SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  28
Télécharger pour lire hors ligne
Isang papel tungkol sa pagsusuri sa kasaysayan ng Panitikang Filipino
mula sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila hanggang sa
Panahon ng Bagong Lipunan.
I. Rasyonal ng Pag-aaral
Dito muling balikan ang kasaysayan ng Panitikang Filipino na sumasamin sa pinagmulan
ng ating panitikan o nagbigay daan sa atin para mamulat tayo sa mga pangyayari
nagaganap noong Panahon Bago Dumating ang mga Kastila (mula sa simula—1565),
Panahon ng mga Kastila (1565-1872), Panahon ng Amerika (1900-1941), Panahon ng
Hapones (1941-1945), Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1981), Panahon sa
Kasalukuyan (Tunay na Bagong Republika 1986- kasalukuyan).
Maraming kahulugan ang iba’t ibang manunulat tungkol sa panitikan. May nagsasabing
ang ‘’tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong pagpapahayag ng damdamin,
panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at
masining na mga pahayag. Sa aklat nina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal na
pinamagatang Panitikang Pilipino.
Sang-ayon sina Erlinda M. Santiago, Alicia H. Kahayon, Magdalena P. Limdico sa
kanilang aklat na Panitikang Filipino na ‘’ang tunay na panitikan ay yaong walang
kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa
kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang
kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na makita ang Maykapal’’.
Kaya sang-ayon ako rin sa kanila na ang panitikan ay walang kamatayan at
nagpapahayag ng damdamin at higit sa lahat pagkakakilanlan ng bawat isa sa atin kaya
sumagi sa aking isip na ang panitikan ang nagpakilala sa atin bilang isang Pilipino dahil
dito masasabi ko na ang panitikan ay hindi lamang nagpapahayag ng damdamin sa
nakikita sa kapaligiran kundi salamin din sa pagkakilanlan natin bilang isang Pilipino.
Kaya masasabi ko na ang panitikan ay buhay, dahil ito ay ginagamit ng tao sa bawat
araw. At ang panitikan ay buhay, buhay nang isang tao para maipahayag ang kanyang
saloobin at damdamin batay sa kanyang kapwa at sa kanyang lipunanang ginagalawan.
II. Mga layunin sa papel na ito ay ang mga sumusunod:
 maipakita ang kaligirang kasaysayan sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
(mula sa simula—1565), at ang mga Panitikan na lumaganap sa Panahon na iyon
at ang tema sa akda.
 maipakita ang kaligirang kasaysayan sa Panahon ng mga Kastila (1565-1872), at
ang mga Panitika na lumaganap sa Panahon na iyon at ang tema sa akda.
 maipakita ang kaligirang kasaysayan sa Panahon ng Amerika (1900-1941), at ang
mga Panitikan na lumaganap sa Panahon na iyon at ang tema sa akda.
 maipakita ang kaligirang kasaysayan sa Panahon ng Hapones (1941-1945), at ang
mga Panitikan na lumaganap sa Panahon na iyon at ang tema sa akda.
 maipakita ang kaligirang kasaysayan Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1981),
at ang mga Panitika na lumaganap sa Panahon na iyon at ang tema sa akda.
 maipakita ang kaligirang kasaysayan sa Panahon ng Bagong Lipunan (1972-
1981), Panahon sa Kasalukuyan (Tunay na Bagong Republika 1986-
kasalukuyan). at ang mga Panitikan na lumaganap sa Panahon na iyon at ang
tema sa akda.
Ang papel na ito ay isang pagsusuri sa tema sa mga akdang
lumaganap sa panahon bago dumating ang mga kastila hanggang sa panahon ng
bagong lipunan. Bago dumating ang mga mananakop sa ating bansa mayroon na
tayong sariling mga panitikang na lumaganap sa ating bansa. Kaya isa sa mga
akdang lumaganap sa panahon bago dumating ang mga kastila ay ang alamat. At isa
mga alamat na naging batayan ng iba sa kanilang paniniwala ay ang alamat
pinamagatang ‘’ANG ALAMAT NG MGA TAGALOG’’. At sa mga piling akda ni Padre
Modestro de Castro na tinaguriang ‘’Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog na
pinamagatang ‘’URBANA AT FELISA’’ na isa sa mga akdang lumaganap sa panahon
ng kastila. At ang akda ni Severino Reyes na tinagurian ding ‘’Ama ng Dulang
Tagalog’’, at may-akda ng walang kamatayang dulang ‘’WALANG SUGAT’’ na isa rin
sa mga akdang lumaganap sa panahon ng amerikano. At ang akdang lumaganap sa
panahon ng mga hapon ay Haiku at Tanaga at isa mga akda ni Ildefonso Santos sa
kanyang tanaga na pinamagatang ‘’PALAY’’ na isa sa nagpabantog sa kanyang at
may marami siyang akda nalikha. At ang panghuli ay ang panahon ng bagong lipunan
kung saan marami na ang mga pagbabagong nagaganap sa bansa at pati na rin sa
panitikan kaya isa mga panitikan na tumatak sa ating puso, ang awit ni Freddie Aguilar
na pinamagatang ‘’ANAK’’ na kahit saang panig ng ating bansa at kilala ang awitin na
ito.
III. Ang Pagsusuri
Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
Kaligirang Pangkasaysayan
Bago paman dumating ang mga mananakop na dayuhan sa ating bansa ay
may sariling na tayong panitikan na galing sa ating mga ninuno. An gating mga ninuno
ay may sarili nang panitikan na nagtataglay ng kasaysayan ng ating pagka-Pilipino. Ang
panitikan ang pinakainstrumento para ipahiwatig ang tunay na pagkalahi natin. Nagsisilbi
itong wika ng Pilipino na nagbubunyag ng panlipunan at panlahing kaugalian ng ating
pang-araw-araw na buhay, na nababakas sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko,
kantahing bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan, sinaunang dula, at maikling kwento.
Bago pa dumating ang mga kastila, ipinalalagay na an gating mga ninuno ay
mayaman na sa mga alamat, kwentong bayan, epiko, awiting bayan, mga karunungang
bayan ng bugtong, sawikain, salawikan, palaisipan, at bulong. Mayroon na rin an gating
ninuno noon ng sariling baybayin o alpabetong kaiba sa kasalukuyang ginagamit na
dinala ng mga Kastila. Ito ay ang alibata ang abakadang kahawig ng Malayo-Polinesyo,
na unang ginamit ng ating ninuno
Ang mga ninuno natin ay gumagamit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga
o niyog, at dahon at balat ng mga punungkahoy bilang sulatan. Ang mga panulat ay
matutulis na kawayan o kahoy, dulo ng lanseta, at matutulis na bato at bakal. Kahit na
ang bumbong na pansalok ng inumin ay tinatalaan nila ng mahahalagang pangyayari sa
buhay.
Tungkol sa may likha
Ang akda ng ‘’Ang Alamat ng mga Tagalog na isa sa mga lumaganap sa
panahon bago dumating ang mga kastila ay hango o nakuha ko sa aklat na
pinamagatang ‘’Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unlad’’ na inakda nina
Erlinda M. Santiago, Alicia H. Kahayon, at Magdalena T. Limdico.
Ang Alamat ng mga Tagalog
Di- kaila sa atin na tayong mga Pilipino ay binubuo ng napakaraming lahi; may
lahing Ilokano, Kapampangan, Bisaya, Bikolano, Tagalog, at iba pa. Isa sa mga lahing
nabanggit ang malalaman natin ang pinagmulan, at ito ay ang mga Tagalog.
Sa isa raw malawak na pook ng Luzon ay may isang nayong pasyalan ng mga
binate. Ang nayong ito ay may maraming punongkahoy na nakatanim, mga bulaklak,
parang, at isang ilog na inaagusan ng malinaw na tubig. Hindi ang kagandahan ng nayon
kundi ang isang napakagandang dalaga na wari’y nimpa ang nakaaakit sa mga
kabinataan kung bakit dinarayo nila ang nasabing pook.
Ang dalaga ay si Maria. Malimit siyang magkaroon ng mga manliligaw na
sadyang dumarayo at nakikipagsapalaran. Subalit si Maria ay walang sinasagot ni isa
man sa mga binata. Pihikan ang kaniyang puso. Palibhasa’y hindi siya masungit, kaya
giliw lahat sa kaniya ang mga binate. Walang tigil ang pagsamo sa kaniya ng mga ito, at
sapagkat wala siyang mapili ay umisip siya ng paraan. Tinipon niya ang mga binatang
yaon at nagwika siya ng ganito.
‘’Napakabuti ninyong lahat. Mahirap para sa akin ang mamili ng isa sa inyo.
Kung gusto n’yo ay daanin na lang natin sa pagsubok.’’
‘’Kung siya mong nais, ay wala kaming tutol,’’ wika ng mga binata.
‘’Pumapayag kami.’’
‘’Kung gayon ay pakinggan ang aking sasabihin. Sinuman sa inyo ang unang
makapagdadala ng isang malaking sawang buhay at malakas ay siya kong pakakasalan,’’
biro ni Maria.
Natigilan ang mga binatang kaharap. Walang ano-ano ay narinig ang tinig
ni Ilog na siyang bumasag ng katahimikan.
‘’Ako ay nangangako sa iyo, Maria. Kahit buhay ko ang maging kapalit ay
susundin ko ang iyong kahilingan.’’
Si Ilog ay binatang kilala ng lahat sa katapangan. Umalis noon din ang
binate upang tumupad sa utos ng nililiyag.
Nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga binatang naiwan. Tiniyak nilang
hindi makababalik si Ilog. Naghintay sila, subalit marami nang oras ang lumipas ay wala
pa si Ilog. Maging si Maria ay nangamba na rin, sapagkat ikalulungkot din niya kung
mapahamak ang isang matapang at msunurin nang dahil lamang sa kaniyang biro.
Pagkaraan pa ng maraming oras ay biglang dumating si Ilog. Gayon na
lamang ang pagkakagulo ng mga tao sa panonood sa kagila-gilalas na katapangan ni
Ilog na noon lamang nila nasaksihan sa mahaba ring panahon. Hawak ni Ilog sa batok at
sa buntot ang malaking sawa.
Kasalukuyang nagkakagulo ang mga tao nang nagdaraan naman ang
dalawang Kastila. At natawag ang kanilang pansin, hindi ng nakita nilang hawak-hawak
ni Ilog na sawa kundi ng kagandahan ni Maria.
‘’Maria.’’ Tila bayaning sambit ni Ilog. ‘’Dala-dala ko na ang sawang hiniling
mo. Ano pa ang ibig mong gawin ko sa sawang ito upang mapaligaya kita?’’ pagtatanong
ni Ilog.
‘’Tagain mo, Ilog,’’ ang wika ni Maria.
Noon lamang namangha ang dalawang Kastila sa pagkakagulo ng mga tao.
Naitanong nila kung anong pook ang kanilang kinaroroonan, subalit wala sa kanilang
nakapansin, dahil abala ang mga napagtanungan sa pagtingin sa ahas at kay Ilog. Nang
makita ni Maria na gusto pang manlaban ang sawa ay napasigaw siya nang malakas.
‘’Taga, Ilog! Taga, Ilog!’’ ang kaniyang sigaw na ang ibig sabihin ay tagain
pang muli ni Ilog ang ahas.
Sa narinig dalawang kastila, akala nila ay yaon na ang kasagutan sa
kanilang tanong. Inulit-ulit nila ang katagang Tagailog, Tagailog, hanggang sa malaon ay
naging Tagalog.
Tema sa Alamat ng mga Tagalog:
Ang alamat ay isang uri ng panitikang tuluyan, na ang karaniwang paksa ay
nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan.
Mababakas na ang mga pangyayari ay likhang-isip lamang, salat sa katotohanan at tunay
na di-kapanipaniwal. Subalit ang mga matatandang kaugaliang Filipino ay masasalamin
din sa mga akdang ito. Ang layunin nito’y manlibang.
Kahit masasabi nating ang mga pangyayari ay pawang likhang-isip lamang, ito naman ay
salat sa katotohanan at tunay na pwedeng paniwalaan at hindi. Likas sa pagka-Pilipino
ang pagka-matapang kaya hindi natin maipagkaila na nakamit natin ang kalayaan sa
ating bansa nang dahil sa ating katapangan. Lalo na kung pag-ibig ang pag-uusapan ika-
nga ni Balagtas sa kanyang awit na ‘’hahamakin ang lahat masunod lang ang taong
nililiyag. Kaya mapapansin sa Ang Alamat ng mga Tagalog ang katapangan ni Ilog na
naipakita niya kay Maria para mapasaya niya ito sa ngalan nang pag-ibig. Kaya
lumulutang sa alamat na, pagdating sa pag-ibig ay walang kinakatakutan at gagawin ang
lahat para lamang sa pag-ibig. Dahil kung pag-ibig na ang pag-uusapan ay hindi
magpapahuli ang mga Pilipino kaya likas sa ating mga Pilipino ang mapagmahal.
Panahon ng mga Kastila
Kaligirang Pangkasaysayan
Ang unang pananakop ng mga Kastila sa ating Bansa ay ang pananatili ni
Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-
heneral. Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at
GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo,
maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng
kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay
pamaksang pananampalataya at at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon, ito
ang panahon ng propaganda at panahon ng tahasang paghihimagsik. Dahil sa
pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang
akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Sa panahong ito,
piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa
ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa
nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila. Sa ikalawang bahaging ito ng
kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga
panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino
sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang
pamahalaan. Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang pagkakahimlay ang mga
natutulog na damdamin ng mga Pilipino.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing
diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang
Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang
Kastila. Naging lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga kastila, subalit hindi nila
nagawang pigilin pa ang nabuong mapanlabang damdamin ng mga Pilipino. And dating
diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa
pamamalakad ng simbahan at pamahalan. Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago
ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ang
mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.
Sa mga panahong iyon, maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng
mga Pilipino. Tinangkilik ang relihiyong Katoliko at pagpapalit ng mga pangalan at
nagpabinyag. At ang pamumuhay ay unti-unting nagbabago nagkaroon ng mga bahay
na bato at tisa, mga magagandang kasangkapang tulad ng piyano, muwebles, at mga
kagamitang pangkusina. Nagkakaroon din ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren, at
bapor. Natutong magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo.
Nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo, at teatro. Ang mga pagbabagong ito ay
nagbigay din daan sa pagkakabuo ng ilang pangkat ng ‘’may-kaya’’ na may ari-arian at
lupain. May ilan din sa mga Pilipino ang nakapag-aral at nakakuha ng kurso.
Talambuhay ni Padre Modestro de Castro
Si Padre Modesto de Castro ay itinuring na pangunahing manunulat noong ika-
19 na daantaon. Tubong Biñan, Laguna, kinilala siya dahil sa kanyang angking
kakayahan sa pagsulat ng mga sermong pampulitika na kanyang binibigkas at nang
tumagal ay sinulat para malathala.Pambihira ang kanyang angking talino. Ang katipunan
ng mahuhusay na sermon ni Padre de Castro na humuhubog sa kagandahang-asal ay
pinamagatang Platicas Doctrinales. Ito ay binubuo ng 25 mahuhusay na sermon.
Naging kura paroko si Padre de Castro ng Katedral ng Maynila at pagkatapos
ay ng Naic, Cavite. Kilalang akda ni Padre de Castro ang Urbana at Felisa. Ilan pa sa
kanyang mahahalagang akda ay ang Coleccion de Sermones, Exposicion de la Siete
Palabras, at Novena de San Pedro
Urbana at Felisa ni Padre de Castro
Sina Urbana, Felisa, at Honesto ay magkakapatid na tubo sa isang
lalawigan.Nang sila’y magsilaki na, si Urbana ay nagtungo sa Maynila samantalang sina
Felisa at Honesto ay nanatili sa lalawigan. Sina Urbana at Felisa ay laging nagsusulatan
at sa kanilang mga pagsulat ay lagi nilang pinaaalaala sa bawat isa ang mga ginintuang
aral tulad ng pakikipagkapwa-tao, mga katungkulan ng tao sa Diyos, pag-iibigan,
kalinisan ng kalooban, at mga dakilang aral ng ina sa anak o ng mga anak sa ina. Katulad
ng sabi ni Pari Modesto kay Urbana na, ‘’Pakatantuin ng ina na ang kalinisan ng isang
dalaga ay parang bubog na kahit di nagkalamat, kahit di mabasag, mahingahan lamang
ay nagdurungisan.’’
Tungkol naman sa pakikipagkapwa-tao ay binanggit ni Felisa kay Urbana na,
‘’ Ang kabaitang di-hamak na ipinakikita mo sa eskwela na tinitipid mo ang gawi ng
kabataang kalaro sa kapwa-bata, ang kahinhinan ng iyong asal na di-makitaan ng
kagaslawa’t katalipandasang magpahangga ngayo’y di-malilimutan ay nagagalak ang
loob ko’t nagnasang mahuwaran ang magandang kaasalan mo.’’Likas kay Urbana ang
mabining kilos at kabaitan sa kapwa, kaya’t kahit wala na siya sa lalawigang ay
bukambibig pa rin ng kaniyang mga guro dahil sa magandang-asal niya at katapatan sa
pakikisama sa kapwa. Ang magagandang gawa ay di-malilimutan kailanman.
Sa kanilang pagsusulatan ay nabanggit din ang tungkulin ng mga magulang
sa pagtuturo ng kagandahang-asal, mga dasal, at karunungan sa pagkilala sa Diyos.
Kaya sinabi ni Urbana, na mapalad ang mga anak na may magulang na marunong
magturo ng mga katungkulan ng isang anak sa kanilang Diyos. Napag-usapan din nila
na kung magbinata si Honesto at magkaroon ng pagkakataong alukin ng katungkulan sa
bayan ay di niya dapat tanggapin ang panunungkulan kung karangalan lamang ang nasa.
Ngunit kung ito’y pinagkaisahan ng bayan ay dapat na tanggapin sapagkat kaloob ito ng
Diyos. Nabanggit din nila na karamihan sa mga nanunungkulan ay may kasakiman at di
marunong tumupad sa nanunungkulan ay may kasakiman at di marunong tumupad sa
katungkulan at ang iniisip ay pansariling kapakanan lamang. Kung sakaling tanggapin ni
Honesto ang panunungkulan ay dapat siyang maging matapat at di dapat na maging
palalo upang di maparusahan ng Diyos. Ang huling tinalakay ni Urbana at Felisa ay ang
‘’Kahatulang Ukol sa Pagsang-ayon sa Kalooban ng Diyos.’’
Tema sa akdang Urbana at Felisa:
Sa pagkamatay ng ama nila ay pinayuhan ni Urbana si Felisa na umayon sa
kagustuhan o kalooban ng Diyos. Ang kapalaran ng isang tao ay naitakda na at di dapat
sisihin ang sinuman bagkus ay ipanalangin ang kaluluwa nito.
Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa. Pawang
tungkol sa kabutihang-asal at paniniwala sa Diyos ang nilalaman ng aklat ni Padre
Modesto de Castro. Kaya’t Malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang
panlipunan ng mga Pilipino. At kadalasan nagpapatungkol sa mga katungkulan ng tao sa
Diyos. Dahil ang aklat ni Padre Modesto de Castro ay nagpapakita sa ng mga tunay na
pag-uugali at pagkilala sa Diyos. Dito nagkakaroon ng mabuting pag-uugali katulad sa
mga ipinapakita ng mga tauhan sa kwento. Ang mga mabuting asal sa kapw at higit sa
lahat ang pakikitungo sa Diyos. Ito’y dulot ng pananakop ng Kastila sa atin dahil isa sa
kanilang layunin ay ang maghasik ng kristiyanismo sa ating bansa kaya umusbong ang
mga akdang pampanitikang nagpapatungkol sa Diyos.
Panahon ng Amerikano
Kaligirang Pangkasaysayan
Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na
sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon, Naiwagayway an gating bandila noong
ika-12 ng Hunyo, 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan. Nakahirang si Hen.
Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang
kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga
Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng
pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang
pangkapayapaan ay nagsimula noon pang 1900. Maraming Pilipino noon ang nagsalong
ng sandata at muling nanulat, sapagkat ang diwa at damdaming makabayan ng mga
kababayang ito ay hindi nakuhang igupo ng mga Amerikano, bagkus ay lalong naging
maalab pa.Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan
tulad ng lathalain, tula, kwento, dula, sanaysay, nobela at iba pa. Maliwanag na
mababasa sa mga akda nila ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng kalayaan.
Sa kabilang banda, ang mga manunulat ay ginapusan ng mga Amerikano ng
tanikala ng batas ng sedisyon. Hindi sila maaaring magsulat ng kahit na anong
makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila
maaaring magsulat ng laban sa pagmamalabis ng mga ito o laban sa mga layunin ng
mga ito na hindi naman pawang para sa kapakanang Pilipino.Di naglaon, ninais na rin ng
mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis
ang pagkamit sa kalayaan.
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang
ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang
tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga
Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat. Totoong ang dula ay
ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang paghihimagsik.
Talambuhay ni Severino Reyes
Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 11 Pebrero
1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero.
Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga
kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang.
Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng
panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa
sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.
Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang
Moro-moro at komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa
mga manunuod. Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang
dulang Tagalog. Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang Moro-
moro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela. Dahil sa nakita ni Don
Binoy na reaksiyon ng mga manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay
itinatag niya ang Gran Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang
magtataguyod sa pagtatanghalang mga sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ng
Walang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang
Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino
Reyes dahil sa pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang
palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga manunuod.
Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa
ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga
Amerikano. Si Don Binoy ay naging patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.
WALANG SUGAT
ni: Severino Reyes
BUOD
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong, taal na kulturang Pinay
na kung tawagin ay hele hele bago quiere. Pinapahirapan ng mga Frayle ang mga
bilanggong Pilipino, na inakusahang mga filibusterismo o kaya ay myembro ng Mason.
Lalo ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo.Nilinlang ng mga Frayle ang mga dalaw ng
mga bilanggo, sa pagkukunwaring nirerespeto nila ang karapatang pantao. Ngunit
kabaliktaran ang nangyayari. Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan ni (Ina) Putin
ang nangyari at hinimatay.
Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang bayang ay inaapi
na nang tatlong daang taon. Sinugod ng mga Katipunero ang estacion ang Guiguinto.
Ipinagkakayari ni (Ina) Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo.
Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na ng (Ina) Juana
niya kay Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal. Hindi lamang taumbayan ang may
sentimyento sa mga kolonisador, kundi mga Paring Pilipino tulad ni Pari Teban.
Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa kanya: ang
taksil ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng mga Katipunero. Nalungkot si
Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga Katipunero, bumaba sila
sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia. Iyon nga ang
nangyari, ikinasal sila. Sila rin sa huli. At hindi sugatan ang kanilang pag-iibigan.
Tema sa Dulang WALANG SUGAT:
‘’Tulak ng bibig, kabig ng dibdib’’ ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong at ganoon
din si Tenyong kay Julia. Ipinakita ni Tenyong at Julia ang kanilang makapangyarihang
pag-iibigan. Mas mapipigilan pa ang agos ng tubig sa talon kaysa kanilang pag-iibigan.
Mapapansin sa dula ang mga balakid o hadlang sa pagmamahalan nina Julia at Tenyong
pero mas nangingibabaw ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa. Kaya gumawa sila
nang paraan para makapiling nila ang isa’t isa. Kahit mayroon itong halong panlilinlang
hindi nila inisip basta ang mahalaga mahal nila ang isa’t isa at magkasama sila sa
habangbuhay. Kaya mahirap kalabanin ang pag-ibig dahil kung pag-ibig na pag-uusapan
ay talagang hahamakin ang lahat masunod lang ito.
Panahon ng mga Hapones
Kaligirang Pangkasaysayan
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang
tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga
Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan.
Naging maganda naman ang bunga nito sa Panitikang Tagalog. Patuloy na umunlad ito
sapagkat ang mga dating sumulat sa Ingles ay bumaling sa pagsulat sa Tagalog. Si Juan
Laya na dating manunulat sa Ingles ay nabaling sa pagsulat sa Tagalog, dahil sa mahigpit
na pagbabawal ng pamahalaang Hapon tungkol sa pagsulat ng anumang akda sa Ingles.
Sa madaling salita, nabigyan ng puwang ang Panitikang Tagalog nang
panahong ito. Marami ang mga nagsisulat ng dula, tula, maikling kwento, at iba pa. Ang
mga paksain ay pawang natutungkol sa buhay lalawigan.
Talambuhay ni Ildefonso P. Santos
Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon,
sa nayon ng Baritan noong ika-23 ng Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres
Santos at Atanacia Santiago.
Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si
Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon
ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni
Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang
kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.
Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo
ang Pambansang Wika, siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National
Teacher's College. Nagturo rin siya sa Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang
siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata.
Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog.
Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya.
Isa raw siya sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang
kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa
kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng
Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat tulad ng Palay, Kabibi
at Tag-init. Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. na Pambansang Alagad ng Sining ng
Pilipinas para sa Arkitektura noong taong 2000.
TANAGA
ni Ildefonso Santos
KABIBE
Kabibe ano ka ba
May perlas maganda ka
Kung idiit sa tainga
Nagbubuntong hininga
Tema sa tanaga:
Ang isang maaaring pakahulugan ay ito'y tungkol sa isang taong walang tiwala sa
kanyang sarili at hindi niya nakikita ang kanyang sariling kagandahan. Dahil kadalasan
sa tao ay mali ang nakikita palagi minsan ito sa kanyang sarili. At madaling sumuko sa
mga laban sa buhay dahil may kakulangan sa tiwala sa saril at walang lakas loob para
harapain ang mga ito. Katulad sa tema na nais ipalabas sa tanaga na tumutukoy sa
kawalan ng tiwala sa sarili .
Panahon ng Bagong Lipunan
Kaligirang Kasaysayan
Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre,
1972. Nagpatuloy pa rin ang Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay patimpalak.
Halos tungkol sa ikauunlad ng bayan ang naging karaniwang paksain ng mga akda tulad
ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain
(Nutrition), ‘’drug addiction,’’ ‘’polusyon,’’ at iba pa. Pinagsikapan ng Bagong Lipunan na
maputol ang malalaswang mga babasahin, gayundin ang mga akdang nagbibigay ng
masasamang impluwensya sa moral ng mga mamamayan. Ang lahat ng mga
pahayagang pampaaralan ay pansamantalang pinahinto, at maging ang mga samahang
pampaaralan.
Nagtatag ang pamahalaang militar ng bagong kagawaran na tinatawag na
‘’Ministri ng Kabatirang Pangmadla’’ upang siyang mamahala at sumusubaybay sa mga
pahayagan, aklat, at mga iba pang babasahing panlipunan. Muling naibalik ng dating
unang Ginang Imelda Marcos sa pagpapanibagong-buhay an gating mga sinaunang dula
tulad ng Senakulo, Sarsuela, Embayoka ng mga Muslim, at iba pa. Ipinatayo niya ang
Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, at maging ang Metropolitan Theater
ay muli rin niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng mga dulang Pilipino.
Naging laganap din ang pag-awit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga
ipinadadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit. Tahasang masasabi na
nagningning din ang Panitikang Filipino nang panahong ito.
Talambuhay ni Ferdinand Pascual Aguilar
Si Ferdinand Pascual Aguilar (ipinangak Pebrero 5, 1953), higit na kilala
bilang Freddie Aguilar o Ka Freddie Aguilar, ay isang Pilipinong mang-aawit. Kilala siya
sa pag-awit niya ng "Bayan Ko", na naging awit ng oposisyon ng rehimeng Marcos noong
Rebolusyong EDSA ng 1986,[1] at sa awitin niyang "Anak", ang pinakamabentang awiting
Pilipino.
Siya ay nakapag-aral ng "electrical engineering" sa De Guzman Institute of
Technology ngunit hindi nakapag-tapos ng kanyang programa. Sa halip, pinursige nito
ang pagiging musikero mula sa kalye hanggang sa mga bar. Noong 1973,napangasawa
niya si Josephine Quiepo.
Iniwan ni Freddie Aguilar ang kanyang mga magulang at paaralan na di pa
natatapos sa edad na 18. Dahil dito, nailikha niya ang kantang "Anak" na nagsisilbing
paumanhin sa kanyang pagkakamali. Limang taon bago niya isulat ang "Anak", Si
Freddie Aguilar ay sumali sa mga protesta laban sa gobyerno noong panahon ni Marcos
sa pamamagitan ng pag-sulat ng mga awitin. Ang mga kanta na nagpabawal sa kanya
sa publiko ay ang "kata-rungan", "Pangako", at "Luzviminda" na naghihikayat sa mga
Pilipino na magising sa katotohanan. Nakikilala rin siya sa pagdagdag ng verse sa "Bayan
Ko".
Anak
I
No’ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo.
II
Sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo.
At sa umaga nama’y kalong ka ng iyong amang
Tuwang-tuwa sa iyo.
III
Ngayon nga ay malaki ka na
At nais mo’y maging malaya
Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila’y sinuway mo.
IV
Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa’y para sa ‘yo.
Pagkat ang nais mo’y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin
V
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas moy naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong ‘’Anak, ba;t ka nagkaganyan?’’
VI
At ang iyong mga mata’y biglang lumuha
Nang di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo’t nalaman mong ikaw’y nagkamali (3)
Tema sa awit:
Sa kaligirang ito, ang ilan pang mang-aawit na kompositor ay nadagdag pa.
Kabilang dito sina Freddie Aguilar, Florante, Jose Marie Chan, at ang magkakasamang
Tito, Vic and Joey. Naging matagumpay ang ‘’Anak’’ ni Freddie Aguilar dahil sa dalang
diwa at damdaming ipinahahayag ng awiting ito. Sa katunayan ay nagkaroon pa nga ito
ng salin sa hapon at sa iba pang wika.
‘’Ang pagsunod sa magulang, tanda ng anak na magalang’’ pero sa awitin na
Anak ito ay kabaliktaran sa mga pangyayaring nagaganap sa awit. Ang ganitong
kasabihan ay tanda sa mga anak na ang pagsunod at paggalang sa magulang ay
kailanman hindi dapat kalimutan. Dahil ang pagmamahal nang magulang ay hindi kayang
tumbasan at higitan ng isang anak. Kaya ang pagsunod at paggalang sa magulang ay
dapat gawin para hindi tayo maligaw nang landas. Katulad sa awit likas sa magulang ang
mapagmahal sa anak at gagawin ang lahat para lang sa anak. Pero hindi ito napansin ng
isang anak dahil kung ano ang nagpapasaya sa kanya para sa kanya yon ang tama. Kaya
sa huli ang pagsisisi, kaya ang awit na ito ay isang gabay sa mga kabataan para mabulat
sa katotohanan para mahalin at igalang ang magulang.
At dagdag pa ni David pinakasikat na kanta hanggang ngayon at sumikat
din sa buong mundo ang kanta ni Freddie Aguilar na Anak. Ang kantang ito ang
karaniwang sumasalamin daw sa mga kabataan. Sa aking palagay sadyang totoo ang
kantang ito hindi lamang noon kundi lalo na sa mga panahong ito. Sa panahong mas
nagiging maimpluwensya na ang media, teknolohiya at iba pang bagay anu na nga ba
ang nagiging papel ng mga magulang. Eto ang orihinal kantang anak ni Freddie Aguilar
na napapaluha ako sa tuwing makikinig ko sya sapagkat mas nauunawaan ko na ito
ngayong may tatlo na rin akong anak...
IV. Konklusyon
Ang mga panitikan mula sa Panahon Bago Dumating ang Kastila, Panahon ng Kastila,
Panahon ng Amerikano, Panahon ng Hapones, hanggang sa Panahon ng Bagong
Lipunan ay may malaking ambag sa ating panitikan ngayon kumbaga ito ang salamin
ng ating kasaysayan sa mga akdang pampanitikan. Sa lahat ng panahong lumipas ay
mayroong mga temang nangingibabaw una, sa panahon bago dumating ang kastila,
nangingibabaw ang mga kaugalian ng ating mga ninuno at mga lahi. Ikalawa,
panahon ng kastila nangingibabaw naman dito ang pagpapalaganap ng kristiyanismo
sa ating bansa. Pangatlo, sa panahon ng amerikano dito nangingibabaw ang pag-ibig
sa bayan at pag-asam na kalayaan. Pang-apat, sa panahon ng hapones
nangingibabaw naman dito ang tinatawag na may kalayaan na nagbigay ng
magandang bunga sa Panitikang Tagalog. Pang-lima, panahon ng bagong lipunan
dito nangingibabaw ang tema na hango sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan.
Pero sa kabuuan isa lamang ang pinatutunguhan ng bawat akda sa bawat panahon
na lumipas kundi ang mag-ambag ng kasaysayan sa mga nagaganap sa bawat
panahon na lumipas sa ating bansa. Ito ay gabay sa ating lahat para malaman natin
ang puno’t dulo ng ating panitikan.
At dito ko napagtanto na ang kasaysayan ay kapatid ng panitikan sapagkat palagi
itong magkasama at hindi pwedeng paghiwalayin. Sa madaling salita kung may
kasaysayan ay may kaakibat na panitikan. Dahil kung walang kasaysayan wala ring
panitikan kaya isa sa pinagmulan ng panitikan ay ang kasaysayan.
V. Mga Sanggunian
Aklat
Erlinda M. Santiago, Alicia H. Kahayon, Magdalena P. Limdico. (1989). PANITIKANG
FILIPINO Kasaysayan at Pag-unlad. Navotas Press: Navotas, Metro Manila
Websayt
http://kamalig.blogspot.com/2008/01/walang-sugat-buod-at-reaksyon.html
https://brainly.ph/question/441359
http://www.answers.com/Q/Talambuhay_ni_ildefonso_santos

Contenu connexe

Tendances

Presentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoPresentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoANNABELE DE ROMA
 
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Hapones
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng HaponesFilipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Hapones
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng HaponesJuan Miguel Palero
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikanyahweh19
 
Panitikan sa panahon ng kalayaan
Panitikan sa panahon ng kalayaanPanitikan sa panahon ng kalayaan
Panitikan sa panahon ng kalayaancharlhen1017
 
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsaPanitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsaReinabelle Marquez
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaNikko Mamalateo
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santosclairearce
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoMckoi M
 
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng CagayanRehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng CagayanMarlene Panaglima
 
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTO
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTOPAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTO
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTOIvy Joy Ocio
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoSandy Suante
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaRosalie Orito
 
Maikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaMaikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaKedamien Riley
 

Tendances (20)

Presentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoPresentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipino
 
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Hapones
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng HaponesFilipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Hapones
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Hapones
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
 
Mga sinaunang dula
Mga sinaunang dulaMga sinaunang dula
Mga sinaunang dula
 
Panitikan sa panahon ng kalayaan
Panitikan sa panahon ng kalayaanPanitikan sa panahon ng kalayaan
Panitikan sa panahon ng kalayaan
 
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsaPanitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
Panitikan sa panahon ng rebolusyon ng edsa
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santos
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
 
Panitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng RepublikaPanitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng Republika
 
Karagatan
KaragatanKaragatan
Karagatan
 
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng CagayanRehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
 
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTO
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTOPAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTO
PAGTALAKAY SA TULA - KASAYSAYAN, DEPINISYON AT ELEMENTO
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
 
Panitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunan
Panitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunanPanitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunan
Panitikan sa-panahon-ng-bagong-lipunan
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Maikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaMaikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dula
 
ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1
 

Similaire à Panahon ng bagong lipunan

Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMarlene Panaglima
 
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismoLit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismoEzr Acelar
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentochrisbasques
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Ceej Susana
 
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Allan Ortiz
 
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iiiPinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iiiAnnabelle Beley
 
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoAng Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoMckoi M
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanSCPS
 
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwentoKaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwentoCacai Gariando
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Chin Chan
 

Similaire à Panahon ng bagong lipunan (20)

Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
 
Nolielfili
NolielfiliNolielfili
Nolielfili
 
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismoLit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)
 
Proj.3
Proj.3Proj.3
Proj.3
 
Filipino rizal
Filipino rizalFilipino rizal
Filipino rizal
 
Kontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikanKontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikan
 
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iiiPinoi notes (kasaysayan   bahagi ng nobela) iii
Pinoi notes (kasaysayan bahagi ng nobela) iii
 
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoAng Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikan
 
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwentoKaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 
BALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptxBALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptx
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
 

Dernier

Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptxHannaLingatong
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxRheaGarciaPoyaoan
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1MaeganVeeu
 

Dernier (20)

Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 

Panahon ng bagong lipunan

  • 1. Isang papel tungkol sa pagsusuri sa kasaysayan ng Panitikang Filipino mula sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila hanggang sa Panahon ng Bagong Lipunan. I. Rasyonal ng Pag-aaral Dito muling balikan ang kasaysayan ng Panitikang Filipino na sumasamin sa pinagmulan ng ating panitikan o nagbigay daan sa atin para mamulat tayo sa mga pangyayari nagaganap noong Panahon Bago Dumating ang mga Kastila (mula sa simula—1565), Panahon ng mga Kastila (1565-1872), Panahon ng Amerika (1900-1941), Panahon ng Hapones (1941-1945), Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1981), Panahon sa Kasalukuyan (Tunay na Bagong Republika 1986- kasalukuyan). Maraming kahulugan ang iba’t ibang manunulat tungkol sa panitikan. May nagsasabing ang ‘’tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at masining na mga pahayag. Sa aklat nina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal na pinamagatang Panitikang Pilipino.
  • 2. Sang-ayon sina Erlinda M. Santiago, Alicia H. Kahayon, Magdalena P. Limdico sa kanilang aklat na Panitikang Filipino na ‘’ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na makita ang Maykapal’’. Kaya sang-ayon ako rin sa kanila na ang panitikan ay walang kamatayan at nagpapahayag ng damdamin at higit sa lahat pagkakakilanlan ng bawat isa sa atin kaya sumagi sa aking isip na ang panitikan ang nagpakilala sa atin bilang isang Pilipino dahil dito masasabi ko na ang panitikan ay hindi lamang nagpapahayag ng damdamin sa nakikita sa kapaligiran kundi salamin din sa pagkakilanlan natin bilang isang Pilipino. Kaya masasabi ko na ang panitikan ay buhay, dahil ito ay ginagamit ng tao sa bawat araw. At ang panitikan ay buhay, buhay nang isang tao para maipahayag ang kanyang saloobin at damdamin batay sa kanyang kapwa at sa kanyang lipunanang ginagalawan.
  • 3. II. Mga layunin sa papel na ito ay ang mga sumusunod:  maipakita ang kaligirang kasaysayan sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila (mula sa simula—1565), at ang mga Panitikan na lumaganap sa Panahon na iyon at ang tema sa akda.  maipakita ang kaligirang kasaysayan sa Panahon ng mga Kastila (1565-1872), at ang mga Panitika na lumaganap sa Panahon na iyon at ang tema sa akda.  maipakita ang kaligirang kasaysayan sa Panahon ng Amerika (1900-1941), at ang mga Panitikan na lumaganap sa Panahon na iyon at ang tema sa akda.  maipakita ang kaligirang kasaysayan sa Panahon ng Hapones (1941-1945), at ang mga Panitikan na lumaganap sa Panahon na iyon at ang tema sa akda.  maipakita ang kaligirang kasaysayan Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1981), at ang mga Panitika na lumaganap sa Panahon na iyon at ang tema sa akda.  maipakita ang kaligirang kasaysayan sa Panahon ng Bagong Lipunan (1972- 1981), Panahon sa Kasalukuyan (Tunay na Bagong Republika 1986- kasalukuyan). at ang mga Panitikan na lumaganap sa Panahon na iyon at ang tema sa akda.
  • 4. Ang papel na ito ay isang pagsusuri sa tema sa mga akdang lumaganap sa panahon bago dumating ang mga kastila hanggang sa panahon ng bagong lipunan. Bago dumating ang mga mananakop sa ating bansa mayroon na tayong sariling mga panitikang na lumaganap sa ating bansa. Kaya isa sa mga akdang lumaganap sa panahon bago dumating ang mga kastila ay ang alamat. At isa mga alamat na naging batayan ng iba sa kanilang paniniwala ay ang alamat pinamagatang ‘’ANG ALAMAT NG MGA TAGALOG’’. At sa mga piling akda ni Padre Modestro de Castro na tinaguriang ‘’Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog na pinamagatang ‘’URBANA AT FELISA’’ na isa sa mga akdang lumaganap sa panahon ng kastila. At ang akda ni Severino Reyes na tinagurian ding ‘’Ama ng Dulang Tagalog’’, at may-akda ng walang kamatayang dulang ‘’WALANG SUGAT’’ na isa rin sa mga akdang lumaganap sa panahon ng amerikano. At ang akdang lumaganap sa panahon ng mga hapon ay Haiku at Tanaga at isa mga akda ni Ildefonso Santos sa kanyang tanaga na pinamagatang ‘’PALAY’’ na isa sa nagpabantog sa kanyang at may marami siyang akda nalikha. At ang panghuli ay ang panahon ng bagong lipunan kung saan marami na ang mga pagbabagong nagaganap sa bansa at pati na rin sa panitikan kaya isa mga panitikan na tumatak sa ating puso, ang awit ni Freddie Aguilar na pinamagatang ‘’ANAK’’ na kahit saang panig ng ating bansa at kilala ang awitin na ito.
  • 5. III. Ang Pagsusuri Panahon Bago Dumating ang mga Kastila Kaligirang Pangkasaysayan Bago paman dumating ang mga mananakop na dayuhan sa ating bansa ay may sariling na tayong panitikan na galing sa ating mga ninuno. An gating mga ninuno ay may sarili nang panitikan na nagtataglay ng kasaysayan ng ating pagka-Pilipino. Ang panitikan ang pinakainstrumento para ipahiwatig ang tunay na pagkalahi natin. Nagsisilbi itong wika ng Pilipino na nagbubunyag ng panlipunan at panlahing kaugalian ng ating pang-araw-araw na buhay, na nababakas sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko, kantahing bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan, sinaunang dula, at maikling kwento. Bago pa dumating ang mga kastila, ipinalalagay na an gating mga ninuno ay mayaman na sa mga alamat, kwentong bayan, epiko, awiting bayan, mga karunungang bayan ng bugtong, sawikain, salawikan, palaisipan, at bulong. Mayroon na rin an gating ninuno noon ng sariling baybayin o alpabetong kaiba sa kasalukuyang ginagamit na dinala ng mga Kastila. Ito ay ang alibata ang abakadang kahawig ng Malayo-Polinesyo, na unang ginamit ng ating ninuno Ang mga ninuno natin ay gumagamit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog, at dahon at balat ng mga punungkahoy bilang sulatan. Ang mga panulat ay matutulis na kawayan o kahoy, dulo ng lanseta, at matutulis na bato at bakal. Kahit na ang bumbong na pansalok ng inumin ay tinatalaan nila ng mahahalagang pangyayari sa buhay.
  • 6. Tungkol sa may likha Ang akda ng ‘’Ang Alamat ng mga Tagalog na isa sa mga lumaganap sa panahon bago dumating ang mga kastila ay hango o nakuha ko sa aklat na pinamagatang ‘’Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unlad’’ na inakda nina Erlinda M. Santiago, Alicia H. Kahayon, at Magdalena T. Limdico. Ang Alamat ng mga Tagalog Di- kaila sa atin na tayong mga Pilipino ay binubuo ng napakaraming lahi; may lahing Ilokano, Kapampangan, Bisaya, Bikolano, Tagalog, at iba pa. Isa sa mga lahing nabanggit ang malalaman natin ang pinagmulan, at ito ay ang mga Tagalog. Sa isa raw malawak na pook ng Luzon ay may isang nayong pasyalan ng mga binate. Ang nayong ito ay may maraming punongkahoy na nakatanim, mga bulaklak, parang, at isang ilog na inaagusan ng malinaw na tubig. Hindi ang kagandahan ng nayon kundi ang isang napakagandang dalaga na wari’y nimpa ang nakaaakit sa mga kabinataan kung bakit dinarayo nila ang nasabing pook. Ang dalaga ay si Maria. Malimit siyang magkaroon ng mga manliligaw na sadyang dumarayo at nakikipagsapalaran. Subalit si Maria ay walang sinasagot ni isa man sa mga binata. Pihikan ang kaniyang puso. Palibhasa’y hindi siya masungit, kaya giliw lahat sa kaniya ang mga binate. Walang tigil ang pagsamo sa kaniya ng mga ito, at sapagkat wala siyang mapili ay umisip siya ng paraan. Tinipon niya ang mga binatang yaon at nagwika siya ng ganito.
  • 7. ‘’Napakabuti ninyong lahat. Mahirap para sa akin ang mamili ng isa sa inyo. Kung gusto n’yo ay daanin na lang natin sa pagsubok.’’ ‘’Kung siya mong nais, ay wala kaming tutol,’’ wika ng mga binata. ‘’Pumapayag kami.’’ ‘’Kung gayon ay pakinggan ang aking sasabihin. Sinuman sa inyo ang unang makapagdadala ng isang malaking sawang buhay at malakas ay siya kong pakakasalan,’’ biro ni Maria. Natigilan ang mga binatang kaharap. Walang ano-ano ay narinig ang tinig ni Ilog na siyang bumasag ng katahimikan. ‘’Ako ay nangangako sa iyo, Maria. Kahit buhay ko ang maging kapalit ay susundin ko ang iyong kahilingan.’’ Si Ilog ay binatang kilala ng lahat sa katapangan. Umalis noon din ang binate upang tumupad sa utos ng nililiyag. Nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga binatang naiwan. Tiniyak nilang hindi makababalik si Ilog. Naghintay sila, subalit marami nang oras ang lumipas ay wala pa si Ilog. Maging si Maria ay nangamba na rin, sapagkat ikalulungkot din niya kung mapahamak ang isang matapang at msunurin nang dahil lamang sa kaniyang biro. Pagkaraan pa ng maraming oras ay biglang dumating si Ilog. Gayon na lamang ang pagkakagulo ng mga tao sa panonood sa kagila-gilalas na katapangan ni Ilog na noon lamang nila nasaksihan sa mahaba ring panahon. Hawak ni Ilog sa batok at sa buntot ang malaking sawa.
  • 8. Kasalukuyang nagkakagulo ang mga tao nang nagdaraan naman ang dalawang Kastila. At natawag ang kanilang pansin, hindi ng nakita nilang hawak-hawak ni Ilog na sawa kundi ng kagandahan ni Maria. ‘’Maria.’’ Tila bayaning sambit ni Ilog. ‘’Dala-dala ko na ang sawang hiniling mo. Ano pa ang ibig mong gawin ko sa sawang ito upang mapaligaya kita?’’ pagtatanong ni Ilog. ‘’Tagain mo, Ilog,’’ ang wika ni Maria. Noon lamang namangha ang dalawang Kastila sa pagkakagulo ng mga tao. Naitanong nila kung anong pook ang kanilang kinaroroonan, subalit wala sa kanilang nakapansin, dahil abala ang mga napagtanungan sa pagtingin sa ahas at kay Ilog. Nang makita ni Maria na gusto pang manlaban ang sawa ay napasigaw siya nang malakas. ‘’Taga, Ilog! Taga, Ilog!’’ ang kaniyang sigaw na ang ibig sabihin ay tagain pang muli ni Ilog ang ahas. Sa narinig dalawang kastila, akala nila ay yaon na ang kasagutan sa kanilang tanong. Inulit-ulit nila ang katagang Tagailog, Tagailog, hanggang sa malaon ay naging Tagalog.
  • 9. Tema sa Alamat ng mga Tagalog: Ang alamat ay isang uri ng panitikang tuluyan, na ang karaniwang paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan. Mababakas na ang mga pangyayari ay likhang-isip lamang, salat sa katotohanan at tunay na di-kapanipaniwal. Subalit ang mga matatandang kaugaliang Filipino ay masasalamin din sa mga akdang ito. Ang layunin nito’y manlibang. Kahit masasabi nating ang mga pangyayari ay pawang likhang-isip lamang, ito naman ay salat sa katotohanan at tunay na pwedeng paniwalaan at hindi. Likas sa pagka-Pilipino ang pagka-matapang kaya hindi natin maipagkaila na nakamit natin ang kalayaan sa ating bansa nang dahil sa ating katapangan. Lalo na kung pag-ibig ang pag-uusapan ika- nga ni Balagtas sa kanyang awit na ‘’hahamakin ang lahat masunod lang ang taong nililiyag. Kaya mapapansin sa Ang Alamat ng mga Tagalog ang katapangan ni Ilog na naipakita niya kay Maria para mapasaya niya ito sa ngalan nang pag-ibig. Kaya lumulutang sa alamat na, pagdating sa pag-ibig ay walang kinakatakutan at gagawin ang lahat para lamang sa pag-ibig. Dahil kung pag-ibig na ang pag-uusapan ay hindi magpapahuli ang mga Pilipino kaya likas sa ating mga Pilipino ang mapagmahal.
  • 10. Panahon ng mga Kastila Kaligirang Pangkasaysayan Ang unang pananakop ng mga Kastila sa ating Bansa ay ang pananatili ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador- heneral. Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon, ito ang panahon ng propaganda at panahon ng tahasang paghihimagsik. Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila. Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan. Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino. Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang
  • 11. Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Naging lalong mahigpit ang pagbabanta ng mga kastila, subalit hindi nila nagawang pigilin pa ang nabuong mapanlabang damdamin ng mga Pilipino. And dating diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at pamahalan. Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ang mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat. Sa mga panahong iyon, maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng mga Pilipino. Tinangkilik ang relihiyong Katoliko at pagpapalit ng mga pangalan at nagpabinyag. At ang pamumuhay ay unti-unting nagbabago nagkaroon ng mga bahay na bato at tisa, mga magagandang kasangkapang tulad ng piyano, muwebles, at mga kagamitang pangkusina. Nagkakaroon din ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren, at bapor. Natutong magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo. Nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo, at teatro. Ang mga pagbabagong ito ay nagbigay din daan sa pagkakabuo ng ilang pangkat ng ‘’may-kaya’’ na may ari-arian at lupain. May ilan din sa mga Pilipino ang nakapag-aral at nakakuha ng kurso.
  • 12. Talambuhay ni Padre Modestro de Castro Si Padre Modesto de Castro ay itinuring na pangunahing manunulat noong ika- 19 na daantaon. Tubong Biñan, Laguna, kinilala siya dahil sa kanyang angking kakayahan sa pagsulat ng mga sermong pampulitika na kanyang binibigkas at nang tumagal ay sinulat para malathala.Pambihira ang kanyang angking talino. Ang katipunan ng mahuhusay na sermon ni Padre de Castro na humuhubog sa kagandahang-asal ay pinamagatang Platicas Doctrinales. Ito ay binubuo ng 25 mahuhusay na sermon. Naging kura paroko si Padre de Castro ng Katedral ng Maynila at pagkatapos ay ng Naic, Cavite. Kilalang akda ni Padre de Castro ang Urbana at Felisa. Ilan pa sa kanyang mahahalagang akda ay ang Coleccion de Sermones, Exposicion de la Siete Palabras, at Novena de San Pedro Urbana at Felisa ni Padre de Castro Sina Urbana, Felisa, at Honesto ay magkakapatid na tubo sa isang lalawigan.Nang sila’y magsilaki na, si Urbana ay nagtungo sa Maynila samantalang sina Felisa at Honesto ay nanatili sa lalawigan. Sina Urbana at Felisa ay laging nagsusulatan at sa kanilang mga pagsulat ay lagi nilang pinaaalaala sa bawat isa ang mga ginintuang aral tulad ng pakikipagkapwa-tao, mga katungkulan ng tao sa Diyos, pag-iibigan, kalinisan ng kalooban, at mga dakilang aral ng ina sa anak o ng mga anak sa ina. Katulad ng sabi ni Pari Modesto kay Urbana na, ‘’Pakatantuin ng ina na ang kalinisan ng isang dalaga ay parang bubog na kahit di nagkalamat, kahit di mabasag, mahingahan lamang ay nagdurungisan.’’
  • 13. Tungkol naman sa pakikipagkapwa-tao ay binanggit ni Felisa kay Urbana na, ‘’ Ang kabaitang di-hamak na ipinakikita mo sa eskwela na tinitipid mo ang gawi ng kabataang kalaro sa kapwa-bata, ang kahinhinan ng iyong asal na di-makitaan ng kagaslawa’t katalipandasang magpahangga ngayo’y di-malilimutan ay nagagalak ang loob ko’t nagnasang mahuwaran ang magandang kaasalan mo.’’Likas kay Urbana ang mabining kilos at kabaitan sa kapwa, kaya’t kahit wala na siya sa lalawigang ay bukambibig pa rin ng kaniyang mga guro dahil sa magandang-asal niya at katapatan sa pakikisama sa kapwa. Ang magagandang gawa ay di-malilimutan kailanman. Sa kanilang pagsusulatan ay nabanggit din ang tungkulin ng mga magulang sa pagtuturo ng kagandahang-asal, mga dasal, at karunungan sa pagkilala sa Diyos. Kaya sinabi ni Urbana, na mapalad ang mga anak na may magulang na marunong magturo ng mga katungkulan ng isang anak sa kanilang Diyos. Napag-usapan din nila na kung magbinata si Honesto at magkaroon ng pagkakataong alukin ng katungkulan sa bayan ay di niya dapat tanggapin ang panunungkulan kung karangalan lamang ang nasa. Ngunit kung ito’y pinagkaisahan ng bayan ay dapat na tanggapin sapagkat kaloob ito ng Diyos. Nabanggit din nila na karamihan sa mga nanunungkulan ay may kasakiman at di marunong tumupad sa nanunungkulan ay may kasakiman at di marunong tumupad sa katungkulan at ang iniisip ay pansariling kapakanan lamang. Kung sakaling tanggapin ni Honesto ang panunungkulan ay dapat siyang maging matapat at di dapat na maging palalo upang di maparusahan ng Diyos. Ang huling tinalakay ni Urbana at Felisa ay ang ‘’Kahatulang Ukol sa Pagsang-ayon sa Kalooban ng Diyos.’’
  • 14. Tema sa akdang Urbana at Felisa: Sa pagkamatay ng ama nila ay pinayuhan ni Urbana si Felisa na umayon sa kagustuhan o kalooban ng Diyos. Ang kapalaran ng isang tao ay naitakda na at di dapat sisihin ang sinuman bagkus ay ipanalangin ang kaluluwa nito. Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina Urbana at Felisa. Pawang tungkol sa kabutihang-asal at paniniwala sa Diyos ang nilalaman ng aklat ni Padre Modesto de Castro. Kaya’t Malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino. At kadalasan nagpapatungkol sa mga katungkulan ng tao sa Diyos. Dahil ang aklat ni Padre Modesto de Castro ay nagpapakita sa ng mga tunay na pag-uugali at pagkilala sa Diyos. Dito nagkakaroon ng mabuting pag-uugali katulad sa mga ipinapakita ng mga tauhan sa kwento. Ang mga mabuting asal sa kapw at higit sa lahat ang pakikitungo sa Diyos. Ito’y dulot ng pananakop ng Kastila sa atin dahil isa sa kanilang layunin ay ang maghasik ng kristiyanismo sa ating bansa kaya umusbong ang mga akdang pampanitikang nagpapatungkol sa Diyos.
  • 15. Panahon ng Amerikano Kaligirang Pangkasaysayan Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit sa tatlong daang taon, Naiwagayway an gating bandila noong ika-12 ng Hunyo, 1898, tanda ng pagkakaroon natin ng kalayaan. Nakahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noon pang 1900. Maraming Pilipino noon ang nagsalong ng sandata at muling nanulat, sapagkat ang diwa at damdaming makabayan ng mga kababayang ito ay hindi nakuhang igupo ng mga Amerikano, bagkus ay lalong naging maalab pa.Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan tulad ng lathalain, tula, kwento, dula, sanaysay, nobela at iba pa. Maliwanag na mababasa sa mga akda nila ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng kalayaan. Sa kabilang banda, ang mga manunulat ay ginapusan ng mga Amerikano ng tanikala ng batas ng sedisyon. Hindi sila maaaring magsulat ng kahit na anong makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa mga Amerikano. Hindi sila maaaring magsulat ng laban sa pagmamalabis ng mga ito o laban sa mga layunin ng mga ito na hindi naman pawang para sa kapakanang Pilipino.Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.
  • 16. Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat. Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang paghihimagsik. Talambuhay ni Severino Reyes Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 11 Pebrero 1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero. Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang. Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan. Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang Moro-moro at komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa mga manunuod. Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog. Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang Moro- moro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela. Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksiyon ng mga manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang
  • 17. magtataguyod sa pagtatanghalang mga sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ng Walang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga manunuod. Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si Don Binoy ay naging patnugot ng lingguhang magasing Liwayway. WALANG SUGAT ni: Severino Reyes BUOD Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong, taal na kulturang Pinay na kung tawagin ay hele hele bago quiere. Pinapahirapan ng mga Frayle ang mga bilanggong Pilipino, na inakusahang mga filibusterismo o kaya ay myembro ng Mason. Lalo ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo.Nilinlang ng mga Frayle ang mga dalaw ng mga bilanggo, sa pagkukunwaring nirerespeto nila ang karapatang pantao. Ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan ni (Ina) Putin ang nangyari at hinimatay. Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang bayang ay inaapi na nang tatlong daang taon. Sinugod ng mga Katipunero ang estacion ang Guiguinto.
  • 18. Ipinagkakayari ni (Ina) Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo. Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na ng (Ina) Juana niya kay Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal. Hindi lamang taumbayan ang may sentimyento sa mga kolonisador, kundi mga Paring Pilipino tulad ni Pari Teban. Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa kanya: ang taksil ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng mga Katipunero. Nalungkot si Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga Katipunero, bumaba sila sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia. Iyon nga ang nangyari, ikinasal sila. Sila rin sa huli. At hindi sugatan ang kanilang pag-iibigan. Tema sa Dulang WALANG SUGAT: ‘’Tulak ng bibig, kabig ng dibdib’’ ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong at ganoon din si Tenyong kay Julia. Ipinakita ni Tenyong at Julia ang kanilang makapangyarihang pag-iibigan. Mas mapipigilan pa ang agos ng tubig sa talon kaysa kanilang pag-iibigan. Mapapansin sa dula ang mga balakid o hadlang sa pagmamahalan nina Julia at Tenyong pero mas nangingibabaw ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa. Kaya gumawa sila nang paraan para makapiling nila ang isa’t isa. Kahit mayroon itong halong panlilinlang hindi nila inisip basta ang mahalaga mahal nila ang isa’t isa at magkasama sila sa habangbuhay. Kaya mahirap kalabanin ang pag-ibig dahil kung pag-ibig na pag-uusapan ay talagang hahamakin ang lahat masunod lang ito.
  • 19. Panahon ng mga Hapones Kaligirang Pangkasaysayan Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan. Naging maganda naman ang bunga nito sa Panitikang Tagalog. Patuloy na umunlad ito sapagkat ang mga dating sumulat sa Ingles ay bumaling sa pagsulat sa Tagalog. Si Juan Laya na dating manunulat sa Ingles ay nabaling sa pagsulat sa Tagalog, dahil sa mahigpit na pagbabawal ng pamahalaang Hapon tungkol sa pagsulat ng anumang akda sa Ingles. Sa madaling salita, nabigyan ng puwang ang Panitikang Tagalog nang panahong ito. Marami ang mga nagsisulat ng dula, tula, maikling kwento, at iba pa. Ang mga paksain ay pawang natutungkol sa buhay lalawigan. Talambuhay ni Ildefonso P. Santos Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong ika-23 ng Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago. Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni
  • 20. Ildefonso. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan. Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang Pambansang Wika, siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's College. Nagturo rin siya sa Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata. Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog. Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya. Isa raw siya sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init. Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura noong taong 2000.
  • 21. TANAGA ni Ildefonso Santos KABIBE Kabibe ano ka ba May perlas maganda ka Kung idiit sa tainga Nagbubuntong hininga Tema sa tanaga: Ang isang maaaring pakahulugan ay ito'y tungkol sa isang taong walang tiwala sa kanyang sarili at hindi niya nakikita ang kanyang sariling kagandahan. Dahil kadalasan sa tao ay mali ang nakikita palagi minsan ito sa kanyang sarili. At madaling sumuko sa mga laban sa buhay dahil may kakulangan sa tiwala sa saril at walang lakas loob para harapain ang mga ito. Katulad sa tema na nais ipalabas sa tanaga na tumutukoy sa kawalan ng tiwala sa sarili .
  • 22. Panahon ng Bagong Lipunan Kaligirang Kasaysayan Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972. Nagpatuloy pa rin ang Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay patimpalak. Halos tungkol sa ikauunlad ng bayan ang naging karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain (Nutrition), ‘’drug addiction,’’ ‘’polusyon,’’ at iba pa. Pinagsikapan ng Bagong Lipunan na maputol ang malalaswang mga babasahin, gayundin ang mga akdang nagbibigay ng masasamang impluwensya sa moral ng mga mamamayan. Ang lahat ng mga pahayagang pampaaralan ay pansamantalang pinahinto, at maging ang mga samahang pampaaralan. Nagtatag ang pamahalaang militar ng bagong kagawaran na tinatawag na ‘’Ministri ng Kabatirang Pangmadla’’ upang siyang mamahala at sumusubaybay sa mga pahayagan, aklat, at mga iba pang babasahing panlipunan. Muling naibalik ng dating unang Ginang Imelda Marcos sa pagpapanibagong-buhay an gating mga sinaunang dula tulad ng Senakulo, Sarsuela, Embayoka ng mga Muslim, at iba pa. Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, at maging ang Metropolitan Theater ay muli rin niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng mga dulang Pilipino. Naging laganap din ang pag-awit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga ipinadadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit. Tahasang masasabi na nagningning din ang Panitikang Filipino nang panahong ito.
  • 23. Talambuhay ni Ferdinand Pascual Aguilar Si Ferdinand Pascual Aguilar (ipinangak Pebrero 5, 1953), higit na kilala bilang Freddie Aguilar o Ka Freddie Aguilar, ay isang Pilipinong mang-aawit. Kilala siya sa pag-awit niya ng "Bayan Ko", na naging awit ng oposisyon ng rehimeng Marcos noong Rebolusyong EDSA ng 1986,[1] at sa awitin niyang "Anak", ang pinakamabentang awiting Pilipino. Siya ay nakapag-aral ng "electrical engineering" sa De Guzman Institute of Technology ngunit hindi nakapag-tapos ng kanyang programa. Sa halip, pinursige nito ang pagiging musikero mula sa kalye hanggang sa mga bar. Noong 1973,napangasawa niya si Josephine Quiepo. Iniwan ni Freddie Aguilar ang kanyang mga magulang at paaralan na di pa natatapos sa edad na 18. Dahil dito, nailikha niya ang kantang "Anak" na nagsisilbing paumanhin sa kanyang pagkakamali. Limang taon bago niya isulat ang "Anak", Si Freddie Aguilar ay sumali sa mga protesta laban sa gobyerno noong panahon ni Marcos sa pamamagitan ng pag-sulat ng mga awitin. Ang mga kanta na nagpabawal sa kanya sa publiko ay ang "kata-rungan", "Pangako", at "Luzviminda" na naghihikayat sa mga Pilipino na magising sa katotohanan. Nakikilala rin siya sa pagdagdag ng verse sa "Bayan Ko".
  • 24. Anak I No’ng isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo. At ang kamay nila ang iyong ilaw At ang nanay at tatay mo Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo. II Sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay Sa pagtimpla ng gatas mo. At sa umaga nama’y kalong ka ng iyong amang Tuwang-tuwa sa iyo. III Ngayon nga ay malaki ka na At nais mo’y maging malaya Di man sila payag walang magagawa Ikaw nga ay biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila’y sinuway mo. IV Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa’y para sa ‘yo. Pagkat ang nais mo’y masunod ang layaw mo Di mo sila pinapansin V Nagdaan pa ang mga araw At ang landas moy naligaw
  • 25. Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan Ang iyong inang lumuluha At ang tanong ‘’Anak, ba;t ka nagkaganyan?’’ VI At ang iyong mga mata’y biglang lumuha Nang di mo napapansin Pagsisisi ang sa isip mo’t nalaman mong ikaw’y nagkamali (3) Tema sa awit: Sa kaligirang ito, ang ilan pang mang-aawit na kompositor ay nadagdag pa. Kabilang dito sina Freddie Aguilar, Florante, Jose Marie Chan, at ang magkakasamang Tito, Vic and Joey. Naging matagumpay ang ‘’Anak’’ ni Freddie Aguilar dahil sa dalang diwa at damdaming ipinahahayag ng awiting ito. Sa katunayan ay nagkaroon pa nga ito ng salin sa hapon at sa iba pang wika. ‘’Ang pagsunod sa magulang, tanda ng anak na magalang’’ pero sa awitin na Anak ito ay kabaliktaran sa mga pangyayaring nagaganap sa awit. Ang ganitong kasabihan ay tanda sa mga anak na ang pagsunod at paggalang sa magulang ay kailanman hindi dapat kalimutan. Dahil ang pagmamahal nang magulang ay hindi kayang tumbasan at higitan ng isang anak. Kaya ang pagsunod at paggalang sa magulang ay dapat gawin para hindi tayo maligaw nang landas. Katulad sa awit likas sa magulang ang mapagmahal sa anak at gagawin ang lahat para lang sa anak. Pero hindi ito napansin ng isang anak dahil kung ano ang nagpapasaya sa kanya para sa kanya yon ang tama. Kaya
  • 26. sa huli ang pagsisisi, kaya ang awit na ito ay isang gabay sa mga kabataan para mabulat sa katotohanan para mahalin at igalang ang magulang. At dagdag pa ni David pinakasikat na kanta hanggang ngayon at sumikat din sa buong mundo ang kanta ni Freddie Aguilar na Anak. Ang kantang ito ang karaniwang sumasalamin daw sa mga kabataan. Sa aking palagay sadyang totoo ang kantang ito hindi lamang noon kundi lalo na sa mga panahong ito. Sa panahong mas nagiging maimpluwensya na ang media, teknolohiya at iba pang bagay anu na nga ba ang nagiging papel ng mga magulang. Eto ang orihinal kantang anak ni Freddie Aguilar na napapaluha ako sa tuwing makikinig ko sya sapagkat mas nauunawaan ko na ito ngayong may tatlo na rin akong anak...
  • 27. IV. Konklusyon Ang mga panitikan mula sa Panahon Bago Dumating ang Kastila, Panahon ng Kastila, Panahon ng Amerikano, Panahon ng Hapones, hanggang sa Panahon ng Bagong Lipunan ay may malaking ambag sa ating panitikan ngayon kumbaga ito ang salamin ng ating kasaysayan sa mga akdang pampanitikan. Sa lahat ng panahong lumipas ay mayroong mga temang nangingibabaw una, sa panahon bago dumating ang kastila, nangingibabaw ang mga kaugalian ng ating mga ninuno at mga lahi. Ikalawa, panahon ng kastila nangingibabaw naman dito ang pagpapalaganap ng kristiyanismo sa ating bansa. Pangatlo, sa panahon ng amerikano dito nangingibabaw ang pag-ibig sa bayan at pag-asam na kalayaan. Pang-apat, sa panahon ng hapones nangingibabaw naman dito ang tinatawag na may kalayaan na nagbigay ng magandang bunga sa Panitikang Tagalog. Pang-lima, panahon ng bagong lipunan dito nangingibabaw ang tema na hango sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan. Pero sa kabuuan isa lamang ang pinatutunguhan ng bawat akda sa bawat panahon na lumipas kundi ang mag-ambag ng kasaysayan sa mga nagaganap sa bawat panahon na lumipas sa ating bansa. Ito ay gabay sa ating lahat para malaman natin ang puno’t dulo ng ating panitikan. At dito ko napagtanto na ang kasaysayan ay kapatid ng panitikan sapagkat palagi itong magkasama at hindi pwedeng paghiwalayin. Sa madaling salita kung may kasaysayan ay may kaakibat na panitikan. Dahil kung walang kasaysayan wala ring panitikan kaya isa sa pinagmulan ng panitikan ay ang kasaysayan.
  • 28. V. Mga Sanggunian Aklat Erlinda M. Santiago, Alicia H. Kahayon, Magdalena P. Limdico. (1989). PANITIKANG FILIPINO Kasaysayan at Pag-unlad. Navotas Press: Navotas, Metro Manila Websayt http://kamalig.blogspot.com/2008/01/walang-sugat-buod-at-reaksyon.html https://brainly.ph/question/441359 http://www.answers.com/Q/Talambuhay_ni_ildefonso_santos