SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  78
Mga Tanong at Sagot
    Tungkol sa
   RH Bill 4244
Ni Teresa R. Tunay, OCDS
Tanong 1.
  Wala po kaming panahong
basahin at unawain ang kopya
 ng RH Bill. Ano po ba talaga
ang kontrobersyal na RH Bill?
Sagot: Ito ang Reproductive Health
      Bill 4244, na naka-base sa
  paniniwalang labis nang lumolobo
ang populasyon ng Pilipinas na siyang
nagiging sanhi ng lubos na paghihirap.
 Maraming ulit na itong isinususog sa
kongreso ng Pilipinas ngunit hindi ito
    makapasa para maging batas.
Tanong 2
  Bakit po hindi ito
makapasa, samantalang
 sabi po sa debate ay
   mabuti daw ito?
Sagot: Kung lubos na mabuti
   ito, di sana’y matagal na itong
 naging batas. Marami pong mga
  bagay sa RH Bill ang tinututulan
 ng maraming kongresista, unang-
  una ay yung pinagpipilitang ang
Bill daw ang solusyon sa kahirapan
  - ang pagliitin ang populasyon.
Pakay ng RH Bill na mamigay
  ang gobyerno nang libre sa
 mahihirap ng mga gamot at
   serbisyong makapipigil sa
  pagbubuntis, tulad ng mga
          birth control
pills, condoms, IUD, ineksiyon,
              atbp.
Isinasaad sa Sec. 10 ng Bill na
ang mga ito ay dapat ibilang na
 mga “essential medicines and
  supplies of all national and
    local hospitals and other
   government health units”.
Humihingi ang RH Bill ng
budget na P13.7 Billion, na
kukunin sa kaban ng bayan,
  sa mga mamamayang
  nagbabayad ng buwis.
Ang higit na makikinabang at
 tutubo mula dito ay ang mga
  pharmaceutical companies
pagkat gagawin nang batas ang
    pagbili ng kanilang mga
           produkto.
Ibig sabihin,
 kapag nilabag mo,
paparusahan ka dahil
    batas na ito.
Ayon sa mga tumututol, hindi
 tama na ilagay sa panganib ang
     kalusugan ng mga ina at
kababaihan sa paggamit ng mga
naturang gamot at serbisyong ito
   na ayon sa mga pagsusuri ng
  medisina sa buong mundo ay
  nakapipinsala sa kalusugan ng
            gagamit.
Makabubuti pa raw na ang salapi
  ay gugulin na lamang sa mga
 bagay na higit na kailangan at
 makatutulong sa pag-unlad ng
bansa, tulad ng pagpapagawa ng
mga eskwelahan, kalsada, balon
ng tubig, ospital, at sa pagbibigay
ng hanapbuhay ng mga maralita.
Tanong 3
Totoo po ba na sa RH Bill ay
 bibigyan ng sex education
ang mga bata kahit Grade V
         pa lang?
Sagot: Totoo po.
   Yun po ay nasa SEC. 16.
“Mandatory Age-Appropriate
  Reproductive Health and
    Sexuality Education.”
Lahat ng mga estudyante mula
    Grade V to 4th year high school
      ay ipapailalim sa “sexuality
 education” kung saan matututuhan
nila ang pagpaplano ng pamilya hindi
lamang sa natural na paraan kundi sa
   paggamit ng mga makakapigil ng
   pagbubuntis tulad ng condom at
               pildoras.
Kasama din sa mga ituturo ay
ang tinatawag nilang “safe sex”
  o pakikipagtalik nang hindi
hahantong sa pagbubuntis o sa
 pagkahawa sa sakit ng katalik
      (AIDS, halimbawa).
Tanong 4
   Anim na taong sex
education? Wala po bang
exemption diyan? Paano
kung ayaw ng magulang?
Sagot: Opo, anim na taon, at
wala pong takas ang bata dito
sapagka’t ipapaloob ang “sex
  education” sa iba’t ibang
      subjects tulad ng
       Math, Physical
      Education, Social
       Studies, Values
      Education, atbp.
Hindi rin po masasabi ng
  magulang na ipinilit sa anak
     nila ang Sex Education,
 sapagkat hindi ito “optional” o
   magiging bukod na subject
    kundi sangkap ng bawat
subject, sa buong anim na taon.
At “mandatory” po ito, ibig
    sabihin, kailangan itong pag-
   aralan ng bawat bata sapagkat
lahat po ng paaralan ay kailangang
  sumang-ayon dito, kahit po mga
     paaralan ng mga Muslim o
    Katoliko. Kahit ayaw ng mga
 magulang, wala silang magagawa.
Tanong 5
Mahaba-haba din ang anim na
  taon; ano po ang magiging
   epekto ng ganoong uri ng
 “sex education” sa pamilya?
Sagot: Bagama’t ayon sa RH
 Bill, magsasanay sila ng mga
    guro at iaakma raw ang
pagtuturo ng “sex education”
sa edad ng mga bata, marami
   pong mga magulang ang
        nababahala dito.
Hindi daw tama na gampanan
ng pamahalaan ang karapatan
   at pananagutan ng mga
   magulang na magturo sa
 kanilang mga anak ayon sa
    kanilang paniniwala.
Hindi raw tumpak na dumiretso
  ang gobyerno sa mga bata.
         Ayon sa ating
Constitution, dapat suportahan
    - hindi pangunahan ng
   gobyerno - ang pamilya.
Papaano kung ang gustong
ituro sa paaralan ay taliwas sa
   nais ng mga magulang na
matutunan ng mga anak nila?
Kung hangad ng gobyerno na
     tulungan ang mga anak ng
 mahihirap, dapat daw ay turuan
nila ang mga magulang at hayaang
ang mga ito ang pumili ng ituturo
    sa kabataan, pagkat sila ang
nakakikilala ng kahandaan ng isip
       ng kanilang mga anak.
Tutol sila na anim na tao na pagtuturo
   sa kanilang mga anak tungkol sa
“sexuality” na sisimulan habang mura
 pa ang isipan ng mga bata, sapagka’t
  sa loob ng panahong ito, maaaring
   humantong sa hindi tamang pag-
    unawa ang mga bata tungkol sa
 katawan nila, lalo na’t libre ang mga
     gamot at serbisyong pipigil sa
              pagbubuntis.
Tanong 6
   Parang mali na ipilit yan sa
    pamilyang Pilipino dahil
nababale-wala ang Constitution
    at ginagawa lang tayong
 gaya-gaya sa mga Amerikano?
Sagot: Tama, pati ang mga
    matatanda ay apektado rin:
(a) Ang mga may-ari ng pagawaan
     o opisina (employers) ay
     mapipilitang magbigay ng
 “reproductive health services” sa
kanilang mga empleyado, kahit na
  tutol ang konsiyensya nila dito;
(b) Ang mga “health care
             providers”
(doctors, nurses, midwives, atbp.)
  ay dapat handang magbigay ng
mga gamot na kontra-pagbubuntis
   o magsagawa ng vasectomy o
ligation (pagtatali sa lalaki man o
 babae) kahit salungat sa turo ng
         kanilang relihiyon.
Ang hindi tutupad sa sinasaad ng
    batas ay makukulong. Ito ay
 paglabag sa Art. III, Sec. 5 ng ating
   Constitution na gumagarantiya
“…The free exercise and enjoyment
of religious profession and worship,
      without discrimination or
     preference, shall forever be
              allowed.”
Tanong 7
     Paano lalabag sa
Constitution ang pamimigay
   ng contraceptive pills
  gayong libre naman ito?
Sagot: Walang birth control pills
 na 100% epektibo sa pagpigil sa
 paglilihi. Kahit na umiinom nito
    ang babae, maaari pa ring
magtagpo sa pagtatalik ang itlog ng
   babae at semilya ng lalaki at
  mabuo ng bagong tao—ito ang
  “fertilization” at “moment of
            conception”.
Ngunit kahit maganap ang
  “fertilization,” sa isang babaeng
     nagpi-pills, ang “lining” ng
kanyang bahay-bata ay pinaninipis
  na ng pills, kaya ito ay magiging
 tuyo at manipis na, kaya hindi na
    kakapit ang “fertilized egg.”
Ito ang sinasabing
  “abortifacient effect” o
  “chemical abortion,” sa
madaling salita, kinikitil nito
ang bagong nilalang na nasa
        sinapupunan.
Ang “fertilized egg” ay hindi na
  kakapit sa matres at bagkus ay
ilalabas na lamang ito ng katawan
     na parang namuong dugo
   (blood clot) kasama ng regla.
          Ang totoo, ang
    “namuong dugo” ay tao na,
     miyembro na ng pamilya.
Ang “chemical abortion” ay labag sa
   Art. II, Sec. 10 ng Constitution na
 nagsasabing: “The State recognizes
  the sanctity of family life and shall
protect and strengthen the family as a
basic autonomous social institution. It
  shall equally protect the life of the
mother and the life of the unborn from
              conception…”
Tanong 8
      Kung hindi naman po
 contraceptive pills ang gamit ng
        mag-asawa kundi
  pagpapatali, siguro naman ay
hindi na ito labag sa Constitution
sapagka’t wala pa naman buhay
   na kinikitil ang vasectomy o
             ligation?
Sagot: Kapag naging batas ang RH
   Bill, kahit ang pagpapatali ay
  maaari nang maging sanhi ng
  pagkakasira ng mag-asawahan
 sapagkat ipapahintulot ng batas
 ang vasectomy at ligation kahit
  walang pahintulot ang asawa.
Puwede nang
magpa-vasectomy si mister o
 magpa-ligate si misis nang
 walang paalam sa isa’t isa.
 Sa madaling salita, walang
       pakialaman.
Isinusulong ng RH Bill sa tiyak na
 pagkasira ang pamilya at ang pag-
    aasawahan - isang tahasang
    paglabag sa Art. XV, Sec. 2 ng
     Constitution na nagsasabi:
 “Marriage, as an inviolable social
institution, is the foundation of the
  family and shall be protected by
              the State.”
Sa paningin ng Constitution
   ang pag-aasawahan ay
isang sagradong pundasyon
    ng lipunan na dapat
  pangalagaan ng estado.
Sisirain ng RH Bill ang pundasyong
 ito: ang paggalang ng mag-asawa
     sa isa’t isa, ang pag-uusap,
   pagkakasundo at pagpapasiya
nang maayos, bagkus ay ginagawa
   nitong tama ang “kanya-kanya
   mentality” na nakikita nating
simula ng pagkakawatak-watak ng
                pamilya.
Tanong 9
Kung hindi po mapo-protektahan
  ng estado ang pamilya at pag-
aasawahan, paano na po ang mga
    kabataan na anak ng mga
         pamilyang ito?
Sagot: Iyon nga ang
napakakatakot. Sa RH Bill, pati na
    ang mga menor de edad na
dalagita na inaabuso o nabuntis ay
     maaari nang gumamit ng
  “reproductive health services”
nang hindi na kailangang humingi
    ng pahintulot sa magulang.
Kung magagalit at tututol ang
 mga magulang sa ibibigay ng
mga “health centers” maaaring
  magsumbong ang anak at
    makulong pa ang mga
 “nakikialam” na magulang.
Kung libre na nga ang mga
 pampigil sa pagbubuntis at
    hindi na rin maaaring
pakialaman ng magulang ang
   kanilang mga dalagita,
malamang na ikapaririwara na
    ito ng mga kabataan.
Kaya’t lalabagin ng RH Bill ang
likas at pangunahing karapatan ng
   mga magulang na palakihin at
  arugain ang kanilang mga anak
    upang maging mabubuting
 mamamayan, na nakasaad po sa
       Art. II, Sec. 12 ng ating
             Constitution:
“…The natural and primary right
and duty of parents, in the rearing
of the youth for civic efficiency and
     the development of moral
character, shall receive the support
        of the Government.”
Tanong 10
  Nakakatakot namang isipin na
magiging sapilitan ang pagsunod sa
 mga patakarang iyan! Ano po ang
mangyayari kung hindi kami sasang-
ayon kung sakaling maging batas na
           ang RH Bill?
Sagot: Parurusahan ang kahit
sinong tao na maghahayag ng
  opinion o impormasyon na
kontra sa hangad at nilalaman
ng RH Bill kapag naging batas
              ito.
Halimbawa, ang mga komentarista
      sa radyo, kolumnista sa
  diyaryo, mga guro, mga magra-
 rally o nagse-sermon—maaaring
 makulong kapag hayagan nilang
    kinalaban ang batas na ito.
Samakatuwid, susuway ang RH Bill
     sa Art. III, Sec. 4 ng ating
  Constitution na nagsasabing
“No law shall be passed abridging
    the freedom of speech, of
  expression, or of the press...”
Kaya hindi tama na ipasa ito at
 gawing batas sapagkat lalagyan
   nito ng busal ang mga tao at
hahadlangan ang ating karapatang
     magpahayag ng sarili ng
            buong laya.
Tanong 11
  Ang ibig bang sabihin ay
parurusahan ang kokontra sa
RH Bill kapag naging batas na
 iyon? Ano naman po ang
  parusa sa mga susuway?
Sagot: Opo, ang sino mang
lalabag ay maaaring makulong
        o mamultahan.
Halimbawa, sa paaralan, may
     isang babaeng high school
  student na hihingi ng “morning
    after pill”—isang pildoras na
 iniinom ng babae kapag nakipag-
sex siya nang walang “proteksyon”
    laban sa pagbubuntis noong
           nakaraang gabi;
…tinitiyak ng “morning-after pill”
 na dadating ang regla niya, kahit
 nagkataong “fertile” siya noong
gabing iyon, sapagka’t kaya nitong
patayin ang kahit limang-araw na
gulang na buhay sa sinapupunan.
Kung ikaw na nurse ay hindi
magbibigay ng pill sa humihingi
       dahil alam mong
    “abortifacient” iyon at
nakalalaglag, paparusahan ka –
        kulong o multa.
Ayon sa Sec. 29 ng RH Bill: “Any
violation of this Act or commission
  of the foregoing prohibited acts
        shall be penalized by
 imprisonment, ranging from one
  month to six months or a fine of
   Ten Thousand (P 10,000.00) to
        Fifty Thousand Pesos
            (P50,000.00)”.
Tanong 12
Bakit sa mga debate sa TV, laging
sabi ng mga sponsors ng RH Bill at
  ng mga artista sa panig nila, na
makabubuti raw ito sa kalusugan
   ng mga ina at kababaihan, at
“women empowerment” pa daw
 iyon, kaya sino ba aayaw doon?
Sagot: Siyempre, sino nga ba
 ang hindi magkakagusto sa
mabubuting puntos ng RH Bill?
Ang totoo - ang matatawag na
  mabubuting bahagi ng RH Bill,
yung mangangalaga sa kalusugan
 at kapakanan ng kababaihan ay
   napaloloob na pong lahat sa
        tinatawag nating
   “Magna Carta for Women.”
Samakatuwid, may batas na
   dito, at kailangan lamang ay
maigting na pagpapatupad! Ito’y
buong giting pong ipinapaliwanag
ng mga Kongresistang tutol sa RH
 Bill sa Batasang Pambansa kung
saan masusing sinisiyasat ang RH
                 Bill.
Wika nila, kapag inalis sa RH Bill
  ang mga puntos na sakop na ng
 “Magna Carta for Women,” wala
nang matitira kundi ang mga hindi
   kanais-nais na parte na ating
         tinatalakay dito.
Tanong 13
May magagawa ba kami para
 mahinto ang pagsulong ng
         RH Bill?
Sagot: Malaki. Simulan natin sa
pag-iisip para matunton natin ang
katotohanan: Bakit isinusulong ng
     RH Bill ang mga gamot at
  serbisyong napatunayan na ng
medisinang nagdudulot ng higit na
panganib kaysa tulong sa katawan
             ng babae?
Bakit gagastahan ng gobyerno ng
   bilyon-bilyong piso ang mga
   gamot at serbisyong ito para
 pigilin diumano ang paglobo ng
  populasyon—na para ba itong
    sakit o epidemic na dapat
             sugpuin?
Bakit sapilitang isasagawa ito sa
pamamagitan ng pagpaparusa sa
  mga hindi sumasang-ayon?

Bakit nais simulan ng RH Bill ang
 pagtuturo ng pananaw nito sa
      ating mga kabataan?
Ang paniniwala na ang malaking
   populasyon natin ang ugat ng
ating kahirapan ay mula sa isipang
 banyaga na pilit ipinalululon ng
   RH Bill sa ating mga Pilipino.
Idilat natin ang ating mga mata
at tunghayan kung ano ang sinapit
    ng mga bansang nagpasa ng
          sistema ng RH Bill.
Nakakagimbal ang pagdami ng sakit
 ng mga babae dulot ng paggamit ng
  contraceptive drugs and devices;
  pagkaubos ng lahi at pagtanda ng
 populasyon pagkat ayaw o hindi na
mag-anak ang karamihan; pagkalat ng
    AIDS at iba pang mga sexually
  transmitted diseases (STD, o mga
  sakit na nakukuha sa pagtatalik).
Higit na pagdami ng pagbubuntis
   ng mga dalagita at higit na
  pagdami ng kasong aborsyon
(kapag pumalpak ang inaasahang
contraceptive drugs and devices);
Pagtaas ng bilang ng diborsyo;
patuloy na pagkakawatak-watak
ng mga pamilya, at marami pang
  ibang hindi natin kailanman
  nanaising mangyari sa ating
            bayan.
Tayo lamang mga Pilipino ang
 makapagsasabi kung paano
  natin lulutasin ang ating
         kahirapan.
Nawa’y makita ng lahat ng ating mga
  namumuno at mga mambabatas na
  tayo ay may sariling lakas, yaman at
  talino upang unawain at umahon sa
 ating kinasadlakang kahirapan, upang
 sa halip na higit tayong pahirapan ng
RH Bill ay magkaisa tayo tungo sa ganap
na pag-unlad ng sambayanang Pilipino.
Mga Tanong at Sagot sa RH Bill
Mga Tanong at Sagot sa RH Bill

Contenu connexe

Tendances

PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)joril23
 
Grade 10 AP (Quarter 4: Aralin 1)
Grade 10 AP (Quarter 4: Aralin 1)Grade 10 AP (Quarter 4: Aralin 1)
Grade 10 AP (Quarter 4: Aralin 1)Jean_Aruel
 
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxAKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxJohnAryelDelaPaz
 
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandBanghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandAlexa Ocha
 
Kasaysayan ng lgbt sa pilipinas
Kasaysayan ng lgbt sa pilipinasKasaysayan ng lgbt sa pilipinas
Kasaysayan ng lgbt sa pilipinasliezel andilab
 
Reproductive Health Law
Reproductive Health LawReproductive Health Law
Reproductive Health LawAileen Dagohoy
 
Mga Suliraning Kinahaharap ng Sektor ng Edukasyon sa Bansa
Mga Suliraning Kinahaharap ng Sektor ng Edukasyon sa BansaMga Suliraning Kinahaharap ng Sektor ng Edukasyon sa Bansa
Mga Suliraning Kinahaharap ng Sektor ng Edukasyon sa BansaEddie San Peñalosa
 
Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala
Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahalaPapel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala
Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahalaLoriejoey Aleviado
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoJenita Guinoo
 
Aralin 24 impormal na sektor
Aralin 24 impormal na sektorAralin 24 impormal na sektor
Aralin 24 impormal na sektorRivera Arnel
 
Diskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
Diskriminasyon at Karahasan sa KababaihanDiskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
Diskriminasyon at Karahasan sa KababaihanCleeYu
 
MELC_Aralin 22-Impormal na Sektor
MELC_Aralin 22-Impormal na SektorMELC_Aralin 22-Impormal na Sektor
MELC_Aralin 22-Impormal na SektorRivera Arnel
 
Ang Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
Ang Kahulugan ng Sibiko at PagkamamamayanAng Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
Ang Kahulugan ng Sibiko at PagkamamamayanEddie San Peñalosa
 
Aktibong Pagkamamamayan.pptx
Aktibong Pagkamamamayan.pptxAktibong Pagkamamamayan.pptx
Aktibong Pagkamamamayan.pptxJulienneMaeMapa
 
KALAGAYAN NG MGA MANG GAGAWA SA IBAT IBANG SEKTOR.pptx
KALAGAYAN NG MGA MANG GAGAWA SA IBAT IBANG SEKTOR.pptxKALAGAYAN NG MGA MANG GAGAWA SA IBAT IBANG SEKTOR.pptx
KALAGAYAN NG MGA MANG GAGAWA SA IBAT IBANG SEKTOR.pptxjosiecabe2
 

Tendances (20)

PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
 
Grade 10 AP (Quarter 4: Aralin 1)
Grade 10 AP (Quarter 4: Aralin 1)Grade 10 AP (Quarter 4: Aralin 1)
Grade 10 AP (Quarter 4: Aralin 1)
 
Demand
DemandDemand
Demand
 
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxAKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
 
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandBanghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
 
Kasaysayan ng lgbt sa pilipinas
Kasaysayan ng lgbt sa pilipinasKasaysayan ng lgbt sa pilipinas
Kasaysayan ng lgbt sa pilipinas
 
Reproductive Health Law
Reproductive Health LawReproductive Health Law
Reproductive Health Law
 
Mga Suliraning Kinahaharap ng Sektor ng Edukasyon sa Bansa
Mga Suliraning Kinahaharap ng Sektor ng Edukasyon sa BansaMga Suliraning Kinahaharap ng Sektor ng Edukasyon sa Bansa
Mga Suliraning Kinahaharap ng Sektor ng Edukasyon sa Bansa
 
Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala
Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahalaPapel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala
Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala
 
Mga karapatang pantao
Mga karapatang pantaoMga karapatang pantao
Mga karapatang pantao
 
Pang-Ugnay
Pang-UgnayPang-Ugnay
Pang-Ugnay
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
 
Aralin 24 impormal na sektor
Aralin 24 impormal na sektorAralin 24 impormal na sektor
Aralin 24 impormal na sektor
 
Diskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
Diskriminasyon at Karahasan sa KababaihanDiskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
Diskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
 
Interaksyon ng Demand at Supply
Interaksyon ng Demand at SupplyInteraksyon ng Demand at Supply
Interaksyon ng Demand at Supply
 
MELC_Aralin 22-Impormal na Sektor
MELC_Aralin 22-Impormal na SektorMELC_Aralin 22-Impormal na Sektor
MELC_Aralin 22-Impormal na Sektor
 
Ang Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
Ang Kahulugan ng Sibiko at PagkamamamayanAng Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
Ang Kahulugan ng Sibiko at Pagkamamamayan
 
Aktibong Pagkamamamayan.pptx
Aktibong Pagkamamamayan.pptxAktibong Pagkamamamayan.pptx
Aktibong Pagkamamamayan.pptx
 
KALAGAYAN NG MGA MANG GAGAWA SA IBAT IBANG SEKTOR.pptx
KALAGAYAN NG MGA MANG GAGAWA SA IBAT IBANG SEKTOR.pptxKALAGAYAN NG MGA MANG GAGAWA SA IBAT IBANG SEKTOR.pptx
KALAGAYAN NG MGA MANG GAGAWA SA IBAT IBANG SEKTOR.pptx
 
Aralin 3 aral pan. 10
Aralin 3 aral pan. 10Aralin 3 aral pan. 10
Aralin 3 aral pan. 10
 

Similaire à Mga Tanong at Sagot sa RH Bill

646870340-RH-LAW .pptx
646870340-RH-LAW                   .pptx646870340-RH-LAW                   .pptx
646870340-RH-LAW .pptxJonalyn34
 
RH_Bill filipinos_for_life
RH_Bill filipinos_for_lifeRH_Bill filipinos_for_life
RH_Bill filipinos_for_lifeAliza Racelis
 
RH_Bill filipinos_for_life
RH_Bill filipinos_for_lifeRH_Bill filipinos_for_life
RH_Bill filipinos_for_lifeAliza Racelis
 
Mahahalagang-Probisyon-ng-RH-Law.pptx
Mahahalagang-Probisyon-ng-RH-Law.pptxMahahalagang-Probisyon-ng-RH-Law.pptx
Mahahalagang-Probisyon-ng-RH-Law.pptxjamesmarken1
 
reproductivehealthlaw-190103140217 (2).pdf
reproductivehealthlaw-190103140217 (2).pdfreproductivehealthlaw-190103140217 (2).pdf
reproductivehealthlaw-190103140217 (2).pdfAngelle Pantig
 
E.s.p 10 (garciano)
E.s.p 10 (garciano)E.s.p 10 (garciano)
E.s.p 10 (garciano)axelespanola
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
EsP-9-Q2-M5.mgabatasnanakabatysalikasnabatasnamoral.pptx
EsP-9-Q2-M5.mgabatasnanakabatysalikasnabatasnamoral.pptxEsP-9-Q2-M5.mgabatasnanakabatysalikasnabatasnamoral.pptx
EsP-9-Q2-M5.mgabatasnanakabatysalikasnabatasnamoral.pptxFimMies
 
Orange-and-Cream-Delicate-Organic-Homemade-Products-Marketing-Video-Presentat...
Orange-and-Cream-Delicate-Organic-Homemade-Products-Marketing-Video-Presentat...Orange-and-Cream-Delicate-Organic-Homemade-Products-Marketing-Video-Presentat...
Orange-and-Cream-Delicate-Organic-Homemade-Products-Marketing-Video-Presentat...OrlandoBalagot1
 
EsP 10_ Modyul 10 :Mga isyung moral tungkol sa buhay
EsP 10_ Modyul 10 :Mga isyung moral tungkol sa buhayEsP 10_ Modyul 10 :Mga isyung moral tungkol sa buhay
EsP 10_ Modyul 10 :Mga isyung moral tungkol sa buhayNerizaHernandez2
 
10 Good Reason to Pass RH Bill (Tag)
10 Good Reason to Pass RH Bill (Tag)10 Good Reason to Pass RH Bill (Tag)
10 Good Reason to Pass RH Bill (Tag)MarkFredderickAbejo
 
KARAPATAN-AT-TUNGKULIN.pptx
KARAPATAN-AT-TUNGKULIN.pptxKARAPATAN-AT-TUNGKULIN.pptx
KARAPATAN-AT-TUNGKULIN.pptxlester641719
 
Mga karapatang sibil at pulitikal
Mga karapatang sibil at pulitikalMga karapatang sibil at pulitikal
Mga karapatang sibil at pulitikalicgamatero
 

Similaire à Mga Tanong at Sagot sa RH Bill (20)

646870340-RH-LAW .pptx
646870340-RH-LAW                   .pptx646870340-RH-LAW                   .pptx
646870340-RH-LAW .pptx
 
RH_Bill filipinos_for_life
RH_Bill filipinos_for_lifeRH_Bill filipinos_for_life
RH_Bill filipinos_for_life
 
RH_Bill filipinos_for_life
RH_Bill filipinos_for_lifeRH_Bill filipinos_for_life
RH_Bill filipinos_for_life
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Apan Reportdocx.docx
Apan Reportdocx.docxApan Reportdocx.docx
Apan Reportdocx.docx
 
Mahahalagang-Probisyon-ng-RH-Law.pptx
Mahahalagang-Probisyon-ng-RH-Law.pptxMahahalagang-Probisyon-ng-RH-Law.pptx
Mahahalagang-Probisyon-ng-RH-Law.pptx
 
Apan Reportdocx.docx
Apan Reportdocx.docxApan Reportdocx.docx
Apan Reportdocx.docx
 
reproductivehealthlaw-190103140217 (2).pdf
reproductivehealthlaw-190103140217 (2).pdfreproductivehealthlaw-190103140217 (2).pdf
reproductivehealthlaw-190103140217 (2).pdf
 
Joana
JoanaJoana
Joana
 
RH Law
RH LawRH Law
RH Law
 
ISYUNG MORAL.pptx
ISYUNG MORAL.pptxISYUNG MORAL.pptx
ISYUNG MORAL.pptx
 
E.s.p 10 (garciano)
E.s.p 10 (garciano)E.s.p 10 (garciano)
E.s.p 10 (garciano)
 
Theory essay #1
Theory essay #1Theory essay #1
Theory essay #1
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
EsP-9-Q2-M5.mgabatasnanakabatysalikasnabatasnamoral.pptx
EsP-9-Q2-M5.mgabatasnanakabatysalikasnabatasnamoral.pptxEsP-9-Q2-M5.mgabatasnanakabatysalikasnabatasnamoral.pptx
EsP-9-Q2-M5.mgabatasnanakabatysalikasnabatasnamoral.pptx
 
Orange-and-Cream-Delicate-Organic-Homemade-Products-Marketing-Video-Presentat...
Orange-and-Cream-Delicate-Organic-Homemade-Products-Marketing-Video-Presentat...Orange-and-Cream-Delicate-Organic-Homemade-Products-Marketing-Video-Presentat...
Orange-and-Cream-Delicate-Organic-Homemade-Products-Marketing-Video-Presentat...
 
EsP 10_ Modyul 10 :Mga isyung moral tungkol sa buhay
EsP 10_ Modyul 10 :Mga isyung moral tungkol sa buhayEsP 10_ Modyul 10 :Mga isyung moral tungkol sa buhay
EsP 10_ Modyul 10 :Mga isyung moral tungkol sa buhay
 
10 Good Reason to Pass RH Bill (Tag)
10 Good Reason to Pass RH Bill (Tag)10 Good Reason to Pass RH Bill (Tag)
10 Good Reason to Pass RH Bill (Tag)
 
KARAPATAN-AT-TUNGKULIN.pptx
KARAPATAN-AT-TUNGKULIN.pptxKARAPATAN-AT-TUNGKULIN.pptx
KARAPATAN-AT-TUNGKULIN.pptx
 
Mga karapatang sibil at pulitikal
Mga karapatang sibil at pulitikalMga karapatang sibil at pulitikal
Mga karapatang sibil at pulitikal
 

Plus de Ric Eguia

Word of Life, August 2020
Word of Life, August  2020Word of Life, August  2020
Word of Life, August 2020Ric Eguia
 
Word of Life, July-2020
Word of Life, July-2020Word of Life, July-2020
Word of Life, July-2020Ric Eguia
 
Kataga ng Buhay Hulyo-2020
Kataga ng Buhay Hulyo-2020Kataga ng Buhay Hulyo-2020
Kataga ng Buhay Hulyo-2020Ric Eguia
 
Pope Francis' Quotes on Poverty
Pope Francis' Quotes on PovertyPope Francis' Quotes on Poverty
Pope Francis' Quotes on PovertyRic Eguia
 
Pentecost sunday
Pentecost sundayPentecost sunday
Pentecost sundayRic Eguia
 
Kredo, Ika-3 Artikulo
Kredo, Ika-3 ArtikuloKredo, Ika-3 Artikulo
Kredo, Ika-3 ArtikuloRic Eguia
 
KREDO, Ika-2 Artikulo
KREDO, Ika-2 ArtikuloKREDO, Ika-2 Artikulo
KREDO, Ika-2 ArtikuloRic Eguia
 
Word of Life, Feb 2013
Word of Life, Feb 2013Word of Life, Feb 2013
Word of Life, Feb 2013Ric Eguia
 
Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ric Eguia
 
Natural Decoration
Natural DecorationNatural Decoration
Natural DecorationRic Eguia
 
Word of Life, November 2012
Word of Life,  November 2012Word of Life,  November 2012
Word of Life, November 2012Ric Eguia
 
Sumunod ka sa akin
Sumunod ka   sa akinSumunod ka   sa akin
Sumunod ka sa akinRic Eguia
 
Teaching is a vocation
Teaching is a vocationTeaching is a vocation
Teaching is a vocationRic Eguia
 
The Anatomy of Temptations
The Anatomy of TemptationsThe Anatomy of Temptations
The Anatomy of TemptationsRic Eguia
 
Panalangin sa Krus ng Sierra Madre
Panalangin sa Krus ng Sierra MadrePanalangin sa Krus ng Sierra Madre
Panalangin sa Krus ng Sierra MadreRic Eguia
 
Jose, Asawa ni Maria
Jose, Asawa ni MariaJose, Asawa ni Maria
Jose, Asawa ni MariaRic Eguia
 
Bible Sharing Group Facilitators's Training
Bible Sharing Group Facilitators's TrainingBible Sharing Group Facilitators's Training
Bible Sharing Group Facilitators's TrainingRic Eguia
 
5) Liturgical Vessels, etc
5) Liturgical Vessels, etc5) Liturgical Vessels, etc
5) Liturgical Vessels, etcRic Eguia
 
4) Liturgical Season
4) Liturgical Season4) Liturgical Season
4) Liturgical SeasonRic Eguia
 

Plus de Ric Eguia (20)

Word of Life, August 2020
Word of Life, August  2020Word of Life, August  2020
Word of Life, August 2020
 
Word of Life, July-2020
Word of Life, July-2020Word of Life, July-2020
Word of Life, July-2020
 
Kataga ng Buhay Hulyo-2020
Kataga ng Buhay Hulyo-2020Kataga ng Buhay Hulyo-2020
Kataga ng Buhay Hulyo-2020
 
Pope Francis' Quotes on Poverty
Pope Francis' Quotes on PovertyPope Francis' Quotes on Poverty
Pope Francis' Quotes on Poverty
 
Pentecost sunday
Pentecost sundayPentecost sunday
Pentecost sunday
 
Kredo, Ika-3 Artikulo
Kredo, Ika-3 ArtikuloKredo, Ika-3 Artikulo
Kredo, Ika-3 Artikulo
 
Knb1303
Knb1303Knb1303
Knb1303
 
KREDO, Ika-2 Artikulo
KREDO, Ika-2 ArtikuloKREDO, Ika-2 Artikulo
KREDO, Ika-2 Artikulo
 
Word of Life, Feb 2013
Word of Life, Feb 2013Word of Life, Feb 2013
Word of Life, Feb 2013
 
Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1
 
Natural Decoration
Natural DecorationNatural Decoration
Natural Decoration
 
Word of Life, November 2012
Word of Life,  November 2012Word of Life,  November 2012
Word of Life, November 2012
 
Sumunod ka sa akin
Sumunod ka   sa akinSumunod ka   sa akin
Sumunod ka sa akin
 
Teaching is a vocation
Teaching is a vocationTeaching is a vocation
Teaching is a vocation
 
The Anatomy of Temptations
The Anatomy of TemptationsThe Anatomy of Temptations
The Anatomy of Temptations
 
Panalangin sa Krus ng Sierra Madre
Panalangin sa Krus ng Sierra MadrePanalangin sa Krus ng Sierra Madre
Panalangin sa Krus ng Sierra Madre
 
Jose, Asawa ni Maria
Jose, Asawa ni MariaJose, Asawa ni Maria
Jose, Asawa ni Maria
 
Bible Sharing Group Facilitators's Training
Bible Sharing Group Facilitators's TrainingBible Sharing Group Facilitators's Training
Bible Sharing Group Facilitators's Training
 
5) Liturgical Vessels, etc
5) Liturgical Vessels, etc5) Liturgical Vessels, etc
5) Liturgical Vessels, etc
 
4) Liturgical Season
4) Liturgical Season4) Liturgical Season
4) Liturgical Season
 

Mga Tanong at Sagot sa RH Bill

  • 1. Mga Tanong at Sagot Tungkol sa RH Bill 4244 Ni Teresa R. Tunay, OCDS
  • 2. Tanong 1. Wala po kaming panahong basahin at unawain ang kopya ng RH Bill. Ano po ba talaga ang kontrobersyal na RH Bill?
  • 3. Sagot: Ito ang Reproductive Health Bill 4244, na naka-base sa paniniwalang labis nang lumolobo ang populasyon ng Pilipinas na siyang nagiging sanhi ng lubos na paghihirap. Maraming ulit na itong isinususog sa kongreso ng Pilipinas ngunit hindi ito makapasa para maging batas.
  • 4. Tanong 2 Bakit po hindi ito makapasa, samantalang sabi po sa debate ay mabuti daw ito?
  • 5. Sagot: Kung lubos na mabuti ito, di sana’y matagal na itong naging batas. Marami pong mga bagay sa RH Bill ang tinututulan ng maraming kongresista, unang- una ay yung pinagpipilitang ang Bill daw ang solusyon sa kahirapan - ang pagliitin ang populasyon.
  • 6. Pakay ng RH Bill na mamigay ang gobyerno nang libre sa mahihirap ng mga gamot at serbisyong makapipigil sa pagbubuntis, tulad ng mga birth control pills, condoms, IUD, ineksiyon, atbp.
  • 7. Isinasaad sa Sec. 10 ng Bill na ang mga ito ay dapat ibilang na mga “essential medicines and supplies of all national and local hospitals and other government health units”.
  • 8. Humihingi ang RH Bill ng budget na P13.7 Billion, na kukunin sa kaban ng bayan, sa mga mamamayang nagbabayad ng buwis.
  • 9. Ang higit na makikinabang at tutubo mula dito ay ang mga pharmaceutical companies pagkat gagawin nang batas ang pagbili ng kanilang mga produkto.
  • 10. Ibig sabihin, kapag nilabag mo, paparusahan ka dahil batas na ito.
  • 11. Ayon sa mga tumututol, hindi tama na ilagay sa panganib ang kalusugan ng mga ina at kababaihan sa paggamit ng mga naturang gamot at serbisyong ito na ayon sa mga pagsusuri ng medisina sa buong mundo ay nakapipinsala sa kalusugan ng gagamit.
  • 12. Makabubuti pa raw na ang salapi ay gugulin na lamang sa mga bagay na higit na kailangan at makatutulong sa pag-unlad ng bansa, tulad ng pagpapagawa ng mga eskwelahan, kalsada, balon ng tubig, ospital, at sa pagbibigay ng hanapbuhay ng mga maralita.
  • 13. Tanong 3 Totoo po ba na sa RH Bill ay bibigyan ng sex education ang mga bata kahit Grade V pa lang?
  • 14. Sagot: Totoo po. Yun po ay nasa SEC. 16. “Mandatory Age-Appropriate Reproductive Health and Sexuality Education.”
  • 15. Lahat ng mga estudyante mula Grade V to 4th year high school ay ipapailalim sa “sexuality education” kung saan matututuhan nila ang pagpaplano ng pamilya hindi lamang sa natural na paraan kundi sa paggamit ng mga makakapigil ng pagbubuntis tulad ng condom at pildoras.
  • 16. Kasama din sa mga ituturo ay ang tinatawag nilang “safe sex” o pakikipagtalik nang hindi hahantong sa pagbubuntis o sa pagkahawa sa sakit ng katalik (AIDS, halimbawa).
  • 17. Tanong 4 Anim na taong sex education? Wala po bang exemption diyan? Paano kung ayaw ng magulang?
  • 18. Sagot: Opo, anim na taon, at wala pong takas ang bata dito sapagka’t ipapaloob ang “sex education” sa iba’t ibang subjects tulad ng Math, Physical Education, Social Studies, Values Education, atbp.
  • 19. Hindi rin po masasabi ng magulang na ipinilit sa anak nila ang Sex Education, sapagkat hindi ito “optional” o magiging bukod na subject kundi sangkap ng bawat subject, sa buong anim na taon.
  • 20. At “mandatory” po ito, ibig sabihin, kailangan itong pag- aralan ng bawat bata sapagkat lahat po ng paaralan ay kailangang sumang-ayon dito, kahit po mga paaralan ng mga Muslim o Katoliko. Kahit ayaw ng mga magulang, wala silang magagawa.
  • 21. Tanong 5 Mahaba-haba din ang anim na taon; ano po ang magiging epekto ng ganoong uri ng “sex education” sa pamilya?
  • 22. Sagot: Bagama’t ayon sa RH Bill, magsasanay sila ng mga guro at iaakma raw ang pagtuturo ng “sex education” sa edad ng mga bata, marami pong mga magulang ang nababahala dito.
  • 23. Hindi daw tama na gampanan ng pamahalaan ang karapatan at pananagutan ng mga magulang na magturo sa kanilang mga anak ayon sa kanilang paniniwala.
  • 24. Hindi raw tumpak na dumiretso ang gobyerno sa mga bata. Ayon sa ating Constitution, dapat suportahan - hindi pangunahan ng gobyerno - ang pamilya.
  • 25. Papaano kung ang gustong ituro sa paaralan ay taliwas sa nais ng mga magulang na matutunan ng mga anak nila?
  • 26. Kung hangad ng gobyerno na tulungan ang mga anak ng mahihirap, dapat daw ay turuan nila ang mga magulang at hayaang ang mga ito ang pumili ng ituturo sa kabataan, pagkat sila ang nakakikilala ng kahandaan ng isip ng kanilang mga anak.
  • 27. Tutol sila na anim na tao na pagtuturo sa kanilang mga anak tungkol sa “sexuality” na sisimulan habang mura pa ang isipan ng mga bata, sapagka’t sa loob ng panahong ito, maaaring humantong sa hindi tamang pag- unawa ang mga bata tungkol sa katawan nila, lalo na’t libre ang mga gamot at serbisyong pipigil sa pagbubuntis.
  • 28. Tanong 6 Parang mali na ipilit yan sa pamilyang Pilipino dahil nababale-wala ang Constitution at ginagawa lang tayong gaya-gaya sa mga Amerikano?
  • 29. Sagot: Tama, pati ang mga matatanda ay apektado rin: (a) Ang mga may-ari ng pagawaan o opisina (employers) ay mapipilitang magbigay ng “reproductive health services” sa kanilang mga empleyado, kahit na tutol ang konsiyensya nila dito;
  • 30. (b) Ang mga “health care providers” (doctors, nurses, midwives, atbp.) ay dapat handang magbigay ng mga gamot na kontra-pagbubuntis o magsagawa ng vasectomy o ligation (pagtatali sa lalaki man o babae) kahit salungat sa turo ng kanilang relihiyon.
  • 31. Ang hindi tutupad sa sinasaad ng batas ay makukulong. Ito ay paglabag sa Art. III, Sec. 5 ng ating Constitution na gumagarantiya “…The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed.”
  • 32. Tanong 7 Paano lalabag sa Constitution ang pamimigay ng contraceptive pills gayong libre naman ito?
  • 33. Sagot: Walang birth control pills na 100% epektibo sa pagpigil sa paglilihi. Kahit na umiinom nito ang babae, maaari pa ring magtagpo sa pagtatalik ang itlog ng babae at semilya ng lalaki at mabuo ng bagong tao—ito ang “fertilization” at “moment of conception”.
  • 34. Ngunit kahit maganap ang “fertilization,” sa isang babaeng nagpi-pills, ang “lining” ng kanyang bahay-bata ay pinaninipis na ng pills, kaya ito ay magiging tuyo at manipis na, kaya hindi na kakapit ang “fertilized egg.”
  • 35. Ito ang sinasabing “abortifacient effect” o “chemical abortion,” sa madaling salita, kinikitil nito ang bagong nilalang na nasa sinapupunan.
  • 36. Ang “fertilized egg” ay hindi na kakapit sa matres at bagkus ay ilalabas na lamang ito ng katawan na parang namuong dugo (blood clot) kasama ng regla. Ang totoo, ang “namuong dugo” ay tao na, miyembro na ng pamilya.
  • 37. Ang “chemical abortion” ay labag sa Art. II, Sec. 10 ng Constitution na nagsasabing: “The State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution. It shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception…”
  • 38. Tanong 8 Kung hindi naman po contraceptive pills ang gamit ng mag-asawa kundi pagpapatali, siguro naman ay hindi na ito labag sa Constitution sapagka’t wala pa naman buhay na kinikitil ang vasectomy o ligation?
  • 39. Sagot: Kapag naging batas ang RH Bill, kahit ang pagpapatali ay maaari nang maging sanhi ng pagkakasira ng mag-asawahan sapagkat ipapahintulot ng batas ang vasectomy at ligation kahit walang pahintulot ang asawa.
  • 40. Puwede nang magpa-vasectomy si mister o magpa-ligate si misis nang walang paalam sa isa’t isa. Sa madaling salita, walang pakialaman.
  • 41. Isinusulong ng RH Bill sa tiyak na pagkasira ang pamilya at ang pag- aasawahan - isang tahasang paglabag sa Art. XV, Sec. 2 ng Constitution na nagsasabi: “Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State.”
  • 42. Sa paningin ng Constitution ang pag-aasawahan ay isang sagradong pundasyon ng lipunan na dapat pangalagaan ng estado.
  • 43. Sisirain ng RH Bill ang pundasyong ito: ang paggalang ng mag-asawa sa isa’t isa, ang pag-uusap, pagkakasundo at pagpapasiya nang maayos, bagkus ay ginagawa nitong tama ang “kanya-kanya mentality” na nakikita nating simula ng pagkakawatak-watak ng pamilya.
  • 44. Tanong 9 Kung hindi po mapo-protektahan ng estado ang pamilya at pag- aasawahan, paano na po ang mga kabataan na anak ng mga pamilyang ito?
  • 45. Sagot: Iyon nga ang napakakatakot. Sa RH Bill, pati na ang mga menor de edad na dalagita na inaabuso o nabuntis ay maaari nang gumamit ng “reproductive health services” nang hindi na kailangang humingi ng pahintulot sa magulang.
  • 46. Kung magagalit at tututol ang mga magulang sa ibibigay ng mga “health centers” maaaring magsumbong ang anak at makulong pa ang mga “nakikialam” na magulang.
  • 47. Kung libre na nga ang mga pampigil sa pagbubuntis at hindi na rin maaaring pakialaman ng magulang ang kanilang mga dalagita, malamang na ikapaririwara na ito ng mga kabataan.
  • 48. Kaya’t lalabagin ng RH Bill ang likas at pangunahing karapatan ng mga magulang na palakihin at arugain ang kanilang mga anak upang maging mabubuting mamamayan, na nakasaad po sa Art. II, Sec. 12 ng ating Constitution:
  • 49. “…The natural and primary right and duty of parents, in the rearing of the youth for civic efficiency and the development of moral character, shall receive the support of the Government.”
  • 50. Tanong 10 Nakakatakot namang isipin na magiging sapilitan ang pagsunod sa mga patakarang iyan! Ano po ang mangyayari kung hindi kami sasang- ayon kung sakaling maging batas na ang RH Bill?
  • 51. Sagot: Parurusahan ang kahit sinong tao na maghahayag ng opinion o impormasyon na kontra sa hangad at nilalaman ng RH Bill kapag naging batas ito.
  • 52. Halimbawa, ang mga komentarista sa radyo, kolumnista sa diyaryo, mga guro, mga magra- rally o nagse-sermon—maaaring makulong kapag hayagan nilang kinalaban ang batas na ito.
  • 53. Samakatuwid, susuway ang RH Bill sa Art. III, Sec. 4 ng ating Constitution na nagsasabing “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press...”
  • 54. Kaya hindi tama na ipasa ito at gawing batas sapagkat lalagyan nito ng busal ang mga tao at hahadlangan ang ating karapatang magpahayag ng sarili ng buong laya.
  • 55. Tanong 11 Ang ibig bang sabihin ay parurusahan ang kokontra sa RH Bill kapag naging batas na iyon? Ano naman po ang parusa sa mga susuway?
  • 56. Sagot: Opo, ang sino mang lalabag ay maaaring makulong o mamultahan.
  • 57. Halimbawa, sa paaralan, may isang babaeng high school student na hihingi ng “morning after pill”—isang pildoras na iniinom ng babae kapag nakipag- sex siya nang walang “proteksyon” laban sa pagbubuntis noong nakaraang gabi;
  • 58. …tinitiyak ng “morning-after pill” na dadating ang regla niya, kahit nagkataong “fertile” siya noong gabing iyon, sapagka’t kaya nitong patayin ang kahit limang-araw na gulang na buhay sa sinapupunan.
  • 59. Kung ikaw na nurse ay hindi magbibigay ng pill sa humihingi dahil alam mong “abortifacient” iyon at nakalalaglag, paparusahan ka – kulong o multa.
  • 60. Ayon sa Sec. 29 ng RH Bill: “Any violation of this Act or commission of the foregoing prohibited acts shall be penalized by imprisonment, ranging from one month to six months or a fine of Ten Thousand (P 10,000.00) to Fifty Thousand Pesos (P50,000.00)”.
  • 61. Tanong 12 Bakit sa mga debate sa TV, laging sabi ng mga sponsors ng RH Bill at ng mga artista sa panig nila, na makabubuti raw ito sa kalusugan ng mga ina at kababaihan, at “women empowerment” pa daw iyon, kaya sino ba aayaw doon?
  • 62. Sagot: Siyempre, sino nga ba ang hindi magkakagusto sa mabubuting puntos ng RH Bill?
  • 63. Ang totoo - ang matatawag na mabubuting bahagi ng RH Bill, yung mangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng kababaihan ay napaloloob na pong lahat sa tinatawag nating “Magna Carta for Women.”
  • 64. Samakatuwid, may batas na dito, at kailangan lamang ay maigting na pagpapatupad! Ito’y buong giting pong ipinapaliwanag ng mga Kongresistang tutol sa RH Bill sa Batasang Pambansa kung saan masusing sinisiyasat ang RH Bill.
  • 65. Wika nila, kapag inalis sa RH Bill ang mga puntos na sakop na ng “Magna Carta for Women,” wala nang matitira kundi ang mga hindi kanais-nais na parte na ating tinatalakay dito.
  • 66. Tanong 13 May magagawa ba kami para mahinto ang pagsulong ng RH Bill?
  • 67. Sagot: Malaki. Simulan natin sa pag-iisip para matunton natin ang katotohanan: Bakit isinusulong ng RH Bill ang mga gamot at serbisyong napatunayan na ng medisinang nagdudulot ng higit na panganib kaysa tulong sa katawan ng babae?
  • 68. Bakit gagastahan ng gobyerno ng bilyon-bilyong piso ang mga gamot at serbisyong ito para pigilin diumano ang paglobo ng populasyon—na para ba itong sakit o epidemic na dapat sugpuin?
  • 69. Bakit sapilitang isasagawa ito sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga hindi sumasang-ayon? Bakit nais simulan ng RH Bill ang pagtuturo ng pananaw nito sa ating mga kabataan?
  • 70. Ang paniniwala na ang malaking populasyon natin ang ugat ng ating kahirapan ay mula sa isipang banyaga na pilit ipinalululon ng RH Bill sa ating mga Pilipino.
  • 71. Idilat natin ang ating mga mata at tunghayan kung ano ang sinapit ng mga bansang nagpasa ng sistema ng RH Bill.
  • 72. Nakakagimbal ang pagdami ng sakit ng mga babae dulot ng paggamit ng contraceptive drugs and devices; pagkaubos ng lahi at pagtanda ng populasyon pagkat ayaw o hindi na mag-anak ang karamihan; pagkalat ng AIDS at iba pang mga sexually transmitted diseases (STD, o mga sakit na nakukuha sa pagtatalik).
  • 73. Higit na pagdami ng pagbubuntis ng mga dalagita at higit na pagdami ng kasong aborsyon (kapag pumalpak ang inaasahang contraceptive drugs and devices);
  • 74. Pagtaas ng bilang ng diborsyo; patuloy na pagkakawatak-watak ng mga pamilya, at marami pang ibang hindi natin kailanman nanaising mangyari sa ating bayan.
  • 75. Tayo lamang mga Pilipino ang makapagsasabi kung paano natin lulutasin ang ating kahirapan.
  • 76. Nawa’y makita ng lahat ng ating mga namumuno at mga mambabatas na tayo ay may sariling lakas, yaman at talino upang unawain at umahon sa ating kinasadlakang kahirapan, upang sa halip na higit tayong pahirapan ng RH Bill ay magkaisa tayo tungo sa ganap na pag-unlad ng sambayanang Pilipino.