SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  20
Télécharger pour lire hors ligne
ARALING PANLIPUNAN I
(Effective and Alternative Secondary Education)
MODYUL 10
TUNGO SA PAGTATATAG NG
PAMAHALAANG PILIPINO
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
1
MODYUL 10
TUNGO SA PAGTATATAG NG PAMAHALANG PILIPINO
Tatalakayin sa modyul na ito ang pagtatatag ng iba’t ibang pamahalaan; ang
Pamahalaang Rebolusyunaryo sa Cavite; at ang Unang Republika sa Malolos.
May tatlong aralin sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang Pagtatatag ng Pamahalaang Diktadura
Aralin 2: Pamahalaang Rebolusyunaryo sa Cavite
Aralin 3: Ang Unang Republika sa Malolos
Pagkatapos ng modyul, inaasahang iyong:
1. Mabibigyang puna ang pagtatatag ng Pamahalaang Diktadura at
Pamahalaang Rebolusyunaryo;
2. Mabubuod ang mahahalagang probisyon ng Saligang-Batas ng Malolos;
at
3. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng Unang Republika sa Malolos.
2
PANIMULANG PAGSUSULIT:
A. Direksyon: Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang.
A B.
_____1. Hulyo 12, 1898 a. Gumawa ng watawat
_____2. Apolinario Mabini ng Pilipinas
_____3. Ambrosio Bautista b. Alagad ng Musika sa
_____4. Antonio Luna Panahon ng Rebolusyon
_____5. Emilio Aguinaldo k. Naglapat ng lirika sa
_____6. Felipe Calderon Pambansang Awit ng Pilipinas
_____7. Jose Palma d. Pinakamagaling na
_____8. Juan Pelipe Heneral ng Republika ng
_____9. Julio Nakpil Pilipinas
_____10.Marcela Agoncillo e. Pangulo ng Unang
_____11.Ang sumulat ng saligang- Republika
batas na nagtadhana ng isang f. Sumulat ng “ Batas sa
Republikang Pederal Pagpapahayag ng Kasarinlan”
_____12.Ang nagpayo kay Aguinaldo g. Sumulat ng Pambansang
na itatag ang Pamahalaang Awit.
Diktadura. h. Sumulat ng Saligang
_____13.Noong Hunyo 12, 1898, Batas ng Malolos
ipinahayag ni Heneral Aguinaldo i. Pagpapahayag ng Kasarinlan
ang ________ sa Kawit, Cavite. ng Pilipinas sa Kawit, Cavite
_____ 14. Ang pamangkin ni Dr. Jose j. Utak ng Himagsikan
Rizal na tumulong sa k. Ambrosia Bautista
pagtahi ng ating watawat l. Apolinario Mabini
_____ 15. Ang tinaguriang “Dakilang m. Mariano Ponce
Lumpo” n. Kongreso ng Malolos
_____ 16. Ang unang republika sa o. Kasarinlan ng Pilipinas
Asya p. Pamahalaang Rebolusyunaryo
_____ 17. Ang Kongresong q. Pamahalaang Diktadura
pinasinayaan noong r. Josefina Herbosa
Setyembre 15, 1898 sa s. Unang Republika ng Pilipinas
Malolos, Bulacan t. Republika ng Malolos
_____ 18. Ang Republikang pinasinayaan
sa simbahan ng Barasoain
noong Enero 23, 1899.
_____ 19. Pamahalaang itinatag ni Aguinaldo
pagbalik niya mula Hongkong.
_____ 20.Ang ipinalit sa Pamahalaang
Diktadura.
3
ARALIN 1
ANG PAMAHALAANG DIKTADURA
Pag narinig mo ang salitang diktadura, ano ang sumasagi sa iyong isipan?
Tinatalakay dito ang dahilan ng pagtatag ng Pamahalaang Diktadura ni Aguinaldo.
Bakit kailangang gawin niya ito?
Pagkatapos mong pag-aralan ang mga paksa sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Makapagsusuri ng mga salik o dahilan ng pagkakatatag ng Pamahalaang
Diktadura ni Aguinaldo; at
2. Maipaliliwanag ang kahalagahan at mga simbolo ng kasarinlan para sa mga
Pilipino.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite
Pag-aralan ang larawan. Pagkatapos ay ilarawan ayon sa iyong sariling pang-
unawa ang mahalagang pangyayaring nasa larawan. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
4
Ang Pagtatatag ng Pamahalaang Diktadura
Ang tagumpay ni George Dewey sa labanan sa Manila Bay ang nagbadya ng
wakas ng pananakop Espanya. Kayat nang malaman ito ni Aguinaldo na kasalukuyang
nasa Hongkong, siya’y labis na natuwa. Hihingi siya ng tulong sa Amerika upang
matamo ang kasarinlan!
Dahil sa paniniwalang ang mga Amerikano ang siyang magpapalaya sa Pilipinas,
umuwi agad sa Pilipinas si Aguinaldo. Dumating siya sa Cavite noong Mayo 19, 1898.
Sa Modyul 9, naunawaan natin kung bakit napadpad sa Hongkong si Aguinaldo.
Dahilan sa Kasunduan sa Biak-na-Bato, hindi ba? Nang siya ay nasa Hongkong,
ipinagpatuloy niya ang pagbabalak upang maging malaya ang Pilipinas mula sa Kastila.
Taglay ni Aguinaldo mula Hongkong ang isang saligang-batas na nagtatadhana
ng isang republikang pederal. Ang saligang-batas na ito ay isinulat ni Mariano Ponce.
Ngunit hinikayat siya ni Ambrosio Rianzares Bautista, ang kanyang tagapagpayo, na
hindi pa handa ang bansa para sa isang republika. Ayon kay Bautista, kinakailangang
magkaroon ng diktadura upang lubos na magtagumpay sa labanan.
Dahil dito, itinatag ni Heneral Aguinaldo noong Mayo 24,1898 ang Pamahalaang
Diktadura. Siya mismo ang diktador. Ipinahayag niya na ang kanyang pamahalaang
diktadura ay pansamantala lamang at mananatili hanggang sa maitatag ang republika.
Ang pinakamakabuluhang natamo ng Pamahalaang Diktadura ay ang
pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12,1898.
Dahilan sa walang maaaring sumalungat sa kanyang mga plano, naisulong at namadali
ni Aguinaldo ang pagdedeklara ng kasarinlan. Ito ay sa kadahilanang nais niyang
maging lubusang malaya sa Espanya bago pa dumaong dito ang mga Amerikano.
Ang madulang bahagi ng seremonya ay ang pormal na pagwawagayway ng
watawat ng Pilipinas. Puno ng kaligayahan ang mga tao. Kasabay nito, tinugtog ng
banda ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Taimtim na binasa ni Ambrosio Rianzares
Bautista ang “ Batas sa Pagpapahayag ng Kasarinlan.” Nilagdaan ng 98 katao ang
deklarasyong ito.
5
Ang Watawat at Pambansang Awit
Ang watawat ng Pilipinas na iwinagayway sa seremonya ay ginawa ni Gng.
Marcela de Agoncillo, maybahay ni Don Felipe Agoncillo. Sa Hongkong nayari ang
watawat. Katulong si Gng. Josefina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Dr. Jose
Rizal. Ito’y idinisenyo ni Heneral Aguinaldo mismo.
Yari ito sa seda, may puting tatsulok sa kaliwa na may isang araw sa gitna. May
walong sinag ang araw, may bituin sa bawat sulok ng tatsulok, may pahalang na
bughaw sa itaas at pahalang na pula sa ibaba. Kumakatawan ang puting tatsulok sa
pagkakaisa; ang pahalang na bughaw sa itaas ay para sa kapayapan, katotohanan
at katarungan; at ang pahalang na pula sa ibaba ay para sa pagkamakabayan at
kagitingan.
Ang araw na may walong sinag sa loob ng tatsulok ay kumakatawan sa unang
walong lalawigang nakipaglaban sa Espanya.Kumakatawan ang tatlong bituin sa
Luzon, Visayas,at Mindanao.
Ang watawat na ito ay siya nating watawat hanggang ngayon.
Ang Watawat ng Pilipinas
Ang Pambansang awit ng Pilipinas ay isinulat ni
Julian Felipe, isang Pilipinong guro sa musika.
Tinapos niya ito noong Hunyo 11, 1898. Ang
magandang himig ng awit ang nagpaalab sa
makabayang damdamin ng mga mamamayan.
6
Nanatiling walang lirika ang awit sa loob ng mahigit ng isang taon. Noong Agosto
1899, isinulat ni Jose Palma ang isang tula na pinamagatang “Filipinas” at ito ang
naging lirika ng awit. Nasasaad sa Pambansang Awit na handa ang bawat Pilipino na
mamatay alang-alang sa bayan. Ito pa rin ang ating pambansang Awit hanggang sa
ngayon.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:
1. Habang naghahanda ang mga Amerikano upang sakupin ang Maynila, paano
naihanda ni Aguinaldo ang pagproklama ng kasarinlan ng Pilipinas?
2. Ano ang ipinahahayag ng mga linya ng ating Pambansang Awit? Isulat mo o
kaya’y kumuha ka ng isang sipi ng Pambansang Awit. Idikit sa iyong kwaderno at
sa ibaba nito, ipaliwanang ang bawat linya nito.
B. Pagtapat-tapatin ang tungkol sa pambansang watawat. Guhitan ng linya ang
magkakabagay.
A B
1. puting tatsulok a. Luzon, Visayas, Mindanao
2. bughaw b. walong lalawigan
3. pula c. kagitingan
4. araw d. kapayapaan
5. tatlong bituin e. pagkakaisa
TANDAAN MO!
Ang nais na itatag na pamahalaan ni Emilio Aguinaldo ay ang
Pamahalaang Pederal na naaayon sa Saligang-Batas na isinulat
ni Mariano Ponce. Ngunit sinabi ni Ambrosio Rianzares Bautista
na hindi pa handa ang Pilipinas kayat kailangan ang diktadurang pamahalaan.
Pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite ang makabuluhang
natamo ng Pamahalaang Diktadura.
Unang naideklara sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 ang kasarinlan ng
Pilipinas. Sa isang madamdaming seremonya, iwinagayway ang pambansang
watawat at inawit ang pambansang awit.
7
Gawain 3: Paglalapat
Ngayong tayo ay lubusan nang isang malayang bansa, ano ang mga
natatamasa mong epekto ng pagkakaroon ng kasarinlan? Sumulat ng isang
sanaysay na may pamagat na “Ang Maging Malaya”.
ARALIN 2
ANG PAMAHALAANG REBOLUSYUNARYO
Mula sa isang pamahalaang diktadura, nagtatag ng pamahalaang
rebolusyunaryo si Aguinaldo. Bakit mahalaga ang yugtong ito ng ating kasaysayan?
Sa araling ito, tatalakayin ang mga kontribusyon ng pamahalaang ito tulad ng Kongreso
ng Malolos at ang pagpapatibay ng Konstitusyon bilang patunay ng pagsasarili ng
bansa.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Masusuri ang tunay na layunin ng pagtatatag ng Pamahalaang
Rebolusyunaryo;
2. Mabibigyang puna ang partisipasyon ng mga Pilipinong bumuo ng
pamahalaang ito; at
3. Matatalakay ang mahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos.
8
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Bago ka magsimula ng aralin, subukin mo kung makikilala mo ang ilan sa mga
Pilipinong may mahalagang ginampanan sa ilalim ng Pamahalaang Rebolusyunaryo.
Hanapin at buuin ang mga sagot.
Pagbabago ng Pamahalaang Diktadura
Pagkatapos ng pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas, naging tagapayo ni
Heneral Aguinaldo si Apolinario Mabini, ang Dakilang Lumpo. Dahil sa kanyang
angking talino, tinawag siyang Utak ng Rebolusyon ng Pilipinas. Sa payo ni Mabini,
binago ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktadura at ginawang Pamahalaang
Rebolusyonaryo noong Hunyo 23, 1898.
Ang Pamahalaang Rebolusyunaryo
Ang unang gabinete ng Pamahalaang Rebolusyunaryo ay binubuo ng mga
sumusunod: Baldomero Aguinaldo, Kalihim Panloob; at Mariano Trias, Kalihim ng
Pananalapi. Hinirang na Kalihim ng Katarungan si Gregorio Araneta at si Pardo de
Tavera bilang Direktor ng Diplomasya.
Itinadhana ni Aguinaldo ang halalan para sa kinatawan sa Kapulungang
Republikano na bubuuin ng kapulungang maghahanda ng Saligang-Batas ng bansa.
Ang kapulungang iyon ay ang Kongreso ng Malolos.
T A V E R A A D
T
M
A
R I A S L K E
A B N I O L
T B C F I O R
I
M
L
U
N
N DS P E C P
E
T
A
G
F
V
A R D A I
J
Q
H G M L
R X P A
9
Ang Kongreso ng Malolos
Noong umaga ng Setyembre 15, 1898, pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos
sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan sa makulay na pagdiriwang. Nang
sumunod na araw, inihalal ang mga pinuno ng Kongreso. Sila ay sina: Pedro Paterno
Pangulo; Benito Legarda, Pangalawang Pangulo; at Gregorio Araneta at Pablo
Ocampo, mga Kalihim.
Mahalaga ang Kongreso ng Malolos. Kabilang sa mga naisagawa ng Kongreso
ang mga sumusunod:
1. Ratipikasyon ng kasarinlan ng Pilipinas noong Setyembre 29, 1898.
2. Pagpapatibay ng Saligang-Batas ng Malolos.
Binuo ng 19 na mga kagawad ang tatlong sipi ng Saligang-Batas na isinumite
upang pag-aralan. Ang mga ito ay ang Plano ni Mabini, Plano ni Paterno, at
Plano ni Calderon. Pagkatapos ng isang masusing pag-aaral, napili ng komite
ang Plano ni Calderon.
3. Noong Nobyembre 29, 1898, pinagtibay ng mga kagawad ng kongreso
ang konstitusyon. Sa wakas, noong Enero 21, 1899 ipinahayag ni
Pangulong Aguinaldo ang Konstitusyon ng Malolos bilang Saligang-Batas
ng kapuluan.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Ipaliwanag ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na
katanungan:
1. Bakit binago ni Aguinaldo ang Pamahalaan mula sa diktadura tungo sa
Rebolusyonaryong Pamahalaan?
2. Ano ang kahalagahan ng Kongreso ng Malolos?
3. Bakit sinasabing pinaka-unang mahalagang dokumento ng mga Pilipino ang
Saligang-Batas ng Malolos?
10
Tandaan Mo!
Dahil sa angking talino, tinawag si Mabini na Utak ng
Himagsikan.
Noong Nobyembre 29, 1898, pinagtibay ng mga kagawad ng
kongreso ang Konstitusyon ng Malolos.
Noong Enero 21, 1899 idineklara ni Pangulong Aguinaldo ang Konstitusyon ng
Malolos bilang Saligang-Batas ng kapuluan.
Ang mahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos ay ang pagpapatibay ng
Saligang-Batas ng Malolos.
Ang Saligang-Batas ng Malolos ang siyang nagdisenyo ng demokrasyang
pamahalaan ng Pilipinas.
Gawain 3: Paglalapat
Nakakita ka na ba ng Saligang-Batas? Bakit mahalaga ito sa isang
bansa?
Bilang miyembro ng isang asosasyon, paano mo sinusunod ang isang Saligang-
Batas? Mag-interbyu sa iyong lugar ng isang asosasyon o kooperatiba sa iyong
barangay. Ipaliwanag kung ano ang papel ng isang Saligang-Batas sa isang
asosasyon o kooperatiba.
11
ARALIN 3
PAGSILANG NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS
Palagay ko ay unti-unti mo nang naliliwanagan ang pinagdadaanang pagbabago
ng pamamahala ng Pilipinas. Ngayon naman, matatalakay sa araling ito ang pagsilang
ng unang Republika ng PIlipinas na tinaguriang Unang Republika sa Asya. Halika na’t
talakayin natin ang mga mahalagang kontribusyon sa ilalim ng Republikang ito.
Pagkatapos ng pag-aaral, inaasahang iyong:
1. Matatalakay ang kahalagahan ng pagtatatag ng unang Republika ng Pilipinas;
2. Masusuri ang mga kontribusyon sa ilalim ng Unang Republika;
3. Mailalarawan kung paano lumaban ang mga Pilipino laban sa mga Amerikano
upang mapanatili ang kasarinlan ng republika ng Pilipinas; at
4. Maipaliliwanag kung paano at sa anong dahilan bumagsak ang isinilang na
Unang Republika ng Pilipinas.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ang mga sumusunod ay may papel na ginampanan sa pagtatatag ng
Unang Republika. Isulat ang mga nawawalang titik sa bawat bilang upang mabuo ang
kanilang mga pangalan. Matutulungan ka ng pahiwatig sa kanang hanay.
1. F___________ Makabayang guro ng musika.
2. G___________ Biyuda ni Andres Bonifacio
3. L___________ Matapang na Heneral
4. M___________ Dakilang Lumpo
5. N___________ Napangasawa niya si Gregoria De Jesus
6. P___________ Naglapat ng lirika ng Pambansang Awit ng Pilipinas
12
Ang Republika ng Malolos
Noong Enero 23, 1899, sa pamamagitan ng makulay na pagdiriwang ay
pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain ang bantog na Republika ng Malolos. Ito ay
kinilala ring Unang Republika sa Asya.
Ang Unang Republika ng Pilipinas, kahit na hindi kinilala ng Amerika at iba pang
banyagang bansa, ay isang tunay na Republika ng Pamahalaang Pilipino, at para sa
mga Pilipino. Ito’y ipinagmamalaki ng karaniwang Pilipino. Ang kapangyarihan nito ay
kinilala hindi lamang sa Luzon, kundi sa Visayas, Mindanao at Palawan.
Pahayagan ng Rebolusyon
Upang maiparating ang adhikain ng mga Pilipino sa Republika, ang pamahalaan
ay nagtatag ng pahayagan. Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas
ay ang El Heraldo de la Revolucion (Pahayagan ng Rebolusyon).
Maraming mga pribadong pahayagan ang lumabas noong panahon ng Republika.
Ang La Independensia (Kalayaan), ay pinamatnugutan ni Heneral Antonio Luna. Ang La
Republica Filipina (Republika ng Pilipinas), ay pinamatnugutan ni Dr. Pedro A. Paterno.
Ang pinakabantog sa mga panlalawigang pahayagan ay ang El Nuevo Dia (Ang
Bagong Araw), na pinamatnugutan ni Sergio Osmeña.
Mga Manunulat ng Unang Republika
Ginamit ng mga manunulat na Pilipino ang kanilang panulat upang pukawin ang
damdaming makabayan ng mga tao. Ang tatlong pangunahing manunulat ng tula ay
sina Jose Palma (1876-1903), Fernando Ma. Guerrero (1873-1929) at Cecilio Apostol
(1877-1938). Ang bantog na tulang Filipinas ay isinulat ni Jose Palma. Ang tanyag na
tula ni Guerrero ay ang Mi Patria (Ang Aking Bansa). Ang A Rizal (Para kay Rizal), ang
bantog na tula ni Apostol. Si Apolinario Mabini naman ang pinakadakilang manunulat na
pulitikal nang panahon iyon. Kabilang sa kanyang mga sinulat ay:
13
1. Constitutional Programme of the Philippine Republic
2. The True Decalogue
3. The Philippine Revolution
Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ang pinakadakilang pamana na isinulat ni
Julian Felipe. Sumulat din siya ng komposisyong musikal, gaya ng Un Recuerdo, awit
handog sa Labintatalong Martir ng Cavite, Responso, isang parangal kay Heneral Luna.
Si Julio Nakpil ay sumulat ng isang awiting pinamagatang Marangal na Dalitang
Katagalugan at pahimakas.
Ang Edukasyon sa Unang Republika
Isang sistema nang walang bayad at sapilitang edukasyong elementarya ang
itinadhana ng Konstitusyon ng Malolos. Itinatag sa Malolos ang isang kolehiyo, Military
Academy para sa mga Hukbo, at ang pinakamataas na institusyon ng pag-aaral, ang
Literary University of the Philippines. Si Dr. Joaquin Gonzales ang unang rektor. Si Dr.
Leon Ma. Guerrero ang ikalawa at huling rektor.
Ang Pagbagsak ng Unang Republika
Mahusay na sana ang pagpapatakbo ng Unang Republika. Subalit di ito
nagtagal. Sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano. Muling
nakipaglaban ang magigiting na pinuno ng Republika. Subalit malakas ang puwersa ng
mga Amerikano. Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Abril 1901. Bunga
nito, bumagsak ang Unang Republika.
14
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A. Narito ang talaan ng mga manunulat at ang kanilang mga isinulat
noong panahon ng Unang Republika. Iugnay ng guhit ang mga pamagat sa hanay A sa
mga sumulat sa hanay B.
Hanay A Hanay B
1. Filipinas a. Apostol
2. Mi Patria b. Jose Palma
3. Rizal c. Guerrero
4. True Decalogue d. Nakpil
5. Pahimakas e. Mabini
6. Un Recuerdo f. Julian Felipe
B. Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na tanong:
1. Pinasinayaan sa Simbahang Barasoain noong Enero 23, 1899 ang ___________.
2. Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas ay ang __________.
3. Ang Pahayagang ______________ ay pinamatnugutan ni Heneral Antonio Luna.
4. Ang pinakabantog sa mga panlalawigang pahayagan ay ang ________________.
5. Si ________________ ang dakilang manunulat ng pulitikal ng panahon ng Unang
Republika.
6. Isang awit na handog sa Labintatlong Martir ng Cavite: _____________________
C. Ipaliwanag sa iyong kwaderno ang mga sumusunod na tanong:
1. Alamin at ipaliwanag ang mga pamantayan tungo sa pagtatatag ng Unang
Republika ng Pilipinas.
2. Papaano naibahagi ng Republika ang rebolusyonaryong adhikain sa mga
mamamayang Pilipino?
15
Tandaan Mo!
Ang bantog na Republika ng Malolos ay itinuring na kauna-unahang
Republika sa Asya.
Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas upang
maipahayag ang damdaming makabayan ng mga Pilipino ay ang El Heraldo
de la Revolucion.
Si Dr. Leon Ma. Guerrero ang ikalawa at huling rector ng pinakamataas na
institusyong Literary University of the Philippines.
Ang pagkadakip o pagkahuli ng mga Amerikano kay Pangulong Aguinaldo sa
Palanan, Isabela ang dahilan ng pagbagsak ng Unang Republika ng Pilipinas.
Gawain 3: Paglalapat
Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Unang Republika, ano ang
gagawin mo upang ipagtanggol ang iyong pamahalaan? Magbigay ng
tatlong bagay na iyong gagawin.
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ang rebolusyong Pilipino ay nagsimula sa mapayapang paglaban hanggang sa
radikal na paglaban. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng pamahalaan mula sa Biak-na-
Bato hanggang sa pagsilang ng Unang Republika.
Nang mapaalis ang mga Kastila, pumalit naman ang mga Amerikano.
Nakipaglaban ang mga Pilipino ngunit hindi rin sila nagtagumpay sa maraming
kadahilanan. Muli, nahadlangan ang pagsisikap at pagnanais ng mga Pilipino na
makamit ang kalayaan.
16
PANGHULING PAGSUSULIT:
Panuto: Upang matiyak ang mga natutuhan mo sa araling ito sagutan mo
ang mga sumusunod na gawain. Bilugan ang tamang sagot.
1. Ito ay naglalarawan ng katipunan ng mga karapatan ng tao ay
A. Biak-na-Bato C. Kongreso
B. Saligang-Batas D. Hukuman
2. Ang pagtatatag ng Diktadura ay nagbigay-daan upang:
A. madeklara ang kasarinlan sa Kawit
B. Wwalang tumuligsa kay Aguinaldo
C. tumapang ang mga Pilipino
D. mabawi si Aguinaldo
3. Alin ang tama? Ang Pamahalaang Rebolusyunaryo ay
A. itinatag sa Kawit.
B. itinatag sa malolos.
C. itinatag sa Hongkong.
D. itinatag sa Maynila.
4. Ang unang pagdiriwang ng kasarinlan:
A. Hulyo 4, 1946 C. Hunyo 12, 1898
B. Hulyo 12, 1899 D. Disyembre 30, 1896
5. Si Aguinaldo ay nagpatapon sa
A. Bulacan C. Hongkong
B. Mindanao D. Mindoro
6. Ang ___ ang siyang nagdisenyo ng pamahalaang demokrasya sa Pilipinas
A. Kasunduan sa Biak-na-Bato
B. Saligang-Batas ng Malolos
C. Pamahalaang Diktadura
D. mga Amerikano
7. Isang pambansang selebrasyon ang araw at buwan ng Hunyo 12 dahil sa
A. bumalik si Aguinaldo mula Hongkong.
B. pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas.
C. pamahalaang Diktadura.
D. pamahalaang Sibil.
17
8. Ang Kawit, Cavite ay isang makasaysayang lugar dahil sa
A. Himagsikan.
B. Pamahalaang Diktadura.
C. Rebolusyong Pamahalaan.
D. dito ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas.
9. Alin ang tama? Ang tatlong bituin sa pambansang watawat ay kumakatawan sa
A. Luzon, Visayas at Mindoro
B. Cebu, Mindoro at Panay
C. Luzon, Visayas at Mindanao
D. Cebu, Palawan at Panay
10.Ang maybahay ni Don Felipie Agoncillo na gumawa ng watawat ng Pilipinas
A. Josefina Agoncillo
B. Marcela de Agoncillo
C. Josefina Herbosa
D. Marcela de Natividad
11.Ang guro sa musika na sumulat ng pambansang awit ng Pilipinas
A. Jose Palma
B. Julian Felipe
C. Pardo de Tavera
D. Pedro Paterno
12.Si Apolinario Mabini ay tinawag “utak ng Rebolusyon” dahil sa
A. siya’y dakilang lumpo
B. tagapayo siya ni Aguinaldo
C. kanyang talino
D. mahusay na rebolusyonaryo
13.Ang lirika na inilapat ni Jose Palma sa Pambansang Awit ng Pilipinas ay mula sa
tulang pinamagatang
A. Bayan Ko.
B. Sa Mahal Kong Bayan.
C. Filipinas.
D. Bayan Kong Mahal.
18
14.Makasaysayan ang pagkatatatag ng Unang Republika ng Pilipinas dahil sa ito’y
unang Republika
A. sa buong mundo
B. laban sa mga Amerikano
C. sa Asya
D. na nakalaya sa Espanya.
15.Ang pinakamahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos ay ang
A. pagbubuo ng kasunduan sa mga Amerikano.
B. pagpapatibay ng Saligang-Batas ng Malolos.
C. paghahalal ngmga pinuno.
D. pagbubuo ng sanggunian.
16.Sa talumpati ni Aguinaldo, sinabi niya na “ Dakila ang Araw na ito” dahil
A. panibagong himagsikan ito laban sa Amerikano.
B. pinasinayaan ang Simbahang Barasoai.
C. isinilang ang Unang Republika ng Pilipinas.
D. malaya na ang mga Pilipino.
17.Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas ay ang
A. La Independencia
B. Kalayaan
C. El Heraldo de la Revolucion
D. Republika
18.Ang pinakabantog na panlalawigang pahayagan na pinamamatnugatan ni
Sergio Osmeña
A. Filipinas
B. El Nuevo Dia
C. Mi Patria
D. Un Recuerdo
19.Si Julio Nakpil ang sumulat ng Awit ng Katipunan na pinamagatang
A. Himagsikan
B. Kundiman
C. Marangal na Dalitang Katagalugan
D. Pahimakas
20. Bumagsak ang Unang Republika ng Pilipinas dahil sa
A. malakas ang mga Amerikano.
B. namatay si Heneral Antonio Luna.
C. nadakip at sumuko si Aguinaldo sa mga Amerikano.
D. nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
19
GABAY SA PAGWAWASTO
Panimulang Pagsusulit
A.
1. I
2. J
3. F
4. D
5. E
6. H
7. K
8. G
9. B
10.A
11.M
12.K
13.O
14.R
15.L
16.S
17.N
18.T
19.Q
20.P
PANGHULING PAGSUSULIT
1. B
2. A
3. B
4. B
5. C
6. B
7. B
8. D
9. C
10.B
11.B
12.C
13.C
14.C
15.B
16.C
17.C
18.B
19.C
20.C

Contenu connexe

Tendances

Ang Tejeros Convention.pptx
Ang Tejeros Convention.pptxAng Tejeros Convention.pptx
Ang Tejeros Convention.pptxMaricelPeros3
 
Reaksyon at Epekto ng Philippine Rehabilitation Act.pptx
Reaksyon at Epekto ng Philippine Rehabilitation Act.pptxReaksyon at Epekto ng Philippine Rehabilitation Act.pptx
Reaksyon at Epekto ng Philippine Rehabilitation Act.pptxjeneferagustinamagor2
 
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanya
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanyaQ2 lesson 12 kalayaan mula sa espanya
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanyaRivera Arnel
 
Grade 5 pamahalaan kolonyal ng mga espanyol sa pilipinas
Grade 5   pamahalaan kolonyal ng mga espanyol sa pilipinasGrade 5   pamahalaan kolonyal ng mga espanyol sa pilipinas
Grade 5 pamahalaan kolonyal ng mga espanyol sa pilipinasHularjervis
 
Emilio aguinaldo
Emilio aguinaldoEmilio aguinaldo
Emilio aguinaldoTon Denila
 
Q2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propagandaQ2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propagandaRivera Arnel
 
kilusang propaganda
kilusang propagandakilusang propaganda
kilusang propagandaLeth Marco
 
Mga Sagisag ng Bansa para sa Pagkakakilanlang pilipino
Mga Sagisag ng Bansa para sa Pagkakakilanlang pilipinoMga Sagisag ng Bansa para sa Pagkakakilanlang pilipino
Mga Sagisag ng Bansa para sa Pagkakakilanlang pilipinoiamnotangelica
 
Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasevesoriano
 
Q2 lesson 14 pananakop ng mga amerikano
Q2 lesson 14 pananakop ng mga amerikanoQ2 lesson 14 pananakop ng mga amerikano
Q2 lesson 14 pananakop ng mga amerikanoRivera Arnel
 
Paghihiwalay ng kapangyarihan at check and balance sa mga sangay ng pamahalaan
Paghihiwalay ng kapangyarihan  at check and balance  sa mga sangay ng pamahalaanPaghihiwalay ng kapangyarihan  at check and balance  sa mga sangay ng pamahalaan
Paghihiwalay ng kapangyarihan at check and balance sa mga sangay ng pamahalaanEDITHA HONRADEZ
 
Mga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng PilipinasMga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng PilipinasPrincess Sarah
 
Panunungkulan ni Magsaysay
Panunungkulan ni MagsaysayPanunungkulan ni Magsaysay
Panunungkulan ni Magsaysayjetsetter22
 
Pananakop ng mga Hapon
Pananakop ng mga HaponPananakop ng mga Hapon
Pananakop ng mga HaponMark Atanacio
 
Pamamahala ng hapones sa pilipinas
Pamamahala ng hapones sa pilipinasPamamahala ng hapones sa pilipinas
Pamamahala ng hapones sa pilipinasGeraldine Mojares
 
DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO
DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANODIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO
DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANOJohn Ray Salde
 
Hunyo 12.lecture on kalayaan
Hunyo 12.lecture on kalayaanHunyo 12.lecture on kalayaan
Hunyo 12.lecture on kalayaanSherwin Dulay
 

Tendances (20)

Ang Tejeros Convention.pptx
Ang Tejeros Convention.pptxAng Tejeros Convention.pptx
Ang Tejeros Convention.pptx
 
Reaksyon at Epekto ng Philippine Rehabilitation Act.pptx
Reaksyon at Epekto ng Philippine Rehabilitation Act.pptxReaksyon at Epekto ng Philippine Rehabilitation Act.pptx
Reaksyon at Epekto ng Philippine Rehabilitation Act.pptx
 
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanya
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanyaQ2 lesson 12 kalayaan mula sa espanya
Q2 lesson 12 kalayaan mula sa espanya
 
Grade 5 pamahalaan kolonyal ng mga espanyol sa pilipinas
Grade 5   pamahalaan kolonyal ng mga espanyol sa pilipinasGrade 5   pamahalaan kolonyal ng mga espanyol sa pilipinas
Grade 5 pamahalaan kolonyal ng mga espanyol sa pilipinas
 
Emilio aguinaldo
Emilio aguinaldoEmilio aguinaldo
Emilio aguinaldo
 
Q2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propagandaQ2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propaganda
 
Ikatlong republika
Ikatlong republikaIkatlong republika
Ikatlong republika
 
kilusang propaganda
kilusang propagandakilusang propaganda
kilusang propaganda
 
Mga Sagisag ng Bansa para sa Pagkakakilanlang pilipino
Mga Sagisag ng Bansa para sa Pagkakakilanlang pilipinoMga Sagisag ng Bansa para sa Pagkakakilanlang pilipino
Mga Sagisag ng Bansa para sa Pagkakakilanlang pilipino
 
Mga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinasMga pangulo ng pilipinas
Mga pangulo ng pilipinas
 
Q2 lesson 14 pananakop ng mga amerikano
Q2 lesson 14 pananakop ng mga amerikanoQ2 lesson 14 pananakop ng mga amerikano
Q2 lesson 14 pananakop ng mga amerikano
 
A.P 5 himagsikan
A.P 5 himagsikanA.P 5 himagsikan
A.P 5 himagsikan
 
Paghihiwalay ng kapangyarihan at check and balance sa mga sangay ng pamahalaan
Paghihiwalay ng kapangyarihan  at check and balance  sa mga sangay ng pamahalaanPaghihiwalay ng kapangyarihan  at check and balance  sa mga sangay ng pamahalaan
Paghihiwalay ng kapangyarihan at check and balance sa mga sangay ng pamahalaan
 
Mga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng PilipinasMga Pangulo ng Pilipinas
Mga Pangulo ng Pilipinas
 
Panunungkulan ni Magsaysay
Panunungkulan ni MagsaysayPanunungkulan ni Magsaysay
Panunungkulan ni Magsaysay
 
Pananakop ng mga Hapon
Pananakop ng mga HaponPananakop ng mga Hapon
Pananakop ng mga Hapon
 
Pamamahala ng hapones sa pilipinas
Pamamahala ng hapones sa pilipinasPamamahala ng hapones sa pilipinas
Pamamahala ng hapones sa pilipinas
 
AP - WEEK 6.pptx
AP - WEEK 6.pptxAP - WEEK 6.pptx
AP - WEEK 6.pptx
 
DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO
DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANODIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO
DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO
 
Hunyo 12.lecture on kalayaan
Hunyo 12.lecture on kalayaanHunyo 12.lecture on kalayaan
Hunyo 12.lecture on kalayaan
 

En vedette

Republika ng Malolos
Republika ng MalolosRepublika ng Malolos
Republika ng Malolosvardeleon
 
Ang watawat ng pilipinas
Ang watawat ng pilipinasAng watawat ng pilipinas
Ang watawat ng pilipinasNelson Gonzales
 
Lupang Hinirang Mart2
Lupang  Hinirang Mart2Lupang  Hinirang Mart2
Lupang Hinirang Mart2Jhen Agawan
 
Q3, m1 kilusan para sa kasarinlan
Q3, m1   kilusan para sa kasarinlanQ3, m1   kilusan para sa kasarinlan
Q3, m1 kilusan para sa kasarinlanJared Ram Juezan
 
Kasarinlan 1898
Kasarinlan 1898Kasarinlan 1898
Kasarinlan 1898vardeleon
 
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipinoAralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipinoChris Berandoy
 
Vince Imperio-Gregorio del Pilar
Vince Imperio-Gregorio del PilarVince Imperio-Gregorio del Pilar
Vince Imperio-Gregorio del PilarVinceImperio
 
Ang Panahon ng mga Amerikano
Ang Panahon ng mga Amerikano Ang Panahon ng mga Amerikano
Ang Panahon ng mga Amerikano Mavict De Leon
 
Himagsikan 1896
Himagsikan 1896Himagsikan 1896
Himagsikan 1896vardeleon
 
Emilio Aguinaldo -- Dictatorial and Revolutionary Governments
Emilio Aguinaldo -- Dictatorial and Revolutionary GovernmentsEmilio Aguinaldo -- Dictatorial and Revolutionary Governments
Emilio Aguinaldo -- Dictatorial and Revolutionary GovernmentsKaryll Mitra
 
Digmaang estados unidos espanya
Digmaang estados unidos espanyaDigmaang estados unidos espanya
Digmaang estados unidos espanyasiredching
 
Yunit II Aralin 17 Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa
Yunit II Aralin 17Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng BansaYunit II Aralin 17Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa
Yunit II Aralin 17 Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng BansaEDITHA HONRADEZ
 
Region i ilocos r egion ppt
Region i ilocos r egion pptRegion i ilocos r egion ppt
Region i ilocos r egion pptElmer Llames
 
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaanModyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan南 睿
 
Araling Panlipunan Course Outline
Araling Panlipunan Course Outline Araling Panlipunan Course Outline
Araling Panlipunan Course Outline Mavict De Leon
 
Talaan ng mga pangulo ng pilipinas
Talaan ng mga pangulo ng pilipinasTalaan ng mga pangulo ng pilipinas
Talaan ng mga pangulo ng pilipinasdjhoan
 
Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanRodel Moreno
 
YUNIT II ARALIN 17 PAMBANSANG AWIT AT WATAWAT NG PILIPINAS BILANG MGA SAGISAG...
YUNIT II ARALIN 17 PAMBANSANG AWIT AT WATAWAT NG PILIPINAS BILANG MGA SAGISAG...YUNIT II ARALIN 17 PAMBANSANG AWIT AT WATAWAT NG PILIPINAS BILANG MGA SAGISAG...
YUNIT II ARALIN 17 PAMBANSANG AWIT AT WATAWAT NG PILIPINAS BILANG MGA SAGISAG...EDITHA HONRADEZ
 
Mga rebolusyong pampulitika at panlipunan
Mga rebolusyong pampulitika at panlipunanMga rebolusyong pampulitika at panlipunan
Mga rebolusyong pampulitika at panlipunanCamille Sarmiento
 

En vedette (20)

Republika ng Malolos
Republika ng MalolosRepublika ng Malolos
Republika ng Malolos
 
Ang watawat ng pilipinas
Ang watawat ng pilipinasAng watawat ng pilipinas
Ang watawat ng pilipinas
 
Lupang Hinirang Mart2
Lupang  Hinirang Mart2Lupang  Hinirang Mart2
Lupang Hinirang Mart2
 
Q3, m1 kilusan para sa kasarinlan
Q3, m1   kilusan para sa kasarinlanQ3, m1   kilusan para sa kasarinlan
Q3, m1 kilusan para sa kasarinlan
 
Kasarinlan 1898
Kasarinlan 1898Kasarinlan 1898
Kasarinlan 1898
 
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipinoAralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
 
Vince Imperio-Gregorio del Pilar
Vince Imperio-Gregorio del PilarVince Imperio-Gregorio del Pilar
Vince Imperio-Gregorio del Pilar
 
Emilio aguinaldo y famy
Emilio aguinaldo y famyEmilio aguinaldo y famy
Emilio aguinaldo y famy
 
Ang Panahon ng mga Amerikano
Ang Panahon ng mga Amerikano Ang Panahon ng mga Amerikano
Ang Panahon ng mga Amerikano
 
Himagsikan 1896
Himagsikan 1896Himagsikan 1896
Himagsikan 1896
 
Emilio Aguinaldo -- Dictatorial and Revolutionary Governments
Emilio Aguinaldo -- Dictatorial and Revolutionary GovernmentsEmilio Aguinaldo -- Dictatorial and Revolutionary Governments
Emilio Aguinaldo -- Dictatorial and Revolutionary Governments
 
Digmaang estados unidos espanya
Digmaang estados unidos espanyaDigmaang estados unidos espanya
Digmaang estados unidos espanya
 
Yunit II Aralin 17 Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa
Yunit II Aralin 17Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng BansaYunit II Aralin 17Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa
Yunit II Aralin 17 Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa
 
Region i ilocos r egion ppt
Region i ilocos r egion pptRegion i ilocos r egion ppt
Region i ilocos r egion ppt
 
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaanModyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
Modyul 9 ang rebolusyong pilipino tungo sa kalayaan
 
Araling Panlipunan Course Outline
Araling Panlipunan Course Outline Araling Panlipunan Course Outline
Araling Panlipunan Course Outline
 
Talaan ng mga pangulo ng pilipinas
Talaan ng mga pangulo ng pilipinasTalaan ng mga pangulo ng pilipinas
Talaan ng mga pangulo ng pilipinas
 
Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuan
 
YUNIT II ARALIN 17 PAMBANSANG AWIT AT WATAWAT NG PILIPINAS BILANG MGA SAGISAG...
YUNIT II ARALIN 17 PAMBANSANG AWIT AT WATAWAT NG PILIPINAS BILANG MGA SAGISAG...YUNIT II ARALIN 17 PAMBANSANG AWIT AT WATAWAT NG PILIPINAS BILANG MGA SAGISAG...
YUNIT II ARALIN 17 PAMBANSANG AWIT AT WATAWAT NG PILIPINAS BILANG MGA SAGISAG...
 
Mga rebolusyong pampulitika at panlipunan
Mga rebolusyong pampulitika at panlipunanMga rebolusyong pampulitika at panlipunan
Mga rebolusyong pampulitika at panlipunan
 

Similaire à Modyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipino

DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q1_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q1_W5.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q1_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q1_W5.docxalvinbay2
 
Modyul 4 (muntinlupa)grade 7 learning modules quarter 2
Modyul 4 (muntinlupa)grade 7 learning modules   quarter 2Modyul 4 (muntinlupa)grade 7 learning modules   quarter 2
Modyul 4 (muntinlupa)grade 7 learning modules quarter 2ApHUB2013
 
ARALING PANLIPUNAN 2 activity.docx
ARALING PANLIPUNAN 2 activity.docxARALING PANLIPUNAN 2 activity.docx
ARALING PANLIPUNAN 2 activity.docxJohnCyrelMondejar1
 
Q2 m4l1,2,3 katipunan-kalayaan at malolos
Q2 m4l1,2,3  katipunan-kalayaan at malolosQ2 m4l1,2,3  katipunan-kalayaan at malolos
Q2 m4l1,2,3 katipunan-kalayaan at malolosElsa Orani
 
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptxAraling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptxdioneloevangelista1
 
ap 4th quarter week1.pptx
ap 4th quarter week1.pptxap 4th quarter week1.pptx
ap 4th quarter week1.pptxssuser26b83d1
 
Ap 1 third grading(1st yr)
Ap 1 third grading(1st yr)Ap 1 third grading(1st yr)
Ap 1 third grading(1st yr)Jerome Alvarez
 
Unit Plan - Grade Five
Unit Plan - Grade FiveUnit Plan - Grade Five
Unit Plan - Grade FiveMavict De Leon
 
Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five Mavict De Leon
 
Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five Mavict De Leon
 
Pakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanPakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanAlice Bernardo
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxAprilLumagbas
 
4. TUNGO SA PAGTATATAG NG REPUBLIKA.ppt
4. TUNGO SA PAGTATATAG NG REPUBLIKA.ppt4. TUNGO SA PAGTATATAG NG REPUBLIKA.ppt
4. TUNGO SA PAGTATATAG NG REPUBLIKA.pptSkywalkerPadawan
 
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptx
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptxpanahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptx
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptxAngelicaAdviento3
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasJuan Miguel Palero
 
Araling Panlipunan-Course Outline for Grade Five
Araling Panlipunan-Course Outline for Grade Five Araling Panlipunan-Course Outline for Grade Five
Araling Panlipunan-Course Outline for Grade Five Mavict De Leon
 
ARALING-PANLIPUNAN.pptx
ARALING-PANLIPUNAN.pptxARALING-PANLIPUNAN.pptx
ARALING-PANLIPUNAN.pptxGEMMASAMONTE5
 
AP6 Aralin 4.pptx
AP6 Aralin 4.pptxAP6 Aralin 4.pptx
AP6 Aralin 4.pptxWIKA
 

Similaire à Modyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipino (20)

DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q1_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q1_W5.docxDLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q1_W5.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q1_W5.docx
 
Modyul 4 (muntinlupa)grade 7 learning modules quarter 2
Modyul 4 (muntinlupa)grade 7 learning modules   quarter 2Modyul 4 (muntinlupa)grade 7 learning modules   quarter 2
Modyul 4 (muntinlupa)grade 7 learning modules quarter 2
 
ARALING PANLIPUNAN 2 activity.docx
ARALING PANLIPUNAN 2 activity.docxARALING PANLIPUNAN 2 activity.docx
ARALING PANLIPUNAN 2 activity.docx
 
Q2 m4l1,2,3 katipunan-kalayaan at malolos
Q2 m4l1,2,3  katipunan-kalayaan at malolosQ2 m4l1,2,3  katipunan-kalayaan at malolos
Q2 m4l1,2,3 katipunan-kalayaan at malolos
 
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptxAraling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
Araling Panlipunan 6 Quarter v1, q1w3 melc.pptx
 
ap 4th quarter week1.pptx
ap 4th quarter week1.pptxap 4th quarter week1.pptx
ap 4th quarter week1.pptx
 
AP6_Q2_WEEK1.pptx
AP6_Q2_WEEK1.pptxAP6_Q2_WEEK1.pptx
AP6_Q2_WEEK1.pptx
 
Ap 1 third grading(1st yr)
Ap 1 third grading(1st yr)Ap 1 third grading(1st yr)
Ap 1 third grading(1st yr)
 
Unit Plan - Grade Five
Unit Plan - Grade FiveUnit Plan - Grade Five
Unit Plan - Grade Five
 
Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five
 
Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five
 
kasaysayan ng pilipinas
kasaysayan ng pilipinaskasaysayan ng pilipinas
kasaysayan ng pilipinas
 
Pakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanPakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaan
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
 
4. TUNGO SA PAGTATATAG NG REPUBLIKA.ppt
4. TUNGO SA PAGTATATAG NG REPUBLIKA.ppt4. TUNGO SA PAGTATATAG NG REPUBLIKA.ppt
4. TUNGO SA PAGTATATAG NG REPUBLIKA.ppt
 
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptx
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptxpanahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptx
panahonngikatlongrepublikangpilipinas-190226145024.pptx
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
 
Araling Panlipunan-Course Outline for Grade Five
Araling Panlipunan-Course Outline for Grade Five Araling Panlipunan-Course Outline for Grade Five
Araling Panlipunan-Course Outline for Grade Five
 
ARALING-PANLIPUNAN.pptx
ARALING-PANLIPUNAN.pptxARALING-PANLIPUNAN.pptx
ARALING-PANLIPUNAN.pptx
 
AP6 Aralin 4.pptx
AP6 Aralin 4.pptxAP6 Aralin 4.pptx
AP6 Aralin 4.pptx
 

Plus de 南 睿

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)南 睿
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)南 睿
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)南 睿
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012南 睿
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual南 睿
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)南 睿
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)南 睿
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc南 睿
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter南 睿
 

Plus de 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 

Dernier

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-diannesofocado8
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptxHannaLingatong
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1MaeganVeeu
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 

Dernier (20)

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 

Modyul 10 tungo sa pagtatatag ng pamahalang pilipino

  • 1. ARALING PANLIPUNAN I (Effective and Alternative Secondary Education) MODYUL 10 TUNGO SA PAGTATATAG NG PAMAHALAANG PILIPINO BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. 1 MODYUL 10 TUNGO SA PAGTATATAG NG PAMAHALANG PILIPINO Tatalakayin sa modyul na ito ang pagtatatag ng iba’t ibang pamahalaan; ang Pamahalaang Rebolusyunaryo sa Cavite; at ang Unang Republika sa Malolos. May tatlong aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Pagtatatag ng Pamahalaang Diktadura Aralin 2: Pamahalaang Rebolusyunaryo sa Cavite Aralin 3: Ang Unang Republika sa Malolos Pagkatapos ng modyul, inaasahang iyong: 1. Mabibigyang puna ang pagtatatag ng Pamahalaang Diktadura at Pamahalaang Rebolusyunaryo; 2. Mabubuod ang mahahalagang probisyon ng Saligang-Batas ng Malolos; at 3. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng Unang Republika sa Malolos.
  • 3. 2 PANIMULANG PAGSUSULIT: A. Direksyon: Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang. A B. _____1. Hulyo 12, 1898 a. Gumawa ng watawat _____2. Apolinario Mabini ng Pilipinas _____3. Ambrosio Bautista b. Alagad ng Musika sa _____4. Antonio Luna Panahon ng Rebolusyon _____5. Emilio Aguinaldo k. Naglapat ng lirika sa _____6. Felipe Calderon Pambansang Awit ng Pilipinas _____7. Jose Palma d. Pinakamagaling na _____8. Juan Pelipe Heneral ng Republika ng _____9. Julio Nakpil Pilipinas _____10.Marcela Agoncillo e. Pangulo ng Unang _____11.Ang sumulat ng saligang- Republika batas na nagtadhana ng isang f. Sumulat ng “ Batas sa Republikang Pederal Pagpapahayag ng Kasarinlan” _____12.Ang nagpayo kay Aguinaldo g. Sumulat ng Pambansang na itatag ang Pamahalaang Awit. Diktadura. h. Sumulat ng Saligang _____13.Noong Hunyo 12, 1898, Batas ng Malolos ipinahayag ni Heneral Aguinaldo i. Pagpapahayag ng Kasarinlan ang ________ sa Kawit, Cavite. ng Pilipinas sa Kawit, Cavite _____ 14. Ang pamangkin ni Dr. Jose j. Utak ng Himagsikan Rizal na tumulong sa k. Ambrosia Bautista pagtahi ng ating watawat l. Apolinario Mabini _____ 15. Ang tinaguriang “Dakilang m. Mariano Ponce Lumpo” n. Kongreso ng Malolos _____ 16. Ang unang republika sa o. Kasarinlan ng Pilipinas Asya p. Pamahalaang Rebolusyunaryo _____ 17. Ang Kongresong q. Pamahalaang Diktadura pinasinayaan noong r. Josefina Herbosa Setyembre 15, 1898 sa s. Unang Republika ng Pilipinas Malolos, Bulacan t. Republika ng Malolos _____ 18. Ang Republikang pinasinayaan sa simbahan ng Barasoain noong Enero 23, 1899. _____ 19. Pamahalaang itinatag ni Aguinaldo pagbalik niya mula Hongkong. _____ 20.Ang ipinalit sa Pamahalaang Diktadura.
  • 4. 3 ARALIN 1 ANG PAMAHALAANG DIKTADURA Pag narinig mo ang salitang diktadura, ano ang sumasagi sa iyong isipan? Tinatalakay dito ang dahilan ng pagtatag ng Pamahalaang Diktadura ni Aguinaldo. Bakit kailangang gawin niya ito? Pagkatapos mong pag-aralan ang mga paksa sa araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Makapagsusuri ng mga salik o dahilan ng pagkakatatag ng Pamahalaang Diktadura ni Aguinaldo; at 2. Maipaliliwanag ang kahalagahan at mga simbolo ng kasarinlan para sa mga Pilipino. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite Pag-aralan ang larawan. Pagkatapos ay ilarawan ayon sa iyong sariling pang- unawa ang mahalagang pangyayaring nasa larawan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
  • 5. 4 Ang Pagtatatag ng Pamahalaang Diktadura Ang tagumpay ni George Dewey sa labanan sa Manila Bay ang nagbadya ng wakas ng pananakop Espanya. Kayat nang malaman ito ni Aguinaldo na kasalukuyang nasa Hongkong, siya’y labis na natuwa. Hihingi siya ng tulong sa Amerika upang matamo ang kasarinlan! Dahil sa paniniwalang ang mga Amerikano ang siyang magpapalaya sa Pilipinas, umuwi agad sa Pilipinas si Aguinaldo. Dumating siya sa Cavite noong Mayo 19, 1898. Sa Modyul 9, naunawaan natin kung bakit napadpad sa Hongkong si Aguinaldo. Dahilan sa Kasunduan sa Biak-na-Bato, hindi ba? Nang siya ay nasa Hongkong, ipinagpatuloy niya ang pagbabalak upang maging malaya ang Pilipinas mula sa Kastila. Taglay ni Aguinaldo mula Hongkong ang isang saligang-batas na nagtatadhana ng isang republikang pederal. Ang saligang-batas na ito ay isinulat ni Mariano Ponce. Ngunit hinikayat siya ni Ambrosio Rianzares Bautista, ang kanyang tagapagpayo, na hindi pa handa ang bansa para sa isang republika. Ayon kay Bautista, kinakailangang magkaroon ng diktadura upang lubos na magtagumpay sa labanan. Dahil dito, itinatag ni Heneral Aguinaldo noong Mayo 24,1898 ang Pamahalaang Diktadura. Siya mismo ang diktador. Ipinahayag niya na ang kanyang pamahalaang diktadura ay pansamantala lamang at mananatili hanggang sa maitatag ang republika. Ang pinakamakabuluhang natamo ng Pamahalaang Diktadura ay ang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12,1898. Dahilan sa walang maaaring sumalungat sa kanyang mga plano, naisulong at namadali ni Aguinaldo ang pagdedeklara ng kasarinlan. Ito ay sa kadahilanang nais niyang maging lubusang malaya sa Espanya bago pa dumaong dito ang mga Amerikano. Ang madulang bahagi ng seremonya ay ang pormal na pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas. Puno ng kaligayahan ang mga tao. Kasabay nito, tinugtog ng banda ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Taimtim na binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista ang “ Batas sa Pagpapahayag ng Kasarinlan.” Nilagdaan ng 98 katao ang deklarasyong ito.
  • 6. 5 Ang Watawat at Pambansang Awit Ang watawat ng Pilipinas na iwinagayway sa seremonya ay ginawa ni Gng. Marcela de Agoncillo, maybahay ni Don Felipe Agoncillo. Sa Hongkong nayari ang watawat. Katulong si Gng. Josefina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Dr. Jose Rizal. Ito’y idinisenyo ni Heneral Aguinaldo mismo. Yari ito sa seda, may puting tatsulok sa kaliwa na may isang araw sa gitna. May walong sinag ang araw, may bituin sa bawat sulok ng tatsulok, may pahalang na bughaw sa itaas at pahalang na pula sa ibaba. Kumakatawan ang puting tatsulok sa pagkakaisa; ang pahalang na bughaw sa itaas ay para sa kapayapan, katotohanan at katarungan; at ang pahalang na pula sa ibaba ay para sa pagkamakabayan at kagitingan. Ang araw na may walong sinag sa loob ng tatsulok ay kumakatawan sa unang walong lalawigang nakipaglaban sa Espanya.Kumakatawan ang tatlong bituin sa Luzon, Visayas,at Mindanao. Ang watawat na ito ay siya nating watawat hanggang ngayon. Ang Watawat ng Pilipinas Ang Pambansang awit ng Pilipinas ay isinulat ni Julian Felipe, isang Pilipinong guro sa musika. Tinapos niya ito noong Hunyo 11, 1898. Ang magandang himig ng awit ang nagpaalab sa makabayang damdamin ng mga mamamayan.
  • 7. 6 Nanatiling walang lirika ang awit sa loob ng mahigit ng isang taon. Noong Agosto 1899, isinulat ni Jose Palma ang isang tula na pinamagatang “Filipinas” at ito ang naging lirika ng awit. Nasasaad sa Pambansang Awit na handa ang bawat Pilipino na mamatay alang-alang sa bayan. Ito pa rin ang ating pambansang Awit hanggang sa ngayon. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong: 1. Habang naghahanda ang mga Amerikano upang sakupin ang Maynila, paano naihanda ni Aguinaldo ang pagproklama ng kasarinlan ng Pilipinas? 2. Ano ang ipinahahayag ng mga linya ng ating Pambansang Awit? Isulat mo o kaya’y kumuha ka ng isang sipi ng Pambansang Awit. Idikit sa iyong kwaderno at sa ibaba nito, ipaliwanang ang bawat linya nito. B. Pagtapat-tapatin ang tungkol sa pambansang watawat. Guhitan ng linya ang magkakabagay. A B 1. puting tatsulok a. Luzon, Visayas, Mindanao 2. bughaw b. walong lalawigan 3. pula c. kagitingan 4. araw d. kapayapaan 5. tatlong bituin e. pagkakaisa TANDAAN MO! Ang nais na itatag na pamahalaan ni Emilio Aguinaldo ay ang Pamahalaang Pederal na naaayon sa Saligang-Batas na isinulat ni Mariano Ponce. Ngunit sinabi ni Ambrosio Rianzares Bautista na hindi pa handa ang Pilipinas kayat kailangan ang diktadurang pamahalaan. Pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite ang makabuluhang natamo ng Pamahalaang Diktadura. Unang naideklara sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 ang kasarinlan ng Pilipinas. Sa isang madamdaming seremonya, iwinagayway ang pambansang watawat at inawit ang pambansang awit.
  • 8. 7 Gawain 3: Paglalapat Ngayong tayo ay lubusan nang isang malayang bansa, ano ang mga natatamasa mong epekto ng pagkakaroon ng kasarinlan? Sumulat ng isang sanaysay na may pamagat na “Ang Maging Malaya”. ARALIN 2 ANG PAMAHALAANG REBOLUSYUNARYO Mula sa isang pamahalaang diktadura, nagtatag ng pamahalaang rebolusyunaryo si Aguinaldo. Bakit mahalaga ang yugtong ito ng ating kasaysayan? Sa araling ito, tatalakayin ang mga kontribusyon ng pamahalaang ito tulad ng Kongreso ng Malolos at ang pagpapatibay ng Konstitusyon bilang patunay ng pagsasarili ng bansa. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Masusuri ang tunay na layunin ng pagtatatag ng Pamahalaang Rebolusyunaryo; 2. Mabibigyang puna ang partisipasyon ng mga Pilipinong bumuo ng pamahalaang ito; at 3. Matatalakay ang mahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos.
  • 9. 8 Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago ka magsimula ng aralin, subukin mo kung makikilala mo ang ilan sa mga Pilipinong may mahalagang ginampanan sa ilalim ng Pamahalaang Rebolusyunaryo. Hanapin at buuin ang mga sagot. Pagbabago ng Pamahalaang Diktadura Pagkatapos ng pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas, naging tagapayo ni Heneral Aguinaldo si Apolinario Mabini, ang Dakilang Lumpo. Dahil sa kanyang angking talino, tinawag siyang Utak ng Rebolusyon ng Pilipinas. Sa payo ni Mabini, binago ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktadura at ginawang Pamahalaang Rebolusyonaryo noong Hunyo 23, 1898. Ang Pamahalaang Rebolusyunaryo Ang unang gabinete ng Pamahalaang Rebolusyunaryo ay binubuo ng mga sumusunod: Baldomero Aguinaldo, Kalihim Panloob; at Mariano Trias, Kalihim ng Pananalapi. Hinirang na Kalihim ng Katarungan si Gregorio Araneta at si Pardo de Tavera bilang Direktor ng Diplomasya. Itinadhana ni Aguinaldo ang halalan para sa kinatawan sa Kapulungang Republikano na bubuuin ng kapulungang maghahanda ng Saligang-Batas ng bansa. Ang kapulungang iyon ay ang Kongreso ng Malolos. T A V E R A A D T M A R I A S L K E A B N I O L T B C F I O R I M L U N N DS P E C P E T A G F V A R D A I J Q H G M L R X P A
  • 10. 9 Ang Kongreso ng Malolos Noong umaga ng Setyembre 15, 1898, pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan sa makulay na pagdiriwang. Nang sumunod na araw, inihalal ang mga pinuno ng Kongreso. Sila ay sina: Pedro Paterno Pangulo; Benito Legarda, Pangalawang Pangulo; at Gregorio Araneta at Pablo Ocampo, mga Kalihim. Mahalaga ang Kongreso ng Malolos. Kabilang sa mga naisagawa ng Kongreso ang mga sumusunod: 1. Ratipikasyon ng kasarinlan ng Pilipinas noong Setyembre 29, 1898. 2. Pagpapatibay ng Saligang-Batas ng Malolos. Binuo ng 19 na mga kagawad ang tatlong sipi ng Saligang-Batas na isinumite upang pag-aralan. Ang mga ito ay ang Plano ni Mabini, Plano ni Paterno, at Plano ni Calderon. Pagkatapos ng isang masusing pag-aaral, napili ng komite ang Plano ni Calderon. 3. Noong Nobyembre 29, 1898, pinagtibay ng mga kagawad ng kongreso ang konstitusyon. Sa wakas, noong Enero 21, 1899 ipinahayag ni Pangulong Aguinaldo ang Konstitusyon ng Malolos bilang Saligang-Batas ng kapuluan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ipaliwanag ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: 1. Bakit binago ni Aguinaldo ang Pamahalaan mula sa diktadura tungo sa Rebolusyonaryong Pamahalaan? 2. Ano ang kahalagahan ng Kongreso ng Malolos? 3. Bakit sinasabing pinaka-unang mahalagang dokumento ng mga Pilipino ang Saligang-Batas ng Malolos?
  • 11. 10 Tandaan Mo! Dahil sa angking talino, tinawag si Mabini na Utak ng Himagsikan. Noong Nobyembre 29, 1898, pinagtibay ng mga kagawad ng kongreso ang Konstitusyon ng Malolos. Noong Enero 21, 1899 idineklara ni Pangulong Aguinaldo ang Konstitusyon ng Malolos bilang Saligang-Batas ng kapuluan. Ang mahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos ay ang pagpapatibay ng Saligang-Batas ng Malolos. Ang Saligang-Batas ng Malolos ang siyang nagdisenyo ng demokrasyang pamahalaan ng Pilipinas. Gawain 3: Paglalapat Nakakita ka na ba ng Saligang-Batas? Bakit mahalaga ito sa isang bansa? Bilang miyembro ng isang asosasyon, paano mo sinusunod ang isang Saligang- Batas? Mag-interbyu sa iyong lugar ng isang asosasyon o kooperatiba sa iyong barangay. Ipaliwanag kung ano ang papel ng isang Saligang-Batas sa isang asosasyon o kooperatiba.
  • 12. 11 ARALIN 3 PAGSILANG NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS Palagay ko ay unti-unti mo nang naliliwanagan ang pinagdadaanang pagbabago ng pamamahala ng Pilipinas. Ngayon naman, matatalakay sa araling ito ang pagsilang ng unang Republika ng PIlipinas na tinaguriang Unang Republika sa Asya. Halika na’t talakayin natin ang mga mahalagang kontribusyon sa ilalim ng Republikang ito. Pagkatapos ng pag-aaral, inaasahang iyong: 1. Matatalakay ang kahalagahan ng pagtatatag ng unang Republika ng Pilipinas; 2. Masusuri ang mga kontribusyon sa ilalim ng Unang Republika; 3. Mailalarawan kung paano lumaban ang mga Pilipino laban sa mga Amerikano upang mapanatili ang kasarinlan ng republika ng Pilipinas; at 4. Maipaliliwanag kung paano at sa anong dahilan bumagsak ang isinilang na Unang Republika ng Pilipinas. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang mga sumusunod ay may papel na ginampanan sa pagtatatag ng Unang Republika. Isulat ang mga nawawalang titik sa bawat bilang upang mabuo ang kanilang mga pangalan. Matutulungan ka ng pahiwatig sa kanang hanay. 1. F___________ Makabayang guro ng musika. 2. G___________ Biyuda ni Andres Bonifacio 3. L___________ Matapang na Heneral 4. M___________ Dakilang Lumpo 5. N___________ Napangasawa niya si Gregoria De Jesus 6. P___________ Naglapat ng lirika ng Pambansang Awit ng Pilipinas
  • 13. 12 Ang Republika ng Malolos Noong Enero 23, 1899, sa pamamagitan ng makulay na pagdiriwang ay pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain ang bantog na Republika ng Malolos. Ito ay kinilala ring Unang Republika sa Asya. Ang Unang Republika ng Pilipinas, kahit na hindi kinilala ng Amerika at iba pang banyagang bansa, ay isang tunay na Republika ng Pamahalaang Pilipino, at para sa mga Pilipino. Ito’y ipinagmamalaki ng karaniwang Pilipino. Ang kapangyarihan nito ay kinilala hindi lamang sa Luzon, kundi sa Visayas, Mindanao at Palawan. Pahayagan ng Rebolusyon Upang maiparating ang adhikain ng mga Pilipino sa Republika, ang pamahalaan ay nagtatag ng pahayagan. Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas ay ang El Heraldo de la Revolucion (Pahayagan ng Rebolusyon). Maraming mga pribadong pahayagan ang lumabas noong panahon ng Republika. Ang La Independensia (Kalayaan), ay pinamatnugutan ni Heneral Antonio Luna. Ang La Republica Filipina (Republika ng Pilipinas), ay pinamatnugutan ni Dr. Pedro A. Paterno. Ang pinakabantog sa mga panlalawigang pahayagan ay ang El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw), na pinamatnugutan ni Sergio Osmeña. Mga Manunulat ng Unang Republika Ginamit ng mga manunulat na Pilipino ang kanilang panulat upang pukawin ang damdaming makabayan ng mga tao. Ang tatlong pangunahing manunulat ng tula ay sina Jose Palma (1876-1903), Fernando Ma. Guerrero (1873-1929) at Cecilio Apostol (1877-1938). Ang bantog na tulang Filipinas ay isinulat ni Jose Palma. Ang tanyag na tula ni Guerrero ay ang Mi Patria (Ang Aking Bansa). Ang A Rizal (Para kay Rizal), ang bantog na tula ni Apostol. Si Apolinario Mabini naman ang pinakadakilang manunulat na pulitikal nang panahon iyon. Kabilang sa kanyang mga sinulat ay:
  • 14. 13 1. Constitutional Programme of the Philippine Republic 2. The True Decalogue 3. The Philippine Revolution Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ang pinakadakilang pamana na isinulat ni Julian Felipe. Sumulat din siya ng komposisyong musikal, gaya ng Un Recuerdo, awit handog sa Labintatalong Martir ng Cavite, Responso, isang parangal kay Heneral Luna. Si Julio Nakpil ay sumulat ng isang awiting pinamagatang Marangal na Dalitang Katagalugan at pahimakas. Ang Edukasyon sa Unang Republika Isang sistema nang walang bayad at sapilitang edukasyong elementarya ang itinadhana ng Konstitusyon ng Malolos. Itinatag sa Malolos ang isang kolehiyo, Military Academy para sa mga Hukbo, at ang pinakamataas na institusyon ng pag-aaral, ang Literary University of the Philippines. Si Dr. Joaquin Gonzales ang unang rektor. Si Dr. Leon Ma. Guerrero ang ikalawa at huling rektor. Ang Pagbagsak ng Unang Republika Mahusay na sana ang pagpapatakbo ng Unang Republika. Subalit di ito nagtagal. Sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano. Muling nakipaglaban ang magigiting na pinuno ng Republika. Subalit malakas ang puwersa ng mga Amerikano. Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Abril 1901. Bunga nito, bumagsak ang Unang Republika.
  • 15. 14 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Narito ang talaan ng mga manunulat at ang kanilang mga isinulat noong panahon ng Unang Republika. Iugnay ng guhit ang mga pamagat sa hanay A sa mga sumulat sa hanay B. Hanay A Hanay B 1. Filipinas a. Apostol 2. Mi Patria b. Jose Palma 3. Rizal c. Guerrero 4. True Decalogue d. Nakpil 5. Pahimakas e. Mabini 6. Un Recuerdo f. Julian Felipe B. Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na tanong: 1. Pinasinayaan sa Simbahang Barasoain noong Enero 23, 1899 ang ___________. 2. Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas ay ang __________. 3. Ang Pahayagang ______________ ay pinamatnugutan ni Heneral Antonio Luna. 4. Ang pinakabantog sa mga panlalawigang pahayagan ay ang ________________. 5. Si ________________ ang dakilang manunulat ng pulitikal ng panahon ng Unang Republika. 6. Isang awit na handog sa Labintatlong Martir ng Cavite: _____________________ C. Ipaliwanag sa iyong kwaderno ang mga sumusunod na tanong: 1. Alamin at ipaliwanag ang mga pamantayan tungo sa pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. 2. Papaano naibahagi ng Republika ang rebolusyonaryong adhikain sa mga mamamayang Pilipino?
  • 16. 15 Tandaan Mo! Ang bantog na Republika ng Malolos ay itinuring na kauna-unahang Republika sa Asya. Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas upang maipahayag ang damdaming makabayan ng mga Pilipino ay ang El Heraldo de la Revolucion. Si Dr. Leon Ma. Guerrero ang ikalawa at huling rector ng pinakamataas na institusyong Literary University of the Philippines. Ang pagkadakip o pagkahuli ng mga Amerikano kay Pangulong Aguinaldo sa Palanan, Isabela ang dahilan ng pagbagsak ng Unang Republika ng Pilipinas. Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Unang Republika, ano ang gagawin mo upang ipagtanggol ang iyong pamahalaan? Magbigay ng tatlong bagay na iyong gagawin. MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang rebolusyong Pilipino ay nagsimula sa mapayapang paglaban hanggang sa radikal na paglaban. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng pamahalaan mula sa Biak-na- Bato hanggang sa pagsilang ng Unang Republika. Nang mapaalis ang mga Kastila, pumalit naman ang mga Amerikano. Nakipaglaban ang mga Pilipino ngunit hindi rin sila nagtagumpay sa maraming kadahilanan. Muli, nahadlangan ang pagsisikap at pagnanais ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan.
  • 17. 16 PANGHULING PAGSUSULIT: Panuto: Upang matiyak ang mga natutuhan mo sa araling ito sagutan mo ang mga sumusunod na gawain. Bilugan ang tamang sagot. 1. Ito ay naglalarawan ng katipunan ng mga karapatan ng tao ay A. Biak-na-Bato C. Kongreso B. Saligang-Batas D. Hukuman 2. Ang pagtatatag ng Diktadura ay nagbigay-daan upang: A. madeklara ang kasarinlan sa Kawit B. Wwalang tumuligsa kay Aguinaldo C. tumapang ang mga Pilipino D. mabawi si Aguinaldo 3. Alin ang tama? Ang Pamahalaang Rebolusyunaryo ay A. itinatag sa Kawit. B. itinatag sa malolos. C. itinatag sa Hongkong. D. itinatag sa Maynila. 4. Ang unang pagdiriwang ng kasarinlan: A. Hulyo 4, 1946 C. Hunyo 12, 1898 B. Hulyo 12, 1899 D. Disyembre 30, 1896 5. Si Aguinaldo ay nagpatapon sa A. Bulacan C. Hongkong B. Mindanao D. Mindoro 6. Ang ___ ang siyang nagdisenyo ng pamahalaang demokrasya sa Pilipinas A. Kasunduan sa Biak-na-Bato B. Saligang-Batas ng Malolos C. Pamahalaang Diktadura D. mga Amerikano 7. Isang pambansang selebrasyon ang araw at buwan ng Hunyo 12 dahil sa A. bumalik si Aguinaldo mula Hongkong. B. pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas. C. pamahalaang Diktadura. D. pamahalaang Sibil.
  • 18. 17 8. Ang Kawit, Cavite ay isang makasaysayang lugar dahil sa A. Himagsikan. B. Pamahalaang Diktadura. C. Rebolusyong Pamahalaan. D. dito ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas. 9. Alin ang tama? Ang tatlong bituin sa pambansang watawat ay kumakatawan sa A. Luzon, Visayas at Mindoro B. Cebu, Mindoro at Panay C. Luzon, Visayas at Mindanao D. Cebu, Palawan at Panay 10.Ang maybahay ni Don Felipie Agoncillo na gumawa ng watawat ng Pilipinas A. Josefina Agoncillo B. Marcela de Agoncillo C. Josefina Herbosa D. Marcela de Natividad 11.Ang guro sa musika na sumulat ng pambansang awit ng Pilipinas A. Jose Palma B. Julian Felipe C. Pardo de Tavera D. Pedro Paterno 12.Si Apolinario Mabini ay tinawag “utak ng Rebolusyon” dahil sa A. siya’y dakilang lumpo B. tagapayo siya ni Aguinaldo C. kanyang talino D. mahusay na rebolusyonaryo 13.Ang lirika na inilapat ni Jose Palma sa Pambansang Awit ng Pilipinas ay mula sa tulang pinamagatang A. Bayan Ko. B. Sa Mahal Kong Bayan. C. Filipinas. D. Bayan Kong Mahal.
  • 19. 18 14.Makasaysayan ang pagkatatatag ng Unang Republika ng Pilipinas dahil sa ito’y unang Republika A. sa buong mundo B. laban sa mga Amerikano C. sa Asya D. na nakalaya sa Espanya. 15.Ang pinakamahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos ay ang A. pagbubuo ng kasunduan sa mga Amerikano. B. pagpapatibay ng Saligang-Batas ng Malolos. C. paghahalal ngmga pinuno. D. pagbubuo ng sanggunian. 16.Sa talumpati ni Aguinaldo, sinabi niya na “ Dakila ang Araw na ito” dahil A. panibagong himagsikan ito laban sa Amerikano. B. pinasinayaan ang Simbahang Barasoai. C. isinilang ang Unang Republika ng Pilipinas. D. malaya na ang mga Pilipino. 17.Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas ay ang A. La Independencia B. Kalayaan C. El Heraldo de la Revolucion D. Republika 18.Ang pinakabantog na panlalawigang pahayagan na pinamamatnugatan ni Sergio Osmeña A. Filipinas B. El Nuevo Dia C. Mi Patria D. Un Recuerdo 19.Si Julio Nakpil ang sumulat ng Awit ng Katipunan na pinamagatang A. Himagsikan B. Kundiman C. Marangal na Dalitang Katagalugan D. Pahimakas 20. Bumagsak ang Unang Republika ng Pilipinas dahil sa A. malakas ang mga Amerikano. B. namatay si Heneral Antonio Luna. C. nadakip at sumuko si Aguinaldo sa mga Amerikano. D. nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
  • 20. 19 GABAY SA PAGWAWASTO Panimulang Pagsusulit A. 1. I 2. J 3. F 4. D 5. E 6. H 7. K 8. G 9. B 10.A 11.M 12.K 13.O 14.R 15.L 16.S 17.N 18.T 19.Q 20.P PANGHULING PAGSUSULIT 1. B 2. A 3. B 4. B 5. C 6. B 7. B 8. D 9. C 10.B 11.B 12.C 13.C 14.C 15.B 16.C 17.C 18.B 19.C 20.C