1. What’s on Your mind?
Pakitaas ng kung naranasan
o nararanasan mo ang sumusunod na
sitwasyon
2. Bilang estudyante
Kinakabahan ka, baka ikaw na ang susunod na
tatawagin ni titser upang sumagot sa ibinigay na
tanong.
Natatakot ka baka magkamali ka sa pagsagot
at pagtatawanan ka ng mga kaklase.
Wala sa konsentrasyon nang bigla kang tinawag ng titser
para sumagot, natulala ka.
3. Madaling magalit ang titser kaya natatakot kang
magsalita o sumagot
Naiinis ka sa titser mo dahil paulit-ulit ang mga
binabanggit na halimbawa sa paksang tinatalakay.
Tahimik ka na lang sa tabi o sa iyong upuan dahil
matagal mo nang alam ang sagot sa mga itinatanong
ni titser
4. Naiinis ka na dahil kanina ka pa gustong sumagot
subalit hindi natatawag ni titser ang pangalan mo.
Makulit at madaldal ang klasmeyt mo kaya wala kang
ganang sumali sa diskusyon sa klase.
Nakakairita ang klasmeyt mo dahil siya lamang
ang taas nang taas ng kamay at siya
lamang din ang pinapansin ng titser
5. Bilang Titser
Ayaw sumagot ang estudyanteng tinatawag
Nakakainis ang ugali ng estudyanteng nakatingin
lamang sa iyo at hindi umiimik tuwing tatawagin
Malayo ang sagot ng estudyante sa tanong mo
No ang sagot sa halip na Yes ang inaasahan mo
Estudyanteng parang parrot sabad nang sabad
Tuwing magsasalita ka
6. Estudyanteng salita nang salita sa upuan niya subalit
kung tawagin na’y hindi naman sasagot.
Estudyanteng patango-tango sa mga sinasabi mo ngunit
hindi naman nakasasagot sa follow up na tanong mo.
Napapaos ka na sa kadi-discuss ay hindi pa rin
makaintindi.
7. Ano ang gagawin mo?
Paano mo gagawin?
Classroom Talk/Classroom
Discourse
at
Discourse Analysis
8. By learning you will teach
By teaching you will understand
Halina’t Pumasok sa Klasrum ng Ligaya,
Usapan ay Kwela Estudyante ang Bida:
Ang Diskors Analisis Tungo
sa Epektibong Pagtuturo-Pagkatuto
Marina G. Quilab
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
MSU-Iligan Institute of Technology
Iligan City
9. Classroom/Klasrum
Isang silid o lugar partikular sa isang
paaralan kung saan ginaganap ang klase. Sa
klasrum matatagpuan ang mga estudyante at
titser na nagkakaroon ng talakayan sa paksang
pinag-aaralan. Ang tinutukoy sa papel na ito ay
ang klasrum kung saan nagaganap ang
pagpapalitan ng usapan ng titser at mga
estudyante.
10. Talk/Pagsasalita.
Pagsasalita. Ang kakayahang magbitiw
ng mga salita. Pag-uusap o pagpapalitan ng
mensahe. Pagtransmit ng mga mensahe gamit
ang wika o pakikipagkomunikasyon. Ang
tinutukoy kong talk ay ang kakayahang
magbitiw ng mga salita sa oral na paraan ng
pagpapahayag. Pagsasalita, ibig sabihin,
pakikinig at pagsasalita.
11. Ano ang pinakainstrumento ng pagsasalita?
WIKA
Ito ay kung paano tayo nag-iisip, paano natin
pinoproseso o isinasagawa ang mga
impormasyon at paano natin ito tinatandaan
(Fisher at mga kasama, 2008).
“speech-talk is the representation of thinking”
(Vygotsky)
12. Classroom Talk/Pagsasalita sa Klasrum. Ito ang
pagpapalitan ng salitaan o usapan sa loob ng klasrum
na nagaganap sa pagitan ng titser at mga estudyante.
Ipinapalagay ni Cazden (1988), na nagiging
komplikado ang isang klasrum sa iba’t ibang sistema
sa iba-iba ring dahilan o layunin ng talk o pagsasalita.
Ang pakikinig at pagsasalita ay likas o
pangangailangang bahagi ng isang klasrum.
Mahabang oras ang naigugugol sa pagkikinig at
pagsasalita kaysa sa pagbabasa at pagsusulat na
pundamental na bahagi ng pagkakatuto ng mga
estudyante.
13. Discourse/Diskors/Diskurso.
Ito ay ang paggamit ng wika o paano ginamit o
ginagamit ang wika sa loob ng palitan ng usapan. Dahil
dito magkakaroon ng iba-ibang interpretasyon ang mga
salita depende sa kung paano ito ginamit. Sa paliwanag
ng teoryang pragmatiks, ‘hindi lahat ng kahulugan ng
sinasabi mo ay nasa salitang iyong binibitiwan kundi
nasa kung paano mo ito sinasabi.’ Maaaring magkaroon
ng marami o iba-ibang kahulugan ang binitiwan mong
salita dahil sa paraan din ng iyong pagkasabi o
pagpapahayag.
14. tatlong mahahalagang dimensyon
sa paggamit ng wika
field, layunin
•mode paraan ng pag-uusap
•tenor relasyon ng nag-uusap
15. Speech Act. Ito ay isa pang komponent ng
diskors o paggamit ng wika. Ang speech act sa
paliwanag ni Searle (1971) ay sinasabing may
iba’t ibang kasama o kaugnay na kahulugan
ang mga salita o pahayag na binibitiwan ng
tagapagsalita depende sa kanyang layunin. Ibig
sabihin, ang akto ng utterance ay kung paano
at ano ang layunin ng pagkasabi.
(Speech Acts:
locutionary, illocutionary at perlocutionary
)
16. Classroom Discourse. Sinabi ni Nuthall, na ang
terminong Classroom Discourse ay tumutukoy sa wika
na ginagamit nga mga titser at estudyante sa
pakikipagkomyunikeyt sa isa’t isa sa loob ng klasrum.
Aniya, ang pagsasalita o kombersasyon ay ang midyum
na madalas nangyayari sa loob ng klasrum. Kaya ang
face-to-face na proseso ng pagtuturo ay isang klasrum
diskors. Sa madaling salita, ang tinutukoy na klasrum
diskors ay ang komunikasyong nagaganap sa loob ng
klasrum sa pagitan ng titser at estudyante.
17. Speaking and listening are the vital elements of
communication.
Therefore in any communication situation, we
are both speakers and listeners.
As we exchange ideas with the persons we
are talking to, we also want to listen to their
reactions, comments, opinions, suggestions
and questions. The better we are in
performing both roles, the more effective our
communication becomes (Villamarzo 2000,
p.2).
18. Ang Papel ng Usapang Pangklasrum/
Klasrum Diskors sa Pagtuturo-Pagkatuto
Sa pamamagitan ng magandang usapang pangklasrum
ang mga estudyante ay magkakaroon ng aktibong
ugnayan at partisipasyon samantalang ang mga titser ay
magiging tagapamagitan sa isang maliwanag at maayos
na talakayan sa klase.
Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng magandang
ugnayan sa isa’t isa dahil dito naipapakita at
nararamdaman nila ang kahalagahan ng kanilang mga
gawain sa loob ng klasrum at ipinipresenta nila ito sa
harap ng kanilang titser nang walang pag-aalinlangan at
buong pagkukusa.
19. Sa dalawang kasanayan, ang pagkikinig at pagsasalita
ay nahahasa ang isip ng bata/estudyante na mag-isip
nang kritikal at umunawa nang malaliman.
Nagbibigay ng oportunidad at fleksibilidad sa mga
estudyante upang magsakonteksto o magbibigay-
kahulugan at mag-asimila ng mga bagong
impormasyon
nagpapalawak pa ng kultura o kalinangan
20. Itinataguyod ng usapang pangklasrum ang
pundasyon ng literasi (Fisher, 2008). Bago pa
man makasulat at makabasa ang bata ay
nakapagsasalita at nakikinig na siya. Natututong
manipulahin ng bata ang kanyang palibot sa
pamamagitan ng kanyang mga binibigkas na
salita bago pa siya natutong gumamit ng pasulat
na salita. Ibig sabihin, mahalagang salik ang
pagsasalita at pakikinig sa pagkatuto.
21. Para kay Barnes (2008), ang pagkatuto ay
hindi simpleng pagdaragdag lamang ng ilang
bahagi ng impormasyon sa mga nauna nang
kaalaman bagkus ang pinakamabuting
pagkatuto ay sa pamamagitan ng tinatawag
na working understanding at nagagawa ito sa
magandang usapang klasrum
22. Ipinaliwang nina Fisher at mga kasama (2008), na kapag
ang mga estudyante ay hindi gumagamit ng mga salita
(ibig sabihin tahimik lamang at walang pagkakataong
makapagsalita dahil titser lamang ang laging nagsasalita)
hindi nila nadedevelop ang kanilang akademikong
diskors o mga ideya o pahayag na may kaugnayan sa
itinuturo ng titser. Kaya’t sikaping ang mga estudyante
ay makapagpahayag ng kanilang mga nasasaloob at
nasasaisip nang sa gayon mabigyan sila ng pagkakataong
masubok ang kanilang kakayahang umunawa at
magpaliwanag o maging kritikal.
23. Ang pagbabahaginan ng salita o palitan ng
usapan ay nagpapadali o nagpapabilis sa
pagkakatuto. Sa isang kaganapan sa klasrum,
ang isang estudyante o ang mga estudyante
ay nakakapag-reflect sa kung ano ang
kanilang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulat nang sarilinan at pagsasalita o
pakikipag-usap sa kanyang kapartner sa loob
ng klase.
24. Kaganapan sa Loob ng Klasrum
Titser: Batay sa ating tinalakay kahapon ano nga wika? Ano ang
kanyang gampanin sa sining ng komunikasyon? Anybody?
Leah: (Nagpataas ng kamay) ang wika po ay instrumento ng
komunikasyon?
Titser: Ok, pwede bang i-elaboreyt mo pa Leah? Kung ano ang
kahulugan ng wika at paano siya nagagamit upang magkaroon ng sining
ng komunikasyon?
Leah: uhmnn, ginagamit po ang wika sa pag-express ng mga damdamin,
kaisipan, at saloobin.
Titser: Ok, ano pang maidaragdag mo, Ness? Tungkol sa gamit ng wika
upang magkaroon ng sining ng komunikasyon?
Ness: Sa pagpapahayag ng damdamin nagagamit ang wika…
uhmmnnn… dahil dito may iba-iba kang paraan ng pagpapahayag upang
maipaabot ang iyong mensahe.
Titser: Ok, sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon tayo ng iba-ibang
ideya paano natin ipapahayag ang ating mga nasasaloob, nararamdaman
at maging ang ating mga paniniwala o kaisipan sa ating kapwa.
………………
25. Pagtalakay sa kwentong, Uhaw ang Tigang na Lupa:
Faith: Nauuhaw ang ina sa pagmamahal ng kanyang asawa,
Joenifer: Nauuhaw din ang anak, dahil hindi na sila nagsasamang magpamilya
gaya nung maliit pa siya.
Jeano: Nauuhaw din naman ang ama… eh… kasi
Carla: Paanong nauuhaw eh siya nga ang may ibang babae…
Titser: Sige, ipagpatuloy Jin, paanong nauuhaw din ang ama sa kwento?
Jeano: uuhhmmnnn pareho silang nauuhaw actually, sa pagmamahal. Dapat sa
pamilya kasi may komunikasyon… eh wala silang komunikasyon, tahimik lang..
walang usapan… hindi naman pinapansin ng ina ang asawa nya, hindi rin
inilabas ng dalaga ang kanyang sama ng loob… bigla na lamang silang walang
kibuan…
Fredie: kulang sila sa pansin… (tawanan ang grupo) eh di naman mapipilit kung
ano ang gusto eh…. (ipinukol ang tingin kay Carla)
Titser: kaya dapat sa magpamilya nag-uusap… nagbabahaginan ng mga
nasasaloob…upang maging maayos ang samahan ng mga myembro ng
pamilya…
Melet: eh nainlove man ang kanyang ama be sa iba kaya un….naghanap ng
iba….
Fredie: mas maganda …(tawanan)
26.
27. Klasipikasyon ng Classroom Talk (Barnes,2008)
Presentational talk.
Ipinapakita nito ang fangksyon ng pagsasalita sa
traditional na paraan na tinatawag na IRE (teacher
Initiation, student Response and teacher Evaluation
or teacher Follow-Up) na pagkakasunod-sunod.
Nakafokus ito sa pangangailangan ng titser kaysa
sa sariling ideya ng mga estudyante. Layunin ng uri
ng pagsasalitang ito ang makakuha ng sagot mula
sa mga estudyante upang subukin kung gaano ang
kanilang naiintindihan sa paksang itinuro.
28. Exploratory talk.
Ang uring ito ay nagbibigay-daan sa
mga estudyante ng pagkakataon na
sumubok ng mga ideya, subukin ang
sariling kakayahan, matuto sa paraan ng
iba at mag-ayos ng mga impormasyon at
mga ideya sa ibang paraan.
29. Mga Mungkahi para sa mga Titser Upang Magkaroon
ng Magandang Usapang Pangklasrum (Zhang, 2008)
Bilang mga titser kailangan nating magiging “more
attach” sa kahalagahan ng spoken discourse o
pasalitang diskors sa panahon ng interaksyon sa
klasrum.
Hindi lamang tayo gaganap bilang tagapagpadala
o tagapasa ng impormasyon kundi kailangan din
nating maging tagagabay/konsultant.
30. Matuto tayong kumilala ng iba-ibang group-based
discussions bilang real o awtentikong gawain o sa
madaling sabi pahalagahan natin ang mga gawaing
panggrupo
Himukin natin ang ating mga estudyante na bumuo
ng kanilang sariling mga tanong at magsaliksik
o gumalugad ng alternatibong mga sagot.
Ang oral na mga gawain ang bibigyan ng mas
malawak na pagkilala kaysa sa tradisyonal na
proporsyon ng pasalita at pasulat na diskors
31. Awtentikong mga tanong ang dapat nating buuin
upang humikayat ng isang makabuluhang sagot at
mga tanong na binuo mula sa naunang mga tugon
hanggang sa malinang ito at magsusupling ng
bagong kaisipan
Kung mapahuhusay natin ang kalidad ng klasrum
diskors tiyak na maitataas din natin ang kalidad
ng pagkatuto ng ating mga estudyante.
32. Analysis/Analisis. Pag-aaral, pagsisiyasat, pagtingin
nang malaliman o pagsusuri. Ayon kay Rymes (2009),
ang diskors analisis ay pagsusuri kung paano ginamit o
ginagamit ang wika sa usapan o pagpapahayag. Ito ay
pag-aaral sa relasyon ng wika at konteksto kung saan at
paano ginagamit ang wika, (McCarthy, 1991).
Ang pag-aaral ng diskors ay isang detalyadong pag-
unawa sa mga pangunahing istruktura ng isang
kombersasyonal na interaksyon. Ibig sabihin, ito ay
masusing paglalarawan ng kombersayon
33. Mga Dahilan Kung Bakit Mahalagang Magkaroon ng
Classroom Discourse Analysis (Rymes, 2009)
1. Napapalalim ang pang-unawa
at napahuhusay ang mutual o parehong
pakikipag-intindihan ng titser
at mga estudyante.
. a. hulwaran kung paano at kailan nagaganap
ang turns/mga palitan sa pagitan ng titser
at estudyante
b. paano ipapakilala ang paksang tatalakayin
o i-introduce ang paksa
34. c. paano gagamitin ang multiple/maraming wika
at mga varayti ng wika
d. paano mareresolba ang hindi pagkakaunawaan lalo
na sa pagkakataon ng mga pagsasalaysay
ng mga kwento na naging daan ng magulong
pagpapalitang-kuro.
35. 2. Nagbibigay daan upang maunawaang mabuti
at mapagtanto ng mga titser ang pagkakaiba-iba ng
usapang pangklasrum o mabago ang isteryutipo
o karaniwang ayos o set-up na maging mas aktibo at
masiglang klasrum . Mas nauunawaan din nang higit ang
kultural na pagkakaiba at pagkakakilanlan ng mga
estudyante.
Binigyang-diin ni Rymes, na importanteng
magsagawa ng personal na analisis ng klasrum diskors
at hindi hanggang sa pagbabasa lamang
ng analisis na gawa ng iba.
36. 3. Nalilinang ang kakayahang akademiko/
academic achievement ng estudyante
4. Napahuhusay ang pangkalahatang
karanasan at gawain ng pagtuturo at
napapanatili ang pagmamahal sa propesyon
bilang titser.
37. Communication like culture is human
necessity (Prosser, 1978)
Sa mabuting pakikipagkomunikasyon,
pinapahusay ang pagbubuo ng magagandang
ideya at ang mga ideyang ito ang siyang
magpapalawak sa abot-tanaw na mga kabatiran,
kaalaman, kamalayan at pag-unawa. Bilang isang
titser hindi lamang tayo nagtuturo. Isang
katotohanan din na sa parehong paraan tayo ay
natututo mula sa ating mga estudyante dahil sa
ating pang-araw-araw na pakikisalamuha sa
kanila.
38. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating
klase/estudyante ay nauunawaan natin
na ang kanilang kakulangan ay bahagi
ng pagkakaiba-iba o kaibahan ng bawat
indibidwal o ng bawat kultura o etnikong pangkat
ang reaktibong pagtuturo ay maaaring
makamtan subalit nangangailangan
lamang ito ng kagustuhan ng guro na talikuran
ang isteryotipong
paghahanda sa kanilang gawaing-pagtuturo, at
maging tagamagitan
sa isang masaya, masigla, at makabuluhang
talakayan.
39. Bilang mga titser na puno ng
pagmamahal at dedikasyon sa
kanyang pagtuturo, isang
mapanghamong gawain ang gumawa
ng diskors analisis upang higit nating
maunawaan ang mga kaharap natin sa
araw-araw sa loob ng klasrum lalo na
ang klasrum na ito ay nagbabago at
nasa pabago-bagong kalagayan din
tayo ng ating mundo, ng ating
kurikulum
40. Halina’t pumasok sa mundo ng diskors
analisis at sisirin ang mahahalagang
komponent ng ating klasrum at tuklasin ang
makulay na pag-uugali ng ating mga
estudyante upang magabayan silang mag-
explore sa sarili nilang paningkamut