1. John Anthony B. Teodosio
1.
Isang Rebisyon ng Tula
Orihinal
SERAMIKA SENTIMENTAL
Mahal kong Inay:
Kumusta na kayo? Anong balita sa inyo? Alm niyo ba, nakatanim sa aking isipan ang pagkatamis-tamis na
paglalaro na aking nasaksihan sa hardin. Naalala kong namamasyal tayo ni papa kahit hindi naman
gumagalaw ang mga paa ko. Habang tinatahak ang hardin ay nagtungo kayo sa isang bangko upang
humiling ang bibig ni papa na halikan ninyo siya. At nangyari nga iyon pero hindi kayo kundi ako.
Dinampihan ko ang kaniyang bibig nang hindi gumagalaw ang aking bibig.
Nagpatuloy sa pakikipagtago ninyo kay papa. Nagpupumilit siyang makaisa sa inyo. Akala ko hahalikan
niyo siya pero tatapakan lang pala (siyempre, plano ni Kuya Germs iyon). Humalakhaka ako kahit hindi
dinig ang aking tinig sa TV.
Kinakarga ninyo sa inyong mga bisig pero parang nakatayo pa rin ako. Paikot-ikot tayo sa hardin pero ang
talas ng balintataw ni papa. Akala raw niya’y malaya na kayo sa kanyang panghihimasok sa inyong
pagkadalaga. Pero umupo kayo sa bangko at nagsimulang mangusap ang inyong mga mata. Napapatili ang
mga nakasaksi sa inyong walang patid na suyuan. Lumitaw ang pagkasamyo ng mga bulaklak at sumabay
rin ang kantang ginawa ni papa para sa akin. Kaya pati ako ay sinasambang parang munting Diyosa. Di
naman gumagalaw pero kawangis ko raw ang hitsura ninyo, Inay. Sulit ang pagtatapos ng eksena ng taguan
ninyo at ng pangungusap para bumigay ang isa’t isa.
Pero Inay, naroon pa rin kaya ang panahong si papa ay muling balikan ng pagkagunita ng walang
katapusang pagtimyas ng suyuan noon? Iniwanan ako ng panahon nang mag-isa nang iwanan ninyo na ang
lente at ang makinang na neon lights. Bakit hindi natin tawagin si direk para muling pagtambalin ang
napilas na pagsasama ninyong dalawa. Pati na rni ako, gusto kong magpataasan ng kinang ‘yung mga bata
diyan sa lente ni direk. Nagsesentimental din ako kahit sa sandali ng pagkupas.
Nagmamahal,
Maria Leonora Theresa
Rebisyon
LIPAS
Mahal kong Inay:
Kumusta na kayo? Ano ang bailta sa inyo? Alam niyo bang nakatanim sa aking isipan ang pagkatamistamis na paglalaro ninyo nina papa. Ipnakilala ninyo ako dati sa mga tao at sinasamba nang parang
Diyosang tinitingala nila.
Naalala ko tuloy sa isang tagpo sa lente ni direk na kayo’y nagtataguan sa hardin. Sumabay ang kantang
ginawa ni papa para sa akin. Nangungusap ang inyong mga mata at labi na nagpatili sa tinig ng mga
nakasaksi sa inyo. Lumitaw ang pagkasamyo ng mga bulaklak sa tamis ng pangungusap. Artipisyal lang
akong bata sa TV pero ang masasabi ko lang ay kawangis ko o kayo at bunga ako ng inyong suyuan.
Pero Inay, naroon pa rin kaya ang panahong si papa ay muling balikan ang pagkagunita ng walang
katapusang pagtimyas ng pagkási? Iniwanan na rin ako nang mag-isa nang lumayo na kayo sa lente ang
makinang na neon lights. Bakit hindi natin tawagin si direk para muling pagsamahin ang napilas na kayo?
At kahit de-plastik ako ay kaya ko pang magpatingala ng kahit sino. Kaya kong palisin ang mga agiw ng
pagkakupas ko.
2. Nagmamahal,
Maria Leonora Theresa
2.
Isang malayang taludturan
SHOTGUN
-Si Kurt Cobain, 27, ay isa sa mga kinikilalang rock icon noong dekada 90. Nagulantang ang lahat nang
matagpuan siyang patay sa kanilang bahay noon pang ika-5ng Abril, 1994. Isang shotgun ang ginamit sa
kanyang pagpapatiwakal kalakip ang isang suicide note na naglalaman ng marahil ay pamamaalam sa
mundo ng musika.
Nakarating na marahil kay Boddah ang iyong pamamaalam
Na ngayo’y alingawngaw pa rin.
Dala ba ito ng paglalaro sa ibang mundo?
Ng pagkasawi?
Ng masamang pinagkabihasnan?
O ng
Paghahanap ng ganap na katahimikan?
Hindi kita naintindihan
Sa mga itinititik mong awit
Ng pagkahibang?
Ng pagkamatulain?
O ng pagnanais ng makapag-isa?
Hindi rin kita naintindihan
Kung ano ba ang nasa loob ng malikot mong dalumat?
Gayunpaman, patuloy akong sumasamba
Sa mga pira-pirasong gunita ng pagkagalit at pagkatuwa
At sa pagkitil ng gitara.
Di ko akalaing
Matatapos sa isang baril
Ang lahat ng ito.
Napabalitaang nakabulagta sa iyong silid
At ikinalabit ang gatilyo ng katapusan.
Bang!
Sumambulat
ang maraming
alaalang
nagkalat
sa buong paligid.
Nagkawatak-watak din
ang masasayang gunita.
3. Tinapos ng baril na ito
Ang musikerong tinatanglawan
Ng nakararami.
Ang baril na ito
Ay kailangang isundo ka
Sa walang hanggang mundo
Na iyong hinahanap.
“Na hindi namin nahanap
noong buhay ka pa.”
Binabalikan ko ngayon
Ang liriko ng pagluluksa,
Ang tinig na umungol sa murang pandinig.
Marahil ay sawa ka na sa lupang maraming nangmamata
At salat sa pag-unawa.
Marami ka pang tatakbuhing milya ng pagkabantog.
Ngunit sadyang matulin ang kawit ng dilim at lumbay.
Malayo pa sana ang babagtasin mong mga himig
Kung hindi ipinaubaya ang sarili sa baril ng pagwawakas.
Iisiping nasa langit ang simoy ng iyong tinig.
Mistulang pinaparinig ang melodya ng
dalangin.