SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  29
Kataga ng Buhay  Marso 2010
Gaano kalimit mong nararamdaman na kailangan mo ng isang tutulong sa iyo, pagkatapos ay nakita mong walang makakatulong sa iyong kalagayan!
Sa sandaling iyon ay napapabaling ka sa Isa na alam mong mapangyayari ang imposible. May pangalan ang Isang ito: Siya si Jesus. Pakinggan mo ang sinasabi Niya:
“ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lumipat ka roon,’ at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.”   (Mt 17:20)
Maliwanag na ang mga salitang “ilipat ang bundok” ay hindi dapat unawain ayon sa salita mismo. Hindi nangako si Jesus sa Kanyang mga alagad ng kakayahang gumawa ng kahanga-hangang milagro upang gulatin ang mga tao.
Kung titingnan mo ang buong kasaysayan ng Simbahan, wala kang makikitang santo – sa aking kaalaman – na naglipat ng bundok sa pamamagitan ng pananampalataya. Gianna Beretta Molla   Pier Giorgio Frassati Chiara Luce
Ang salitang “maglipat ng bundok” ay isang kasabihan bagama’t may labis na paglalarawan. Sinasabi ito upang itanim sa isip ng mga alagad ang katotohanan na kung may pananampalataya, walang bagay na hindi mapangyayari.
Ang layunin ng bawat himala na ginawa mismo ni Jesus o sa pamamagitan ng Kanyang mga tagasunod ay upang palawakin ang Kaharian ng Diyos, ang Ebanghelyo, at ang kaligtasan ng sangkatauhan. Hindi kinakailangan ang paglilipat ng bundok upang maganap ito.
Ang paghahambing sa “butil ng mustasa” ay ginamit upang ilarawan na hindi hinihiling ni Jesus ang napakalaking pananampalataya, bagkus ay isang tunay na pananampalataya. Ang tunay na pananampalataya ay nakaugat lamang sa Diyos at hindi sa sariling lakas ng isang tao.
Kung may pag-aalinlangan tayo o pasubali sa ating pananampalataya, ibig sabihin ay hindi pa tunay ang pananalig natin sa Diyos. Ibig sabihin nito ay mahina pa at hindi mabisa ang ating pananalig dahil nakabatay pa ito sa pantaong lakas at katwiran.
Hinahayaan ng taong ganap na nagtitiwala sa Diyos na kumilos sa kanyang buhay dahil walang imposible sa Diyos. Ang pananampalataya na hinihingi ni Jesus mula sa Kanyang mga alagad ay isang ganap na pagtitiwala na hinahayaan ang Diyos na ipakita ang Kanyang lakas.
Ang pananampalatayang ito na may kakayahang ilipat ang bundok ay hindi lamang para sa ilang natatanging tao. Lahat ng sumasampalataya ay may tungkulin na hayaan ang Diyos na ipahayag sa kanilang buhay ang Kanyang lakas.
“ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lumipat ka roon,’ at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.”
Ayon sa tradisyon, sinabi ni Jesus ang mga salitang ito sa Kanyang mga alagad noong sila ay ipapadala na Niya sa kanilang misyon.
Madaling mawalan ng lakas ng loob at matakot kung alam natin na maliit tayo, hindi handa, walang kakaibang talino, at nahaharap sa napakaraming tao kung saan dapat nating ipahayag ang katotohanan ng Ebanghelyo.
Nanghihina tayo dahil nakikita natin na ang ninanais ng mga taong kaharap natin ay kakaiba sa kaharian ng Diyos. Tila ba isang gawaing hindi mangyayari.
Kaya tinitiyak ni Jesus sa Kanyang mga alagad na sa pamamagitan ng pananampalataya, “maiilipat nila ang bundok” ng pagwawalang-bahala at kawalang-malasakit sa mundo. Kung sila ay may pananampalataya, walang hindi mangyayari sa kanila.
Sa kabilang dako, ang mga salitang ito ay magagamit sa lahat ng pagkakataon sa buhay, hangga’t ito ay para sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at kaligtasan ng tao.
Kung minsan, kapag nahaharap tayo sa napakalalaking kahirapan, maaari tayong matukso na huwag nang bumaling sa Diyos. Ang katwiran ng tao ay, “Sumuko na tayo, wala namang saysay.” Ngayon tayo tinatawag ni Jesus na huwag mawalan ng pag-asa, bagkus ay bumaling nang may tiwala sa Diyos. Tutugon Siya sa atin, sa anumang paraan.
Ito ang nangyari kay Lella. Ilang buwan na ang nakalipas mula ng una niyang araw sa bagong trabaho sa Belgium kung saan ang tanging wika ay “Flemish”. Puno siya ng pag-asa, ngunit biglang may bumalot na pangamba at takot sa puso niya.
Tila ba may isang napakataas na hadlang sa pagitan niya at ng mga kasama niya sa bahay. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa paligid nitong mga taong nais lamang niyang paglingkuran nang may pag-ibig.
Ramdam niya ito dahil kailangan niyang magsalita ng isang wika na hindi kanya at hindi rin naman ginagamit ng mga kasama niya. Sinabi nila sa kanya na lahat sa Belgium ay nagsasalita ng Pranses, kaya’t pinag-aralan niya ito. Ngunit sa kanyang pakikisalamuha sa kanila ay naunawaan niya na pinag-aralan ng mga taga-Belgium ang Pranses sa paaralan ngunit hindi nila ito masyadong ginagamit.
Malimit ay sinikap ni Lella na “ilipat ang bundok” ng pagkakaiba na naghihiwalay sa kanya sa kanyang mga kasamahan, ngunit tila walang nangyayari. Ano ang magagawa niya?
Nakikita pa niya ang mukha ng kanyang kasamahang si Godeliève na punô ng kalungkutan. Nang gabing iyon ay nagtuloy sa kanyang sariling silid si Godeliève na hindi kumakain ng hapunan. Sinundan siya ni Lella, ngunit napatigil siya sa harap ng pinto dahil sa hiya at takot. Nais niyang kumatok... ngunit anong sasabihin niya upang ipaliwanag ang sarili? Nanatili siya roon ng ilang sandali, at pagkatapos ay sumuko na.
Kinabukasan, nagpunta siya sa simbahan at nanatili siya sa pinakalikurang upuan, hawak niya ang mukha na nakatungo upang hindi mapansin ninuman ang kanyang mga luha. Iyon lamang ang lugar na hindi kinakailangan ang anumang wika, walang kailangang paliwanag, dahil may Isa na nakakaunawa sa kabila ng mga salita. Nang makatiyak na siya na siya ay naunawaan, kinuha niya ang lahat niyang lakas, at bagamat nahihirapan siya ay tinanong niya si Jesus, “ Bakit hindi ko kayang makibahagi sa krus ng aking mga kasamahan? Bakit hindi ko masabi sa kanila ang ipinaunawa Mo sa akin nang matagpuan Kita, na bawat paghihirap ay pag-ibig?”
Naroon siya sa harap ng tabernakulo, parang naghihintay ng sagot mula kay Jesus na Siyang nagdala ng liwanag sa bawat kadiliman ng kanyang buhay. Binasa niya ang Ebanghelyo ng araw ng iyon at kanyang nabasa, “Magtiwala, manalig ka, napagwagian ko ang mundo.” Ang mga salitang ito ay parang pampalubag-loob at naramdaman niya ang isang dakilang kapayapaan.
Nang umuwi na siya para sa agahan, nakita niya si Annj na naglilinis. Binati niya ito, sumunod sa kanya at tinulungan niyang maghanda ng almusal. Ang unang lumabas ng silid ay si Godeliève. Tumuloy siya sa kusina para magkape, nagmamadali para walang makita. Ngunit napatigil siya. Ang kapayapaan ni Lella ay malakas na nakaantig sa puso niya, higit pa sa anumang salita.
Nang gabing iyon, nang pauwi na sila na nagbibisikleta, lumapit si Godeliève kay Lella at nagwika sa paraang mauunawaan ni Lella, “Hindi mahalaga ang iyong mga salita. Ngayon, ipinahayag sa akin ng iyong buhay: higit na mahalaga ang pag-ibig kaysa sa salita.” Nailipat ang bundok!
“ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lumipat ka roon,’ at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.” Sinulat ni Chiara Lubich

Contenu connexe

Tendances

LEGACY 2 - ESTABLISH - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MORNING SERVICE
LEGACY 2 - ESTABLISH - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MORNING SERVICELEGACY 2 - ESTABLISH - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MORNING SERVICE
LEGACY 2 - ESTABLISH - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MORNING SERVICEFaithworks Christian Church
 
START STRONG 5 - MALAKAS NA PAGSUNOD - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
START STRONG 5 - MALAKAS NA PAGSUNOD - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICESTART STRONG 5 - MALAKAS NA PAGSUNOD - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
START STRONG 5 - MALAKAS NA PAGSUNOD - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICEFaithworks Christian Church
 
STAND 4 - MANINDIGAN NG MAY PANANAMPALATAYA - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY S...
STAND 4 - MANINDIGAN NG MAY PANANAMPALATAYA - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY S...STAND 4 - MANINDIGAN NG MAY PANANAMPALATAYA - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY S...
STAND 4 - MANINDIGAN NG MAY PANANAMPALATAYA - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY S...Faithworks Christian Church
 
JAMES 6 - ANG UPUAN MO, ANG UPUAN NI HESUS - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SER...
JAMES 6 - ANG UPUAN MO, ANG UPUAN NI HESUS - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SER...JAMES 6 - ANG UPUAN MO, ANG UPUAN NI HESUS - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SER...
JAMES 6 - ANG UPUAN MO, ANG UPUAN NI HESUS - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SER...Faithworks Christian Church
 
JAMES 6 - YOUR SEAT, JESUS’ SEAT - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
JAMES 6 - YOUR SEAT, JESUS’ SEAT - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICEJAMES 6 - YOUR SEAT, JESUS’ SEAT - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
JAMES 6 - YOUR SEAT, JESUS’ SEAT - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICEMarcus Amaba
 
Columbian Squire (Vocation Faith) Sharing
Columbian Squire (Vocation Faith) SharingColumbian Squire (Vocation Faith) Sharing
Columbian Squire (Vocation Faith) SharingHarvey Bagos
 
STRAPPED 2 - PTR. VETTY GUTTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
STRAPPED 2 - PTR. VETTY GUTTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICESTRAPPED 2 - PTR. VETTY GUTTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
STRAPPED 2 - PTR. VETTY GUTTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEFaithworks Christian Church
 

Tendances (12)

LEGACY 2 - ESTABLISH - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MORNING SERVICE
LEGACY 2 - ESTABLISH - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MORNING SERVICELEGACY 2 - ESTABLISH - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MORNING SERVICE
LEGACY 2 - ESTABLISH - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MORNING SERVICE
 
START STRONG 5 - MALAKAS NA PAGSUNOD - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
START STRONG 5 - MALAKAS NA PAGSUNOD - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICESTART STRONG 5 - MALAKAS NA PAGSUNOD - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
START STRONG 5 - MALAKAS NA PAGSUNOD - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
 
Great Faith
Great FaithGreat Faith
Great Faith
 
STAND 4 - MANINDIGAN NG MAY PANANAMPALATAYA - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY S...
STAND 4 - MANINDIGAN NG MAY PANANAMPALATAYA - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY S...STAND 4 - MANINDIGAN NG MAY PANANAMPALATAYA - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY S...
STAND 4 - MANINDIGAN NG MAY PANANAMPALATAYA - PTR. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY S...
 
One Thing I Know
One Thing I KnowOne Thing I Know
One Thing I Know
 
Judge not
Judge notJudge not
Judge not
 
JAMES 6 - ANG UPUAN MO, ANG UPUAN NI HESUS - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SER...
JAMES 6 - ANG UPUAN MO, ANG UPUAN NI HESUS - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SER...JAMES 6 - ANG UPUAN MO, ANG UPUAN NI HESUS - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SER...
JAMES 6 - ANG UPUAN MO, ANG UPUAN NI HESUS - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SER...
 
JAMES 6 - YOUR SEAT, JESUS’ SEAT - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
JAMES 6 - YOUR SEAT, JESUS’ SEAT - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICEJAMES 6 - YOUR SEAT, JESUS’ SEAT - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
JAMES 6 - YOUR SEAT, JESUS’ SEAT - PTR JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
 
Columbian Squire (Vocation Faith) Sharing
Columbian Squire (Vocation Faith) SharingColumbian Squire (Vocation Faith) Sharing
Columbian Squire (Vocation Faith) Sharing
 
Makipot na pintuan
Makipot na pintuan Makipot na pintuan
Makipot na pintuan
 
B reak it
B reak itB reak it
B reak it
 
STRAPPED 2 - PTR. VETTY GUTTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
STRAPPED 2 - PTR. VETTY GUTTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICESTRAPPED 2 - PTR. VETTY GUTTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
STRAPPED 2 - PTR. VETTY GUTTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
 

Kataga ng Buhay(03/2010)

  • 1. Kataga ng Buhay Marso 2010
  • 2. Gaano kalimit mong nararamdaman na kailangan mo ng isang tutulong sa iyo, pagkatapos ay nakita mong walang makakatulong sa iyong kalagayan!
  • 3. Sa sandaling iyon ay napapabaling ka sa Isa na alam mong mapangyayari ang imposible. May pangalan ang Isang ito: Siya si Jesus. Pakinggan mo ang sinasabi Niya:
  • 4. “ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lumipat ka roon,’ at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.” (Mt 17:20)
  • 5. Maliwanag na ang mga salitang “ilipat ang bundok” ay hindi dapat unawain ayon sa salita mismo. Hindi nangako si Jesus sa Kanyang mga alagad ng kakayahang gumawa ng kahanga-hangang milagro upang gulatin ang mga tao.
  • 6. Kung titingnan mo ang buong kasaysayan ng Simbahan, wala kang makikitang santo – sa aking kaalaman – na naglipat ng bundok sa pamamagitan ng pananampalataya. Gianna Beretta Molla Pier Giorgio Frassati Chiara Luce
  • 7. Ang salitang “maglipat ng bundok” ay isang kasabihan bagama’t may labis na paglalarawan. Sinasabi ito upang itanim sa isip ng mga alagad ang katotohanan na kung may pananampalataya, walang bagay na hindi mapangyayari.
  • 8. Ang layunin ng bawat himala na ginawa mismo ni Jesus o sa pamamagitan ng Kanyang mga tagasunod ay upang palawakin ang Kaharian ng Diyos, ang Ebanghelyo, at ang kaligtasan ng sangkatauhan. Hindi kinakailangan ang paglilipat ng bundok upang maganap ito.
  • 9. Ang paghahambing sa “butil ng mustasa” ay ginamit upang ilarawan na hindi hinihiling ni Jesus ang napakalaking pananampalataya, bagkus ay isang tunay na pananampalataya. Ang tunay na pananampalataya ay nakaugat lamang sa Diyos at hindi sa sariling lakas ng isang tao.
  • 10. Kung may pag-aalinlangan tayo o pasubali sa ating pananampalataya, ibig sabihin ay hindi pa tunay ang pananalig natin sa Diyos. Ibig sabihin nito ay mahina pa at hindi mabisa ang ating pananalig dahil nakabatay pa ito sa pantaong lakas at katwiran.
  • 11. Hinahayaan ng taong ganap na nagtitiwala sa Diyos na kumilos sa kanyang buhay dahil walang imposible sa Diyos. Ang pananampalataya na hinihingi ni Jesus mula sa Kanyang mga alagad ay isang ganap na pagtitiwala na hinahayaan ang Diyos na ipakita ang Kanyang lakas.
  • 12. Ang pananampalatayang ito na may kakayahang ilipat ang bundok ay hindi lamang para sa ilang natatanging tao. Lahat ng sumasampalataya ay may tungkulin na hayaan ang Diyos na ipahayag sa kanilang buhay ang Kanyang lakas.
  • 13. “ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lumipat ka roon,’ at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.”
  • 14. Ayon sa tradisyon, sinabi ni Jesus ang mga salitang ito sa Kanyang mga alagad noong sila ay ipapadala na Niya sa kanilang misyon.
  • 15. Madaling mawalan ng lakas ng loob at matakot kung alam natin na maliit tayo, hindi handa, walang kakaibang talino, at nahaharap sa napakaraming tao kung saan dapat nating ipahayag ang katotohanan ng Ebanghelyo.
  • 16. Nanghihina tayo dahil nakikita natin na ang ninanais ng mga taong kaharap natin ay kakaiba sa kaharian ng Diyos. Tila ba isang gawaing hindi mangyayari.
  • 17. Kaya tinitiyak ni Jesus sa Kanyang mga alagad na sa pamamagitan ng pananampalataya, “maiilipat nila ang bundok” ng pagwawalang-bahala at kawalang-malasakit sa mundo. Kung sila ay may pananampalataya, walang hindi mangyayari sa kanila.
  • 18. Sa kabilang dako, ang mga salitang ito ay magagamit sa lahat ng pagkakataon sa buhay, hangga’t ito ay para sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at kaligtasan ng tao.
  • 19. Kung minsan, kapag nahaharap tayo sa napakalalaking kahirapan, maaari tayong matukso na huwag nang bumaling sa Diyos. Ang katwiran ng tao ay, “Sumuko na tayo, wala namang saysay.” Ngayon tayo tinatawag ni Jesus na huwag mawalan ng pag-asa, bagkus ay bumaling nang may tiwala sa Diyos. Tutugon Siya sa atin, sa anumang paraan.
  • 20. Ito ang nangyari kay Lella. Ilang buwan na ang nakalipas mula ng una niyang araw sa bagong trabaho sa Belgium kung saan ang tanging wika ay “Flemish”. Puno siya ng pag-asa, ngunit biglang may bumalot na pangamba at takot sa puso niya.
  • 21. Tila ba may isang napakataas na hadlang sa pagitan niya at ng mga kasama niya sa bahay. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa paligid nitong mga taong nais lamang niyang paglingkuran nang may pag-ibig.
  • 22. Ramdam niya ito dahil kailangan niyang magsalita ng isang wika na hindi kanya at hindi rin naman ginagamit ng mga kasama niya. Sinabi nila sa kanya na lahat sa Belgium ay nagsasalita ng Pranses, kaya’t pinag-aralan niya ito. Ngunit sa kanyang pakikisalamuha sa kanila ay naunawaan niya na pinag-aralan ng mga taga-Belgium ang Pranses sa paaralan ngunit hindi nila ito masyadong ginagamit.
  • 23. Malimit ay sinikap ni Lella na “ilipat ang bundok” ng pagkakaiba na naghihiwalay sa kanya sa kanyang mga kasamahan, ngunit tila walang nangyayari. Ano ang magagawa niya?
  • 24. Nakikita pa niya ang mukha ng kanyang kasamahang si Godeliève na punô ng kalungkutan. Nang gabing iyon ay nagtuloy sa kanyang sariling silid si Godeliève na hindi kumakain ng hapunan. Sinundan siya ni Lella, ngunit napatigil siya sa harap ng pinto dahil sa hiya at takot. Nais niyang kumatok... ngunit anong sasabihin niya upang ipaliwanag ang sarili? Nanatili siya roon ng ilang sandali, at pagkatapos ay sumuko na.
  • 25. Kinabukasan, nagpunta siya sa simbahan at nanatili siya sa pinakalikurang upuan, hawak niya ang mukha na nakatungo upang hindi mapansin ninuman ang kanyang mga luha. Iyon lamang ang lugar na hindi kinakailangan ang anumang wika, walang kailangang paliwanag, dahil may Isa na nakakaunawa sa kabila ng mga salita. Nang makatiyak na siya na siya ay naunawaan, kinuha niya ang lahat niyang lakas, at bagamat nahihirapan siya ay tinanong niya si Jesus, “ Bakit hindi ko kayang makibahagi sa krus ng aking mga kasamahan? Bakit hindi ko masabi sa kanila ang ipinaunawa Mo sa akin nang matagpuan Kita, na bawat paghihirap ay pag-ibig?”
  • 26. Naroon siya sa harap ng tabernakulo, parang naghihintay ng sagot mula kay Jesus na Siyang nagdala ng liwanag sa bawat kadiliman ng kanyang buhay. Binasa niya ang Ebanghelyo ng araw ng iyon at kanyang nabasa, “Magtiwala, manalig ka, napagwagian ko ang mundo.” Ang mga salitang ito ay parang pampalubag-loob at naramdaman niya ang isang dakilang kapayapaan.
  • 27. Nang umuwi na siya para sa agahan, nakita niya si Annj na naglilinis. Binati niya ito, sumunod sa kanya at tinulungan niyang maghanda ng almusal. Ang unang lumabas ng silid ay si Godeliève. Tumuloy siya sa kusina para magkape, nagmamadali para walang makita. Ngunit napatigil siya. Ang kapayapaan ni Lella ay malakas na nakaantig sa puso niya, higit pa sa anumang salita.
  • 28. Nang gabing iyon, nang pauwi na sila na nagbibisikleta, lumapit si Godeliève kay Lella at nagwika sa paraang mauunawaan ni Lella, “Hindi mahalaga ang iyong mga salita. Ngayon, ipinahayag sa akin ng iyong buhay: higit na mahalaga ang pag-ibig kaysa sa salita.” Nailipat ang bundok!
  • 29. “ Sinasabi ko sa inyo: kung kayo ay may pananampalatayang tulad ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito: ‘Lumipat ka roon,’ at ito ay lilipat. At walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.” Sinulat ni Chiara Lubich