3. Napapanahong Paksa
• Tayo ay nabubuhay ngayon sa isang mundo
na patuloy na nagiging “secular” at hindi na
pinag-uusap ang Diyos o ang Batas ng Diyos.
• Ang batayan na kung ano ang tama at
matuwid, ay hindi na ang Diyos, kundi ang
karunungan na ng tao. Ang tao na ang
nagiging Diyos sa kanyang sarili.
• Ang batayan ng katotohanan ay hindi na ang
Diyos kundi ang agham (science).
4. Napapanahong Paksa
• Dahil hindi na pinag-uusapan ang Diyos, wala
nang batayan kung ano ang moral o imoral.
• Dahil hindi na pinag-uusapan ang Batas ng
Diyos, nawawala na rin sa usapan ang
salitang “kasalanan.”
• Sa Batas ng Diyos, ang kasalanan ay
mali, masama at dapat iwasan.
• Sa mundong walang Diyos, ang mali ay
nagiging tama, at ang tama ang nagiging mali.
5. Ang Ating Kalagayan
• Kadalasang sinasabi nating kapag tayo ay
nagkakasala: “Sapagkat ako’y tao
lamang, mahina at makasalanan.”
• Kadalasang bumabagabag: Hindi ang
kasamaan ng kasalanang ginawa, kundi ang
kahihiyan sa ibang tao - walang mukhang
ihaharap sa iba.
6. Loss of the Sense of Sin
• Ang kasalanan ay may dalang pagkahiya
sa sarili – itinatago, pinaglilihim.
• Kapag nawala na ang “sense of sin,”
nawawala na rin ang kahihiyan at
ginagawa nang lantaran.
7. Ang Pagkakasala ng Tao
A. Ayon sa Lumang Tipan, Aklat ng Genesis:
Sa simula pa ng ating lahi, ang lalaki at
babae ay tumalikod na at sumuway sa Diyos
na Manlilikha. Tinanggihan ng tao ang
pakikipagkaibigan ng Diyos. Nais ng tao na
maging “parang Diyos,”
8. Si Satanas at mga Diyablo
• “Ahas”
Paglalarawan ng masamang
kapangyarihang tinatawag na diablo o
demonyo.
Sabi ni Hesus: “Buhat pa noong una ay
mamamatay-tao na, sinungaling at ama ng
kasinungalingan” (Juan 8:44)
Mga Nagkasalang Anghel (The Fallen
Angels): Si Lucifer ay naging si Satanas.
9. Ang magagawa lamang ng
demonyo ay manukso.
Tao pa rin ang magpapasya.
Binigyan ng Diyos ang tao ng
talino at malayang pasya.
May pananagutan ang kalayaan.
10. Ano ba ang kasalanan?
“Ang bawat nagkakasala ay lumalabag sa
kautusan ng Diyos, sapagkat ang kasalanan
ay paglabag sa kautusan.” (1 Juan 3:4)
Tungkulin nating alamin at pag-aralan ang
Batas ng Diyos na dapat nating sundin.
Ang Simbahan ang inutusan ng Panginoon:
“Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng
ipinag-uutos ko.” (Mateo 28:20)
18. 5. Kamatayan
• “Sa alabok sila
nanggaling, sa
alabok din sila
magbabalik”
(Gen 3:19).
19. Simula ng Pangkalahatang Kasalanan
• Hindi nagmula sa Diyos, kundi ang
unang lalaki at unang babae ang
pinagsimulan ng kasamaang moral.
20. Ang Pagkakasala ng Tao
B. Ayon sa Bagong Tipan (San Pablo)
“Ang lahat ay nagkasala at walang
sinumang karapat-dapat sa paningin ng
Diyos.” (Roma 3:23)
“Kung paanong mamamatay ang lahat
dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan,
mabubuhay naman ang lahat dahil sa
kanilang kaugnayan kay Kristo.” (1 Cor
15:22)
21. Ang Kagandahang-Loob ng Diyos
“Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa
marami ang pagsuway ni Adan, ngunit
higit na malaki ang kagandahang-loob
ng Diyos at ang kaloob na dumating sa
napakarami, sa pamamagitan ng isang
tao – si Hesukristo.” (Roma 5:15)
22. Ang Kasalanang Mana
• Turo ng Simbahan
Sa pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos, ang
unang tao ay nawalan ng kabanalan at
katarungan, at inanyayahan sa kanyang
sarili ang kamatayan.
Ang kabanalan at katarungang tinanggap
mula sa Diyos ay nawala, hindi lamang
para sa kanyang sarili, kundi para sa
kanyang salinlahi.
23. Ang Kasalanang Mana
• Turo ng Simbahan
Ang lahi ni Adan ay nagmana, hindi ng
kanyang sariling kasalanan, kundi ng
makasalanang kalagayan na nagsimula
sa pamamagitan ng kanyang
pinagmulang kasalanan.
Ang “kasalanang mana” ay ang
kalagayan ng pagkamakasalan kung
saan tayong lahat ay isinilang.
24. 1. Kasalanan ng Sanlibutan
Isinilang tayo sa isang makasalanang
kapaligiran.
Social dimension ng kasalanan:
“structural sin” (kawalan ng katarungan,
pang-aapi at pagsasamantala)
25. 2. Kasalanang Personal at Panloob
Makamundong pagnanasa (concupiscence) -
isang udyok na nagmumula sa kasalanan at
nag-uudyok na magkasala.
Sa biyaya ni Kristo, tayo ay tinatawag na
makipagtunggali at buong-lakas na
paglabanan ang ating makamundong
pagnanasa.
26. Hebreo 12:1-2
• “Iwaksi natin ang kasalanan at anumang
balakid na pumipigil sa atin, at tayo ay
buong tiyagang magpatuloy sa
takbuhing nasa ating harapan. Ituon
natin ang ating paningin kay Hesus na
siyang pinagmumulan ng ating
pananampalataya at siya ring
nagpapasakdal nito.”
28. Kasalanang Mana
• Paglalarawan:
Isang kalagayang ating sinilangan bilang
kabilang sa lahi ng tao.
Tinatawag na “orihinal” o “mana,” dahil
ito ay mula pa sa simula ng lahi ng tao. Ibig
sabihin, ito ay “pangkalahatan” kaya’t ang
lahat ay dapat tubusin.
Tinawag itong “kasalanan” sapagkat ito ay
taliwas sa kalooban ng Diyos.
29. Makasalanang Kalikasan ng Tao
• “Hindi ko ginagawa ang mabuting ibig
ko, kundi ang masamang hindi ko ibig
ang ginagawa ko... Kahabag-habag ang
kalagayan ko! Sino ang magliligtas sa
akin sa katawang ito na nagdudulot sa
akin ng kamatayan? Ang Diyos sa
pamamagitan ni Hesukristo na ating
Panginoon! Salamat sa Kanya!” (Roma
7:19,24-25)
30. Panlipunang Pinsala ng Kasalanan
• Ang hindi pagkilala sa katotohanan ng
ating sugatang pagkatao, ang ating
pagka-makasarili at pagiging palalo, ay
nagdudulot sa ating lipunan ng labis na
kamalian sa larangan ng
edukasyon, pulitika, at panlipunang
pagkilos at buhay-moral. Halimbawa
nito ay ang RH Bill.
31. D.E.A.T.H.S.
• DIVORCE
• EUTHANASIA
• ABORTION
• TOTAL BIRTH CONTROL
• HOMOSEXUAL MARRIAGE
• SEX (EDUCATION) INITIATION
32. Kamatayan
“Ang kamatayan ay pumasok sa
sanlibutan sa pamamagitan ng
isang tao, at ang kamatayan sa
pamamagitan ng kasalanan,
lahat ay nagkasala.” (Roma 5:12)
33. Kagandahang-Loob ng Diyos
“Kung paanong naghari ang kasalanan sa
pamamagitan ng kamatayan, gayon din
naman, maghahari ang kagandahang-
loob ng Diyos sa pamamagitan ng
pagpapawalang-sala upang kamtan ang
buhay na walang hanggan sa
pamamagitan ng ating Panginoong
Hesukristo.” (Roma 5:21)
34. Pagbibinyag ng Sanggol
• Ang mga sanggol, bagama’t wala pang
personal na kasalanan, ay pinabibinyagan
upang mapawi ang “kasalanang mana.”
• Ang mga sanggol, bilang kabilang sa lahi ni
Adan, ay nabahiran ng pagkamakasalanan ni
Adan.
• Ang kabanalang nawala sa tao dahil sa
kasalanang mana ay ibinabalik na muli sa
binyag sa pagkakaloob ng Espiritu Santo.