2. ANG KAKAYAHANG LINGGWISTIKO
AY TUMUTUKOY SA KAKAYAHAN O
ABILIDAD NG ISA NA MAKAPAGSALITA NG
IBA’T IBANG MGA LENGGUWAHE, WIKA
AT DAYALEKTO. NAKAKATULONG ITO
UPANG MAS MAPAPADALI ANG
PAKIKIPAGTALASTASAN GAYUNDIN ANG
KOMINUKASYON SA IBA.
4. Sintaks
pagsasama ng mga salita upang makabuo
ng pangungusap na may
kahulugan.Istraktura ng pangungusap na
may tamang pagkakasunod-sunod ng mga
salita .
Uri ng pangungusap ayon sa gamit
(pasalaysay, patanong, pautos, atbp.)
5. Pangungusap
Kalipunan ng mga salitang
nagsasaad ng isang buong diwa, ito
ay may patapos na himig sa dulo na
nagsasaad ng diwa o kaisipang nais
niyang ipaabot.
Ito ay tinatawag na sentence sa
wikang Ingles.
6. Simuno o Paksa
Ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap.
Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng
diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.
Panaguri
Ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon
tungkol sa paksa.
Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
HALIMBAWA: Siya ay maganda.
Siya – simuno
maganda -panaguri
7. Pangunahing Uri ng Pangungusap
Karaniwan
Nauuna ang panaguri sa simuno.
Pumunta si Tom sa palengke.
Gustong maglaro ng basketball ni Nico.
Di Karaniwan
Nauuna ang simuno sa panaguri.
Si Allen ay nakatulog sa classroom.
Tayo ay nalulungkot sa pagkawala ni Carlo james.
Sina Nieva at Christine ay sumayaw sa kanto.
8. Pasalaysay o Paturol
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari.
Lagi itong nagtatapos sa tuldok.
Halimbawa
Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.
Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.
9. Patanong
Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari.
Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.
Halimbawa
Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng
Pilipinas?
Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang
semester?
Kanino makukuha ang mga klas kards?
10. Padamdam
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng
tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa.
Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam.
Maaari ring gamitin ang tandang pananong.
Halimbawa
Ay! Tama pala ang sagot ko.
Yehey! Wala na namang pasok.
11. Pautos o Pakiusap
Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin,
samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa
magalang na pamamaraan.
Nagtatapos ito sa tuldok.
Halimbawa
Pautos
Mag-aral kang mabuti.
Pakiusap
Pakibigay mo naman ito sa iyong guro
12. Payak
Isang diwa lang ang tinatalakay.
Maaaring may payak na simuno at panaguri.
Uri ng pangungusap ayon sa pagkabuo o kayarian.
Payak ang pangungusap kapag nagpapahayag ng isang diwa,
maaaring tambalan ang simuno at panaguri na pinag-uugnay ng at.
Halimbawa
Maraming biyayang bigay ang Panginoon sa mga tao.
Mang-aawit si Sharon at si Lea.
Artista ang mang-aawit na si Lea.
13. Tambalan
May higit sa dalawang kaisipan.
Binubuo ng dalawa o higit pang diwa /sugnay na
nakapag-iisa. Ginagamitan ng pangatnig na
magkatimbang .
Ang mga pangatnig na magkatimbang ay at, pati,
saka, o, ni maging, ngunit.
Halimbawa
Ang biyaya ay kusang-loob na ibinibigay at ito ay
kaloob na walang bayad.
14. Pangngalan - (noun) - mga pangalan ng tao, hayop, pook,
bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng
mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae
Panghalip - (pronoun) - paghalili sa pangngalan.
Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.
Pandiwa - (verb) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng
kilos.
Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.
15. Pangatnig - (conjunction) - ginagamit para ipakita ang relasyon ng
mga salita sa pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para,
samantala atbp Bahagi ng Pananalita
Pang-ukol - (preposition) - ginagamit kung para kanino o para saan
ang kilos.
Halimbawa: para, ukol, ayon Bahagi ng Pananalita
Pang-angkop - (ligature) - bahagi ng pananalita na ginagamit para
maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa: na, ng, magandang bata.
16. Morpolohiya Prosesong derivational
kain+an = kainan, iyak +in = iyakin
Prosesong inflectional
sayaw + um = sumayaw ,nag+laba = naglaba , ka+kanta+hin = kakantahin
Ponolohiya
Ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog.
pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.
Ponema
Ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika ( Phoneme)
Tumutukoy ito sa makabuluhang tunog .
Ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita.
17. Allophone
ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi
nagbabago ang kahulugan ng mga salita
Diptonggo/ Malapatinig
tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a,e,i,o,u / at tunog ng
isang malapatinig /w, y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow,ay ey,oy,uy)
Klaster o Kambal Katinig
ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig;
matatagpuan ito sa– inisyal, sentral, pinal.
Pares Minimal
magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-
tugma sa bigkas maliban sa isang ponema.