3. 1. Yugto
-Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa dula.
Inilalahad ag pamukhang tabing upang magkaroon
ng panahong makapagpahinga ang mga nagsiganap
gayundin ang mga manonood.
2. Tanghal
- Ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang
magbago ng ayos ng tanghalan.
3. Tagpo
-Ito ang paglabas masok sa tanghalan ng mga
tauhang gumaganap sa dula.
4. Trahedya
_ sa dulang ito’y may mahigpit na tunggalian. Mapupusok
ang mga tauhan at ginagamitan ng masisidhing
damdamin. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o
pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Komedya
_ nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay
nagkakasundo. Ang wakas ay kasiyasiya sa mga
manoood.
Melodrama
_ nagwawakas na kasiya siya sa mabuting tauhan bagamat
ang uring ito’y may malulungkot na sangkap. Kung
minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito.
5. Parsa
_ layunin ng dulang ito’y magpatawa sa pamamagitan ng
kawil-kawil na pangyayari at mga pananaltitang
lubhang katawa-tawa.
Saynete
_ ang pinakapaksang uring ito ay mga karaniwang ugali.
Katulad ng parsa, ang dulang ito ay may layuning
magpatawa.
7. Karagatan
-pinapalabas bilang pamg-aliw sa naulila. Nababatay sa
isang alamat tungkol sa singsing ng isang dalaga na
nalubog sa dagat at ang binatang makakakuha nito ay
magiging kabiyak ng dalaga.
Duplo
- Isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao
at ang layunin ay aliwin ang mga naulila.
8. Huego De Prenda
-isa pang kawili-wiling larong may kaugnayan sa isang
yumao.ang awit g dalit ay isang mahalagang bahagi ng
larong ito. At ito ang daan upang maipahayag ng isang
binata ang kanyang lihim na pag-ibig sa mayumng
kanyang sinisinta.
Panubong o Putong
-isang dulang panlipunan na nagmula sa
lalawigan na Marinduque. Ito’y ginaganap
bilang pagpaparangal sa isang may
kaarawan, sa isang mataas na pinunu ng
pamahalaan o isang tanyag na tao.
9. Pamanhikan
-isang katangi-tanging tradisyon ng mga Tagalog,
tungkol sa pag-ibig, pagliligawan at pagpapakasal.
Hugas-kalawang at Pagibang-
daman
-pagdiriwang na ito ay ginaganap bilang pasasalamat mg
mga magsasaka sa Katagalugan sa masaganang aning
ipinangkaloob ng Dakilang Lumikha. Ang
pagdiriwang a kinapapalooba ng mga awitan,
sayawan, kainan at iba’t-ibang uri ng kasiyahan.
10. Panuuluyan o Pananapatan
-lokal na bersyon ng paghahanap ng matutuluyan ng
mag-asawang San Jose at Birheng Maria sa bisperas ng
Pasko.
Moriones o Morion
-pinakamabisang pang-akit sa mga turista. Ang salitang
Morion ay nagmula sa Romanong Senturyon ng
matandang panahon.
11. Salubong o Pasko ng Pagkabuhay
-ginagawa sa Linggo ng pagkabuhay. Sinisimulan ang
prusisyon sa ganap na ika-4:00 ng umaga.
Tibag
-malinang ang debosyon sa krus na kinamatayan ni
Hesus. Ito’y hinanap nina Reyna Elena at Prinsipe
Constantinople ksama ang mga kawal.
Santakrusan
-nanggaling sa tibag at ginaganap sa Mayo upang
alalahanin ni Reyna Elena sa paghahanap ng krus.
12. Karilyo
-dula-dulaang ito’y ginagamitan ng mga kartong
ginugupit katulad ng “puppet show”.
Senakulo
-pandulaang bersyon ng Pasyo.
*Dalawang Uri ng Senakulo*
• Cantada ( inaawit)
• Hablada ( sinasalita)
13. Moro-moro o Komedya
-isang pagtatanghal na naiiba na utang ng Pilipinas sa
isang paring Kastila na nagngangalang Juan De
Salazar.
Sarswela
-masayang dula, ito’y tigib ng tugtugin at awitin. Kung
minsan may kalakip ding sayaw, may kalakip na
pampatawa at may aksyon o tunggalian.