2. Ayon sa Purdue University Online Writing Lab
(huling binisita noong Agosto 2014, napapangkat ang mga ito sa
mga sumusunod:
Pagdaragdag- at, saka, muli, bukod dito, singhalaga ng…ang… sa
huli, ni, rin/din, sumunod, sa huli, bilang karagdagan, dagdag pa
rito, una (ikalawa, ikatlo, at iba pa)
Paghahambing-samantala, ngunit, sa kabilang banda,
gayunpaman, magkagayunman, bilang pag-iiba/ bilang
pagtutulad, kung ihahambing/ ikokompara sa, kung iiba sa, laban
sa, bagaman, sa kabaligtaran, pagkatapos ng lahat, bagama’t ,
maaaring totoo.
Pagpapatunay- dahil, sapagkat/pagkat, kasi, sa gayon ding
dahilan, kita naman, sa katunayan, ang totoo niyan, iyon na nga
na…
3. Pagtatangi- kahit pa, sa kabila ng/ nito, minsan
Pagpapakita ng panahon- kaagad, pagkaraan,
pagkatapos, paglaon, pagkalipas ng ilang
saglit/minuto, araw/buwan/taon, at iba pa, sa wakas,
nauna, sumunod,una ( ikalawa,ikatlo, at iba pa )
Pag-uulit- sa madaling sabi, gaya ng nasabi ko, tulad
ng nabanggit ko, gaya ng napag-usapan
Pagbibigay-diin- siyempre, talaga naman, sa
katunayan, siyang tunay, natural, walang duda, walang
pasubali, walang pag-iimbot, walang pagdadalawang
– isip, siguradong- sigurado.
4. Pagsusunod-sunod – una, ikalawa, ikatlo at iba pa; A,
B, C, at iba pa; sumunod, pagkatapos; pagkaraan; sa
puntong ito, ngayon; sa huli; nauna rito; bago ito;
kasabay nito; kaya naman; sa susunod.
Pagbibigay halimbawa- halimbawa, kunwari , sa
kasong ito, sa sitwasyong ito, sa sandaling ito, sa
pagkakataong ito, sa isa pang pagkakataon, tingnan ang
nangyari sa/ kay, upang ipakita, upang ilarawan.
Paglalagom o pagbibigay ng Kongklusyon-sa
madaling salita, sa kabuuan, bilang paglalagom, bilang
kongklusyon, gaya ng naipakita ko, gaya ng nasabi ko,
samakatuwid, bilang resulta, bilang bunga