SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  22
Télécharger pour lire hors ligne
1
ARALING PANLIPUNAN
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 8
Ang Simbahang katoliko: Isang Makapangyarihang
Institusyon sa Gitnang Panahon
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
2
MODYUL 8
ANG SIMBAHANG KATOLIKO: ISANG MAKAPANGYARIHANG INSTITUSYON SA
GITNANG PANAHON
Sa modyul na ito ay malalaman ntin ang paglakas ng Simbahang katoliko
bilang isang makapangyarihang intitusyon sa Gitnang panahon. Dito rin malalman ang
tungkol sa naganap na krusada. Natitiyak ko na may nalalaman ka sa mhga pag-
uusapan natin dito dahil sa karamihan sa atin dito sa Pilipinas ay kristiyano. Handa ka
na ba na balikan natin ang nakaraan at alamin ang tungkol sa makapangyarihang
simbahang ito?
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang simula ng Pagplaganap ng Kristyanismo
Aralin 2: Ang Kapapahan
Aralin 3: Ang Krusada
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Matatalakay mo ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang
Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon;
2. Maipaliliwanag mo ang Yungkol sa Kapapahan; at
3. Maisasalarawan mo ang naganap na krusada sa Gitnang Panahon.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT:
I. Panuto: Bilugan ang titik ng Tamang Sagot.
1. Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa mga
Turkong Muslim na sumakop sa Jerusalem.
A. Kabalyerismo
B. Krusada
C. Piyudalismo
D. manoryalismo.
2. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang:
A. Obispo
B. Hari
C. Papa
D. Arsobispo.
3. Si Jesus ay kinikilala ng mga kristiyano na:
A. Propeta
B. Hari ng Hudyo
C. Messiah
D. Apostole.
4. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si:
A. Papa Leo I
B. Papa Urban II
C. Papa Innocent I
D. Papa Gregory VII
5. Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang naidulot nito sa
kristiyanismo ay:
A. ang paglakas ng kapangyariahn ng Simbahan
B. ang pag-unlad ng kultura ng Simbahan
C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada
D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo
6. Ang kristiyanismo ay nagmula sa relihiyong:
A. Hudaismo
B. Zoroasterianismo
C. Hudaismo
D. Budahismo
4
7. Ang Kristiyanismo at Islam ay may parehong paniniwala tungkol sa:
A. Pagkadiyos ni Jesus
B. Pagkapropeta ni Jesus
C. Pinagmulang lahi ni Abraham
D. Bagong testamento.
8. Ang estadong pinamamahalaan ng Papa ay:
A. Roma
B. Vatican
C. Venice
D. Florence
9. Ang lupaing sinakop ng mga Turkong Muslim ay:
A. Roma
B. Byzatine
C. Jerusalem
D. Egypt
10.Kung Roma ang nagging sentro ng kristiyanismo sa kanlurang Europa, ano
naman ang sentro ng kristiyanismo sa silangan?
A. Roma
B. Jerusalem
C. Egypt
D. Byzatine.
5
ARALIN 1
ANG SIMULA NG PAGPLAGANAP NG KRISTYANISMO
Karamihan sa mga Pilipino ay kristiyano. Sa totoo lang ang Pilipinas ang nag-
iisang bansa sa Asya na maituturing na kristyanismong bansa. Ikaw ba ay nabibilang sa
mga kristiyano ditto sa ating bansa? Kung ganoon, may kaalaman ka sa simula at
paglaganap ng kristyanismo
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang pinagmulan ng kristyanismo;
2. Maisasalaysay ang buhay ni Jesus; at
3. Maipaliliwanag ang pagpapalaganap ng kristyanismo.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ang Pasko at Semana Santa o Mahal na Araw ay dalawang pagdiriwang na
napakahalaga sa mga kristyano. Gawin ang sumusunod:
1. Magbigay ng pakahulugan mo sa:
a. Pasko - ____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
6
b. Semana Santa - _____________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Magtala ng tatlong bagay na ginagawa ng kristyano sa mga pagdiriwang na ito.
Pasko
1. __________________________
2. __________________________
3. __________________________
4. __________________________
5. __________________________
Semana Santa
1. __________________________
2. __________________________
3. __________________________
4. __________________________
5. __________________________
Ang Simula at Paglalakbay ng Kristyanismo
Ang Simbahang Katoliko bilang institusyong panrelihiyon ay nagging matatag sa
mga huling taon ng kasikatan ng Emperyong Roma.
Ang pagsimula ng relihiyong ito ay sa Palestine na ngayon ay kilala bilang bansang
Israel. Napalaganap ito sa Emperyong Roma at sa panahon ni Emperador Constantine
(313 AD) ito ay kinilalang relihiyon ng buong emperyo.
Nang bumagsak ang Emperyong Roma sa kanluran (5th
century AD) ang
simbahan ang nagsilbing institusyon sa pagbangon at pagtuloy ng sibilisasyon.
7
Ang Pinagmulan ng Kristyanismo
Ang kristyanismo ay sumibol bilang isang sekta sa mga Hudyo. Ang mga disipulo
o mga tagasunod ni Jesus ay naniwala na Siya ang hinhintay nilang Tagapagligtas o
Mesiah. Si Jesus mismo ay isang Hudyo kaya ang mga turo ni Jesus ay ayon din sa
mga itinuturo ng mga Hudaismo katulad ng sumusunod: ang paniniwala sa iisang
makapangyarihang Diyos; ang paniniwala sa “Creation” kung saan ang kinikilalang
unang tao ay si Adan at Eba; ang pagsunod sa sampung utos ng Diyos; at ang
paniniwala sa pagdating ng Tagapagligats o Messiah. Ang banal na aklat ng mga
Hudyo ay siyang itinuturing na “Old Testament” ng mga kristiyano. Sa aklat natio ay
mababasa ang kasaysayan ni Abraham, ang itinuturing na “Ama ng mga Hudyo”. Ang
kaganapan tungkol sa pagsibol ng Huaismo ay nagsimula kay Abraham na mula sa
semitikong Tribo sa Mesopotamia.
Naparami ang tribon ni Abraham sa panahon ng apo niya na si Jacob, ngunit
nakaranas sila ng tagutom sa Palestine at napilitan silang pumunta sa Eghipto kung sa
haba ng panahon nila doon ay naparami sila at ginawang alipin ng Paraoh hanggang
natalaga si Moses ng kinikilala nilang diyos na si Jehovah o Yahweh na ibalik silang
mga Hudyo sa Palestina.
Kay Moises ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos. Sa pagbalik ng mga Hudyo sa
Palestine pinangalanan nila ang lugar na Israel.
Ang mga Hudyo ay ilang beses napalaban sa sari-saring mananakop, tulad ng
Persia at Babylonia subalit nanatili silang matatag bilang mga Hudyo na may sariling
kultura kahit sila ay nasakop o napadpad sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa gabay ng
kanilang Propeta, sila ay naniwala na sila ay dindaan sa pagsubok ni Yahweh. Ang mga
karanasang ito ang napatibay sa kanila ng paniniwala na iisa lamang ang
makapangyarihang Diyos. Dito nagsimula ang monoteyismo na siyang nagging pamana
ng lahing Hudyo sa sanlibutan.
Ang Buhay at Turo ni Jesus
Si Jesus ay ipinanganak na Hudyo dahil sa ang kanyang ina na si Maria at ang
kinikilalang ama na si Jose ay kapwa Hudyo. Si Maria ay pinagpala ng Diyos na siyang
8
nagsilang sa Tagapagligtas. Namulat si Jesus at lumaki sa turong Hudyo. Dahil sa Siya
ang pinaniwalaang Tagapagligtas, nangaral siya kung papaano mailigtas ng tao ang
sarili.
Ang turo ni Jesus ay napapaloob sa apat na “gospel” nina Mateo, Marcos, Lucas
at Juan. Itong mga turo ay napaploob sa “New Testament”.
Sa paliwanag ni Jesus, dalawa lamang ang utos ng Diyos: mahalian ang Diyos
higit sa lahat at mahalin ang kapwa tulad sa sarili.
Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay binigyang diin ni Jesus sa kanyang
“Sermon on the Mount”. Dahil sa maraming naakit sa turo ni Jesus, siya ay
pinagbintangan ng mga Hudyo na impostor na nagpapanggap na anak ng Diyos na
siyang Tagapagligtas. Dahil dito, siya ay ipinagkanulo nila hanggang siya ay
maparusahan ng pagpako sa Krus. Namatay siya sa Krus, inilibing ngunit pagkatapos
ng tatlong araw siya ay nabuhay muli.
Ang pagsilang ni Jesus ay siya nating pinagdiriwang na Pasko at ang kanyang
paghihirap at pagkapako sa Krus kung saan siya ay namatay ay ginugunita natin sa
Mahal na Araw o Seman santa.
Ang Paglaganap ng Kristiyanismo
Sa pagkabuhay (Resurrection) ni Jesus muli Siyang nakasama ng kanyang mga
apostoles o tagasunod at dito niya ipinaliwanag ang maging gawain nila kung Siya ay
babalik na sa Ama. Nag Siya ay umakyat sa langit (Ascension) ipinangako niya sa
kanyang mga Apostoles na sila ay gagabayan ng Espiritu Santo.
Ang gamit ng salitang Kristiyano ay nagsimula sa Antioch (Syria) at tumutukoy sa
mga disipulo ni Jesus. Ang mga unang Kristiyano sa Antioch ay mga Gentiles (mga
lahing hindi Hudyo). Sa pamamagitan ni Barnabas si Paul ay nagging masugid na
disipulo ni Jesus at siyang naghikayat sa mga Gentiles na maging Kristiyano. Si
Barnabas at Paul ang nagpalaganap ng Kristiyanismo bilang isang pandaigdigang
relihiyon mula sa pagiging sekta lamang ng Hudyo.
9
Mabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga misyonero na
naglakbay sa bawat bansa sa Mediterranean. Laong nagging matibay ito sa panahon ni
Emperor Constantine ng gawin niyang relihiyon ng Estadong Roma ang Kristiyanismo.
Ang Roma ang nagging sentro ng Kristiyanismo sa kanluran at malakas din ito sa
Byzantine. Lumaganap ito sa Britanya at Irelang sa pamamagitan ni San Agustine.
Malaking tulong din ang ginawa ng mga monghe lalo na sina San Basiliuo at San
Benedicto kung saan ang mga moansteryo ang nagsilbing sentro ng panalangin,
edukasyon, sining at “enlightenment”
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Alam mo ba ang kwento ni Jesus sa Gospel tungkol sa “Mabuting
Samaritano”? Sa isang pirasong papel, ibigay ang buod ng kwento at isulat ang turo na
binigyan ng diin ni Jesus dito.
Tandaan Mo!
Ang Kristiyanismo ay nag-ugat sa Hudaismo. Si Jesus ang
pinadalang Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya
tinanggap ng mga Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli
at ang kanyang turo ay pinalaganap ng kanyang mga apostoles, disipulo at
tagasunod.
10
ARALIN 2
ANG KAPAPAHAN
Kilala mo ba si Papa Juan Pablo XXIII? Bakit bukam-bibig ang pangalan niya
sa buong daigdig? Anong gulang ka ng huling pumunta siya ditto at paano siya
tinanggap ng mga tao?
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang pinagmulan ng kapapahan;
2. Maipapaliwanag ang mga salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa; at
3. Mauunawaan ang tungkuling ginagampanan ng mga namumuno ng simbahan.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
A. Sa organisasyon sa simbahan, paano ang pagbabanghay mo sa mga
sumusunod na opisyales?
a. Pari
b. Arsobispo
c. Papa
d. Obispo
B. Punuan ang mga pangalan ng mga opisyales sa iyong probinsya o syudad.
a. Pari - _________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
b. Arsobispo - ____________________________________________________
______________________________________________________________
11
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
c. Papa - ________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
d. Obispo - ______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Ang Kapapahan
Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at
kapangyarihang pangrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayun
din ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican.
Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin
na “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama
ng mga kristyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa kasalukuyang panahon.
San Pedro: Unang Obispo ng Roma at Unang Papa
Bago umakyat sa langit si Jesus tatlumpong araw mula sa kanyang pagkbuhay
(Resurrection) inihabilin niya kay Apostol Simeon ang pagtatag ng simbahan ng sabihin
niya “Ikaw si Pedro at sa batong ito Ako magtatatag ng simbahan”. Ang salitang Pedro
ay hango sa salitang Latin na “Petrus” na ang ibig sabihin ay bato. Si Simeon ay
nagging si Pedro at sa kanya naatang ang pagtatatag ng Simbahan ni Jesus.
12
Si Pedro ay napunta sa Roma kung saan pinalaganap niya ang Kristyanismo at
nagging unang Obispo ng Roma. Naranasan niya at ng iba pang nagging Kristyano ang
pagmamalupit ng pamahalaang Romano hanggang siya ay mabitay. Magmula noong
unang daang taon, ang mga sumunod na Obispo ng Roma ay itinuring na pinuno ng
Simbahang Kristyano. Ang pagbibigay halaga sa kapangyarihan ng Obispo ng Roma ay
kilala lahat ng miyembro ng Simbahang Kristyano. Bilang pinuno ng Simbahang
Kristyano siya ay tinawag na Papa.
Mga Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa
Ang unang salik sa pagkilala sa lakas ng kapangyarihan ng Papa ay sa panahon
ng pagbagsak ng Emperyong Roma. Mga barbaro mula sa Germany ang lumusob sa
Roma at sinira nila ang naitayong sibilisasyong Roma. Ang pagkasira ng sibilisasyong
ito ay itinuring na “madilim na Panahon” (Dark Age). Sa “kadilimang” ito bumangon ang
Simbahang Kristyano at nahikayat ang mga barbaro na tanggapin ang relihiyong ito.
Ang Simbahan ang nangalaga sa material na pangangailangan ng tao.
Pangalawang salik ay ang matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan. Ang
Papa ang kataastaasang pinuno ng Simbahang Krisyano. Sumunod sa kanya ang
arsobispo na may kapangyarihang panrelihiyon sa mga Obispo. Sumunod nito ay ang
Obispo na namumuno sa bawa’t Diyosesis. Ang Diyosesis ay binubuo ng mga bayan at
ang mga bayan ay pinamumunuan ng mga pari na kilala sa taguring “Kura Paroko”.
Ang matatag na organisasyon ng Simbahan ay nakapagpatibay ng impluwensiya
ng Simbahan sa mga tao at pinuno.
Ang ikatlong salik ay ang paglilingkod ng mga monghe. Ang mga monghe ay
madaling nakahikayat ng mga barbaro sa Kristyanismo. Sila rin ang nagliwanag ng
kaisipan ng taol sa pamamagitan ng pagtatag ng paaralan. Sila ay nagtayo nga mga
ospital at tinulungan ang mga may sakit. Pinaunlad din nila ang sakahan. Sa ginawa
nilang ito, pinahanga nila ang mga tao at naakit sila sa Kristyanismo.
Pang-apat na salik ay ang magandang uri ng pamumuno ng simbahan.
Maraming Papa ang nagpakita ng kagalingan at katatagan ng paninindigan bilang
13
pinuno. Si Papa Leo the Great ang nagbigay diin sa Petrini Doctrini na ang Obispo ng
Roma ang tunay na pinuno ng Kristyanismo; Si Papa Gregory I ang nakahikayat sa
mga tribong barbaro na sumampalataya kay Jesukristo at siya rin ang nagpalaganap ng
Kristyanismo sa malalayong lugar ng kanlurang Europa; Si Papa Gregory VII ang
nagbawi sa mga hari ng karapatang magkaloob ng kapangyarihan sa mga tauhan ng
simbahan; at si Papa Innocent III ang nagpuwersa kay Haring John ng England na
maging sakop ng England.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Gumawa ng maikling talambuhay ni Papa John Paul XXIII, ang kasalukuyang
Papa. Batay sa iyong nabasa tungkol sa kanya, ano ang katangian niya na
hinahangaan mo? Isulat ito sa huling bahagi ng isinulat mong talambuhay.
Tandaan Mo!
Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang
pinuno ay ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng
Roma ang siyang kinilalang pinuno rin ng Simbahang Katoliko at siya
ay tinawag na Papa na ang kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa
ay napakamakapangyarihan noong gitnang panahon.
14
ARALIN 3
ANG KRUSADA
Napanood mo ba ang pelikulang Robin Hood, Ivanhoe o Richard the Lion
Heart? Ito ay mga pelikula na nagsasalarawan ng buhay ng mga magigiting na
krusador. Bukod tangi ang pelikulang Richard the Lion Heart dahil si Richard ay hari
ng England na nanguna sa ikatlong Krusada para mabawi ang Banal na Lupa sa
mga Turkong Muslim. Sana itong mga uri ng pelikula ang makahiligan mo dahil sa
liban sa punong-puno ng aksyon, ito ay batay pa sa tunay na pangyayari sa buhay
ng mga Kristyano na may pagmamalasakit sa simbahan at relihiyon.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Malalaman ang layunin ng mga krusadang nailunsad;
2. Matatalakay ang resulta ng bawat nailunsad na krusada; at
3. Matutukoy ang mabuti at hindi mabuting naidulot ng krusada.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Iguhit ang apat na gamit na maaaring mapagkilanlan na ang mandirigma
noong panahong medyibal ay isang krusador.
15
Ang krusada ay isang ekspedisyong military na inilunsad ng Kristyanong
Europeo dahil sa panawagan ni Papa Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na
labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop banal
na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim na ito
ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa
Papa sa Roma lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapapalaganap ang relihiyong Islam.
Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging
krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga
kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fref” mula sa lupa na
kanilang masakop.
16
Unang Krusada
Ang unang krusada ay binuo ng mga 3000 na kabalyero at 12000 na mandirigma
sa pamumuno ng Prinsipe at mga Frances na nabibilang sa “nobility”. Matagumapy na
nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong
Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming
Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga
limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.
Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII
ng Pransya at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan ang
grupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng
Damascus.
Ikatlong Krusada: Krusada ng mga Hari
Ito na marahil ang pinaka mahalagang Krusada dahil; tatlong Hari ng Europa ang
nanguna ditto: Frederick Barbossa ng Germany; Richard I ng England and Philip
Augustus ng France. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europa ay
nalunod nsi Ferdirick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni
Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang
pinuno ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang tumigil ng labanan sa loob
ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem.
Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.
17
Krusada ng mga Bata
Noong 1212 isang labing dalawang taong Frances na ang pangalan ay Stephen
ay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata ang
sumunod sa kanya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at
ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.
Ikaapat na Krusada
Ang ikaapat na krusada na inulunsad noong 1202 ay nagging isang iskandalo.
Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristyanong bayan
ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kya sila ay dineklarang “excomunicado”.
Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kung
saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa
Contantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano
sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng
krusada.
Iba pang Krusada
Nakaroon ng ibang krusada noong 1219, 1228, 1224 ngunit lahat ng mga ito ay
nagging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land.
Sa kabuuhan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan
nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na
naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.
18
Resulta ng Krusada
Kung mayroon mang magandang naidulot ang krusada, ito ay sa larangan ng
kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga
lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristyano ay napayaman din.
Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga
sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang nagging dahilan sa
pagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at
mangalakal.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Gumawa ng “retrieval chart” kung saan itatala mo ang mga sumusunod.
3 Importanteng
Krusada
Pinuno Katangian Bunga
19
Tandaan Mo!
Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano
para makuha muli ang banal na lupain. Maraming krusada ang
nailunsad ngunit lahat ay bigo, ganon pa man may kabuthan ding
naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang Kristyanosmo.
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang Kristiyanismo ay nag-ugat sa Hudaismo. Si Jesus ang pinadalang
Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya tinanggap ng mga
Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli at ang kanyang turo ay
pinalaganap ng kanyang mga apostoles, disipulo at tagasunod.
Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang pinuno ay
ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng Roma ang siyang
kinilalang pinuno rin ng Simbahang Katoliko at siya ay tinawag na Papa na ang
kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa ay napakamakapangyarihan
noong gitnang panahon.
Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano para makuha
muli ang banal na lupain. Maraming krusada ang nailunsad ngunit lahat ay bigo,
ganon pa man may kabuthan ding naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang
Kristyanosmo.
20
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pinakamataas na pangkat bsa lupunan noong panahong midyibal?
a. burgis
b. maharlika
c. clerego
d. mangangalakal
2. Sino sa mga sumusunod ang pinuno ng Turkong Muslim nanasagupa ni Haring
Richard I ng England?
a. Philip
b. Mohammad
c. Saladin
d. Abu Bakr
3. Sentro ng Simbahang Greek Orthodox sa Silangan na bahagi ng Imperyong
Romano.
a. Jerusalem
b. Damascus
c. Constantinople
d. Antioch
4. Si Charlemagne na nagging Emperador ng Banal na Imperyo Romana ay mula
sa:
a. Germany
b. Italy
c. France
d. Constantinople
5. Ang Krusada noong panahong midyibal ay:
a. Kilusan ng mangangalakal
b. Banal na digmaan
c. Kampanya sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
d. Torneo na iidinadaos pagpista sa kaharian
6. Ang sagisag ng Krusada ay
a. espada
b. krus
c. medaly
d. kabayo
21
7. Alin sa mga sumusunod ang may malaking ginampanang papel sa paglakas ng
Simbahang katoliko dahil nahikayat nila ang mga barbaro na maging Kristiyano?
a. panginoong Piyudal
b. kabalyero
c. monghe
d. Obispo
8. Sino ang kinikilalang Tagapagligtas o Messiah ng mga Kristiyano?
a. St.Peter
b. Jesukristo
c. St. Paul
d. Moses
9. Sino ang itinuturing na “ Ama ng mga Hudyo”?
a. Moses
b. Jacob
c. Abraham
d. Jesus
10.Sino sa mga sumusunod ang binigyan ng Sampung Utos ng Diyos?
a. Moses
b. Jacob
c. Abraham
d. Jesus
22
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. B
2. C
3. C
4. B
5. B
6. A
7. C
8. B
9. C
10.D
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. B
2. C
3. C
4. C
5. B
6. B
7. C
8. B
9. C
10.A

Contenu connexe

Tendances

Pag unlad ng mga bayan at lungsod sa europe
Pag unlad ng mga bayan at lungsod sa europePag unlad ng mga bayan at lungsod sa europe
Pag unlad ng mga bayan at lungsod sa europe
Jeanson Avenilla
 
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
dsms15
 
Paglakas ng europe reformation
Paglakas ng europe   reformationPaglakas ng europe   reformation
Paglakas ng europe reformation
Jared Ram Juezan
 

Tendances (20)

Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog AsyaKabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog Asya
 
Pag unlad ng mga bayan at lungsod sa europe
Pag unlad ng mga bayan at lungsod sa europePag unlad ng mga bayan at lungsod sa europe
Pag unlad ng mga bayan at lungsod sa europe
 
Holy roman empire
Holy roman empireHoly roman empire
Holy roman empire
 
Sinaunang kabihasnan sa asya
Sinaunang kabihasnan sa asyaSinaunang kabihasnan sa asya
Sinaunang kabihasnan sa asya
 
Piyudalismo
PiyudalismoPiyudalismo
Piyudalismo
 
Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo(ika 16 hanggang ika-17 siglo)
Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo(ika 16 hanggang ika-17 siglo)Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo(ika 16 hanggang ika-17 siglo)
Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo(ika 16 hanggang ika-17 siglo)
 
Modyul 09 sistemang piyudal ok
Modyul 09   sistemang piyudal okModyul 09   sistemang piyudal ok
Modyul 09 sistemang piyudal ok
 
Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
 
Paglakas ng Simbahan at ang Papel nito sa Paglakas ng Europe
Paglakas ng Simbahan at ang Papel nito sa Paglakas ng EuropePaglakas ng Simbahan at ang Papel nito sa Paglakas ng Europe
Paglakas ng Simbahan at ang Papel nito sa Paglakas ng Europe
 
National monarchy
National monarchyNational monarchy
National monarchy
 
Pag usbong ng terminong bourgeoisie
Pag usbong ng terminong bourgeoisiePag usbong ng terminong bourgeoisie
Pag usbong ng terminong bourgeoisie
 
AP7 - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...
AP7  - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...AP7  - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...
AP7 - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...
 
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europe
Yunit 3, aralin 1   paglakas ng europeYunit 3, aralin 1   paglakas ng europe
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europe
 
Merkantilismo
MerkantilismoMerkantilismo
Merkantilismo
 
Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval
Pag-usbong ng Europe sa Panahong MedievalPag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval
Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval
 
Ang krusada
Ang krusadaAng krusada
Ang krusada
 
Ang imperyong byzantine
Ang imperyong byzantineAng imperyong byzantine
Ang imperyong byzantine
 
Paglakas ng europe reformation
Paglakas ng europe   reformationPaglakas ng europe   reformation
Paglakas ng europe reformation
 
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismong KanluraninUnang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
 

En vedette

Patkaran sa Pananalapi
Patkaran sa PananalapiPatkaran sa Pananalapi
Patkaran sa Pananalapi
Mygie Janamike
 
Paglakas ng europe bourgeoisie
Paglakas ng europe   bourgeoisiePaglakas ng europe   bourgeoisie
Paglakas ng europe bourgeoisie
Jared Ram Juezan
 

En vedette (16)

Modyul 05 republika at imperyong romano
Modyul 05   republika at imperyong romanoModyul 05   republika at imperyong romano
Modyul 05 republika at imperyong romano
 
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
 
Aralin 7 yunit 3
Aralin 7 yunit 3Aralin 7 yunit 3
Aralin 7 yunit 3
 
Modyul 05 republika at imperyong romano
Modyul 05   republika at imperyong romanoModyul 05   republika at imperyong romano
Modyul 05 republika at imperyong romano
 
Modyul 07 – kabihasnang klasikal sa amerika at pacifico
Modyul 07 – kabihasnang klasikal sa amerika at pacificoModyul 07 – kabihasnang klasikal sa amerika at pacifico
Modyul 07 – kabihasnang klasikal sa amerika at pacifico
 
Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10
Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10
Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10
 
Modyul 10 bourgeoisie, merkantelismo at monarkiyang nasyona
Modyul 10  bourgeoisie, merkantelismo at monarkiyang nasyonaModyul 10  bourgeoisie, merkantelismo at monarkiyang nasyona
Modyul 10 bourgeoisie, merkantelismo at monarkiyang nasyona
 
Patkaran sa Pananalapi
Patkaran sa PananalapiPatkaran sa Pananalapi
Patkaran sa Pananalapi
 
Paglakas ng europe bourgeoisie
Paglakas ng europe   bourgeoisiePaglakas ng europe   bourgeoisie
Paglakas ng europe bourgeoisie
 
Mga festivals ng pilipinas
Mga festivals ng pilipinasMga festivals ng pilipinas
Mga festivals ng pilipinas
 
Semi detailed lesson plan
Semi detailed lesson planSemi detailed lesson plan
Semi detailed lesson plan
 
Modyul 14 patakaran sa pananalapi
Modyul 14   patakaran sa pananalapiModyul 14   patakaran sa pananalapi
Modyul 14 patakaran sa pananalapi
 
Kasaysayan ng Daigdig A.P. 9 Module Second Quarter
Kasaysayan ng Daigdig A.P. 9 Module Second QuarterKasaysayan ng Daigdig A.P. 9 Module Second Quarter
Kasaysayan ng Daigdig A.P. 9 Module Second Quarter
 
Ekonomiks Learning Module Yunit 3
Ekonomiks Learning Module Yunit 3Ekonomiks Learning Module Yunit 3
Ekonomiks Learning Module Yunit 3
 
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 4Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
 
Modyul 9 implasyon
Modyul 9   implasyonModyul 9   implasyon
Modyul 9 implasyon
 

Similaire à Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in

MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdfMGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
CARLOSRyanCholo
 
Ano Ang B Iblia
Ano Ang B IbliaAno Ang B Iblia
Ano Ang B Iblia
Fanar
 
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismoIba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
jetsetter22
 
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.finalMga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
Cay Vidanes
 
Trinidad
TrinidadTrinidad
Trinidad
Fanar
 
Division updating asian history and economics
Division updating asian history and economicsDivision updating asian history and economics
Division updating asian history and economics
Remy Datu
 

Similaire à Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in (20)

FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
 
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
Ang paghina at tuluyang pagbagsak ng imperyo
 
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdfMGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
 
Mga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundoMga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundo
 
Mga Tanyag na Simbahan sa ating Pilipins
Mga Tanyag na Simbahan sa ating PilipinsMga Tanyag na Simbahan sa ating Pilipins
Mga Tanyag na Simbahan sa ating Pilipins
 
Las mga relihiyon sa asya
Las mga relihiyon sa  asyaLas mga relihiyon sa  asya
Las mga relihiyon sa asya
 
Ano Ang B Iblia
Ano Ang B IbliaAno Ang B Iblia
Ano Ang B Iblia
 
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asyaModyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
 
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asyaModyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
 
Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya
 
Ang Kristiyanisasyon Bilang Paraan ng Pananakop
Ang Kristiyanisasyon Bilang Paraan ng PananakopAng Kristiyanisasyon Bilang Paraan ng Pananakop
Ang Kristiyanisasyon Bilang Paraan ng Pananakop
 
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismoIba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
 
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismoIba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
 
AP 7 Lesson no. 14-B: Christianity
AP 7 Lesson no. 14-B: ChristianityAP 7 Lesson no. 14-B: Christianity
AP 7 Lesson no. 14-B: Christianity
 
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.finalMga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
 
Trinidad
TrinidadTrinidad
Trinidad
 
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptxRELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
 
Division updating asian history and economics
Division updating asian history and economicsDivision updating asian history and economics
Division updating asian history and economics
 
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong AsyanoMga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
 
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptxAP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
 

Plus de 南 睿

AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
南 睿
 

Plus de 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 

Dernier

669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
diannesofocado8
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 

Dernier (20)

Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 

Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in

  • 1. 1 ARALING PANLIPUNAN (Effective Alternative Secondary Education) MODYUL 8 Ang Simbahang katoliko: Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. 2 MODYUL 8 ANG SIMBAHANG KATOLIKO: ISANG MAKAPANGYARIHANG INSTITUSYON SA GITNANG PANAHON Sa modyul na ito ay malalaman ntin ang paglakas ng Simbahang katoliko bilang isang makapangyarihang intitusyon sa Gitnang panahon. Dito rin malalman ang tungkol sa naganap na krusada. Natitiyak ko na may nalalaman ka sa mhga pag- uusapan natin dito dahil sa karamihan sa atin dito sa Pilipinas ay kristiyano. Handa ka na ba na balikan natin ang nakaraan at alamin ang tungkol sa makapangyarihang simbahang ito? May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang simula ng Pagplaganap ng Kristyanismo Aralin 2: Ang Kapapahan Aralin 3: Ang Krusada Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matatalakay mo ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon; 2. Maipaliliwanag mo ang Yungkol sa Kapapahan; at 3. Maisasalarawan mo ang naganap na krusada sa Gitnang Panahon. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
  • 3. 3 PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng Tamang Sagot. 1. Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa Jerusalem. A. Kabalyerismo B. Krusada C. Piyudalismo D. manoryalismo. 2. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang: A. Obispo B. Hari C. Papa D. Arsobispo. 3. Si Jesus ay kinikilala ng mga kristiyano na: A. Propeta B. Hari ng Hudyo C. Messiah D. Apostole. 4. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si: A. Papa Leo I B. Papa Urban II C. Papa Innocent I D. Papa Gregory VII 5. Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang naidulot nito sa kristiyanismo ay: A. ang paglakas ng kapangyariahn ng Simbahan B. ang pag-unlad ng kultura ng Simbahan C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo 6. Ang kristiyanismo ay nagmula sa relihiyong: A. Hudaismo B. Zoroasterianismo C. Hudaismo D. Budahismo
  • 4. 4 7. Ang Kristiyanismo at Islam ay may parehong paniniwala tungkol sa: A. Pagkadiyos ni Jesus B. Pagkapropeta ni Jesus C. Pinagmulang lahi ni Abraham D. Bagong testamento. 8. Ang estadong pinamamahalaan ng Papa ay: A. Roma B. Vatican C. Venice D. Florence 9. Ang lupaing sinakop ng mga Turkong Muslim ay: A. Roma B. Byzatine C. Jerusalem D. Egypt 10.Kung Roma ang nagging sentro ng kristiyanismo sa kanlurang Europa, ano naman ang sentro ng kristiyanismo sa silangan? A. Roma B. Jerusalem C. Egypt D. Byzatine.
  • 5. 5 ARALIN 1 ANG SIMULA NG PAGPLAGANAP NG KRISTYANISMO Karamihan sa mga Pilipino ay kristiyano. Sa totoo lang ang Pilipinas ang nag- iisang bansa sa Asya na maituturing na kristyanismong bansa. Ikaw ba ay nabibilang sa mga kristiyano ditto sa ating bansa? Kung ganoon, may kaalaman ka sa simula at paglaganap ng kristyanismo Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang pinagmulan ng kristyanismo; 2. Maisasalaysay ang buhay ni Jesus; at 3. Maipaliliwanag ang pagpapalaganap ng kristyanismo. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang Pasko at Semana Santa o Mahal na Araw ay dalawang pagdiriwang na napakahalaga sa mga kristyano. Gawin ang sumusunod: 1. Magbigay ng pakahulugan mo sa: a. Pasko - ____________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________
  • 6. 6 b. Semana Santa - _____________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Magtala ng tatlong bagay na ginagawa ng kristyano sa mga pagdiriwang na ito. Pasko 1. __________________________ 2. __________________________ 3. __________________________ 4. __________________________ 5. __________________________ Semana Santa 1. __________________________ 2. __________________________ 3. __________________________ 4. __________________________ 5. __________________________ Ang Simula at Paglalakbay ng Kristyanismo Ang Simbahang Katoliko bilang institusyong panrelihiyon ay nagging matatag sa mga huling taon ng kasikatan ng Emperyong Roma. Ang pagsimula ng relihiyong ito ay sa Palestine na ngayon ay kilala bilang bansang Israel. Napalaganap ito sa Emperyong Roma at sa panahon ni Emperador Constantine (313 AD) ito ay kinilalang relihiyon ng buong emperyo. Nang bumagsak ang Emperyong Roma sa kanluran (5th century AD) ang simbahan ang nagsilbing institusyon sa pagbangon at pagtuloy ng sibilisasyon.
  • 7. 7 Ang Pinagmulan ng Kristyanismo Ang kristyanismo ay sumibol bilang isang sekta sa mga Hudyo. Ang mga disipulo o mga tagasunod ni Jesus ay naniwala na Siya ang hinhintay nilang Tagapagligtas o Mesiah. Si Jesus mismo ay isang Hudyo kaya ang mga turo ni Jesus ay ayon din sa mga itinuturo ng mga Hudaismo katulad ng sumusunod: ang paniniwala sa iisang makapangyarihang Diyos; ang paniniwala sa “Creation” kung saan ang kinikilalang unang tao ay si Adan at Eba; ang pagsunod sa sampung utos ng Diyos; at ang paniniwala sa pagdating ng Tagapagligats o Messiah. Ang banal na aklat ng mga Hudyo ay siyang itinuturing na “Old Testament” ng mga kristiyano. Sa aklat natio ay mababasa ang kasaysayan ni Abraham, ang itinuturing na “Ama ng mga Hudyo”. Ang kaganapan tungkol sa pagsibol ng Huaismo ay nagsimula kay Abraham na mula sa semitikong Tribo sa Mesopotamia. Naparami ang tribon ni Abraham sa panahon ng apo niya na si Jacob, ngunit nakaranas sila ng tagutom sa Palestine at napilitan silang pumunta sa Eghipto kung sa haba ng panahon nila doon ay naparami sila at ginawang alipin ng Paraoh hanggang natalaga si Moses ng kinikilala nilang diyos na si Jehovah o Yahweh na ibalik silang mga Hudyo sa Palestina. Kay Moises ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos. Sa pagbalik ng mga Hudyo sa Palestine pinangalanan nila ang lugar na Israel. Ang mga Hudyo ay ilang beses napalaban sa sari-saring mananakop, tulad ng Persia at Babylonia subalit nanatili silang matatag bilang mga Hudyo na may sariling kultura kahit sila ay nasakop o napadpad sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa gabay ng kanilang Propeta, sila ay naniwala na sila ay dindaan sa pagsubok ni Yahweh. Ang mga karanasang ito ang napatibay sa kanila ng paniniwala na iisa lamang ang makapangyarihang Diyos. Dito nagsimula ang monoteyismo na siyang nagging pamana ng lahing Hudyo sa sanlibutan. Ang Buhay at Turo ni Jesus Si Jesus ay ipinanganak na Hudyo dahil sa ang kanyang ina na si Maria at ang kinikilalang ama na si Jose ay kapwa Hudyo. Si Maria ay pinagpala ng Diyos na siyang
  • 8. 8 nagsilang sa Tagapagligtas. Namulat si Jesus at lumaki sa turong Hudyo. Dahil sa Siya ang pinaniwalaang Tagapagligtas, nangaral siya kung papaano mailigtas ng tao ang sarili. Ang turo ni Jesus ay napapaloob sa apat na “gospel” nina Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Itong mga turo ay napaploob sa “New Testament”. Sa paliwanag ni Jesus, dalawa lamang ang utos ng Diyos: mahalian ang Diyos higit sa lahat at mahalin ang kapwa tulad sa sarili. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay binigyang diin ni Jesus sa kanyang “Sermon on the Mount”. Dahil sa maraming naakit sa turo ni Jesus, siya ay pinagbintangan ng mga Hudyo na impostor na nagpapanggap na anak ng Diyos na siyang Tagapagligtas. Dahil dito, siya ay ipinagkanulo nila hanggang siya ay maparusahan ng pagpako sa Krus. Namatay siya sa Krus, inilibing ngunit pagkatapos ng tatlong araw siya ay nabuhay muli. Ang pagsilang ni Jesus ay siya nating pinagdiriwang na Pasko at ang kanyang paghihirap at pagkapako sa Krus kung saan siya ay namatay ay ginugunita natin sa Mahal na Araw o Seman santa. Ang Paglaganap ng Kristiyanismo Sa pagkabuhay (Resurrection) ni Jesus muli Siyang nakasama ng kanyang mga apostoles o tagasunod at dito niya ipinaliwanag ang maging gawain nila kung Siya ay babalik na sa Ama. Nag Siya ay umakyat sa langit (Ascension) ipinangako niya sa kanyang mga Apostoles na sila ay gagabayan ng Espiritu Santo. Ang gamit ng salitang Kristiyano ay nagsimula sa Antioch (Syria) at tumutukoy sa mga disipulo ni Jesus. Ang mga unang Kristiyano sa Antioch ay mga Gentiles (mga lahing hindi Hudyo). Sa pamamagitan ni Barnabas si Paul ay nagging masugid na disipulo ni Jesus at siyang naghikayat sa mga Gentiles na maging Kristiyano. Si Barnabas at Paul ang nagpalaganap ng Kristiyanismo bilang isang pandaigdigang relihiyon mula sa pagiging sekta lamang ng Hudyo.
  • 9. 9 Mabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga misyonero na naglakbay sa bawat bansa sa Mediterranean. Laong nagging matibay ito sa panahon ni Emperor Constantine ng gawin niyang relihiyon ng Estadong Roma ang Kristiyanismo. Ang Roma ang nagging sentro ng Kristiyanismo sa kanluran at malakas din ito sa Byzantine. Lumaganap ito sa Britanya at Irelang sa pamamagitan ni San Agustine. Malaking tulong din ang ginawa ng mga monghe lalo na sina San Basiliuo at San Benedicto kung saan ang mga moansteryo ang nagsilbing sentro ng panalangin, edukasyon, sining at “enlightenment” Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Alam mo ba ang kwento ni Jesus sa Gospel tungkol sa “Mabuting Samaritano”? Sa isang pirasong papel, ibigay ang buod ng kwento at isulat ang turo na binigyan ng diin ni Jesus dito. Tandaan Mo! Ang Kristiyanismo ay nag-ugat sa Hudaismo. Si Jesus ang pinadalang Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya tinanggap ng mga Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli at ang kanyang turo ay pinalaganap ng kanyang mga apostoles, disipulo at tagasunod.
  • 10. 10 ARALIN 2 ANG KAPAPAHAN Kilala mo ba si Papa Juan Pablo XXIII? Bakit bukam-bibig ang pangalan niya sa buong daigdig? Anong gulang ka ng huling pumunta siya ditto at paano siya tinanggap ng mga tao? Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang pinagmulan ng kapapahan; 2. Maipapaliwanag ang mga salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa; at 3. Mauunawaan ang tungkuling ginagampanan ng mga namumuno ng simbahan. Gawain 1: Pag-isipan Mo! A. Sa organisasyon sa simbahan, paano ang pagbabanghay mo sa mga sumusunod na opisyales? a. Pari b. Arsobispo c. Papa d. Obispo B. Punuan ang mga pangalan ng mga opisyales sa iyong probinsya o syudad. a. Pari - _________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ b. Arsobispo - ____________________________________________________ ______________________________________________________________
  • 11. 11 ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ c. Papa - ________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ d. Obispo - ______________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Ang Kapapahan Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at kapangyarihang pangrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayun din ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican. Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama ng mga kristyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa kasalukuyang panahon. San Pedro: Unang Obispo ng Roma at Unang Papa Bago umakyat sa langit si Jesus tatlumpong araw mula sa kanyang pagkbuhay (Resurrection) inihabilin niya kay Apostol Simeon ang pagtatag ng simbahan ng sabihin niya “Ikaw si Pedro at sa batong ito Ako magtatatag ng simbahan”. Ang salitang Pedro ay hango sa salitang Latin na “Petrus” na ang ibig sabihin ay bato. Si Simeon ay nagging si Pedro at sa kanya naatang ang pagtatatag ng Simbahan ni Jesus.
  • 12. 12 Si Pedro ay napunta sa Roma kung saan pinalaganap niya ang Kristyanismo at nagging unang Obispo ng Roma. Naranasan niya at ng iba pang nagging Kristyano ang pagmamalupit ng pamahalaang Romano hanggang siya ay mabitay. Magmula noong unang daang taon, ang mga sumunod na Obispo ng Roma ay itinuring na pinuno ng Simbahang Kristyano. Ang pagbibigay halaga sa kapangyarihan ng Obispo ng Roma ay kilala lahat ng miyembro ng Simbahang Kristyano. Bilang pinuno ng Simbahang Kristyano siya ay tinawag na Papa. Mga Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa Ang unang salik sa pagkilala sa lakas ng kapangyarihan ng Papa ay sa panahon ng pagbagsak ng Emperyong Roma. Mga barbaro mula sa Germany ang lumusob sa Roma at sinira nila ang naitayong sibilisasyong Roma. Ang pagkasira ng sibilisasyong ito ay itinuring na “madilim na Panahon” (Dark Age). Sa “kadilimang” ito bumangon ang Simbahang Kristyano at nahikayat ang mga barbaro na tanggapin ang relihiyong ito. Ang Simbahan ang nangalaga sa material na pangangailangan ng tao. Pangalawang salik ay ang matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan. Ang Papa ang kataastaasang pinuno ng Simbahang Krisyano. Sumunod sa kanya ang arsobispo na may kapangyarihang panrelihiyon sa mga Obispo. Sumunod nito ay ang Obispo na namumuno sa bawa’t Diyosesis. Ang Diyosesis ay binubuo ng mga bayan at ang mga bayan ay pinamumunuan ng mga pari na kilala sa taguring “Kura Paroko”. Ang matatag na organisasyon ng Simbahan ay nakapagpatibay ng impluwensiya ng Simbahan sa mga tao at pinuno. Ang ikatlong salik ay ang paglilingkod ng mga monghe. Ang mga monghe ay madaling nakahikayat ng mga barbaro sa Kristyanismo. Sila rin ang nagliwanag ng kaisipan ng taol sa pamamagitan ng pagtatag ng paaralan. Sila ay nagtayo nga mga ospital at tinulungan ang mga may sakit. Pinaunlad din nila ang sakahan. Sa ginawa nilang ito, pinahanga nila ang mga tao at naakit sila sa Kristyanismo. Pang-apat na salik ay ang magandang uri ng pamumuno ng simbahan. Maraming Papa ang nagpakita ng kagalingan at katatagan ng paninindigan bilang
  • 13. 13 pinuno. Si Papa Leo the Great ang nagbigay diin sa Petrini Doctrini na ang Obispo ng Roma ang tunay na pinuno ng Kristyanismo; Si Papa Gregory I ang nakahikayat sa mga tribong barbaro na sumampalataya kay Jesukristo at siya rin ang nagpalaganap ng Kristyanismo sa malalayong lugar ng kanlurang Europa; Si Papa Gregory VII ang nagbawi sa mga hari ng karapatang magkaloob ng kapangyarihan sa mga tauhan ng simbahan; at si Papa Innocent III ang nagpuwersa kay Haring John ng England na maging sakop ng England. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng maikling talambuhay ni Papa John Paul XXIII, ang kasalukuyang Papa. Batay sa iyong nabasa tungkol sa kanya, ano ang katangian niya na hinahangaan mo? Isulat ito sa huling bahagi ng isinulat mong talambuhay. Tandaan Mo! Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang pinuno ay ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng Roma ang siyang kinilalang pinuno rin ng Simbahang Katoliko at siya ay tinawag na Papa na ang kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa ay napakamakapangyarihan noong gitnang panahon.
  • 14. 14 ARALIN 3 ANG KRUSADA Napanood mo ba ang pelikulang Robin Hood, Ivanhoe o Richard the Lion Heart? Ito ay mga pelikula na nagsasalarawan ng buhay ng mga magigiting na krusador. Bukod tangi ang pelikulang Richard the Lion Heart dahil si Richard ay hari ng England na nanguna sa ikatlong Krusada para mabawi ang Banal na Lupa sa mga Turkong Muslim. Sana itong mga uri ng pelikula ang makahiligan mo dahil sa liban sa punong-puno ng aksyon, ito ay batay pa sa tunay na pangyayari sa buhay ng mga Kristyano na may pagmamalasakit sa simbahan at relihiyon. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Malalaman ang layunin ng mga krusadang nailunsad; 2. Matatalakay ang resulta ng bawat nailunsad na krusada; at 3. Matutukoy ang mabuti at hindi mabuting naidulot ng krusada. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Iguhit ang apat na gamit na maaaring mapagkilanlan na ang mandirigma noong panahong medyibal ay isang krusador.
  • 15. 15 Ang krusada ay isang ekspedisyong military na inilunsad ng Kristyanong Europeo dahil sa panawagan ni Papa Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim na ito ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Roma lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fref” mula sa lupa na kanilang masakop.
  • 16. 16 Unang Krusada Ang unang krusada ay binuo ng mga 3000 na kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Frances na nabibilang sa “nobility”. Matagumapy na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim. Ikalawang Krusada Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng Pransya at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan ang grupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus. Ikatlong Krusada: Krusada ng mga Hari Ito na marahil ang pinaka mahalagang Krusada dahil; tatlong Hari ng Europa ang nanguna ditto: Frederick Barbossa ng Germany; Richard I ng England and Philip Augustus ng France. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europa ay nalunod nsi Ferdirick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang tumigil ng labanan sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.
  • 17. 17 Krusada ng mga Bata Noong 1212 isang labing dalawang taong Frances na ang pangalan ay Stephen ay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata ang sumunod sa kanya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria. Ikaapat na Krusada Ang ikaapat na krusada na inulunsad noong 1202 ay nagging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kya sila ay dineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kung saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Contantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng krusada. Iba pang Krusada Nakaroon ng ibang krusada noong 1219, 1228, 1224 ngunit lahat ng mga ito ay nagging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuhan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.
  • 18. 18 Resulta ng Krusada Kung mayroon mang magandang naidulot ang krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristyano ay napayaman din. Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang nagging dahilan sa pagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at mangalakal. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng “retrieval chart” kung saan itatala mo ang mga sumusunod. 3 Importanteng Krusada Pinuno Katangian Bunga
  • 19. 19 Tandaan Mo! Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano para makuha muli ang banal na lupain. Maraming krusada ang nailunsad ngunit lahat ay bigo, ganon pa man may kabuthan ding naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang Kristyanosmo. MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang Kristiyanismo ay nag-ugat sa Hudaismo. Si Jesus ang pinadalang Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya tinanggap ng mga Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli at ang kanyang turo ay pinalaganap ng kanyang mga apostoles, disipulo at tagasunod. Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang pinuno ay ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng Roma ang siyang kinilalang pinuno rin ng Simbahang Katoliko at siya ay tinawag na Papa na ang kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa ay napakamakapangyarihan noong gitnang panahon. Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano para makuha muli ang banal na lupain. Maraming krusada ang nailunsad ngunit lahat ay bigo, ganon pa man may kabuthan ding naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang Kristyanosmo.
  • 20. 20 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang pinakamataas na pangkat bsa lupunan noong panahong midyibal? a. burgis b. maharlika c. clerego d. mangangalakal 2. Sino sa mga sumusunod ang pinuno ng Turkong Muslim nanasagupa ni Haring Richard I ng England? a. Philip b. Mohammad c. Saladin d. Abu Bakr 3. Sentro ng Simbahang Greek Orthodox sa Silangan na bahagi ng Imperyong Romano. a. Jerusalem b. Damascus c. Constantinople d. Antioch 4. Si Charlemagne na nagging Emperador ng Banal na Imperyo Romana ay mula sa: a. Germany b. Italy c. France d. Constantinople 5. Ang Krusada noong panahong midyibal ay: a. Kilusan ng mangangalakal b. Banal na digmaan c. Kampanya sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo d. Torneo na iidinadaos pagpista sa kaharian 6. Ang sagisag ng Krusada ay a. espada b. krus c. medaly d. kabayo
  • 21. 21 7. Alin sa mga sumusunod ang may malaking ginampanang papel sa paglakas ng Simbahang katoliko dahil nahikayat nila ang mga barbaro na maging Kristiyano? a. panginoong Piyudal b. kabalyero c. monghe d. Obispo 8. Sino ang kinikilalang Tagapagligtas o Messiah ng mga Kristiyano? a. St.Peter b. Jesukristo c. St. Paul d. Moses 9. Sino ang itinuturing na “ Ama ng mga Hudyo”? a. Moses b. Jacob c. Abraham d. Jesus 10.Sino sa mga sumusunod ang binigyan ng Sampung Utos ng Diyos? a. Moses b. Jacob c. Abraham d. Jesus
  • 22. 22 GABAY SA PAGWAWASTO: PANIMULANG PAGSUSULIT 1. B 2. C 3. C 4. B 5. B 6. A 7. C 8. B 9. C 10.D PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. B 2. C 3. C 4. C 5. B 6. B 7. C 8. B 9. C 10.A