1. Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
sa Ikalawang na Baitang
Time Allotment: 30 mins.
I. Layunin:
sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. matukoy ang mga karapatang tinatamasa;
b. mapahalaga ang pagpapasalamat sa karapatang natatamasa; at
c. maiugnay ang kwentong binasa sa sariling karanasan.
II. Paksang Aralin:
Paggalang sa Karapatang Pantao
III. Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao 2: Kagamitan ng Mag-aaral pahina 175-180
Edukasyon sa Pagpapakatao 2: Patnubay ng Guro pahina 71-73
IV. Kagamitan:
Visual, Libro at maikling kwento.
V. Pamamaraan:
A. Paggaganyak:
Tanungin ang mga mag-aaral:
1. Sino sa inyo ngayon ang may mga dalang baon? Pera man o kanin?
2. Sa tingin niyo, makakapakinig kaya sa akain o kay teacher kung hindi
kayo kumain?
3. Nagpasalamat ba kayo sa mga taong nagbigay sa inyo ng baon?
4. Kanino kaya kayo magpapasalamat?
Dapat tayong magpasalamat sa lahat ng ating natatanggap sapagkat
karapatan din yan na ibinigay sa atin. Tulad nito ni Carla, ating basahin
ang kanyang kweto sa pahina 175-176.
B. Presentasyon:
1. Saan daw galing si Carla? –sa paaralan?
2. Ano kayang ginagawa ng nanay niya ng dumating siya? –nagluluto
3. Bakit kaya niyakap ni Carla ang kanyang ina at binate siya nito? –
mataas ang kayang marka sa pagsusulit, napuri siya ng guro.
4. Ngayon sa dulo ng kwento nagpasalamat naman si Carla sa kanyang
ina, bakit kaya? Ano ang dahilan kaya siya nagpasalamat? –dahil
naghanda ang kanyang nanay ng masustansyang pagkain.
5. Anong karapatan naibigay kay Carla? –karapatang makakain ng
masustansyang pagkain.
6. Kayo rin ba ay nakararanas ng karapatang tulad ng kay Carla?
2. 7. Nagpapasalamat ba kayo sa nagbibigay sa inyo ng mga karapatan?
Paano mo ito gingawa?
C. Paglalagom/Pagpapahalaga:
Tandaan:
Dapat tayong magpasalamat para sa mga karapatang ating
tinatamasa. Maipakikita natin ang ating pasasalamat kung tayo ay
sumusunod sa mga payo.
D. Paglalapat:
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat sa patlang ang CHECK kung
ito ay tamang gawain at EKIS naman kung hindi.
________1. Pagpapasalmat sa maykapal sa biyayang natatanggap.
________2. Pagsasabi ng salamat sa nakakatanda ng walang po at opo.
________3. Kapag nagbibigay ng baon si nanay ay umaalis na lamang.
________4. Nagpapasalamat sa guro pagkatapos ng klase.
________5. Nagpapasalamat sa magulang sa pagmamahal na kanilang
ibinibigay.
E. Pagtataya:
Gumawa ng isang sulat pasasalamat para sa mga karapatang nakakamit,
Isulat ito sa loob ng isang puso.
VI. Takdang-Aralin:
Sagutan ang pahina 177 Isaisip natin. Isulat ito sa inyong kwaderno.