1. Gen--Ed-PANITIKAN
PANITIKAN
Ayon kay:
Bro. Azarias
Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan,
sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha.
Ang Paraan Ng Pagpapahayag
PANGANGATWIRAN Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa
opinyon ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito.
PAGSASALAYSAY Isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan.
PAGLALAHAD Isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto.
PAGLALARAWAN Isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan.
Mga Akdang Pampanitikan na Nagpalaganap ng Impluwensya sa buong Daigdig
Banal na Kasulatan o Bibliya Ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa Palestino at Gresya.
Koran Ang pinakabibliya ng mga Muslim.Galing ito sa Arabia.
Ang Iliad o Odyssey Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni
Homer.
Ang Mahabharata Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman
ito ngkasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
Canterbury Tales Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong
unang panahon.Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.
Uncle Tom’s Cabin Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng
naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng
demokrasya.
Ang Divine Comedia Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-
uugali ng mga Italyano nang panahong iyon.
Ang El Cid Compeador Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang
kasaysayang pambansa.
Ang Awit ni Rolando Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay
ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
Ang Aklat ng mga Patay Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
Ang Aklat ng mga Araw Akda ito ni Confucios ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang
pananampalataya.
Isang Libo’t Isang Gabi Mula ito sa Arabya at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan,
pangkabuhayan at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
Pangkalahatang Uri ng Panitikan
AKDANG TULUYAN yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
AKDANG PATULA yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod,
at saknong
Ang Mga Akdang Tuluyan
NOBELA Ito ay isang mahabang salaysaying
nahahati sa mga kabanata. Hango sa
tunay na buhay ng tao ang mga
pangyayari at sumasakop sa mahabang
panahon.
Halimbawa:
“Banaag at Sikat” ni Lope K.
Santos
MAIKLING KUWENTO Ito ay salaysaying may isa o
ilang tauhan,may isang pangyayari
sa kakintalan
Halimbawa:
“Pagbabalik” ni Genoveva E.
Matute
DULA Ito’y itinatanghal sa ibabaw ng
entablado o tanghalan. Nahahati ito
sa ilang yugto at sa bawat yugto ay
maraming tagpo.
Halimbawa:
“Kahapon, Ngayon at Bukas” ni
Aurelio
Tolentino
2. ALAMAT Ito’y mga salaysaying hubad sa
katotohanan.Tungkol sa pinagmulan ng
bagay ang karaniwang paksa nito.
Halimbawa:
“Ang Alamat ng Pinya”
PABULA Ito ay mga salaysayin na hubad sa
katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin
ang isipan ng mga bata sa mga
pangyayaring makahuhubog sa kanilang
ugali at pagkilos.
Halimbawa:
“Ang Pagong at
Ang Unggoy”
ANEKDOTA
Ito ay maikling salaysay ng mga kawili-
wili o katangi-tanging pangyayari
Nagtatampok sa ugali o pagkatao ng
isang nilalang.
May mapupulot din itong magagandang
aral sa buhay.
Halimbawa:
“Ang Gamugamo at Ang Munting
Mulawin”.
SANAYSAY Ito’y pagpapahayag ng kuro-kuro o
opinyon ng may-akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari.
halimbawa :
nito’y ang bahagi ng Editoryal
ng isang pahayagan
TALAMBUHAY Ito’y isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba
o pansarili.
BALITA Ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayarisa lipunan,
pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang
nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
TALUMPATI Ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang
layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatuwiran,
magpaliwanag at magbigay ng opinyon o paniniwala.
PARABULA Ito’y isang salaysaying hango sa Bibliya na
tulad ng anekdota. Ang layunin nito’y
makapagbigay-aral sa mga mambabasa o
nakikinig.
Halimbawa:
“Ang Matandang Mayaman at Si
Lazaro”.
MGA AKDANG PATULA
TULA Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan
sapagkat dito ay nangangailangan ng
masusing pagpili ng mga salita,
pagbilang ng pantig, at paghahanap ng
magkatugmang mga salita upang
maipadama ang isang damdamin O
kaisipan nais ipahayag ng isang
manunulat.
TULANG PASALAYSAY Ang uring ito ay naglalarawan ng
mahahalagang mga tagpo o pangyayari
sa buhay;
Halimbawa:
ang kabiguan sa pag-ibig
ang mga suliranin at panganib sa
pakikidigma o kagitingan ng
mga bayani
MGA URI NG TULANG PASALAYSAY
EPIKO Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan
3. pagkat nauukol sa mga kababalaghan.
AWIT AT KURIDO Ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe’t
prinsesa.Ang dalawang itoy’nagkakaisa sa kaharian.
BALAD Ito ay may himig na awit sa dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.
TULA ng DAMDAMIN O
TULANG LIRIKO
Ito ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao,
o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata batay sa
karanasan.
MGA TULANG LIRIKO
MGA TULANG LIRIKO Ang uring ito ay nagpapahayag ng damdamin ng sariling sumulat o ng ibang
tao. Karaniwan ay maikli,likas at madaling maunawaan.
AWITING BAYAN Ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-
ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,
pangamba, kaligayahan, pag-asa,at
kalungkutan.
Halimbawa:
“Chit Chirit Chit”
SONETO Ito’y isang tulang may labing-apat na
taludtod hinggil sa damdamin at
kaisipan, may malinaw na batiran ng
likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y
naghahatid ng aral sa mambabasa.
Halimbawa:
“Soneto ng Buhay”
ELEHIYA Nagpapahayag ng damdamin o guniguni
tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng
pananangis lalo na sa paggunita ng isang
yumao.
Halimbawa:
“Awit sa Isang Bangkay”
DALIT Ito’y awit na pumupuri sa Diyos o Mahal
na Birhen at nagtataglay ng kaunting
pilosopiya sa buhay.
Halimbawa:
“O Mariang Sakdal Dilag”
PASTORAL Ito’y may layuning maglarawan ng tunay
na buhay sa bukid.
Ito’y may layuning maglarawan
ng tunay na buhay sa bukid.
ODA Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy,
o iba pang masiglang damdamin; walang
tiyak na bilang ng pantig o tiyak na
bilang ng taludtod sa isang saknong.
Halimbawa:
“Tumangis si Raquel”
TULANG DULA
O PANGTANGHALAN
KOMEDYA Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may
layong pukawin ang kawilihan ng manonood.
MELODRAMA Karaniwang ginagamit sa dulang musikal kasama ng opera. Ngunit ngayon ay
may kaugnayan din sa trahedya at komedya.
TRAHEDYA Angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi
ng pangunahing tauhan.
4. PARSA Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga
kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.
SAYNETE Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o
pook.
TULANG PATNIGAN
KARAGATAN Ito ay batay sa alamat ng singsing ng prinsesa na naihulog niya sa dagat sa
hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap
DUPLO Humalili sa karagatan ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula.
BALAGTASAN Ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siense ng Panginay na si
Francisco “Balagtas” Baltazar.
Mga
DULANG PANLIBANGAN
TIBAG Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalaala ang
paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus sa
pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk-bundukan.
LAGAYLAY Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipun-ipon kung
buwan ng Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay.
SINAKULO Pagtatanghalito na natutungkolsa buhay at pagpapakasakit ng ating Poong si
Hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa “PASYON”.
PANUNULUYAN Isang pagtatanghalito na isinasagawa bago mag-alas dose ng gabi ng
kapaskuhan.
PANUBONG Isang mahabang tulang nagpaparangalsa isang may kaarawan o kapistahan
na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa isang
panauhin o may kaarawan.
KARILYO Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga
aninong ginawa mula sa karton., na pinanonood na gumagalaw sa likod ng
isang puting tabing at pinagagalaw naman ng taong di nakikita na siyang
nagsasalita rin para sa mga kartong gumagalaw.
KURIDO Ang salitang “corrido” (baybay sa Kastila) ay nangagahulugangn
kasalukuyang mga balita (current events) sa mga Mehikano samantalang
dito sa Pilipinas, ang Kurido ay isang tulang pasalaysay na natutungkol sa
katapangan,kabayanihan, kababalaghan, at pananampalataya ng mga tauhan.
SARSUELA Ito ay isang melodrama o dulang musikal na tatluhing yugto.Ang paksa ay
natutungkolsa pag-ibig, paghihiganti, paninibugho,pagkasuklam, at iba
pang masisidhing damdamin.
Panitikan: Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
ANG ALAMAT Isang uri ng panitikang tuluyan,na ang karaniwang paksa ay nagsasalaylay ng
pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan.
KUWENTONG BAYAN Ito ay madalas nangyayari sa loob at labas ng ating lugar. Hal. “Si
Bulan at Si Adlaw”
EPIKO Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat
5. nauukol sa mga kababalaghan.
Hal. Bidasari – epiko ng Moro
Biag ni Lam-Ang – epiko ng Iloko
Maragtas, Haraya, Lagda at Hari sa Bukid - mga epiko ng
Bisaya
Kumintang – epiko ng Tagalog
Parang Sabir – epiko Moro
Dagoy at Sudsud – epiko ng mga Tagbanua
Tatuang – epiko ng mga Bagobo
Indarapatra at Sulayman
Bantugan
Daramoke – A - Babay
MGA AWITING BAYAN Isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino. Ito ay may
lalabindalawahing (12) pantig.
Kundiman , Kumintang o Tagumpay , Ang Dalit o Imno, Ang Oyayi o
Hele, Diona, Suliranin at Talindaw
Mga KARUNUNGANG BAYAN
KANTAHING BAYAN Ito ay tunay na nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga Pilipino. Mga
Hal.
“Pamulinawen”- (Iloko)
“Sarong Banggi) – (Bikol)
SALAWIKAIN Ito’y nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang
asal ng ating mga ninuno.
Hal.
Hamak man ang basahan,
May panahong kailangan.
SAWIKAIN
BUGTONG
Mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
Hal.
Ang tunay na kaibigan
Sa gipit nasusubukan.
Ito’y binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat o tugma.
Hal. Dalawang batong itim,
Malayo ang nararating. (MATA)
PALAISIPAN Noon pa man ay may matatawag na ring palaisipan ang ating mga ninuno.
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola
nang di man lang nagalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sobrero.
BULONG Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.
Hal. Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko
Lumuwa sana ang mga mata.
Mamaga sana ang katawan mo.
6. Patayin ka ng mga anito.
KASABIHAN Ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad.
KAWIKAAN Ito ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng
aral sa buhay.
HAL. Pag talagang palad, Sasampa sa balikat.
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Filipino
ALIBATA Na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan
ng alpabetong Romano.
Mga AKLAT sa PANAHON ng mga KASTILA
Ang DOCTRINA CRISTIANA Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593,sa
pamamagitan ng silograpiko.
Akda ito nina: PADRE JUAN de PLACENCIA at PADRE DOMINGO
NIEVA.
NUESTRA SEÑORA del
ROSARIO
Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni: PADRE
BLANCAS de SAN JOSE noong 1602.
Ang BARLAAN at JOSAPHAT Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni: PADRE ANTONIO
de BORJA na isinalin sa tagalog.
PASYON Ito’y aklat na natutungkolsa buhay at pagpapasakit ni Hesukristo. Binabasa
ito tuwing mahal na araw.
Ang URBANA at FELISA Ito’y aklat na sinulat ni: Modesto de Castro-tinaguriang “Ama ng Klasikang
Tuluyan sa Tagalog”.
Mga AKDANG PANGWIKA
Arte Y Reglas de la Lengua
Tagala
Sinulat Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas
Pinpin noong 1610.
Compendio de la Lengua Tagala Inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.
Vocabulario de la Lengua Tagala Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na isinulat ni Padre Pedro de San
Buenaventura noong 1613.
Vocabulario de la Lengua
Pampango
Unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego
Bergano noong 1732.
Vocabulario de la Lengua Bisaya Pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo
Sanchez noong 1711.
Arte de la Lengua Bicolana Unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos
Lisboa noong 1754.
Arte de la Lengua Iloka Kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez.