4. Kahulugan ng Demand
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyong gusto
kayang bilhin ng konsyumer sa isang takdang presyo at
particular na panahon.
5. Kahulugan ng Demand
Ang kakayahan at kagustuhan ng tao na makamit at bilhin
ang isang produkto o serbisyo ang nagtatakda ng kanyang
demand.
KAKAYAHAN KAGUSTUHAN DEMAND
6. Kahulugan ng Demand
Malaki ang kinalaman ng presyo sa pagtatakda ng demand
ng mga mamimili.
KAKAYAHAN KAGUSTUHAN DEMAND
8. Presyo bilang Variable ng Demand
Ang pinakamahalagang nagtatakda sa dami ng demand ay
and presyo.
Ang presyo ay ang halagang dapat ibayad para sa yunit ng
output.
9. Presyo bilang Variable ng Demand
Ano ang relasyon sa pagitan ng dami ng demand ng
produkto o serbisyo at ang presyo nito?
Gaanong karaming notbuk ang gustong bilhin ng konsyumer
sa presyong Php 15.00 at Php 20.00? Kung ang presyo ng
notbuk ay Php 15.00, ilang notbuk kaya ang gustong bilhin
ng konsyumer laban sa presyong Php 20.00?
10. Presyo bilang Variable ng Demand
Halimbawa, kung ang mag – aaral ay may Php 60.00 na
dalang pera pambili ng notbuk at ang presyo ay Php 15.00
bawat isa, ilang notbuk ang mabibili niya?
11. Presyo bilang Variable ng Demand
Apat (4) na notbuk ang kaniyang mabibili. Kung tumaas ang
presyo nito sa Php 20.00 bawat isa, ilang notbuk ang mabibili
niya sa Php 60.00?
12. Presyo bilang Variable ng Demand
Tatlong (3) notbuk na lamang ang mabibili niya. Nabawasan
ng isang (1) notbuk ang nabili niya nang tumaas ang presyo
nito.
13. Presyo bilang Variable ng Demand
Substitution Effect
Kapag tumaas ang presyo ng produkto o serbisyo,
naghahanap ng alternatibo o kapalit ang konsyumer.
Halimbawa, kapag tumaas ang presyo ng pamasahe,
puwedeng lumipat ang konsyumer sa bahay na malapit sa
kaniyang eskuwelahan o pinagtatrabahuan.
15. Law of Demand
Ang Law of Demand ay naglalarawan ng pag-uugali ng
konsyumer sa pagtugon sa mga pagbabago sa presyo. Kapag
tumaas ang presyo ng produkto o serbisyo, bababa ang dami
ng demand (quantity demand) para dito.
16. Law of Demand
Samantala, kapag bumaba ang presyo ng produkto o serbisyo,
tataas naman ang dami ng demand (quantity demand) para
dito. Ito ay sa kondisyon na ang ibang variable na
nakaiimpluwensiya sa demand ay nakapirmi lamang o hindi
nagbabago (ceteris paribus).