Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon
1. Pagharap sa Hamon ng
Globalisasyon
G L O B A L I S A S Y
O N
Inihanda ni:
MR. EDWIN PLANAS ADA
Teacher I, Dasmarinas West NHS
2. LA Y U N I N
• Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananaw
ng globalisasyon bilang suliraning panlipunan
• Bibigyan pansin sa araling ito ang mga pagtugon sa
iba’t ibang hamon ng globalisasyon.
3.
4.
5. Guarded Globalization
Ilan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang:
> Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at
serbisyong nagmumula sa ibang bansa. Sa ganitong paraan ay
mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas
nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal; at
> Pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang
lokal. Ang subsidiya ay tulong-pinansyal ng pamahalaan. Kilala
ang United States sa malaking tulong na ibinibigay nito sa mga
magsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ng
buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibili
ang mga ito.Bukod sa United States, ang China at Japan ay
nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga
namumuhunan.
6. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito
ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-
ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na
namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo,
ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas
na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Layunin nito na
mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa
pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga
bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi
lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang
kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan.
7. Pagtulong sa ‘Bottom Billion’
Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon
mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang
kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong
pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa.
May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag-
alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulongpinansiyal
(economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany,Japan,
France at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon
ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito.
Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na
malaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.
9. RUBRIK SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN
KRAYTIRYA GOOD(5 pts.) BEST(10 pts.) EXCELLENT(15 pts.)
Kooperasyon 1-5 miyembro ang
walang koopersayon
sa pangkat.
1-2 miyembro ang
walang kooperasyon
sa pangkat
Lahat ng miyembro
ay may
kooperasyon.
Tema Angkop ang tema Mas angkop ang tema Higit na angkop ang
tema
Presentasyon Mahusay ang
presentasyon ng
pangkat.
Mas mahusay ang
presentasyon ng
pangkat.
Napakahusay ng
presentasyon ng
pangkat.
11. Gawain 6.Decision Diagram
Suriin ang dalawang artikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga
Pilipino at punan ang Decision Diagram.
Globalization: Progress or Profiteering?
(Liza Smith)
Gawi ng globalisasyon ang pagdadala ng puhunan at negosyo mula sa pamilihang lokal patungo sa ibang bansa na
siyang nag-uugnay sa iba’t ibang pamilihan ng daigdig. Ayon sa mga sumusoporta sa ideya ng globalisasyon, nakatutulong ito sa
mga papaunlad na bansa na makahabol sa pag-angat ng ekonomiya dahil sa pagdami ng bilang ng trabahong naibibigay nito bukod
pa sa teknolohiyang dala nito. Patunay dito ang mga Asyanong bansa tulad ng India, Pilipinas at Thailand. Para sa mga malalaking
negosyante at miyembro ng economic elite, mabuti ang globalisasyon sapagkat nakakukuha sila ng manggagawang handang
tumanggap ng mas mababang sahod na nagbibigay naman sa kanila ng higit na kita.
Hindi lamang ang mga negosyanteng nabanggit ang naaapektuhan nito kundi maging ang mga manggagawa sa iba’t
ibang bansa na handang makipagkompetensya upang makuha ang mga trabaho kapalit ang mas mababang sahod. Sa katunayan,
ilang trabaho (hal. autoworks) mula sa US na dinala ngNorth American Free Trade Agreement (NAFTA) sa bansang Mexico dahil sa
mas murang pasahod dito ay inilipat sa ilang bansa sa Silangang Asya dahil sa higit na murang pasahod. Ganun pa man ang mga
produktong ito ay ipagbibili sa mga konsumer sa US sa tulad ding halaga. Samantala, ang mababang pasahod na nakukuha ng mga
manggagawa sa maliliit na bansa ay ginagamit sa pagbili ng mga tinging produktong nagmula rin naman sa mga kanluraning
bansa.
Hindi maipagkakaila ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa papaunlad na mga bansa dala ng
industriyalisasyon (teknolohiya) na bitbit ng mga korporasyon at kompanya mula sa mayayamang bansa. Ngunit kabaliktaran naman
nito ang nagyayari sa mga mauunlad na bansa sapagkat batay sa mga pag-aaral, patuloy ang paglaki ng agwat ng mayayaman at
mahihirap sa mga bansang ito. Ilang politiko rin ang nagsasabing patuloy na kumakaunti ang middle class dala ng penomenong ito.
Kasama rin sa duot ng globalisasyon ang ‘homonisasyon’ ng kultura sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang pag-usbong
ng coffee shops at big-box retailers sa mga syudad ng maraming bansa ay ‘lumilikha’ ng iisang mukha ng pagkakakilanlang kultural.
Ilang kritiko ng globalisasyon din ang nagsasabing pinahihina nito ang pambansang soberanya ng mga maliliit na bansa dahil sa
malakas na impluwensyang dulot ng mayayamang bansa kung saan nagmumula ang mga nasabing puhunan at trabaho.
Hangga’t hindi nakalilikha ng mga solusyon sa mga hamon na kaakibat ng globalisasyon, mananatili ang edukasyon, flexibility at
adaptability sa mga kasanayang makatutulong upang makasabay dito.
12. Gawain 6.Decision Diagram
Suriin ang dalawang artikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga
Pilipino at punan ang Decision Diagram.
Spanish government eyes hike in financial assistance to Philippines
(Ma.Stella F. Arnaldo)
Kasalukuyang pinag-aaralan ng gobyerno ng Espanya ang higit na pagpapalakas ng ugnayan nito sa
Pilipinas, maging ang posibleng pagbibigay nito ng tulong-pinansyal sa bansa mula taong 2018 hangagang
2022. Ayon kay Spanish Ambassador to the Philippines Luis Antonio Calvo, umabot ng €50 milyon ang naitulong
ng Espanya sa bansa sa mula taong 2014 hanggang 2017. Naging prayoridad sa mga taong ito ang mga
programa na may kinalaman sa demokratikong pamamahala, disaster risk reduction, at de-kalidad na
pagtugon sa humanitarian crises partikular ang rehiyon ng Bikol at Caraga sa Zamboanga Peninsula. Ayon din
sa kanya’y naghihintay lamang ang mga negosyanteng Espanyol na handang mamuhunan hanggang malinawan
sila sa makroekonomikong kondisyon ng bansa. Batay sa tala ng Philippine Embassy sa Madrid, ang
kabuuangforeign direct investments ng Espanya sa Pilipinas ay umabot ng $39 milyon mula 2006 hanggang
2015. Ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay pabor sa Espanya nang kumita ang huli ng $136 milyon
sa taong 2015. Ngunit ang iniluluwas na produkto at serbisyo ng bansa sa Espanya ay patuloy ang paglago na
may average na 11.13% kada taon simula ng 2011.
Ilan sa mga kompanyang naging bahagi ng public-partnership projects ay mula sa Espanya tulad ng
OHL (Obrascon Huarte Lain), na bahagi ngAyala Group consortiumpara sa Cavite-Laguna Expressway (Calax),
Grupo ACS (Actividades de Construccion y Servicios)para sa proyektong paliparan,at Abengoa para sa mga
proyektong patubig.
Mula 2014 hanggang 2017, Pilipinas lamang ang bansa sa Asia-Pacific region ang nakatanggap ng
tulong pangkaunlaran (development aid) mula sa Espanya. Kasalukuyang pinag-aaralan ng Espanya na
magaya ang proyekto nitong national disaster risk-reduction managementsa Bicol sa walo pang lalawigan ng
bansa na tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
13. Gawain 6.Decision Diagram
Suriin ang dalawang artikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga
Pilipino at punan ang Decision Diagram.
Bumuo ng iyong paglalahat kung nakabuti o nakasama ba
ang globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino?
MabutingDulotngGLOBALISASYON
Di-MabutingDulotngGLOBALISASYON
14. Pamprosesong Tanong
1. Ano ang mga patunay na mayroong mabuti at di-
mabuting dulot ang globalisasyon?
2. Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng
mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa.
3. Sa pangkalahatan, nakatutulong ba o nakasasama
ang globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan
ang iyong sagot.