2. DISKURSO
Ang salitang diskurso ay mula sa wikang
Latin na discursus na nangangahulugang
“running to and from” na maiuugnay sa
pasalita at pasulat na komunikasyon.
Mapapansing hindi ito palaging
maihihiwalay sa kahulugan ng
komunikasyon sapagkat kapwa ito
tumutukoy sa proseso ng pag-uugnayan
ng tagahatid at tagatanggap ng
mensahe.
3. RETORIKA
Ang Retorika ang nagbibigay ng kulay at
lasa sa pahayag, (pasalita man o
pasulat) upang makapanghimok ng
tagatanggap.
Hindi maikakaila na madalas ding
iugnay and retorika sa paggamit ng mga
idyomatikong pahayag o
matatalinhagang pananalita.
4. Ang konsepto ng retorika ay hindi lamang
umiikot sa paggamit ng matatalinhagang
salita, bagkus mahalagang malaman ang
ugnayan ng tao, lugar, okasyon, paksa,
kultura at wika.
Nakasalalay sa iba’t ibang aspekto ang
paggamit ng retorika, lalo’t higit sa tao na
gagamit ng estilo at lilinang sa pahayag na
ihahatid sa loob ng isang diskurso.
5. PAGKAKAIBA NG PASALITA AT
PASULAT NA DISKURSO
PASALITA
Panlipunan ang konteksto
sa pagtanaw sa presensya
ng tagapakinig.
Hindi malay
(unconscious)sa paggamit
ng wika ang nagsasalita.
Isinasaalang-alang ang
social settings.
Likas o natututuhan sa
prosesong natural.
Gumagamit ng tunog o
ponema.
PASULAT
Indibidwal ang konteksto sa
pagtanaw (nag-iisa ang
manunulat upang gumana ang
imahinasyon) sa mambabasa.
May malay (conscious) sa
paggamit ng wika ang
manunulat.
Isinasaalang-alang ang
audience
Natututuhan sa isang pormal na
pag-aaral.
Gumagamit ng grapema o mga
simbolo.
6. ANG DISKURSONG PASULAT
Ayon sa mga pag-aaral napatunayan na mas
mataas ang pagtinging inilalaan sa gawaing
pasulat.
Sa paraang pasulat lamang nabibigyan ang
lengguwahe ng pagkakataong mamalagina
may hibong kapangyarihan.
Kung walang pasulat, wala ring magaganap na
pag-aaral ng ating kasaysayan.
Nagbabasa tayo upang maglibang at makakuha
ng impormasyon, gayundin sumusulat tayo
upang magbigay o magpaabot ng
impormasyon.
7. ANG DISKURSONG PASALITA
Sa pagsasalita, namumutawi ang mga kataga
nang walang gaanong hirap at pag-iisip.
Hindi natin namamalayan ang tamang pagpili ng
mga salita at ang mga kahingian ng gramatika,
sapat na sa atin ang makapagpahayag at
maunawaan.
Ang paggamit ng galaw ng katawan at iba’t
ibang ekspresyon ng mukha upang bigyang-diin
ang mahahalagang bahagi ng pahayag.
Maaari ring baguhin ng nagsasalita ang tono ng
kanyang tinig.