :
a. Ponolohiya o Fonoloji – ang siyentipikong pag-
aaral ng mga makabuluhang tunog o ponema.
Isa pang katawagan nito ay palatunugan
14. - Ang Filipino ay may dalawang pangkat ng
ponema – katinig at patinig.
Halimbawa: b,k,d,g,h,l,m,n,ng, p,r,s,t,w,y at
a,e,i,o,u
- Binubuo rin ng diptonggo o mga
magkakasamang tunog na isang patinig at ng
isang mala-patinig ( iw, iy, ey,ay, aw, oy, uy)
- Kambal-katinig ang taguri sa magkasunod na
ponemang katinig sa iisang pantig na pagbigkas.
Klaster din ang tawag dito.
15. 2. Morpolohiya o Morfoloji – tinatawag din bilang
palabuuan. Pinag-aaralan naman dito ang mga
morpema o ang maliit na yunit na bumubuo sa isang
salita. May iba’t ibang kaanyuan ang morpema:
- Salitang- ugat – ang pinakalantay na anyo ng salita.
Hindi ito nagtataglay ng anumang panlapi, subalit may
sariling pagpapakahulugan.
Halimbawa: ganda, talino
- Panlapi – ito ang mga morpemang idinurugtong sa
salitang ugat upang mapalawak ang gamit at
kahulugan. Maaaring unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan
(unlapi at hulapi) o kaya’y laguhan(kombinasyon ng
tatlong panlapi)
Halimabawa: unlapi- maganda,gitlapi gumanda,hulapi-
simbahan
16. Kabilaan sa unlapi at gitlapi
Mga halimbawa: isinulat, magsumikap
-unlapi at hulapi
halimbawa: paglaruan, magsigawan
-gitlapi at hulapi
Mga halimbawa: tinulungan, pinuntahan
Laguhan (Kombinasyon ng tatlong panlapi)
Mga halimbawa:
pinagsumikapan, ipagsumigawan
17. - Mga Morpemang Pangkasarian – ito ang mga
ponemang /o/ at /a/ na tumutukoy sa kasarian ng
nabuong salita. Ang /o/ ay para sa lalaki sa babae
ang /a/.
halimbawa: tito- tita, doktor- doktora
3. Sintaksis o Palaugnayan- nakatuon ito sa maka-
agham na pagsusuri at pagkilala sa pangungusap
at sa mga pamamaraan ukol sa pagbuo nito.
-payak- nakapaloob dito ang isang buong diwa
Hal. Si Ana ay maganda. / Tumakbo siya.
-Tambalan- binubuo ng dalawang sugnay o mahigit
pa na pinag-iisa ng pangatnig.
18. Mauuri ang wika ng bilang…..
1. Likas- mga wikang natural karaniwang ginagamit sa
araw-araw na pakikipagkomunikasyon. Madalas ay
payak at madaling maunawaan o ipaunawa.
Hal. Isda, gulay, suntok ,araw
2. Artipisyal- ginagamit upang tumugon o sumagot sa
mga limitado at kakaunting pangngailangan pantao.
Maisasama rito ang “Morse Code, sign language at
simbulong pang-agham o pangmatematika.
Itinuturing na artipisyal ang wika ng informasyon
teknoloji.
Hal. Experimento-experiment ; keyk- cake
19. ANG MGA ANTAS NG WIKA
1. Pormal- maituturing na pormal ang isang wika
kung ang mga salitang ginagamit ay malawakang
kinikilala ng pamayanan ng bansa o maging ng
mundo.
2. A. Pambansa- nasa ganitong antas ang wika
kapag umabot na siya sa pagiging opisyal na
wika ng isang bansa.
B. Pampanitikan- kilala nakararami at
tinatanggap ng mga nakapag-aral ang
matalinghaga at masining na pagpapahayag.
20. 2. Impormal- ang ginagamit na termino upang ipaalam
sa mga mambabasa ang mga sumusunod na salita ay
simple, palasak at ginagamit sa pang-araw-araw na
komunikasyon
a. lalawiganin- dayalektal ang karaniwang tawag sa
mga salitang ito. Palasak na lugar, ngunit maaaring
hindi maintindihan o iba ang ibig sabihin sa ibang
lugar..
hal. Daga ( bikol: lupa, tagalog: isang uri ng hayop)
inday ( Bisaya: magandang dalaga tagalog:
kasambahay)
21. b. Kolokyal. Sa ilang tradisyunal na libro, itinuturing
ang mga salitang ito na may “kagaspangan” diumano
ang pagkakagamit at pinapaikli ang mga salita gaya
ng : tol (mula sa utol-kaputol – kaputol ng pusod, na
ang ibig sa kapatid)
meron ( mula sa mayroon)
sayo ( mula sa iyo)
teka ( mula sa hintay ka – maghintay ka – maghintay
ka muna )
c. Balbal o slang. Itinuturing na pinakamababang
antas kung susuriin kaysa sa mga bawal o bastos na
salita. Maihahanay din dito ang mga gay lingo o
salitang bakla.
22. Halimbawa:
1. panghihiram sa mga salitang katutubo o banyaga
sibat (Cebuano) para sa “pagtakas”
kosa (Ruso) para sa Kasamang bilanggo o barkada
tong (tsino) para sa perang bigay
2. Pagbibigay ng bagong kahulugan
toyo (soy sauce) may sahid o may sumpong
bata (child) nobyo/nobya, mga tagasunod
3. Pagpapaikli
promdi (from the province) –probinsyano
munti (muntinlupa) bilangguan
23. 4. Pagbabaligtad
atik- kita (kinitang salapi)
etneb – bente (dalawampung piso)
tipar – parti (party)
bokal – Kalbo
5. Akronim
KSP – kulang sa pansin
TNT – Tago nang tago
6. Paggamit ng Numero
na 123 ( naisahan o tinakbuhan)
50-50 ( pantay ang pagkakataon o nasa bingit ng
kamatayan
24. 7. Pagpapalit-palit ng wika- usapang text
hal. Gets mo?
Hindi me talaga ma-take!
Say mo sa joke me?
d. Bawal- Pinaniniwalaan ng aklat na ito na
pagkaiba ang balbal sa mga salitang bawal o
bulgar (taboo). Sa mga salitang sekswal o mga
salitang katumbas ng sekswal na relasyon
Hal. Ibon at itlog para sa mga lalaki
bulaklak at hiyas para sa mga babae
25. ANG MGA BARAYTI NG WIKA
1. Dayalek o Dayalekto o sa mga tradisyonal pa ang
tawag ay wikain.
Hal. ( Maynila) Ang layo naman!
( Batangas) Ala, ang layo eh!
(Bataan) Ang layo ah!
Hal: (Cavite) Sir, ano po ba ang bugong ninyo ngay-on?
Mangyari po kasi, ako’y namaraka kahapon. Kayo po
ba’y nakain ng tinumis na baboy?
26. (Maynila) Sir, ano po ba ang baon ninyo ngayon? Namalengke po
kasi ako kahapon. Kumakain po ba kayo ng dinuguang baboy?
ano ang napansin ninyo sa dalawang nag-uusap gamit ang
parehong tagalog- tagalog Cavite at Tagalog Maynila?
2. Idyolek – ito ang pinakaliberal na barayti. Umaayon ang
barayting ito sa personal o indibidwal na gamit ng wika o
umaayon sa indibidwal o kakanyahan ng gumagamit ng wika.
hal. Paggamit ng SIYA - istriktong gramar- panghalip panao
Mare, natikman mo na ba siya? Masarap pala siya! Tikman
mo rin siya.
Tignan mo siya. Mukhang mahirap siyang isuot. Pero di
bale, bibilhin ko pa rin siya
siya – ang ginamit sa halip na iyon at iyan.
27. 3. Sosyolek o sosyal o register na barayti bunga naman
ng interaksyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at
aspekto ng gawain at pagkilos sa loob ng komunidad.
hal. Salitang JEJEMON
1. Banayad (Mild) –
“eOw pU.mxTAh pOeh.”(Hello po.Kumusta po)
2. Katamtaman (Moderate)
“eOw pfOw,nAh m1sZ pfOh qtAh.MwAhxx!”
(Hello po. Na-miss po kita.Mwah!)
3. Matindi (Severe)
“3ow Po3h anOh pO3h gWa U? TxT nA LhErN PO36h
zA giZing pFa!!
28. ( Heloo po! Ano po ang gawa ninyo. Text na rin po
sa gising pa!
4. Malubha (Terminal)
“3ow pOEh. M3N4 p!pOl! nUa m1Xz kO pHoU
k3o!”
( Hello po. Morning pipol! Na-miss ko po
kayo!)
29. ANG WIKA SA PILIPINAS
-Kabilang sa angkang Malayo-Polinesyo ang wikang
ginagamit sa Pilipinas. Batay ito sa pag-aaral ni W.Von
Humboldt.
- Austronesyo naman ang taguri ni Friedrich Mueller sa
angkang ito. Mayroon itong 500 wikang ginagamit sa
Indonesia, Sarawak, Madagascar, Taiwan, Brunei, Hilagan
g Borneo, New Guinea, Melanesia, Micronesia at
Polynesia.
- Hinati noong 700 B.C ang tinatawag na Philippine Stock
sa tatlo, ang mga ito ay Northern Philippine
Family, Southern Philippine Family at Pangasinan.
Isinasagawa ito nina David at Healey sa Summer Insttute
of Linguistics noong 1962.
30. -Matatagpuan sa bansa ang humigit kumulang na
walumpung (80) wikain. Walo (8) ang itinuturing na
pangunahinhg wika sa Pilipinas.
1. Sugbuhanon 5. Samar-leyte
2. Pangasinense 6. Kapampangan
3. Hiligaynon 7. Ilocano
4. Bicolano 8. Tagalog
-Tagalog ang itinuturing na batayan ng wikang
pambansa. Ipinasya ito ni Pangulong Manuel L.
Quezon batay sa isinumiteng rekomendasyon ng
Surian ng Wikang Pambansa.
31. -Ang Surian ng Wikang Pambansa ay binubuo sa
tulong ng Batas Komonwelt Bilang 184. Tungkulin
nito ang pag-aaral at pagsusuri ng mga diyalekto o
wikang nagsisilbing batayan ng wikang pambansa.
- Ang mga sumusunod ang katawagang ipinataw ng
Surian sa Wikang Pambansa:
1. Wikang Pambansa ng Pilipinas batay sa
Tagalog(1939)
2. Wikang Pambansang Pilipino (!946)
3. Wikang Pilipino (1951)
4. Pilipino (1956)
5. Filipino (1987)
32. - Ang Pilipino ang sinasabing nukleo ng Filipino.
Ginagamit itong wikang pambansa ayon sa
nilagdaang Memorandum ni Kalihim Jose Romeo
noong Agosto 13,1959.
-Ang Konstitusyon ng 1987 ang nagtatadhana ng
Filipino bilang wikang pambansa.
- Bunsod ng Sistemang Edukasyong Baylingguwal ng
1987 naging dalawa ang wikang ginagamit sa
paaralan. Ang Filipino ang wikang pambansa
samantalang ang Ingles ang wikang institusyunal.
33. ANG BAYBAYIN: SINAUNANG PALATITIKAN
NG PILIPINAS
-Ito ang kinikilalang unang sistema ng pagsulat ng mga
Pilipino. Mula sa ALIFBATA ng Arabia na nang lumaon ay
naging ALIBATA.
- Nakaabot sa Pilipinas sa daang India, Java, Sumatra,
Borneo at Malay. Pinaniniwalaang pumasok ito nang
maitatag ang emperyo ng Madjapahit sa Java.
- Binubuo ito ng tatlong (3) patinig: a,e/ I at o/u.
Mayroon din itong labinlimang katinig: ba,, ka, da, ga,
ha, la, ma, na, nga, pa, sa, ta, wa at ya
- karaniwan sulatan ng mga sinaunang Pilipino ang mga
dahon, murang kawayan,balat ng kahoy o puno at tanso.
34. MGA TIYAK NA TUNTUNIN AT PATNUBAY SA
ISPELING NG WIKANG FILIPINO 1987
ANG ALFABETONG FILIPINO – ay binubuo ng 28 letra na
ganito ang ayos:
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, W,
X, Y, Z
Sa 28 lertang ito ng alfabeto, 20 letra ang nasa dating
ABAKADA ( A,B,K,D,G,H,I,L,M,N,NG,O,P,R,S,T,U,W,Y)
at 8 letra ang dagdag dito ( C,, F, J, N, Q, V, X, Z ) na
galing sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.
35. MGA TUNTUNING PANLAHAT SA ISPELING O
PAGBAYBAY
A. Ang Pasalitang Pagbaybay
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino na ang
ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos na
pagkasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa
isang
salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong
pang-agham atbp.
Hal.
salita boto /bi-o-ti-o/
Fajardo /kapital ef-ey-dzey-ey-ar-di-o/
36. Pantig trans ?ti-ar-ey-en-es/
kon / key-o-en/
Akronim MQC /em-kyu-si/
Bb.(Binibini) /kapital bi-bi/
Inisyal ng MLQ (Manuel L. Quezon)
tao /em-el-kyu/
LKS (Lope K. Santos)
/el-key-es/
Inisyal ng KBP (kapisanan ng mga Brodkaster sa
samahan Pilipinas)
37. Simbolong Pang-agham/ Pangmatematika
Fe (iron) /ef-i/
H2O (water) /eyts-tu-o/
lb.(pound) / el-bi/
kg. (kilogram) /key-ji/
v ( velocity) / vi/
B. Ang pasulat na Pagbaybay
Mananatili ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra
sa pasulat na pagbaybay ng mga salita sa wikang
Filipino. Gayon pa man, may tiyak na tuntunin sa
pagpapaluwag ng gamit ng walong dagdag na letra.