2. An ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan at babayin o
alfabetong kaiba sa ating kasalukuyang alfabeto Roman ng mga Kastila.
Ang unang ginamit ng ating mga ninuno ay ang ABAKADANG kahawig
ng ABAKADANG Malayo-Polinesyo o Indonesyo.
Malaki ang impluwensya ng mga Indonesyo at Malayo sa
pagkakabuo ng ating wika. Nang mandayuhan dito ang mga Indonesyo,
taglay na nila ang kanilang wikang katutubo, at ito’y tinangkilik ng
unang mga Pilipino na kanilang nakasalamuha. Nang dumating ang
ikalawang alon ng Malay na tinatawag na Ingles na mga “Alpabet-
using Malays,” tinangkilik din ito ng mga Pilipino at ang Bahasa
Indonesyo, ang naunang wikang tinanggap n gating mga ninuno, ay
unti-unting nawala. Ipinalalagay ng marami na an gating wika, ang
wikang Filipino, ay nagkaugat sa wikang Malayo-Polinesyo at
3. Ang alibata ay ipinalalagay at kauna-unahang
alpabetong Filipino. Ito ay binubuo ng labimpitong titik:
tatlong patinig at labing-apat na katinig.
4. ANG ABAKADANG FILIPINO Noong 1941, nalimbag ang unang
balarilang Pilipino kung saan nakapaloob ang ating alfabeto, ang mga
bahagi ng panalita at ilang bagay na may kinalaman sa pagpapaunlad
ng ating wika.
Ang alfabeto noon ay binubuo ng 20 titik-15 katinig
(b,k,d,g,h,l,m,n,ng,p,r,s,t,w,y) at 5 pantinig (a,e,i,o,u).
Noong 1971, nagsagawa ng pagbabago ang Surian ng Wikang
Pambansa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng 11 titik sa dating
alfabeto. Ito ay ang mga sumusunod: c,ch,f,j,l,ñ,q,w,v,x at z
5. Noong 1987, naglabas ang Kagawaran ng
Edukasyon, Kultura at Isports ng kautusan
pangkagawaran bilang 81, serye 1987 hinggil sa
Bagong Alfabeto, kasama ang patnubay sa Pagbaybay
ng wikang Filipino.
. Nagkaroon ng kabuuang 31 titik. Tinatawag itong
“Pinagyamang Alfabeto.” Ang pagbasa at pagbaybay ng mga
titik ay katulad ng bigkas Ingles, maliban sa letrang ñ (enye).
Sabalit hindi ito nagamit nang maayos sa kadahilanang walang
katiyakan ang mga tunog o paraan ng pagbigkas sa mga ito.
Naging sanhi ng kalituhan kung alin ang susundin—ang
bigkas-Ingles, bigkas-Kastila, o bigkas-Pilipino, o kung
paghahaluin ang tatlong tunog.
6. Ang tawag sa mga letra ng
alfabetong Filipino ay ayon sa tawag-Ingles
maliban sa ñ (enye) na tawag-Kastila.
Ang mga titik sa binagong Alfabetong Filipino ay
binubuo ng 28 letra. Ito ay ang mga sumusunod:
A, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ, ng, o, p ,q, r, s, t, u, v,
w, x, y, z
7. A B C D E F G
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/ /ji/
H I J K L M N Ñ
/eych/ /ay//jey /key/ /el/ /em /en/ /enye/
Ng O P Q R S T U V
/enji/ /o/ /pi/ /kyu /ar /es /ti /yu /vi/
W X Y Z
/dobolyu /eks /way/ /zi/
8. 1. Binubuo ng 28 simbolo gaya ng A, B, C, D
2. binubuo ng 28 letra ng simbolo gaya ng ey, bi, si,
di
Ang wikang Filipino ay may tuntuning ipinatutupad sa larangan
ng pagbigkas: “kung ano ang bigkas ay siya ang baybay.”
Ang pagpasok ng mga naidagdag na titik sa ating alfabeto ay
hindi dapat na makalito sapagkat nananatili ang dating baybay ng
salita.
Ang Alfabetong Filipino ay binago upang madaling maisama ang mga
salitang banyaga at iba pang katutubong wika sa Pilipinas sa daloy ng
pag-unlad ng wika. May mga titik na kakatawan sa lahat ng
katutubong wika sa Pilipinas.
9. Paletra ang pagbigkas na pagbaybay sa
Filipino na ang ibig sabihin ay isa-isang bibigkasin
sa maayos na pagkakasunud-sunod ang mga
letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat,
akronim, inisyal, simbolong pang-agham at iba pa.
boto b – o – t – o /bi – o – ti – o/
plano p – l – a – n – o /pi – el – ey – en – o/
letra l – e – t – r – a /el – i – ti – ar – ey/
Kgg. (Kagalang-galang) /kapital key – ji – ji/
Gng. (Ginang) /kapital ji – en – ji/
Dr. (Doktor) /kapital di – ar/
10. RMTU (Ramon Magasaysay Technological University)
/kapital ar – em – ti – yu/
LWP (Linangan n Wika sa Pilipinas)
/kapital el – dobol yu – pi/
CHED (Commssion on Higher Education)
/kapital si – eych – i – di/
FSR (Feliciano S. Rosete) /kapital ef – es – ar/
SCC (Sopreano C. Consolacion) /kapital es – si – si/
GMA (Gloria Macapagal-Arroyo) /kapital ji – em – ey/
NaCl (sodium chloride) =/kapital en – ey – si – el/
Fe (iron) =/kapital ef – i/
Kg (kilogram) =/key – ji/
11. Manatili ang isa sa isang tumbasan ng
tunog at letra sa pagsulat na pagbabaybay ng mga
salita sa wikang Filipino. Sinusunod ang
alituntunin na “kung ano ang bigkas ay siya ang
baybay.”
Halimbawa:
pinya (ñ) anak
tsinelas (ch) papel
sibuyas (ci) lapis
12. Sa 1987 patnubay sa ispeling ay nagkaroon ng limitasyon ang
panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit sa paggamit sa walong
letra C,P,J,N,Q,V,X,Z na gagamit lamang sa mga sumusunod.
Tao : Robert, Adolfo, Avelino
Lugar : Pilipinas, Japan, Puerto Rico
Halimbawa :
Mosque ( pook dalanginan ng mga Muslim)
Hadji ( lalaking Muslim na nakarating sa Mecca
13. Mga salitang pang agham at teknika. Ang mga ito ay hiniharam
nang walang pagbabago, gayon din ang mga simbolong pang
agham.
Halimbawa:
Pangteknikal Pang-agham
Computer Compound
X-ray NaCI (salt)
Molecules Colloid
E-mail Biology
Cellphone Chemistry
14. Sundin ang mga sumusunod na pamantayan sa paghahanap ng
panumbas sa mga hiram na salita.
1. Gamitin ang kasalukuyang lekyon ng Filipino bilang
panumbas sa mga salitang banyaga
Halimbawa:
Hiram na salita Filipino
Ability Kakayahan
West Kanluran
Attitude Saloobin
2. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng
bansa
•Halimbawa:
Hiram na salita katutubong wika
• Husband bana (Hiligaynon)
• Hegemony gahum (Cebuano
• Muslim priest iman (Tausug)
15. 3. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa
Kastila, Ingles at iba pang wikang banyaga at saka baybayan sa
Filipino.
Halimbawa:
Kastila Filipino
Cheque tseke
Educacion edukasyon
Quilates kilatis
Ingles Filipino
Commercial komersyal
Advertizing advertayzing
Economics ekonomiks
Iba pang wika Filipino
Blitzkrieg (german) blitzkrieg
Coup d’ etat (French) kudeta
Glasnost (Russian) glasnost
16. Malinaw ang mga pamantayan sa panghihiram.
Gayon pa man, sa pagpili ng salitang gagamitim, isaalang-
alang din ang mga sumusunod:
1.Kaangkupan ng salita
2.Katiyakan sa kahulugan ng wika
3.Prestihiyo ng salita.
Gamitin ang mga letrang C Ñ, Q, X, F, J, V, Z kapag
ang salita ay hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na
kondisyon
1.
Halimbawa:
Lugar
Czechoslovakia
Philippines
Mississippi
Pangyayari
El niño
First quarter storm
Edsa revolution
Tao
Peña
Quirino
Claire
18. Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang
mga tunog /f/,/j/,/v/,/z/ kapag binaybay sa Filipino ang mga
salitang hiram.
Halimbawa:
Zipper--------------------ziper
Subject-----------------subjek
Fixer------------------fikser
5.
Halimbawa:
Fax e-mail exist
19. Panatilin ang letrang C kung ang salita ay
hinihiram sa orihinal na ayon
Halimbawa
Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/ ,
at lettang r kung tunog ay /r/ kapag binaybay sa pilipino ang
hiramna salitang may C
C Halimbawas s k
Census
Circa
central
Cake
Card
emperical
Sensus
Sirka
sentral
Kayk
Kard
emperikal
Ex-officio
Corsage
calculus
Cellphone
Chlorophyll
carbonara
20. Panatilihin ang leter Q kung ang salita
ay hiniram sa orihinal na anyo
Halimbawa: Quotation
Quadrant
quest
Quo vadis
Quad
quartz
Palitan ang letrang q ng letrang kw kung ang tunog ay /kw/, at ng
letrang k kung ang tunog ay /k/ ka[ag binigay sa filipino ang hiram na
salitang may letranf q
Halimbawa:
q kw
equipment ekwepment
quarter kwarter
squater eskwarter
q k
queso keso
maquina makina
quorum kurom
21. panatilihin ang letrang ñ kung ang salita ay hiram sa orihiral na an
Halimbawa:
ñ ny
nañora senyora
piña pinya
paño panyo
Panatilihin ang letrang x kung anf alita ay hiram sa orihinal na anyo
Halimbawa:
examen – eksamen texto – teksto experiment -- eksperiment
Gamitin ang letrang f para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa:
Lifeguard french fries fraterniti
22. Gamitin ang letrang j para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa : jelly subjek
jaket
Gamitin ang letrang u para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita
Halimbawa : Video verbatin virtory
Gamitin ang letrang z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita
Halimbawa : Zesto zoo zebra
Ang mga salitang may diptongo o magkasunof na pintig na panitig ay
baybayin ayon sa mga sumusunod.
23. Halimbawa
-ia - ya. Ortografia - Ortografya, Ortografiya
Dialecto - Dyalekto, Diyalekto
-iya cristiano - Kristyano, Kristiyano
Alcancia-> Alkansya, Alkansiya.
-ie -ye. Tiempo ->. Tyempo, tiyempo
-iye. Encomienda-> Enkomyenda, Enkomiyenda.
Pie-> pye, piye
-io-yo. Divorcio-> Diborsyo, Diborsiyo
Dios-> Dyos, Diyos.
-iyo. Exportacion-> Ekportasyon, Ekportasiyon
-ua-wa. Guapo-> gwapo, Guwapo.
Ang salitang hiram na may magkasunod na patinig ay
maaaraing baybayin sa dalawang kaanyuan ngunit kailangang
konsistent sa paggamit ng alinmang kaanyuan.
24. Any diagrapo ay kombinasyon ng dalawang
letrang pinagsama para kumatawan sa isa o
dalawang tunog.
Panatilihin ang diagrapong CH kapag ang
salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
-uwa. Cuarto->kwarto, Kwarto
Cuaderno-> Kwaderno, Kuwaderno
-ue-uwe cuento->kwento , kuwento
Absuelto-> Abswelto, Absuwelto
Suerte-> Swerte, Suwerte
-ui-wi. Buitre- bwitre, Buwitre
Biscuit-> Biskwit, Biskuwit
Perjuicio-> Perwisyo, Peruwisyo
Halimbawa : Chopsuey, chips , charter
25. Panatilihin ang diagrapong SH kapag ang salita at hiniram sa
orihinal na anyo.
Halimbawa:
Shell, shampoo, sharon.
Halimbawa:
Palitan ang diagrapong ito ng CH kung ang tunog ay /TS /
sa hiniram na salita.
Halimbawa:
Chinelas -> stinelas
Cochero -> kutsero
Chocolate ->stokolate
26. Panatilihin ang NG para sa tunog na N: /ng/ sa
dahilang mahalagang ambag into ng palatunugang Filipino.
Ang tunog na into ay maaaring NASA inisyal, midyal, at final
na posisyon. Halimbawa:
Tanghalan, pangalan, panginoon.
Palitan ang diagrapong SH ng SY kung ang tunog ay /sy/ sa
hiniram na salita.
Halimbawa:
Scholarship -> iskolarship
Workshop -> worksyap
Censorship -> Sensorsyip.
27. Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang
bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita
Halimbawa
La - pisA - so Al- lat
Sa kasalukutan ay may mga kayarian ng pantig na
ambag ng mga lokal ma wika at panghihiram.
Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito ay sa
pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P
para sa panitig.