2. Ang kabuuang produksyon ng ekonomya ay
mababatid sa pamamagitan ng pagkwenta o pagsukat
ng GNP. At ito ay maipakita sa iba’t ibang paraan.
Mga Paraan ng Pagsukat ng Gross National Product
1. Factor Income Approach
Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap
na kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik.
Kapag ang mga ito ay pinagsama-sama, nakukuha ang
pambansang kita o national income ng bansa. Ang
pag-alam ng pambansang kita ay mahalagang sangkap
sa pagtukoy ng GNP sa paraang ito.
2
3. Mga Aytem at Kahulugan:
Consumption capital
allowance (CCA)
Halaga ng nagamit na kapital
Indirect business tax (IBT) Buwis na ipinapataw sa
pamahalaan
Rent Kita mula sa lupa
interest Kita mula sa kapital
Proprietor’s income Kita ng entreprenyur sa kanyang
negosyo
Corporate income tax Buwis na galing sa kita ng mga
bahay kalakal
Dividends Kita ng mga may-ari ng bahay
kalakal
Undisturbed corporate Natira sa kinita ng bahay-kalakal
3
4. (1) Capital Consumption Allowances (CCA)
O iyong tinatawag na depresasyong pondo na
inilalaan para sa pagbili ng bagong makina at gusali
kung ang mga ito ay unti-unting nasisira at naluluma.
(2) Indirect Business Taxes (IBT)
Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto at
serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang
subsidy na ibinibigay ng pamahalaan.
Sa kabuuan, ang GNP ay masusukat sa pamamagitan
ng NI + IBT + CCA = GNP.
4
5. Income Approach
GNP = NI+ IBT + CCA
NI = CE+GI+ PI + Dividends + (CE) compensation of employees
(GI) Govt. Income (rents + interests/ + corporate income taxes)
(PI) proprietor’s income
(D) dividends / undisturbed corporate profits
consumption capital allowance
indirect business tax
5
Halimbawa:
CE = P110M,
GI = P22M
PI = P50M,
Dividends = P15M
Ang NI ay 110 + 22+50 + 15 =
P197M at upang masukat ang GNP,
dapat isama ang ibang gastos sa
paglikha ng produkto at serbisyo tulad
ng:
6. Kung ang NI ay P197M,
IBT = P5M at
CCA = P12M,
Magkano ang halaga ng GNP? ________
6
7. (2) Final Expenditure Approach
Ang mga sektor ng ekonomya tulad ng sambahayan,
pamahalaan, kompanya at panlabas (dayuhan) ay may
kani-kanilang mga pinagkakagastusan na mahalaga sa
pagtantya ng GNP ng bansa.
a. Gastusin ng Pamahalaan (G)
Ang paggastos ng gobyerno para sa pagbabayad ng mga
empleado ng pamahalaan tulad ng manggagamot, nars,
guro, kawani, senador, kongresista, mga hukom at
hanggang sa may pinakamataas na katungkulan sa
gobyerno;
7
8. paggastos ng mga imprastraktura tulad ng tulay,
kalsada, gusali at iba pa; ang gastos sa bawat
paglalakbay ng pangulo ng bansa at marami pang iba
ay kabilang sa gastusin ng gobyerno.
b. Gastusin ng Personal na Sektor (C)
Ito ang mga pinagkakagastusan ng sambahayan mula
sa pagkain, damit, tirahan, hanggang sa mga luho ng
katawan tulad ng alahas, appliances at marami pang
iba.
8
9. c. Gastusin ng Kompanya (I)
Ang pagkonsumo ngmga negosyante sa mga fixed
capital tulad ng makinarya, gusali at mga kagamitang
pang-opisina, mga stock o changes in stocks, mga
imbentaryo at mga binibiling lupa at bahay bilang
earning assets ay kabilang dito.
d. Gastusin sa Panlabas na Sektor o Export (X)
Dito nakapaloob ang pagluluwas o export ng mga
produkto sa ibang bansa at ang pag-aangkat o import
(M) ng mga produkto m ula sa ibang bansa.
9
10. Upang malaman ang gastusin sa panlabas na sektor,
ibinawas ang gastos sa export at gastos sa import,
positibo kapag mas malaki ang export kaysa sa import
at negatibo kapag mas malaki ang import kaysa sa
export.
e. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)
Ito ang nagpapakita ng diperensya ng kita ng Pilipino
sa ibang bansa bilang salik ng produksyon at ng kita
ng mga dayuhang salik ng produksyon dito sa loob ng
bansa. Positibo pag mas malaki ang kinita ng mga
Pilipino sa ibang bansa ngunit negatibo pag mas
malaki ang kita ng mga dayuhan.
10
11. f. Statistical Discrepancy (SD)
Ito ay ang pagkakaroon ng labis o kulang sa pagsukat
ng GNP. Ang nasabing kaklangan o kalabisan ay hindi
malaman kung saan dapat isama kaya ito ay
nagsisilbing discrepancy sa pagkwenta.
Kapag ang lahat ng nasabing gastos ng bawat sektor
ay pinagsama-sama, makukuha ang GNP. Ang
pormula sa pagkuha ng GNP ay:
GNP = G + C + I + (X – M) + NFIFA + SD
11
12. Halimbawa:
C = P120M X = P27M
G = P30M
I = P59M
M = P20M
NFIFA = P-5M
SD = P3M
At sa paggamit ng pormula ng GNP, Ano ang
makukuhang halagang
12
13. Particulars Amount
Personal Consumption Expenditure (C) 3,346,716
Government Consumption (G) 492,110
Capital Formation (I)
• Fixed Capital
• Changes in stocks
815,981
784,066
31,915
Exports (X)
• Merchandize Exports
• Non-factor Services
2,480,966
2,186,749
294,217
Imports (M)
• Merchandise Imports
• Non-Factor Services
2,659,009
2,507,035
151,974
Gross Domestic Product (GDP) 4,476,764
Net Factor Income from Abroad (NFIA) 376,509
Gross National Product (GNP) for 2004 4,853,273
13
Isa pang halimbawa:
16. 3. Industrial Origin Approach
Tinatawag din itong Value Added Approach kung saan
kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya
sa ating bansa. Ag anumang kontribusyon sa pagbuo at
paglikha ng mga produkto at serbisyo ng bawat sektor ay
siyang kumakatawan sa halaga ng produkto at kapag
pinagsama-samang lahat ang halaga ng mga produkto,
makukuha ang kabuuang produksyon sa loob ng bansa o
GDP.
Sa pagsukat ng GNP sa paraang ito, kailangan munang
alamin ang GDP at saka idagdag ang net factor income
from abroad. Kapag tinantya ang dagdag na halaga ng
salik na ginamit ng mga sektor ay nakukuha ang
tinatawag na Gross national Product.
16
17. Sa pagbuo ng produkto o serbisyo, ito ay dumadaan sa
iba’t ibang proseso kung saan nakapaloob ang tatlong
mahalagang sektor o industriya.
Halimbawa, sa palay o bigas, ito ay nagmula sa sektor ng
agrikultura, kailangan itong iproseso o gilingin upang
maipagbili. Ang paggiling ay gagawin ng sektor ng
industriya at bago ito makarating ng pamilihan, kailangan
ang serbisyo ng transportasyon.
Sa bawat sektor na dinaanan nito ay may idinadagdag na
halaga na siyang pinagbabatayan ng halaga o presyo ng
produkto sa pamilihan. Halimbawa, kapag pinagsama ang
lahat ng dagdag na halaga ng agrikultura, industriya, at
serbisyo sa kabuuang produksyon ng bansa sa ganitong
halaga.
17
18. Agrikulutra: P81M
Industriya: P85M
Serbisyo: P53M
GDP = _______
Kapag idinagdag ang
NFIFA P-5M
Ano ang makukuhang GNP?______
Mapupuna na kahit na anong paraan ang gamitin sa
pagsukat ng GNP, ang kabuuan ay magkakapareho.
Kapansin-pansin din na ang GDP ay nagkakaroon ng
pagkakataon na tumaas kaysa sa GNP.
18
19. Limitasyon sa Pagsukat ng GNP
Ang GNP ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng
ekonomya ng bansa. Minsan, ang paglalabas ng ulat
ng GNP ay may pandaraya upang mapaniwala ang
ibang bansa na ang ating GNP ay tumataas. Kahit
sabihin ng pamahalaan na lumago nang 5% ang
GNP, hindi naman ito nararamdaman ng maraming
bilang ng pangkaraniwang mamamayan. Ang GNP
ay tumataas ngunit ang pamumuhay ng maraming
mamamayan ay patuloy na naghihirap.
19
20. Sa pagtantya ng GNP, hindi naisamang lahat ang kabuuang
halaga ng produkto at serbiso sa bansa. May mga produkto
o serbisyo na nalilikha na hindi nakikwenta dahil ang mga
ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis, mga negosyo na
walang rekord sa ating pamahalaan o sa ibang ahensya
nito. Ito ang tinatawag na underground economy, kung
saan milyun-milyong mamamayan sa ating bansa ang nasa
ilalim nito. Karamihan sa mga ito ay kumikita ng mas
malaki kaysa sa mga ligal na negosyante at manggagawa.
Ang ilan sa mga gawain na kabilang sa underground
economy ay ang sidewalk vendor, maliliit na tindahan at
pagawaan, mga ilegal na gawain ng ilang tao at iba pa. ito
ang nagsisilbing limitasyon sa pagtantya ng GNP.
20