SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  21
Dr. Jose P. Rizal
(1861-1896)
Pambansang Bayani ng Pilipinas
Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang
pinakadakilang anak ng lahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal
Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio
Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quintos.
Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o
palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan Heneral
Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng
Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufino
Collantes at si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong.
Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng
abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Biñan at nag-aral
sa ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa
Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at
notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng
katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kalakip ang pinakamataas na
karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng panggagamot. Ika-5 ng
Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-
aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan.
Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at
magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere
sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa
Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Pebrero, 1887.
Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang
piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daang piso.
Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa
dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala sa Maynila. Noong
1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El
Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. isang
kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng
Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bumalik siya sa
Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni
Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay
Rizal. Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal
sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na
kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito,
humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang
1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at
pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si Rizal
nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at
nahatulang barilin sa Bagong Bayan.
Ika-30 ng Disyembre, 1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas
sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang
pampanitikan kay Trinidad.
Andres Bonifacio
(1863-1897)
Nagtatag ng katipunan
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Ang
mga magulang niya ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro na isang mestisang
Espanyol at nagtatrabaho sa isang pabrika ng sigarilyo. Nagsimula siyang mag-aral sa
Don Guilermo Osmena sa Meisik, subalit naulila siya sa gulang na labing-siyam na taon
(19), kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral.
Naghanapbuhay siya para sa kanyang mga nakababatang kapatid. Nagsikap na lang
siyang mag-aral sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat. Natuto siyang gumawa at
magbenta ng mga pamaypay na papel at mga baston. Naging mensahero siya ng
Fleming and Co. At pagkaraan ay naging ahente dito. Ilan sa mga librong nabasa niya
ay ang Himagsikang Pranses, Buhay at Gawa ng mga pangulo ng Estados Unidos at iba
pang mga makasaysayang aklat.
Hinubog ng mga aklat na ito ang utak ni Bonifacio. Noong Hulyo 7, 1892 si Andres
Bonifacio kasama ng ilang kilalang tao ay patago at lihim na nagtipon sa Azcarraga,
Maynila upang itatag ang KKK o "Kataas-taasan Kagalang-galang na Katipunan".
Subalit noong pagkaraan ng apat na taon ito ay natuklasan ng mga autoridad at binalak
buwagin.
Dahil dito pinasimula ni Bonifacio at ng mga katipunero ang himagsikan noong Agosto
23 sa pamamagitan ng pagsigaw sa Pugad Lawin. Kalookan, kung saan pinunit nila ang
kanilang mga cedula. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Andres Bonifacio at
Emilio Aguinaldo tungkol sa pamumuno. Dinakip si Bonifacio sa salang pagtataksil sa
bayan. Nahatulan siya ng kamatayan at pinatay ng mga sundalo sa bundok ng Tala,
Cavite noong Mayo 10, 1897.
Antonio Luna
(1869-1899)
Dakilang Heneral
Si Antonio Luna ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1869 sa Urbis Tondo, Maynila,
Kapatid niya ang kilalang pintor na si Juan Luna. Ang mga magulang nila ay sina
Joaquin Luna at Laureana Novicio.
Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas.
Nagtungo siya sa Barcelona at doon siya nag-tapos ng Parmasya.
Habang nasa Espanya ay nakahalubilo niya doon sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena
at Marcelo H. del Pilar. Sama-sama nilang ipinaglalaban doon ang kapakanan ng mga
kababayan nila sa Pilipinas.
Nang siya ay umuwi sa Pilipinas ay naglingkod siya bilang Chemist sa Municipal
Laboratory ng Maynila. Isa rin siyang mahusay na manunulat. Sumulat siya ng mga
artikulo sa "La Solidaridad" noong panahon ng propaganda. Dahil doon siya ay
ipinatapon sa Espanya, at ibinilanggo sa madrid sa hinalang siya ay kasapi ng mga
manghihimagsik.
Nagbalik siya sa Pilipinas.
Nang sumiklab ang digmaan ng mga Amerikano at Pilipino siya ay sumama sa mga
manghihimagsik ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dahil sa kanyang galing at katapangan
ginawa siyang Kalihim-Digma sa Republika ng Pilipinas. Nagtatag siya ng Military
Academy para ihanda niya ang Hukbong Pilipino na lalaban sa mga Amerikano.
Nabingit siya sa kamatayan ng sumuong siya sa mahigpit na labanan sa La Loma.
Natalo siya sa pakikipaglaban ngunit hindi siya sumuko.
Siya ay tunay na bayaning nagmahal sa kanyang bayang tinubuan. Ipinaglaban niya
ang kalayaan nito hanggang sa kanyang huling hininga.
Noong Hunyo 5, 1899 ay napatay siya ng mga sundalo sa Nueva Ecija sa gulang na 30.
Bago paman mangyari iyon ay nakagawa na siya ng sulat na nagsasabing ang kanyang
ari-arian ay mapupunta sa kanyang ina, at ang kanyang katawan ay ibabalot sa bandila
ng Pilipinas bago ilibing.
Apolinario Mabini
(1864-1903)
Dakilang Lumpo
Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa nayon ng Talaga, Tanauan,
Batangas. Ang mga magulang niya ay sina inocencio Mabini at Dionisia Maranan.
Pangalawa siya sa magkakapatid.
Nagmula siya sa mahirap na pamilya. Nakagisnan na niya ang hanapbuhay ng
kanyang magulang na pagtatanim ng kung anu-anong gulay. Kahit naghihikahos
nagsikap ang pamilya niya upang maitaguyod ang kanayang pag-aaral sa Maynila.
Nagtatrabaho siya habang nag-aaral sa San Juan de letran at sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Habang nag-aaral ay sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal at naging
aktibo siyang miyembr. Nagtapos siya ng abogasya noong 1894.
Taong 1896 ng magkasakit siya ng 'paralysis' na naging dahilan ng kanyang
pagkalumpo. Lihim siyang ipinatawag ni Aguinaldo at ginawa siyang opisyal na
tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan siya
nito ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
Taong 1899 ng si Mabini ay dakipin at ipinabilanggo ng mga Amerikano sa Nueva
Ecija. Sa kulungan ay kanyang isinulat ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang
Filipino."
Enero 5, 1901 ng siya ay ipinatapon sa Guam kasama ng iba pa. Ngunit nagbalik siya sa
bansa noong Pebrero 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa pamahalaang
Estados Unidos. Nakumbinsi siyang kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano
sapagkat naisip niya na malulutas lamang ang suliranin ng Pilipinas sa pamamagitan
ng pakikipagkaibigan.
Namatay siya sa sakit na kolera sa idad na 39 noong Mayo 13, 1903 sa Nagtahan,
Manila.
Diego Silang
(1730-1763)
Pinuno ng pag-aaklas sa ilokos
Si Diego Silang ay ipinanganak sa Caba La Union noong Disyembre 10, 1730. Ang mga
magulang niya ay sina Mguel Sialng at Nicolasa de los Santos.
Maliit pa siya ay utusan na siya ng mga pari. Lumaki siya sa parokya sa Vigan Ilocos
Sur sa ilalim ng patnubay ng kura paroko. Minsang nautusan siyang lumuwas ng
Maynila lulan ng isang bangka ay sinamampalad na nawasak ang kanilang sinakyan sa
karagatan ng Zambales dahil sa pagdaan ng bagyo.
Nakaligtas silang lahat at nakarating ng baybayin. Subalit nasabat sila ng mga Ita at
napana ang lahat maliban kay Diego. Kinuha ng mga Ita si Diego. Matagal nagsilbi si
Diego sa mga Ita, hanggang sa may magawing pari sa lugar na iyon at siya ay tinubos.
Muli siyang naglingkod bilang utusan ng pari, naging matapat siya kaya
pinagkatiwalaan siyang utusan ng pari sa Maynila. Dahil sa kanyang madalas na
pagbibiyahe ay madalas niyang marinig ang karaingan ng mga tao laban sa mga
kastila.
Taong 1762 ng dumating sa maynila ang mga sundalong Amerikano. Natalo sa labanan
ang mgakastila kaya isinuko ng mga ito ang Maynila. Nagkaroon ng ideya si Diego,
bumalik siya sa Vigan at hinikayat ang kanyang mga kababayan na lumaban sa mga
kastila, pinamunuan niya ang pag-alsa. Napalayas ni Diego sampu ng kanyang mga
tauhan ang mga opisyales na kastilang namumuno sa kanilang lugar. Ginaya ng mga
mamamayan sa kalapit bayan ang ginawa ni Diego, nag-alsa rin ang mga ito laban sa
mga puti.
Nang makita ng mga kastila na mahirap talunin ang 2,000 katao na mga tauhan ni
Diego ay umupa ang mga ito ng isang taksil na magkunwaring kaibigan ni Diego
upang madali nila itong maipapatay.
Nagtagumpay ang mga kastila, pataksil na napatay nga si Diego ng huwad na kaibigan
sa pamamagitan ng pagbaril nang siya ay nakatalikod, nangyari ito noong Mayo 28,
1763. Subalit hindi doon natapos ang ipinaglalaban ni Diego. Ipinagpatuloy ng kanyang
asawang si Gabriela Silang ang paghihimagsik laban sa mga kastila.
Emilio Jacinto
(1875-1899)
Utak ng Katipunan
Si Emilio jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga
magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon na isang midwife or hilot.
Mahirap lamang ang kanyang mga magulang. Nakapag-aral lang siya sa San Juan de
Letran sa tulong ng isang tiyuhin. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo tomas
kung saan kumuha siya ng abogasya. Doon ay naging kamag-aral niya sina Osmena,
Quezon at Sumulong.
Taong 1894 ay sumapi siya sa Katipunan. Labing-siyam na taong gulang siya noong at
siya ang pinakabatang kasapi ng samahan. Mula sa una niyang pakikipaglaban sa
Balintawak at Pasong Tamo ay pinagkatiwalaan at hinirang siya ni Andres Bonifacio
bilang heneral sa hukbo ng Katipunan sa parteng hilaga. Isa siyang dalubhasang
manunulat. Marami ang nagsabi na nahigitan pa niya si Bonifacio. Sapagkat hindi ang
Dekalogo ni Bonifacio ang ginamit ng Katipunan kundi ang sinulat niyang 'Kartilya',
nakapaloob dito ang mga turo ng KKK. Dahil dito kinilala siyang "Utak ng Katipunan
at Himagsikan".
Nagkahiwalay sila ni Bonifacio ng sumiklab ang himagsika. Isang taon pagkaraang
mapatay si Bonifacio, nasugatan si Emilio Jacinto sa Labanan at nadakip siya ng mga
kaaway. Ito ay noong Pebrero 1898, ngunit nakatakas siya at nagtungo siya sa Maynila.
Ipinasiya niyang bumalik muli sa Laguna at doon ipinagpatuloy ang kanayng
pakikibaka, subalit nagkasakit siya. Noong Abril 16, 1899 namatay siya sa sakit na
malaria. Ang kanayng mga labi ay nalalagak ngayon sa "Cementerio del Norte sa
Maynila.
Epifanio Delos Santos
First wise and most studious Filipino
Si Epifanio ay ipinanganak sa Malabon Rizal noong Abril 7, 1871. Nag-iisa siyang anak
ng mayamang mag-asawang sina Escolastico de los Santos at Antonia Cristobal.
Kapwa nakatapos ng mataas na pinag-aralan ang kanyang mga magulang.
Una siyang nag-aral sa Ateneo de Manila at dito rin nagtapos ng Batsilyer en Artes
nang may pinakamataas na karangalan.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Sto. Tomas kung saan siya nagtapos ng
pagka-manananggol, at tulad ng una, siya naman ang nanguna. Sa buong panahon ng
kanyang pag-aaral sa lahat halos ng asignatura siya ang nagkamit ng pinakamataas na
grado.
Siya ang kauna-unahang Pilipinong sumali at naging miyembro ng Royal Academy sa
Madrid. Hinangaan ang kanyang talino dito sa atin at maging sa ibang bansa. Kinilala
siya bilang pinakapangunahing manunulat at mananalaysay, mamumunang
pampanitikan at bihasang-bihasa siya sa ating kasaysayan. Hindi lang iyon ang
kanyang katangian. Isa rin siya mahusay na piyanista at gitarista at isa ring pintor.
Kung tutuusin karapat dapat na siyang tawaging paham sapagkat isa rin siyang
manananggol, bibliograpiko, pilologo at pilosopo.
Taong 1896, panahon ng himagsikan ay naging miyembro siya ng Editoryal na
pahayagang La Independencia na pag-aari ni Heneral Antonio Luna.
Naglingkod siya sa pamahalaang Amerikano bilang piskal sa Nueva Ecija at naging
gobernador din siya doon. Nahirang din siyang hukom sa Unang Dulugan at
pagkatapos ay naging direktor ng Philippine Library Museum ng Pilipinas.
Namatay si Epifanio De Los Santos noong Abril 28, 1928. Bilang pagkilala sa kanyang
mga nagawa para sa bayan ay ipinangalan sa kanya ang maraming lansangan at ilang
paaralan.
Francisco Dagohoy
Pinuno ng pag-aaklas sa Bohol
Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang pinakamahabang pag-aaklas sa kasay-sayan ng
Pilipinas. Ito ay ang pag-aaklas sa Bohol na nag-umpisa taong 1744 hanggang 1829.
Nang mapatay ng isang konstable ang kapatid ni Francisco Dagohoy ay doon nag-
umpisa ang pag-aaklas. Labis na dinamdam ni Dagohoy ang pagkamatay ng kanyang
kapatid. Sinunod lamang ng kanyang kapatid ang utos ni Padre Morales, isang pareng
heswita na hulihin ang isang masamang tao subalit sa kasamaang palad ito ang
napatay.
Sa kagustuhan ni Dagohoy na mabasbasan ang bangkay ng kanyang kapatid ay dinala
niya ito kay Padre Morales para basbasan subalit tinanggihan ito ng pari sa
kadahilanang humihingi pa ito ng bayad sa pagbabasbas.
Lalong nagsiklab ang galit ni Francisco Dagohoy. Sinabi niyang hindi dapat humingi ng
bayad ang pare dahil namatay ang kanyang kapatid dahil sa pagsunod sa utos nito.
Hinimok niya ang lahat na mag-aklas at umanib naman halos lahat ng tao sa isla na
iyon.
Inabot ng 85 taon ang pag-aklas.
Taong 1827 nang umpisahan ni Gob. Heneral Ricafort ang pagsalakay sa mga tauhan ni
Francisco Dagohoy sa Bohol.
Dahil doon humina ang loob ng mga nag-aaklas. Sumuko ang mga tauhan ni Francisco
Dagohoy noong Agosto 31, 1829.
Graciano Lopez Jaena
(1856-1896)
Propagandista
Si graciano Lopez Jaena ay ipina-nganak noong Disyembre 17, 1856 sa Jaro Iloilo. Ang
mga magulang niya ay sina Placido Lopez at Maria Jacoba Jaena.
Sa seminaryo ng Jaro siya nagtapos ng Pilosopiya at mga paring Paulista ang kanyang
mga naging guro.
Dahil sa nakita niyang hindi magandang ugali at pamamalakad ng mga pari ay isinulat
niya ang "Fray Butod" upang tuligsain ang mga kasamaan nito. Nagalit ang mga pari sa
kanya. Tumakas siya at nagtungo sa Madrid sa Espanya at doon ay nag-aral siya ng
medisina sa Unibersidad ng Valencia ngunit tumigil pagkalipas ng isang taon sapagkat
nakibahagi siya sa pulitika. Tumigil siya doon sa loob ng labinlimang taon. Habang siya
ay naroon ay nagsulat siya ng sari-saring babasahin na inakala niyang magpababago at
magpapabuti sa mga palakad ng mga Kastila sa Pilipinas.
Siya ay isang mahusay na orador. Itinatag niya ang "La Solidaridad" at siya ang naging
unang editor nito.
Taong 1890 ng siya ay bumalik sa Pilipinas upang mangalap ng tulong pinansiyal sa
kanyang mga kababayan. Muli siyang nagbalik sa Espanya at ipinagpatuloy ang
kanyang gawain.
Naghirap siya sa buhay at namatay siya sa Barcelona noong Enero 20, 1896 dahil sa
sakit na tuberkulosis.
Melchora Aquino
(1812-1919)
Ina ng Himagsikan
Siya ay kilala sa tawag na Tandang Sora noong kanyang katandaan. Ipinanganak siya
sa Gulod Banilad Balintawak noong Enero 6, 1812. Ang mga magulang niya ay sina
Juan Aquino at Valentina de Aquino.
Sa kagubatan ng Balintawak siya nanirahan. Hindi siya nakapag-aral dahilan sa
kahirapan, subalit taglay niya ang kabaitan at mabuting ugali ng pakikipagkapwa.
Napangasawa niya si Fulgencio Ramos subalit nabiyuda siya nang maaga.
Nang sumiklab ang himagsikan, si Tandang Sora ay 84 na taong gulang. Taong 1896 ng
magpakita ng labis na kalupitan ang mga Kastila nahigingan ng mga ito na malapit
nang maghimagsik ang mga tauhan ni Bonifacio.
Maraming kalalakihan ang hinuli at pinarusahan, pilit na pinaaamin tungkol sa lihim
na samahan ng Katipunan at kapag hindi umamin ay kanilang pinapatay sa
pamamagitan ng pagbaaril o di kaya ay pagbitay. Ang ibang nakatakas ay nagtago sa
Balintawak sa lugar ni Tandang Sora.
Lahat ng taong dumulog kay Tandang Sora ay kanyang tinutulungan. Pinakakain niya
ang mga rebulusyunaryong nagugutom, ginagamot ang mga sugatan. Subalit hindi
niya pinababayaang magtagal sa poder niya ang mga ito. Binibigyan niya ang mga ito
ng baong pera at pagkain at saka pinatatakas patungo sa ligtas na lugar na maaaring
pagtaguan ng mga ito.
Nakarating sa kaalaman ng mga kastila ang ginagawang pagtulong ni Tandang Sora sa
mga miyembro ng Katipunan. Hinuli siya ng mga kawal Kastila at dinala sa Maynila.
Ipinatapon siya sa pulo ng Marianas.
Bumalik lamang si Tandang Sora sa Pilipinas noong 1903 ng mapasailalim ito sa kamay
ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya noon at wala na siyang natitirang ari-
arian.
Namatay siya noong Marso 2, 1919 sa edad na 107.
Source:
http://www.gintongaral.com/mga-bayani

Contenu connexe

Tendances

Mga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinasMga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinasLyllwyn Gener
 
Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMark Casao
 
Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasmeihan uy
 
Mga Bantog na Pilipinong Pintor at Iskultor
Mga Bantog na Pilipinong Pintor at IskultorMga Bantog na Pilipinong Pintor at Iskultor
Mga Bantog na Pilipinong Pintor at IskultorMayverose Biaco
 
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansa
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansamga matagumpay na entreprenyur sa ating bansa
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansakotatom
 
simuno at panaguri
simuno at panagurisimuno at panaguri
simuno at panaguriErica Bedeo
 
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng  Espanya sa PilipinasAP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng  Espanya sa Pilipinas
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng Espanya sa PilipinasCeleen del Rosario
 
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5Roselyn Dela Cruz
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaRivera Arnel
 
Ang kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaAng kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaRitchenMadura
 
Impluwensya ng mga amerikano
Impluwensya ng mga amerikanoImpluwensya ng mga amerikano
Impluwensya ng mga amerikanoTristan Navarrosa
 
ANG MGA BABAE SA KATIPUNAN
ANG MGA BABAE SA KATIPUNANANG MGA BABAE SA KATIPUNAN
ANG MGA BABAE SA KATIPUNANlizzalonzo
 
Mga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinasMga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinasjanus rubiales
 
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolMga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolShiella Rondina
 
Pananakop ng hapon sa pilipinas
Pananakop ng hapon sa pilipinasPananakop ng hapon sa pilipinas
Pananakop ng hapon sa pilipinasLesther Velasco
 
Pagbabago sa panahon ng mga amerikano (1)
Pagbabago sa panahon ng mga amerikano (1)Pagbabago sa panahon ng mga amerikano (1)
Pagbabago sa panahon ng mga amerikano (1)hayunnisa_lic
 

Tendances (20)

Pang uri (Panlarawan at Pamilang)
Pang   uri (Panlarawan at Pamilang)Pang   uri (Panlarawan at Pamilang)
Pang uri (Panlarawan at Pamilang)
 
Mga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinasMga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinas
 
Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinas
 
Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinas
 
Ang sugnay
Ang sugnayAng sugnay
Ang sugnay
 
Mga Bantog na Pilipinong Pintor at Iskultor
Mga Bantog na Pilipinong Pintor at IskultorMga Bantog na Pilipinong Pintor at Iskultor
Mga Bantog na Pilipinong Pintor at Iskultor
 
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansa
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansamga matagumpay na entreprenyur sa ating bansa
mga matagumpay na entreprenyur sa ating bansa
 
simuno at panaguri
simuno at panagurisimuno at panaguri
simuno at panaguri
 
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng  Espanya sa PilipinasAP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng  Espanya sa Pilipinas
AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas
 
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
 
Bahagi ng pahayagan
Bahagi ng pahayaganBahagi ng pahayagan
Bahagi ng pahayagan
 
Ang kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaAng kilusang propaganda
Ang kilusang propaganda
 
Impluwensya ng mga amerikano
Impluwensya ng mga amerikanoImpluwensya ng mga amerikano
Impluwensya ng mga amerikano
 
ANG MGA BABAE SA KATIPUNAN
ANG MGA BABAE SA KATIPUNANANG MGA BABAE SA KATIPUNAN
ANG MGA BABAE SA KATIPUNAN
 
Mga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinasMga sikat na bayani sa pilipinas
Mga sikat na bayani sa pilipinas
 
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na IdeyaPag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
 
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolMga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
 
Pananakop ng hapon sa pilipinas
Pananakop ng hapon sa pilipinasPananakop ng hapon sa pilipinas
Pananakop ng hapon sa pilipinas
 
Pagbabago sa panahon ng mga amerikano (1)
Pagbabago sa panahon ng mga amerikano (1)Pagbabago sa panahon ng mga amerikano (1)
Pagbabago sa panahon ng mga amerikano (1)
 

En vedette

Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioMdaby
 
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahanan
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahananKaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahanan
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahananJinky Isla
 
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas ppt
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas pptSistemang Pampamahalaan ng Pilipinas ppt
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas pptAbem Amlac
 
Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Pambansang Sagisag ng PilipinasPambansang Sagisag ng Pilipinas
Pambansang Sagisag ng PilipinasChristina Dioneda
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayMariel Flores
 
Panunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel RoxasPanunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel Roxasjetsetter22
 
Pamahalaang kolonyal sa pilipinas
Pamahalaang kolonyal sa pilipinasPamahalaang kolonyal sa pilipinas
Pamahalaang kolonyal sa pilipinasDanielle Villanueva
 

En vedette (10)

Mga repormista
Mga repormista Mga repormista
Mga repormista
 
Manuel roxas 1
Manuel roxas 1Manuel roxas 1
Manuel roxas 1
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Bayaning pilipino
Bayaning pilipinoBayaning pilipino
Bayaning pilipino
 
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahanan
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahananKaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahanan
Kaugalian ng pamilyang pilipino sa loob ng tahanan
 
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas ppt
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas pptSistemang Pampamahalaan ng Pilipinas ppt
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas ppt
 
Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Pambansang Sagisag ng PilipinasPambansang Sagisag ng Pilipinas
Pambansang Sagisag ng Pilipinas
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 
Panunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel RoxasPanunungkulan ni Manuel Roxas
Panunungkulan ni Manuel Roxas
 
Pamahalaang kolonyal sa pilipinas
Pamahalaang kolonyal sa pilipinasPamahalaang kolonyal sa pilipinas
Pamahalaang kolonyal sa pilipinas
 

Similaire à Mga bayani (20)

Mgabayaningpilipinas 170818030440
Mgabayaningpilipinas 170818030440Mgabayaningpilipinas 170818030440
Mgabayaningpilipinas 170818030440
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
Jesper aki.....
Jesper aki.....Jesper aki.....
Jesper aki.....
 
Ustare, rosita
Ustare, rositaUstare, rosita
Ustare, rosita
 
MGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOMGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINO
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
 
El filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptxEl filibusterismo.pptx
El filibusterismo.pptx
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizal
 
Lesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizalLesson buhay ni rizal
Lesson buhay ni rizal
 
1-JOSE RIZAL.pptx
1-JOSE RIZAL.pptx1-JOSE RIZAL.pptx
1-JOSE RIZAL.pptx
 
rizal Kabanata 1
rizal Kabanata 1rizal Kabanata 1
rizal Kabanata 1
 
Kabanata 24 buhay ni jose rizal
Kabanata 24 buhay ni jose rizalKabanata 24 buhay ni jose rizal
Kabanata 24 buhay ni jose rizal
 
Rizal chapter1
Rizal chapter1Rizal chapter1
Rizal chapter1
 
mga tala ukol sa buhay ni Rizal
mga tala ukol sa buhay ni Rizalmga tala ukol sa buhay ni Rizal
mga tala ukol sa buhay ni Rizal
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
El Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptxEl Filibusterismo.pptx
El Filibusterismo.pptx
 
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
Lesson buhaynirizal-120109081225-phpapp02
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 

Plus de Micon Pastolero

Plus de Micon Pastolero (8)

Filipino and foriegn composer
Filipino and foriegn composerFilipino and foriegn composer
Filipino and foriegn composer
 
Community workers
Community workersCommunity workers
Community workers
 
Type of Clouds
Type of CloudsType of Clouds
Type of Clouds
 
Mga salitang magkasalungat
Mga salitang magkasalungatMga salitang magkasalungat
Mga salitang magkasalungat
 
Proyekto sa Filipino
Proyekto sa FilipinoProyekto sa Filipino
Proyekto sa Filipino
 
Produkto ng Calabarzon
Produkto ng Calabarzon Produkto ng Calabarzon
Produkto ng Calabarzon
 
Computer Hardware & Their Functions
Computer Hardware & Their FunctionsComputer Hardware & Their Functions
Computer Hardware & Their Functions
 
GOD'S CREATION
GOD'S CREATIONGOD'S CREATION
GOD'S CREATION
 

Dernier

kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 

Dernier (20)

kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 

Mga bayani

  • 1. Dr. Jose P. Rizal (1861-1896) Pambansang Bayani ng Pilipinas Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang pinakadakilang anak ng lahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quintos. Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan Heneral Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufino Collantes at si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong. Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Biñan at nag-aral sa ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag- aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan.
  • 2. Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daang piso. Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala sa Maynila. Noong 1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. isang kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bumalik siya sa Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay Rizal. Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang 1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si Rizal nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika-30 ng Disyembre, 1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.
  • 3. Andres Bonifacio (1863-1897) Nagtatag ng katipunan Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Ang mga magulang niya ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro na isang mestisang Espanyol at nagtatrabaho sa isang pabrika ng sigarilyo. Nagsimula siyang mag-aral sa Don Guilermo Osmena sa Meisik, subalit naulila siya sa gulang na labing-siyam na taon (19), kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral. Naghanapbuhay siya para sa kanyang mga nakababatang kapatid. Nagsikap na lang siyang mag-aral sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat. Natuto siyang gumawa at magbenta ng mga pamaypay na papel at mga baston. Naging mensahero siya ng Fleming and Co. At pagkaraan ay naging ahente dito. Ilan sa mga librong nabasa niya ay ang Himagsikang Pranses, Buhay at Gawa ng mga pangulo ng Estados Unidos at iba pang mga makasaysayang aklat.
  • 4. Hinubog ng mga aklat na ito ang utak ni Bonifacio. Noong Hulyo 7, 1892 si Andres Bonifacio kasama ng ilang kilalang tao ay patago at lihim na nagtipon sa Azcarraga, Maynila upang itatag ang KKK o "Kataas-taasan Kagalang-galang na Katipunan". Subalit noong pagkaraan ng apat na taon ito ay natuklasan ng mga autoridad at binalak buwagin. Dahil dito pinasimula ni Bonifacio at ng mga katipunero ang himagsikan noong Agosto 23 sa pamamagitan ng pagsigaw sa Pugad Lawin. Kalookan, kung saan pinunit nila ang kanilang mga cedula. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo tungkol sa pamumuno. Dinakip si Bonifacio sa salang pagtataksil sa bayan. Nahatulan siya ng kamatayan at pinatay ng mga sundalo sa bundok ng Tala, Cavite noong Mayo 10, 1897.
  • 5. Antonio Luna (1869-1899) Dakilang Heneral Si Antonio Luna ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1869 sa Urbis Tondo, Maynila, Kapatid niya ang kilalang pintor na si Juan Luna. Ang mga magulang nila ay sina Joaquin Luna at Laureana Novicio. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtungo siya sa Barcelona at doon siya nag-tapos ng Parmasya. Habang nasa Espanya ay nakahalubilo niya doon sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar. Sama-sama nilang ipinaglalaban doon ang kapakanan ng mga kababayan nila sa Pilipinas. Nang siya ay umuwi sa Pilipinas ay naglingkod siya bilang Chemist sa Municipal Laboratory ng Maynila. Isa rin siyang mahusay na manunulat. Sumulat siya ng mga artikulo sa "La Solidaridad" noong panahon ng propaganda. Dahil doon siya ay
  • 6. ipinatapon sa Espanya, at ibinilanggo sa madrid sa hinalang siya ay kasapi ng mga manghihimagsik. Nagbalik siya sa Pilipinas. Nang sumiklab ang digmaan ng mga Amerikano at Pilipino siya ay sumama sa mga manghihimagsik ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dahil sa kanyang galing at katapangan ginawa siyang Kalihim-Digma sa Republika ng Pilipinas. Nagtatag siya ng Military Academy para ihanda niya ang Hukbong Pilipino na lalaban sa mga Amerikano. Nabingit siya sa kamatayan ng sumuong siya sa mahigpit na labanan sa La Loma. Natalo siya sa pakikipaglaban ngunit hindi siya sumuko. Siya ay tunay na bayaning nagmahal sa kanyang bayang tinubuan. Ipinaglaban niya ang kalayaan nito hanggang sa kanyang huling hininga. Noong Hunyo 5, 1899 ay napatay siya ng mga sundalo sa Nueva Ecija sa gulang na 30. Bago paman mangyari iyon ay nakagawa na siya ng sulat na nagsasabing ang kanyang ari-arian ay mapupunta sa kanyang ina, at ang kanyang katawan ay ibabalot sa bandila ng Pilipinas bago ilibing.
  • 7. Apolinario Mabini (1864-1903) Dakilang Lumpo Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa nayon ng Talaga, Tanauan, Batangas. Ang mga magulang niya ay sina inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Pangalawa siya sa magkakapatid. Nagmula siya sa mahirap na pamilya. Nakagisnan na niya ang hanapbuhay ng kanyang magulang na pagtatanim ng kung anu-anong gulay. Kahit naghihikahos nagsikap ang pamilya niya upang maitaguyod ang kanayang pag-aaral sa Maynila. Nagtatrabaho siya habang nag-aaral sa San Juan de letran at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Habang nag-aaral ay sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal at naging aktibo siyang miyembr. Nagtapos siya ng abogasya noong 1894. Taong 1896 ng magkasakit siya ng 'paralysis' na naging dahilan ng kanyang pagkalumpo. Lihim siyang ipinatawag ni Aguinaldo at ginawa siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan siya nito ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
  • 8. Taong 1899 ng si Mabini ay dakipin at ipinabilanggo ng mga Amerikano sa Nueva Ecija. Sa kulungan ay kanyang isinulat ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino." Enero 5, 1901 ng siya ay ipinatapon sa Guam kasama ng iba pa. Ngunit nagbalik siya sa bansa noong Pebrero 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa pamahalaang Estados Unidos. Nakumbinsi siyang kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano sapagkat naisip niya na malulutas lamang ang suliranin ng Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan. Namatay siya sa sakit na kolera sa idad na 39 noong Mayo 13, 1903 sa Nagtahan, Manila.
  • 9. Diego Silang (1730-1763) Pinuno ng pag-aaklas sa ilokos Si Diego Silang ay ipinanganak sa Caba La Union noong Disyembre 10, 1730. Ang mga magulang niya ay sina Mguel Sialng at Nicolasa de los Santos. Maliit pa siya ay utusan na siya ng mga pari. Lumaki siya sa parokya sa Vigan Ilocos Sur sa ilalim ng patnubay ng kura paroko. Minsang nautusan siyang lumuwas ng Maynila lulan ng isang bangka ay sinamampalad na nawasak ang kanilang sinakyan sa karagatan ng Zambales dahil sa pagdaan ng bagyo. Nakaligtas silang lahat at nakarating ng baybayin. Subalit nasabat sila ng mga Ita at napana ang lahat maliban kay Diego. Kinuha ng mga Ita si Diego. Matagal nagsilbi si Diego sa mga Ita, hanggang sa may magawing pari sa lugar na iyon at siya ay tinubos. Muli siyang naglingkod bilang utusan ng pari, naging matapat siya kaya pinagkatiwalaan siyang utusan ng pari sa Maynila. Dahil sa kanyang madalas na pagbibiyahe ay madalas niyang marinig ang karaingan ng mga tao laban sa mga kastila.
  • 10. Taong 1762 ng dumating sa maynila ang mga sundalong Amerikano. Natalo sa labanan ang mgakastila kaya isinuko ng mga ito ang Maynila. Nagkaroon ng ideya si Diego, bumalik siya sa Vigan at hinikayat ang kanyang mga kababayan na lumaban sa mga kastila, pinamunuan niya ang pag-alsa. Napalayas ni Diego sampu ng kanyang mga tauhan ang mga opisyales na kastilang namumuno sa kanilang lugar. Ginaya ng mga mamamayan sa kalapit bayan ang ginawa ni Diego, nag-alsa rin ang mga ito laban sa mga puti. Nang makita ng mga kastila na mahirap talunin ang 2,000 katao na mga tauhan ni Diego ay umupa ang mga ito ng isang taksil na magkunwaring kaibigan ni Diego upang madali nila itong maipapatay. Nagtagumpay ang mga kastila, pataksil na napatay nga si Diego ng huwad na kaibigan sa pamamagitan ng pagbaril nang siya ay nakatalikod, nangyari ito noong Mayo 28, 1763. Subalit hindi doon natapos ang ipinaglalaban ni Diego. Ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela Silang ang paghihimagsik laban sa mga kastila.
  • 11. Emilio Jacinto (1875-1899) Utak ng Katipunan Si Emilio jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon na isang midwife or hilot. Mahirap lamang ang kanyang mga magulang. Nakapag-aral lang siya sa San Juan de Letran sa tulong ng isang tiyuhin. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo tomas kung saan kumuha siya ng abogasya. Doon ay naging kamag-aral niya sina Osmena, Quezon at Sumulong. Taong 1894 ay sumapi siya sa Katipunan. Labing-siyam na taong gulang siya noong at siya ang pinakabatang kasapi ng samahan. Mula sa una niyang pakikipaglaban sa Balintawak at Pasong Tamo ay pinagkatiwalaan at hinirang siya ni Andres Bonifacio bilang heneral sa hukbo ng Katipunan sa parteng hilaga. Isa siyang dalubhasang manunulat. Marami ang nagsabi na nahigitan pa niya si Bonifacio. Sapagkat hindi ang Dekalogo ni Bonifacio ang ginamit ng Katipunan kundi ang sinulat niyang 'Kartilya',
  • 12. nakapaloob dito ang mga turo ng KKK. Dahil dito kinilala siyang "Utak ng Katipunan at Himagsikan". Nagkahiwalay sila ni Bonifacio ng sumiklab ang himagsika. Isang taon pagkaraang mapatay si Bonifacio, nasugatan si Emilio Jacinto sa Labanan at nadakip siya ng mga kaaway. Ito ay noong Pebrero 1898, ngunit nakatakas siya at nagtungo siya sa Maynila. Ipinasiya niyang bumalik muli sa Laguna at doon ipinagpatuloy ang kanayng pakikibaka, subalit nagkasakit siya. Noong Abril 16, 1899 namatay siya sa sakit na malaria. Ang kanayng mga labi ay nalalagak ngayon sa "Cementerio del Norte sa Maynila.
  • 13. Epifanio Delos Santos First wise and most studious Filipino Si Epifanio ay ipinanganak sa Malabon Rizal noong Abril 7, 1871. Nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-asawang sina Escolastico de los Santos at Antonia Cristobal. Kapwa nakatapos ng mataas na pinag-aralan ang kanyang mga magulang. Una siyang nag-aral sa Ateneo de Manila at dito rin nagtapos ng Batsilyer en Artes nang may pinakamataas na karangalan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Sto. Tomas kung saan siya nagtapos ng pagka-manananggol, at tulad ng una, siya naman ang nanguna. Sa buong panahon ng kanyang pag-aaral sa lahat halos ng asignatura siya ang nagkamit ng pinakamataas na grado. Siya ang kauna-unahang Pilipinong sumali at naging miyembro ng Royal Academy sa Madrid. Hinangaan ang kanyang talino dito sa atin at maging sa ibang bansa. Kinilala
  • 14. siya bilang pinakapangunahing manunulat at mananalaysay, mamumunang pampanitikan at bihasang-bihasa siya sa ating kasaysayan. Hindi lang iyon ang kanyang katangian. Isa rin siya mahusay na piyanista at gitarista at isa ring pintor. Kung tutuusin karapat dapat na siyang tawaging paham sapagkat isa rin siyang manananggol, bibliograpiko, pilologo at pilosopo. Taong 1896, panahon ng himagsikan ay naging miyembro siya ng Editoryal na pahayagang La Independencia na pag-aari ni Heneral Antonio Luna. Naglingkod siya sa pamahalaang Amerikano bilang piskal sa Nueva Ecija at naging gobernador din siya doon. Nahirang din siyang hukom sa Unang Dulugan at pagkatapos ay naging direktor ng Philippine Library Museum ng Pilipinas. Namatay si Epifanio De Los Santos noong Abril 28, 1928. Bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa para sa bayan ay ipinangalan sa kanya ang maraming lansangan at ilang paaralan.
  • 15. Francisco Dagohoy Pinuno ng pag-aaklas sa Bohol Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang pinakamahabang pag-aaklas sa kasay-sayan ng Pilipinas. Ito ay ang pag-aaklas sa Bohol na nag-umpisa taong 1744 hanggang 1829. Nang mapatay ng isang konstable ang kapatid ni Francisco Dagohoy ay doon nag- umpisa ang pag-aaklas. Labis na dinamdam ni Dagohoy ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinunod lamang ng kanyang kapatid ang utos ni Padre Morales, isang pareng heswita na hulihin ang isang masamang tao subalit sa kasamaang palad ito ang napatay. Sa kagustuhan ni Dagohoy na mabasbasan ang bangkay ng kanyang kapatid ay dinala niya ito kay Padre Morales para basbasan subalit tinanggihan ito ng pari sa kadahilanang humihingi pa ito ng bayad sa pagbabasbas. Lalong nagsiklab ang galit ni Francisco Dagohoy. Sinabi niyang hindi dapat humingi ng bayad ang pare dahil namatay ang kanyang kapatid dahil sa pagsunod sa utos nito.
  • 16. Hinimok niya ang lahat na mag-aklas at umanib naman halos lahat ng tao sa isla na iyon. Inabot ng 85 taon ang pag-aklas. Taong 1827 nang umpisahan ni Gob. Heneral Ricafort ang pagsalakay sa mga tauhan ni Francisco Dagohoy sa Bohol. Dahil doon humina ang loob ng mga nag-aaklas. Sumuko ang mga tauhan ni Francisco Dagohoy noong Agosto 31, 1829.
  • 17. Graciano Lopez Jaena (1856-1896) Propagandista Si graciano Lopez Jaena ay ipina-nganak noong Disyembre 17, 1856 sa Jaro Iloilo. Ang mga magulang niya ay sina Placido Lopez at Maria Jacoba Jaena. Sa seminaryo ng Jaro siya nagtapos ng Pilosopiya at mga paring Paulista ang kanyang mga naging guro. Dahil sa nakita niyang hindi magandang ugali at pamamalakad ng mga pari ay isinulat niya ang "Fray Butod" upang tuligsain ang mga kasamaan nito. Nagalit ang mga pari sa kanya. Tumakas siya at nagtungo sa Madrid sa Espanya at doon ay nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Valencia ngunit tumigil pagkalipas ng isang taon sapagkat nakibahagi siya sa pulitika. Tumigil siya doon sa loob ng labinlimang taon. Habang siya ay naroon ay nagsulat siya ng sari-saring babasahin na inakala niyang magpababago at magpapabuti sa mga palakad ng mga Kastila sa Pilipinas.
  • 18. Siya ay isang mahusay na orador. Itinatag niya ang "La Solidaridad" at siya ang naging unang editor nito. Taong 1890 ng siya ay bumalik sa Pilipinas upang mangalap ng tulong pinansiyal sa kanyang mga kababayan. Muli siyang nagbalik sa Espanya at ipinagpatuloy ang kanyang gawain. Naghirap siya sa buhay at namatay siya sa Barcelona noong Enero 20, 1896 dahil sa sakit na tuberkulosis.
  • 19. Melchora Aquino (1812-1919) Ina ng Himagsikan Siya ay kilala sa tawag na Tandang Sora noong kanyang katandaan. Ipinanganak siya sa Gulod Banilad Balintawak noong Enero 6, 1812. Ang mga magulang niya ay sina Juan Aquino at Valentina de Aquino. Sa kagubatan ng Balintawak siya nanirahan. Hindi siya nakapag-aral dahilan sa kahirapan, subalit taglay niya ang kabaitan at mabuting ugali ng pakikipagkapwa. Napangasawa niya si Fulgencio Ramos subalit nabiyuda siya nang maaga. Nang sumiklab ang himagsikan, si Tandang Sora ay 84 na taong gulang. Taong 1896 ng magpakita ng labis na kalupitan ang mga Kastila nahigingan ng mga ito na malapit nang maghimagsik ang mga tauhan ni Bonifacio. Maraming kalalakihan ang hinuli at pinarusahan, pilit na pinaaamin tungkol sa lihim na samahan ng Katipunan at kapag hindi umamin ay kanilang pinapatay sa
  • 20. pamamagitan ng pagbaaril o di kaya ay pagbitay. Ang ibang nakatakas ay nagtago sa Balintawak sa lugar ni Tandang Sora. Lahat ng taong dumulog kay Tandang Sora ay kanyang tinutulungan. Pinakakain niya ang mga rebulusyunaryong nagugutom, ginagamot ang mga sugatan. Subalit hindi niya pinababayaang magtagal sa poder niya ang mga ito. Binibigyan niya ang mga ito ng baong pera at pagkain at saka pinatatakas patungo sa ligtas na lugar na maaaring pagtaguan ng mga ito. Nakarating sa kaalaman ng mga kastila ang ginagawang pagtulong ni Tandang Sora sa mga miyembro ng Katipunan. Hinuli siya ng mga kawal Kastila at dinala sa Maynila. Ipinatapon siya sa pulo ng Marianas. Bumalik lamang si Tandang Sora sa Pilipinas noong 1903 ng mapasailalim ito sa kamay ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya noon at wala na siyang natitirang ari- arian. Namatay siya noong Marso 2, 1919 sa edad na 107.