1. Bunawan Agricultural High School/ Don Jose F.
Yanez Memorial High School
Bunawan , Iligan City
Taunang Ulat Sa Filipino
Tungkol Sa
BUWAN NG WIKA
SY: 2009-2010
Ipinasa kay:
Gng. LEODEGARIA P. PESTOLANTE, Ed. D.
Educ. Supervisor I- Filipino
Inihanda ni:
Gng. Esterlita A. LLanes
Guro Sa Filipino
2. BUNAWAN AGRICULTURAL / DON JOSE F. YANEZ
MEMORIAL HIGH SCHOOL
BUNAWAN, ILIGAN CITY
TAUNANG ULAT TUNGKOL SA BUWAN NG WIKA
I- PANIMULA:
Alinsunod sa DepEd Memorandum No.1041,s.1997, na nag
dedeklara ng pagdiriwang ng buwan ng wika tauntaon at kung saan ang
Komisyon ng Wikang Filipino ( KWF ) ay nagtatadhana rin sa Agosto
bilang Buwan ng Wikang Pambansa. Ito ang buwan na atin muling
ipinagdiriwang ang ating wikang Pambansa, ang wikang Filipino, at ito,y
isang selebrasyong dapat nating ugaliin at pagyamanin bilang tunay na
Pilipino.
“ Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas,” ang naging
tema sa taong ito para sa buwan ng wika. Ito ay alinsunod sa
Memorandum,Pangkagawaran Blg. 295, s. 2009. Isa sa layunin ng
pagdiriwang na ito ang pagbibigay-pugay sa ating ama ng wikang Pambansa
na dito’y sa Baler isinilang , si dating pangulo ng bansa na si G. Manuel L.
Quizon , at ang pakikiisa nating mga mamamayang Pilipino sa ika 400 na
taong anebersaryo ng Baler.
Naging matagumpay ang pagdiriwang namin sa Buwan ng Wika
na ginanap ang kulminasyon noong Agosto 27, 2009 . Pinangungunahan
Ito ng aming punongguro na si G. Dante B. Sumagang at ng mga guro at
adviser ng bawat level.
Ang pagdaraos na ito’y matagumpay na binigyan ng iba’t ibang
presentasyon mula sa mga mag-aaral ng bawat level. Nagkakaroon din kami
ng Tagisan ng Talino bilang patimpalak.