1. D
EPED
C
O
PY
i
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
10
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Gabay sa Pagtuturo
Yunit
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
VISIT DEPED TAMBAYAN
http://richardrrr.blogspot.com/
1. Center of top breaking headlines and current events related to Department of Education.
2. Offers free K-12 Materials you can use and share
2. D
EPED
C
O
PY
ii
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Gabay sa Pagtuturo
Unang Edisyon 2015
ISBN:
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright
Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Mga Bumuo ng Gabay sa Pagtuturo
Mga Konsultant: Manuel B. Dy Jr., PhD at Fe A. Hidalgo, PhD
Editor: Luisita B. Peralta
Mga Manunulat: Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo,
Goeffrey A. Guevara, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera,
Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr.,
Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito, at
Sheryll T. Gayola
Tagaguhit: Gilbert B. Zamora
Naglayout: Jerby S. Mariano
Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo, Jr.,
Elizabeth G. Catao, at Luisita B. Peralta
Inilimbag sa Pilipinas ng FEP Printing Corporation
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS)
Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. D
EPED
C
O
PY
Ikalawang Markahan
Modyul5:AngPagkukusangMakataongKilosatMgaSalikna
NakaaapektosaPananagutanngTaosaKahihinatnanngKilos
atPasiya......................................................................................50
Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? ...............................................52
Paunang Pagtataya ..................................................................................54
Pagtuklas ng Dating Kaalaman ................................................................54
Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................56
Pagpapalalim ............................................................................................57
Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ............................................................58
Modyul6:Layunin,Paraan,Sirkumstansiya,atKahihinatnanng
Kilos............................................................................................62
Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo?................................................64
Paunang Pagtataya ..................................................................................66
Pagtuklas ng Dating Kaalaman.................................................................67
Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................68
Pagpapalalim .............................................................................................69
Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ............................................................70
Modyul7:AngKabutihanoKasamaanngKilosAyonsaPaninindigan,
GintongAral,atPagpapahalaga................................................73
Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? ...............................................75
Paunang Pagtataya ..................................................................................76
Pagtuklas ng Dating Kaalaman ................................................................77
Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .........................77
Pagpapalalim ............................................................................................78
Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ............................................................80
Modyul8:MgaYugtongMakataongKilosatMgaHakbangsaMoralna
Pagpapasiya................................................................................83
Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? ...............................................85
Paunang Pagtataya ..................................................................................86
Pagtuklas ng Dating Kaalaman ................................................................87
Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .........................88
Pagpapalalim.............................................................................................89
Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ............................................................91
Talaan ng Nilalaman
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
27. D
EPED
C
O
PY
50
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10
Ikalawang Markahan
Gabay sa Pagtuturo sa Modyul 5:
ANG PAGKUKUSANG MAKATAONG KILOSAT MGASALIK
NANAKAAAPEKTO SAPANANAGUTAN NG TAO SA
KAHIHINATNAN NG KILOSAT PASIYA
Bilang ng oras: 6
I. Pag-uugnay ng mga Pamantayan sa Pagkatuto at mga Kasanayang
Pampagkatuto
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
konsepto ng pagkukusa ng makataong kilos at mga salik sa nakaaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsusuri ang mag-aaral ng:
a. Sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging
mapanagutan sa pagkilos.
b. Sariling pasiya batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa
kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog
ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya.nang tama at mabuti
Pamantayan sa pagkatuto
Batayang konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-
aaral?
a. Ang makataong kilos ay sinadya (deliberate) at niloob ng tao, gamit ang isip, kaya
pananagutan niya ang kahihinatnan nito (kabutihan o kasamaan).
b. Nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi
sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos dahil maaaring mawala
ang pagkukusa ng kilos.
Anong kakayahan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa?
Nakapagsusuri ng (a) mga kilos na may pananagutan at (b) mga sitwasyong
nakaaapekto sa pagkukusa
Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ang pag-unawa?
Natutukoy:
a. na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang
pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip/kaalaman.
b. ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kaniyang kilos at pasiya.
Kaalaman
Kakayahan
Pagsasabuhay ng mga pagkatuto
Ano ang patunay ng pag-unawa?
Nakapagsusuring(a)sarilingkilosnadapatpanagutanatnakagagawangparaanupangmaging
mapanagutan sa pagkilos at (b) sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng
tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang
kaniyang kakayahan sa pagpapasiya nang tama at mabuting kahihinatnan nito.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
28. D
EPED
C
O
PY
51
II. Pag-uugnay ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa Pagtatasa
(Assessment)
Tandaan: Ang apat na KP ay nakaangkla sa apat na Kasanayang
Pampagkatuto (KP) batay sa Apat na antas ng Pagtatasa (Four Levels of
Assessment tools sa DepEd Order No. 73, s. 2012) at kraytirya sa pagtataya
ng output sa Produkto/Pagganap
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
KP1:
Natutukoy na:
a. may pagkukusa sa makataong kilos kung
nagmumula ito sa malayang pagsasagawa ng
kilos-loob sa pamamatnubay ng isip/kaalaman
b. ang bawat salik na nakakaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kaniyang kilos at pasiya
KP2:
Nakapagsusuri ng:
a. mga kilos na may panagutan
b. isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa
sa kilos dahil sa kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan, at gawi.
KP3:
Napatutunayan na:
a. Gamit ang katwiran, sinadya (deliberate)
at niloob ng tao ang makataong kilos;
kaya pananagutan niya ang kahihinatnan
nito (kawastuhan o kamalian)
b. Nakaaapekto ang kamangmangan, ma-
sidhing damdamin, takot, karahasan, at
gawi sa pananagutan ng tao sa kahihi-
natnan ng kaniyang mga pasiya at kilos
dahil maaaring mawala ang pagkukusa
ng kilos.
KP4
Nakapagsusuri ng:
a. mga kilos na may pananagutan
b. isang sitwasyong nakaaapekto sa
pagkukusa sa kilos dahil sa kamangman-
gan, masidhing damdamin, takot. kara-
hasan, at gawi.
Pagtatasa:
KP1:
Alamin ang katuwiran ukol sa pagiging
mapanagutan sa pamamagitan ng pagsusuri
ng mga sitwasyon na maaaring may hindi
mabuting bunga/resulta.
Pagtukoy sa mga salik na maaring makaa-
pekto sa mga sitwasyon kalimitang nangya-
yari sa tunay na buhay.
KP2:
Alamin ang mga kilos na umiiral ang isip at
kilos-loob at mapangatuwiranan ang pagka-
karoon ng kapanagutan sa mga ito.
Makapagpakita ng dula-dulaan na kung saan
ang isip at kilos-loob ay ginagamit at bunga
nito ang pagiging mapanagutan.
KP3:
Pagbuo at pagpapaliwanag ng Batayang
Konsepto
KP4:
Makagawa ng isang malinaw na batayan sa
pagkakaroon ng mapanagutang pagpapasiya
sa mga sitwasyong maaaring maranasan.
Makagawa ng isang pagninilay na naglala-
man ng isang matatag na paninindigan/kap-
anagutan sa mga kilos na maaaring gawin at
paraan upang hindi maaapektuhan ng mga
salik na nakakaapekto sa makataong kilos.
Makapagtala ng mga maling kilos na bunga
ng maling pasiya. Makagawa ng paraan
upang maibalik ang nasirang relasyon at
makapagtala ng tamang paraan kung paano
naisaayos.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
29. D
EPED
C
O
PY
52
III. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto
A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
1. Talakayin ang panimula sa pahina 83 ng Modyul 5. Mahalagang mapukaw ang
isipan at damdamin ng mga mag-aaral sa panimula pa lamang upang matiyak
na makukuha ang kanilang interes para sa pagsasagawa ng mga gawain.
2. Mahalagang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa mga nagdaang aralin sa
angkop na taon (B7, B8, o B9) upang maipaunawa sa mga mag-aaral ang
kahalagahan ng pagkatuto mula rito at ang kaugnayan nito sa kasalukuyang
modyul.
3. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang konteksto (thesis statement) na naglalarawan
sa paksa at dapat bigyang-tuon.
4. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang Mahalagang Tanong na dapat sagutin sa
modyul.
5. Ipabasa sa mga mag-aaral ng paisa-isa ang mga layuning pampagkatuto para
sa modyul na ito.
6. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa
Kakayahang Pampagkatuto 5:4.
7. Tanungin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
binasa?
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 83. Isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 5.
Sa Modyul 4 natutuhan mo, na ang kalayaan ang nagbibigay sa tao ng kakayahang
pumili at maging mapanagutan sa piniling pasiya. Kung lagi kang nagsisikap na
piliin ang pasiya at kilos na nagpapakita ng pagmamahal at tumutugon ka sa
mga sitwasyong nangangailangan ng iyong paglilingkod, anuman ang balakid,
masasabing nagtataglay ka ng tunay na kalayaan.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
30. D
EPED
C
O
PY
53
Tandaan: Hindi binanggit sa Modyul sa Pagkatuto ang kabuuan ng ikatlong
Kasanayang Pampagkatuto (KP3) o titik sa listahan ng mga layunin upang
maiwasan na kaagad na mailahad sa mga mag-aaral ang Batayang Konsepto.
Mahalagang matiyak na sa pagdaloy ng mga gawain at kabuuan ng aralin
mahihinuha ng mga mag-aaral ang batayang konsepto.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
5.1. Nakikilala:
a. na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang
pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip/kaalaman.
b. ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kaniyang kilos at pasiya.
5.2 Nakapagsusuri ng:
a. mga kilos na may pananagutan.
b. isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil sa kamangmangan,
masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi.
5.3 Napatutunayan na:
a. Gamit ang katuwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong
kilos; kaya pananagutan niya ang kahihinatnan nito (kawastuhan o kamalian).
b. Nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at
gawi sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang mga pasiya at kilos
dahil maaaring mawala ang pagkukusa ng kilos.
5.4 Nakapagsusuri ng:
a. sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging
mapanagutan sa pagkilos.
b. sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan
ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang
kaniyang kakayahan sa pagpapasiya.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa KP 5.4
Makagawa ng angkop na flow chart na magiging gabay at nagpapakita ng kilos kung
ito ay mabuti o masama kasama na ang mga salik na maaaring makaapekto rito.
Makapagbigay ng tiyak na mga hakbang sa paghuhusga ng isang kilos bilang mabuti
o masama na nagsasaalang-alang ng mga salik na maaaring makaapekto.
Maipaliwanag ang mga makataong kilos na nababawasan ang kapanagutan.
Makapagtakda ng mga plano upang mapanatili ang kakayahan at ang kamalayan sa
pagiging mapanagot sa makataong kilos.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
31. D
EPED
C
O
PY
54
Paunang Pagtataya
Layunin: Tayahin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa sa antas ng
KAALAMAN, KASANAYAN (process/skills), at PAG-UNAWA (understanding of
concepts). (KP1)
1. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang layunin sa pagbibigay ng Paunang Pagtataya
– upang mataya ang kanilang mga dating kaalaman lalo na sa nilalaman ng
aralin na matatagpuan sa bahaging Pagpapalalim.
2. Ipabasa ang panuto para sa Paunang Pagtataya sa pahina 85 ng modyul.
3. Itanong kung may nais linawin ang mga mag-aaral tungkol sa panuto.
4. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa loob ng 10 - 15
minuto.
5. Ipaskil o isulat sa pisara ang tamang mga sagot sa Paunang Pagtataya.
6. Gamiting gabay ang resulta nito upang mataya ang mga kasanayang
nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay.
7. Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang pagtataya at atasan silang itabi ito
upang magamit sa paghahambing sa resulta ng pagsagot muli nito pagkatapos
basahin ang pagpapalalim.
Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral na kung anuman ang maging
resulta ng paunang pagtataya, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay ng marka,
kundi isang mahalagang pagbabatayan ng kaniyang pag-unlad.
PagkataposngPagpapalalim,pasagutangmulisamgamag-aaralangpagtataya
upang malaman ang antas ng kanilang pag-unawa sa mga konsepto at kung
nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang pag-unawa sa pagkukusa ng makataong
kilos at mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng
kilos at pasiya
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Layunin: Tayahin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa
na nakabatay sa karanasan upang matukoy ng guro ang mga maling kaalaman
ng mga mag-aaral (misconceptions o alternative conceptions). (KP1)
Gawain 1
Layunin ng Gawain: Tayahin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
paghuhusga ng mapanagutang kilos lalo na kung ang mga ito ay may masamang
epekto.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
32. D
EPED
C
O
PY
55
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga
mag-aaral.
2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga sitwasyong ibinigay.
3. Tanungin ang mag-aaral kung mayroon ba na kailangan na linawin sa Panuto?
4. Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral, maaari nang
dumako sa susunod na gawain.
Panuto:
1. Suriin ang mga sitwasyon.
2. Sagutin ang mga tanong sa bawat sitwasyon na naglalayong matiyak ang
kaalaman sa kapanagutan sa mga pangyayari.
3. Ipasulat sa kuwaderno ang mga sagot.
4. Matapos masagutan, maaaring palalimin pa ang kanilang sagot gamit ang
sumusunod na tanong:
a. Ano ang mga naging batayan sa pagpapasiya?
b. Ano ang mga bunga na isinaalang-alang sa pagpapasiya?
Gawain 2
Layunin ng Gawain: Tayahin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtuklas ng
mga salik na maaaring makaapekto sa mga makataong kilos.
Panuto:
1. Hatiin ang klase sa apat na grupo.
2. Bigyan sila ng sapat na panahon upang pag-usapan at siyasatin ang mga
sitwasyong ibinigay.
3. Gamit ang talahanayan, kilalanin nila ang mga pangyayaring naapektuhan ng
mga salik.
4. Kailangang isulat ang kanilang pangkatang sagot at paliwanag sa papel.
5. Bigyan ng sapat na panahon na magbahagi sa buong klase ng kanilang mga
napagkasunduang sagot gamit ang mga gabay na tanong sa LM.
Tandaan: Sa bahaging ito, tatanggapin ng guro ang anumang sagot ng mag-
aaral. Kung sakaling mayroon silang maling kaisipan sa kahulugan ng makataong
kilos at mali ang kanilang opinyon tungkol sa mga sitwasyon, ito ay itatama ng
guro sa bahagi ng Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
33. D
EPED
C
O
PY
56
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN,
AT PAG-UNAWA
Layunin: Tulungan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahahalagang Tanong
(MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-
aaral na hango sa karanasan. (KP2)
Gawain 3
Layunin ng Gawain: Tayahin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagkaka-iba ng
kilos na mapanagutan o hindi mapanagutan (makataong kilos o kilos ng tao).
Panuto: Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na suriin ang mga
karanasan.
1. Gamit ang talahanayan, suriin ang mga kilos na gumagamit ng isip at kilos-loob
at mapanagutang kilos sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (P) .
2. Pagkatapos ay hayaan magkapagbahagi ang ilang mag-aaral ng kanilang
paliwanag/katwiran sa ginawa gamit ang mga gabay na tanong.
Tandaan: Sa bahaging ito kinakailangan na matukoy ng mag-aaral sa kanilang
mga pasiya ang kahalagahan ng presensiya ng isip at kilos-loob.
Gawain 4
Layunin ng Gawain: Suriin ang isang sitwasyon na nagpapakita ng pag-iral ng isip
at kilos-loob sa mga kilos kung kaya napangangatuwiranan ang kapanagutan sa
mga ikinilos.
Panuto:
1. Hatiin ang klase sa apat na grupo.
2. Mas mainam na pag-usapan muna ang Rubrik kung paano sila mamarkahan
sa kanilang gagawin.
3. Bigyan sila ng sapat na panahon upang makapag-usap at magkaroon ng iisang
pasiya sa kung ano ang ipapakita sa klase na dula-dulaan.
4. Ibigay ang sapat na oras sa pagpapakitang dula.
5. Pasagutan ang mga gabay na tanong pakatapos. Ibahagi sa klase ang mga
sagot.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
34. D
EPED
C
O
PY
57
D. PAGPAPALALIM
Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahahalagang Tanong
(MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang isang babasahin na
naglalaman ng mga kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga
disiplina ng EsP – Etika at Career Guidance (KP3).
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral
bilang Takdang-Aralin.
1. Sabihin: Ngayon, sisikapin nating unawain ang mga mahahalagang konsepto
tungkol sa paksa gamit ang isang babasahin. Tingnan natin kung magkakaroon
ng pagbabago sa inyong mga sagot matapos na maunawaan ang nilalaman
ng babasahin.
2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang bawat bahagi at tanungin ang pagkaunawa
niya rito. Kung mali ang kaniyang pagkaunawa sa anumang talata, magbigay ng
tanong upang gabayan siya sa pagbuo ng tamang pag-unawa (o paraphrasing).
Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral ang bawat bahagi ng
babasahin at kabuuan nito dahil dito nila makukuha ang mga konseptong
nakaangkla sa pilosopiya.
3. Isulat sa pisara ang mga ideya na makatutulong sa pag-unawa sa paksa at
paghinuha ng Batayang Konsepto.
4. Iminumungkahing gamitin ang pagkamalikhain upang hindi maging kabagot-
bagot para sa mag-aaral ang bahaging ito.
5. Mahalagang tiyakin na ang mga mag-aaral ang makatutuklas ng mga konsepto
at hindi lamang tuwirang ibibigay ng guro.
Paalala sa Guro: Sa pagitan ng mga pagtalakay ay may mga kahon na
naglalaman ng mga tanong na magagamit upang mataya ang pag-unawa
ng mga mag-aaral sa bawat bahagi ng babasahin. Nagsisilbing formative
assessment ang mga ito. Mahalagang hindi pilitin na matapos sa iisang
araw ang pagtalakay dito upang hindi magkaroon ng information overload
ang mga bata at lalong hindi makamit ang layuning ganap na maunawaan
ng mga mag-aaral ang kabuuan ng Batayang Konsepto.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
35. D
EPED
C
O
PY
58
Paghinuha ng Batayang Konsepto
Inilatag ang mga hakbang ayon sa hinihingi ng bahaging ito sa Modyul.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap
Layunin: Tayahin ang pag-unlad ng kakayahan ng mag-aaral na maging maingat sa
pagpapasiya dahil mapanagutan sila sa anumang pasiya nila.
Sasabihin ng guro:
Ngayon ay nabatid mo na ang kahalagahan ng paggamit ng isip at kilos-
loob sa mga ikinikilos at pagiging mapanagutan sa mga ito. Dahil dito ay kailangang
maging maingat sa pagpapasiya. Gamit ang mga halimbawang sitwasyon bigyan sila
ng pagkakataong ipaliwanag ang magiging pasiya.
Panuto:
1. Bigyan sila ng panahon na basahin at pag-isipan ang mga sitwasyon at hayaan
bigyan ng tamang katwiran ang magiging pasiya.
2. Isulat ang kanilang sagot sa kuwaderno.
3. Pumili ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang kapasiyahan.
Pagninilay
Anyayahan ang mag-aaral na balikan ang mga karanasan nila na nagpakita ng
pagiging marahas sa pagpapasiya at hindi nagsaalang-alang ng paggamit ng isip
at kilos-loob. Gamit ang pagkakamaling ito, pagnilayan at bigyan pagtutuwid ang
ginawa na nagpapakita ng isang tao na nagpapasiya na may pagsasaalang-alang ng
kamalayan sa pagiging mapanagutan.
Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT)
sa pamamagitan ng paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang graphic
organizer
Layunin: Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng PAGGANAP o
PRODUKTO, ang pagpapamalas ng mga angkop na kilos tungo sa paglinang o
pagpapaunlad ng birtud o pagpapahalaga na nakapaloob sa paksa at paghikayat
sa ibang kabataan na isabuhay ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa paksa.
(KP4)
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
36. D
EPED
C
O
PY
59
Gawing gabay ang tanong na:
Ano ang pagkatao ng isang tao na may paninindigan sa kaniyang kilos?
Anyayahan din ang mag-aaral na balikan ang mga karanasan sa kanilang buhay
na may maling pagpapasiya dahil sa mga salik na nakaaapekto sa mga ito. Kung
magkakaroon ng pagkakataon na itama ito, ano ang mga paraan na maaaring gawin
upang maiwasan ang maapektuhan ng mga salik na nakakapagpabago sa pasiya at
pananagutan.
Gawing gabay ang tanong na ito:
Ano-ano ang mga paraan na maaaring gawin upang hindi maaapektuhan ng
mga salik sa makataong kilos?
Pagsasabuhay
Layunin ng pagsasabuhay: Ang mahinuha ang mga pagkatuto mula sa mga
karanasan. Ang hindi magandang karanasan dulot ng mga maling kilos ay maaaring
magbunga nang hindi maaayos na relasyon sa kapuwa. Kailangang balikan ito at
isaayos ang mga nasirang relasyon at kasama nito ang pagkakaroon ng bagong
hakbangin sa pagpapasiya.
Panuto:
Bigyan sila ng kalayaang itala sa kanilang journal ang mga karanasan na
kailangang isaayos ang hindi magandang bunga. Isulat din ang paglalayon nilang
isaayos ito at isulat ang mga hakbang upang hindi na ito muling tahakin. Ang mga
hakbang na ito ang magiging gabay nila sa pagkakaroon na parehong karanasan
at pagiging maingat sa kanilang pagpapasiya.
Mas mainam kung bibigyan sila mismo ng relasyon na maaaring naapektuhan sa
mga maling kilos. Hal. Relasyon sa magulang, mga kapatid, kaibigan, kamag-aral, o
kapitbahay.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
37. D
EPED
C
O
PY
60
Rubric sa Dula-dulaan:
Paglalarawan ng Gawain:
Gumawa ng isang sitwasyon na kung saan ay nagpakita ng lubos na paggamit ng
isip at kilos-loob.
Ipakita ang pag-iral ng kusang-loob sa sitwasyon, kung kaya ang pananagutan ay
naipapataw sa may gawa ng kilos.
Mga
Pamantayan
Bahagdan
Kakaiba / Nakaaangat
sa Lahat
40
Kahanga-hanga
30
Katanggap-tanggap
20
Nasubukan
10
Pagkakaunawa
sa Paksa
40%
Ang katotohanan ng
impormasyon ay
wasto.
Nakapagpapakita
ng lubos na pag-
unawa sa paksa.
Karamihan ng
impormasyong
ipinakita ay may
katotohanan at
kawastuhan.
Nakapagpapakita
ng pag-unawa sa
paksa.
Ang impormasyong
ibinahagi ay
maaaring tama o
wasto.
May sapat na pag-
unawa sa paksa.
Ang impormasyon
ay mali-mali.
Ang ipinakita
ay malayo sa
paksa.
Pakikisangkot
sa Gawain
30%
Lubos na
nakatatanggap
ng mga ideya
mula sa iba; may
kawilihan na
makipagkasundo.
Ang bawat
miyembro ay
nakibahagi sa
Gawain.
Nakatatanggap ng
mga ideya mula
sa iba ng walang
negatibong
komento; may
kawilihan na
makipagkasundo.
Ilan sa mga
miyembro ng
grupo ang
nakibahagi sa
Gawain.
Walang
kawilihan na
makipagkasundo.
Hindi lahat ay
nakibahagi sa
Gawain.
Hindi nakibahagi
ang lahat sa
gawain.
Iisang tao lamang
ang gumawa ng
buong Gawain.
Pagpapakita 30%
Nakapagpapakita
ng kompiyansa sa
sarili.
Naibigay ng buo ang
impormasyon.
Nakawiwili;
Nakukuha
ang pansin ng
manonood.
Nakapagpapahayag
ng malakas at
malinaw.
Lubos na nagamit
ang angkop na
kilos ng katawan.
Nakapagpakita
ng hindi lubos na
tiwala sa sarili.
Naibigay lamang
ang bahagi ng
impormasyon.
Nakakuha ng
pansin mula sa
manonood.
Napakikinggan.
Nakagamit ng
mga angkop
galaw ng
katawan.
Walang
kaseguraduhan sa
responsibilidad.
Nakapagbahagi
ng impormasyon
kahit paano.
Hindi lubusang
nakuha ang
pansin ng
manonood.
Hindi madaling
mapakinggan.
Hindi lubos na
nagamit ang
angkop na kilos ng
katawan.
Ang pagpapakita
ay hindi
katanggap
tanggap.
Kulang sa
impormasyon.
Hindi nakuha ang
pansin ng mga
manonood.
Ang
pagpapahayag
ay pabulong.
Kulang sa angkop
na kilos ng
katawan.
Talaan ng Ispesipikasyon / Susi sa Pagwawasto
Paksa Kasanayan Sagot
1. Aristotle: Makataong Kilos
2. Makataong Kilos
3. Tatlong uri ng Kilos ayon sa
Kapanagutan (Accountability)
4. Makataong Kilos at Obligasyon
5. Kamangmangan (Ignorance)
6. Takot (Fear)
7. Karahasan (Violence)
8. Damdamin
9. Habit
10. Mga Salik na Nakaapekto
Pagsusuri
Kaalaman
Pagsusuri
Paglalapat
Pagsusuri
Kaalaman
Kaalaman
Kaalaman
Pagsusuri
Pagsusuri
A
C
C
D
C
B
D
B
B
A
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
38. D
EPED
C
O
PY
61
BALANGKAS
Modyul 5
Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at
Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan
ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos
I. Dignidad ng Tao: Balik-Tanaw
a. Dignidad
b. Kalayaan
II. Makataong Kilos
a. Pagkakaiba ng Kilos ng Tao sa Makataong Kilos
b. Kilos ng Tao, paano nagiging Makataong Kilos
III. Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan
a. Tatlong uri
i. Kusang-loob
ii. Di kusang-loob
iii. Walang kusang-loob
b. Pamaraan ng kapanagutan
i. Legal
ii. Moral
IV. Eksepsiyon
V. Layunin: Batayan ng pagiging mabuti at masama ng kilos
VI. Obligasyon: Kailan dapat isakatuparan?
VII. Kabawasan ng Pananagutan: Kulang sa Proseso
VIII. Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos
a. Kamangmangan
b. Masidhing Damdamin
c. Takot
d. Karahasan
e. Gawi
IX. Pagbubuod
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
39. D
EPED
C
O
PY
62
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10
Ikalawang Markahan
Gabay sa Pagtuturo sa Modyul 6:
LAYUNIN, PARAAN, SIRKUMSTANSIYA, AT
KAHIHINATNAN NG MAKATAONG KILOS
Bilang ng Oras: 4
I. Pag-uugnay ng mga Pamantayan sa Pagkatuto at mga Kasanayang
Pampagkatuto
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan ng makataong
kilos.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsusuri ang mag-aaral ng kabutihan
ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan,
sirkumstansiya, at kahihinatnan nito.
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas
ng mag-aaral?
Ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ay nagtatakda ng
pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao.
Ano ang patunay ng pag-unawa?
Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang
sitwasyong may dilemma batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at
kahihinatnan nito.
Anong kakayahan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa?
Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan, sirkumstansya, at
kahihinatnan ng makataong kilos.
Kaalaman
Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ang pag-unawa?
Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang
sitwasyon batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan nito.
Pamantayan sa pagkatuto
Batayang konsepto
Pagsasabuhay ng mga pagkatuto
Kakayahan
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
40. D
EPED
C
O
PY
63
II. Pag-uugnay ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa Pagtatasa
Mga kakayahang
Pampagkatuto:
KP1: Naipaliliwanag ang layunin,
paraan, sirkumstansiya, at
kahihinatnan ng makataong kilos
KP2: Nakapagsusuri ng kabutihan
o kasamaan ng sariling pasiya o
kilos sa isang sitwasyon batay sa
layunin, paraan, at sirkumstansiya
at kahihinatnan nito
KP3: Napatutunayan na ang
layunin, paraan, sirkumstansiya,
at kahihinatnan ng kilos ay
nagtatakda ng pagkamabuti o
pagkamasama nito
.
KP4: Nakapagtataya ng
kabutihan o kasamaan ng pasiya
o kilos sa isang sitwasyong may
suliranin (dilemma) batay sa
layunin, paraan, sirkumstansya,
at kahihinatnan nito
Pagtatasa:
KP1: Pagbasa at pagsagot sa
sitwasyon batay sa layunin, paraan, at
sirkumstansiya.
Pagsulat ng mga konsepto tungkol
sa kahulugan ng layunin, paraan, at
sirkumstansiya.
KP2: Pagsusuri sa sitwasyon at
pagtukoy kung ito ay mabuting kilos
o masamang kilos at pagsulat sa
paliwanag ukol dito.
Pag-iisip ng sitwasyon sa buhay kung
saan nagpapakita ng kilos at pagtukoy
sa layunin, paraan, at sirkumstansiya
ng pasiya o kilos sa sitwasyon.
KP3: Pagbuo at pagpapaliwanag ng
Batayang Konsepto. Nakapagbigay
ng sariling sitwasyon mula sa
karanasan na nabibigyan ng tamang
pagtukoy sa layunin, paraan, at
sirkumstansiya gayundin ang
kabutihan o kasamaan nito.
KP4: Nasuri nang maayos ang
sitwasyong may suliranin (dilemma)
batay sa layunin, paraan, at
sirkumstansiya nito.
Natukoy ang kabutihan o kasamaan
ng pasiya o kilos.
Nakapagbigay ng sariling sitwasyon
mula sa karanasan na nabibigyan ng
tamang pagtukoy sa layunin, paraan,
at sirkumstansiya gayundin ang
kabutihan o kasamaan nito.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
41. D
EPED
C
O
PY
64
III. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto
A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
1. Mahalagang mapukaw ang atensiyon (isipan at damdamin) ng mga mag-
aaral sa panimula pa lamang upang matiyak na makuha ang kanilang interes
para sa pagsasagawa ng mga gawain.
2. Mahalagang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa mga nagdaang aralin sa
angkop na taon (B7, B8, o B9) upang maipaunawa sa mga mag-aaral ang
kahalagahan ng pagkatuto mula rito at ang kaugnay nito sa kasalukuyang
modyul.
3. Ipatukoy sa mag-aaral ang konteksto (thesis statement) na naglalarawan sa
paksa at dapat bigyan-tuon.
4. Ipabasa ang apat na Kasanayang Pampagkatuto (KP) at mga kraytirya sa
pagtataya ng output sa ikaapat na kasanayang Pampagkatuto.
Kilos ko … Pananagutan Ko!
Mga salitang nagsasabi na bilang isang tao ay nararapat lamang na
masuring mabuti ang bawat kilos na iyong ginagawa. Ikaw ba ay pamilyar sa
iyong mga isinasagawang kilos? Nakikita mo ba ang mabuti o masama ng mga
ito?
Sa Modyul 5, nalaman mo na gamit ang katuwiran, sinadya at niloob ng
tao ang makataong kilos; kaya anuman ang kalalabasan, nito mabuti man o
masama ay pananagutan niya. Nakaaapekto rin ang kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan, at gawi sa kaniyang pananagutan dahil maaaring
mawala ang pagkukusa ng kilos.
Layunin naman ng modyul na ito na ikaw ay higit na makapagsuri ng
kabutihan o kasamaan ng iyong isinasagawang kilos at pasiya. Sa pamamagitan
nito,matutulungankanalubosnamapagnilayankungpaanokanakapagsasagawa
ng makataong kilos at mula rito ay masasagot mo ang Mahalagang Tanong na:
Bakit mahalaga na maunawaan na ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ay
nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao?
Tayo na! Simulan na nating tuklasin ang kahalagahan ng iyong pagkilos
bilang isang tao.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
42. D
EPED
C
O
PY
65
Mga Kasanayang Pampagkatuto
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 2. Isa-sahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 6.
Tandaan: Hindi binanggit sa Modyul sa Pagkatuto ang kabuuan ng ikatlong
Kasanayang Pampagkatuto (KP3) o 6.3 sa listahan ng mga layunin upang
maiwasan kaagad na mailahad sa mga mag-aaral ang Batayang Konsepto.
Mahalagang matiyak na sa pagdaloy ng mga gawain at kabuuan ng aralin
mahihinuha ng mga mag-aaral ang batayang konsepto.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
6.1 Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan, at mga sirkumstansiya
ng makataong kilos.
6.2 Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa
isang sitwasyon batay sa layunin, paraan, at sirkumstansiya nito.
6.3 Napatutunayan na ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ay nagtatakda
ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao.
6.4 Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang
sitwasyong may suliranin (dilemma) sa layunin, paraan, at sirkumstansiya
nito.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa KP 6.3
Nasuri nang maayos ang sitwasyong may suliranin (dilemma) batay sa
layunin, paraan, at sirkumstansiya nito.
Natukoy ang kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos.
Nakapagbigay ng sariling sitwasyon mula sa karanasan na nabibigyan
ng tamang pagtukoy sa layunin, paraan, at sirkumstansiya gayundin
ang kabutihan o kasamaan nito.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
43. D
EPED
C
O
PY
66
Paunang Pagtataya
Layunin: Tayahin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa sa antas ng
KAALAMAN, KASANAYAN (process/skills), AT PAG-UNAWA (understanding of
concepts)
(Maaaring 2 bahagi: Self-assessment sa mga kakayahan tungkol sa paksa at
Multiple Choice Test gamit ang Blooms Taxonomy of Cognitive Objectives.)
1. Ipaunawa sa mag-aaral ang layunin sa pagbibigay ng Paunang Pagtataya. Ito
ay upang mataya ang kanilang dating kaalaman na matatagpuan sa bahagi ng
Pagpapalalim.
2. Ipabasa ang Panuto para sa Paunang Pagtataya sa pahina 108 ng modyul.
3. Itanong kung may nais linawin ang mga mag-aaral tungkol sa panuto.
4. Pasagutan ang bilang 1 hanggang 15.
5. Bigyan ng 15 minuto ang mag-aaral upang masagot ang mga tanong sa Paunang
Pagtataya o maaaring depende sa guro kung ilang minuto ang kaniyang ibibigay
na naaayon sa kakayanan ng mag-aaral.
6. Ipaskil o isulat sa pisara ang tamang mga sagot sa Paunang Pagtataya.
7. Gamiting gabay ang resulta nito upang mataya ang mga kasanayang
nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay.
8. Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang pagtataya at atasan silang itabi ito upang
magamit sa paghahambing sa resulta ng pagsagot muli nito pagkatapos basahin
ang Pagpapalalim.
Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral na kung anuman ang maging
resulta ng paunang pagtataya, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay ng marka,
kundi isang mahalagang pagbabatayan ng kaniyang pag-unlad.
Pagkatapos ng Pagpapalalim, pasagutang muli sa mga mag-aaral ang Paunang
Pagtataya upang malaman ang antas ng kanilang pag-unawa sa mga konsepto at
kung nagkaroon ng pag-unlad ang kanilang pag-unawa sa Yugto ng Makataong
Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya.
Layunin: Tayahin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa
na nakabatay sa karanasan upang matukoy ng guro ang mga maling kaalaman
ng mga mag-aaral (misconceptions o alternative conceptions). (KP1)
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
44. D
EPED
C
O
PY
67
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1
Panuto:
1. Ipabasa sa mag-aaral ang mga sitwasyon sa Gawain 1.
2. Matapos mabasa ay ipatukoy kung ano ang layunin, paraan, at sirkumstansiya
sa bawat ipinakitang kilos.
3. Pasagutan ang mga tanong at ipasulat ito sa kuwaderno.
4. Matapos masagutan ay maaaring magbahagi ang mag-aaral ng kanilang sagot
sa klase.
5. Gabay na Tanong:
a. Ano-ano ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat sitwasyon?
b. May pagkakaiba ba ang kilos sa sitwasyon bilang 1 at 2 sa sitwasyon bilang
3 at 4?
c. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas tamang kilos, sitwasyon 1 at 2 o
sitwasyon 3 at 4?
Gawain 2
Panuto:
1. Anyayahan ang mag-aaral na muling balikan ang Gawain 1. Ipasulat ang
kanilang konsepto tungkol sa kahulugan ng layunin, paraan, at sirkumstansiya
ng makataong kilos.
2. Matapos nilang maisulat ang kanilang konsepto ay magkakaroon ng pangkatang
gawain. Maging malikhain sa pagpapangkat sa mag-aaral.
3. Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa kanilang pangkat.
4. Matapos magbahagi ay pasagutan sa pangkat ang mga tanong at bawat
pangkat ay mag-uulat sa napagkasunduan nilang mga sagot.
a. Anoanginyongnatuklasansakahulugannglayunin,paraan,atsirkumstansiya
ng makataong kilos?
b. Bakit mahalaga na malaman ito ng tao?
c. Paano ito nakatutulong sa tao sa kaniyang pagpili ng isasagawang kilos at
pasiya?
5. Hikayatin ang mag-aaral na maging malikhain sa kanilang gagawing
presentasyon o pag-uulat.
Tandaan: Sa bahaging ito, tatanggapin ng guro ang anumang sagot ng mag-
aaral. Kung sakaling mayroon silang maling kaisipan sa kahulugan ng makataong
kilos at mali ang kanilang opinyon tungkol sa mga sitwasyon, ito ay itatama ng
guro sa bahagi ng Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
45. D
EPED
C
O
PY
68
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN,
AT PAG-UNAWA
Layunin: Tulungan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at
paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral
na hango sa karanasan. (KP2)
Gawain 3
Panuto:
1. Maaaring simulan ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagbabalik- aral.
2. Mahalagang matiyak na nanatili ang pagkatuto ng mga mag-aaral upang
maiuugnay nila ang mga ito sa susunod na gawain.
3. Ipabasa sa mag-aaral ang panuto bago isagawa ang Gawain 1.
4. Ipasuri sa mag-aaral ang bawat sitwasyon sa ibaba kung ang mga tauhan dito ay
nagpapakita nang mabuti o masamang pasiya o kilos.
5. Kailangan din na maibigay ng mag-aaral ang kanilang paliwanag kung bakit sila
sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon.
6. Matapos masagutan ng mag-aaral ay magtatanong ang guro.
Mga Tanong:
a. Sino-sino sa tauhan ang nagpakita nang mabuting kilos? Sino-sino ang hindi?
b. Ano ang masasabi mo sa bawat tauhan? Pangatuwiranan.
c. Paano mo nahuhusgahan kung mabuti o masama ang pasiya at kilos na
ginawa ng mga tauhan sa bawat sitwasyon?
Gawain 4
Panuto:
1. Aanyayahan ng guro na mag-isip ang mag-aaral ng isang sitwasyon sa buhay
kung saan nagsagawa ng kilos at pasiya.
2. Ipatukoy sa mag-aaral ang layunin, paraan, at sirkumstansiya nito.
3. Maaring magkaroon ng pagbabahagi o dyad bago magtanong ng mga
katanungan ang guro.
4. Tanungin ang mag-aaral.
a. Ano ang masasabi mo sa iyong kilos mabuti ba o masama? Patunayan.
b. Ano ang iyong reyalisasyon matapos mong gawin ang Gawain? Naging
masaya ka ba o hindi? Ipaliwanag.
c. Paano nakatutulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
46. D
EPED
C
O
PY
69
Tandaan:
Sa bahagi ng pagtatanong, maaaring gumawa ang guro ng malikhaing
pamamaraan upang maging kawili-wili ang talakayan sa mga mag-aaral.
D. PAGPAPALALIM
Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at
paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang isang babasahin na naglalaman
ng mga kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng
EsP – ang Etika at Career Guidance. (KP3)
Paalala: Makatutulong kung ang babasahin ay ipababasa na sa mga mag-aaral
bilang Takdang-Aralin upang maging madali ang kanilang pagkaunawa rito.
Sasabihin ng Guro:
Ngayon, sisikapin nating unawain ang mga mahalagang konsepto tungkol sa
paksa gamit ang isang babasahin. Tingnan natin kung magkakaroon ng pagbabago
sa inyong mga sagot matapos na maunawaan ang nilalaman ng babasahin.
1. Ipabasa sa isang mag-aaral ang bawat bahagi at tanungin ang pagkaunawa
niya rito. Kung mali ang kaniyang pagkaunawa sa anumang talata, magbigay ng
tanong upang gabayan siya sa pagbuo ng tamang pag-unawa (o paraphrasing).
2. Isulat sa pisara ang mga ideya na makatutulong sa pag-unawa sa paksa at
paghinuha ng Batayang Konsepto
3. Iminumungkahing gamitin ang pagkamalikhain upang hindi maging kabagot-
bagot para sa mag-aaral ang bahaging ito.
4. Mahalagang tiyakin na ang mga mag-aaral ang makatutuklas ng mga konsepto
at hindi lamang tuwirang ibibigay ng guro.
Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral ang bawat bahagi ng
babasahin at ang kabuuan nito dahil dito nila makukuha ang mga konseptong
nakaangkla sa Pilosopiyang Moral.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
47. D
EPED
C
O
PY
70
Paghinuha ng Batayang Konsepto
Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT)
sa pamamagitan ng paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang graphic
organizer.
Panuto:
1. Mula sa naisulat sa pisara na mga konsepto ay aanyayahan ang mag-aaral na
bumuo ng isang malaking konsepto tungkol sa nahinuha sa babasahin.
2. Hikayatin ang mag-aaral na gawin ito sa pamamagitan ng isang malikhaing
presentasyon at ipapakita sa klase.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsasagawa ng PAGGANAP O
PRODUKTO, ang pagpapamalas ng mga angkop na kilos tungo sa paglinang o
pagpapaunlad ng birtud o pagpapahalaga na nakapaloob sa paksa at paghikayat
sa ibang kabataan na isabuhay ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa paksa
(KP4).
Pagganap
Layunuin: Ang pagpapamalas ng mga kakayahan at angkop na kilos na lilinang o
magpapaunlad ng mga birtud o pagpapahalaga. (Gagawin ito sa duration ng mga
araw para sa modyul.)
Maaaring sabihin ng guro:
Ngayon ay napatunayan mo na ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ay
nakapagtatakda nang mabuti o masamang kilos ng tao. Ito ay isang hamon para
sa iyo kung paano mo pag-iisipang mabuti ang pipiliin mong kilos sa araw-araw
simula sa iyong paggising hanggang sa iyong pagtulog.
Gawain 5
Panuto:
1. Ipabasa ang sitwasyon, at ipasulat kung ano ang nararapat na ikilos sa sumusunod
na sitwasyon.
2. Matapos masagutan ng mag-aaral ay maaari nilang ibahagi ang kanilang sagot
sa klase.
Paalala sa Guro: Sa pagitan ng mga pagtalakay ay may mga kahon na naglalaman
ng mga tanong na magagamit upang mataya ang pag-unawa ng mga mag-aaral
sa bawat bahagi ng babasahin. Nagsisilbing formative assessment ang mga ito.
Mahalagang huwag pilitin na matapos sa iisang araw ang pagtalakay dito upang
hindi magkaroon ng information overload ang mga bata dahil ang layuning ganap
na maunawaan ng mga mag-aaral ang kabuuan ng Batayang Konsepto.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
48. D
EPED
C
O
PY
71
Pagninilay
Layunin: Pag-ukol ng mag-aaral ng panahon para sa maingat at malalim na pag-
iisip sa mga sitwasyong namasid at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral
na pamumuhay.
Gawain 6
Panuto
1. Anyayahan ang mag-aaral na balikan muli ang isinagawang kilos noong
nakaraang linggo at mula dito ay ipasulat ang kanilang natutuhan sa modyul at
ano ang kanilang naging reyalisasyon ukol dito.
2. Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa sa bahay bilang takdang-aralin.
Pagsasabuhay
Layunin: Ang pagpapamalas ng mga kakayahan at angkop na kilos na lilinang o
magpapaunlad ng mga birtud o pagpapahalaga. (Gagawin ito sa duration ng mga
araw para sa modyul.)
Gawain 7
Panuto
1. Sasabihin ng guro: Mag-isip ng isang sitwasyon mula sa iyong karanasan na
may suliranin (dilemma) at tayahin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa
layunin, paraan, at sirkumstansiya nito.
2. Ipasulat din kung ito ba ay nakadadagdag o nakababawas ng kasamaan ng
kilos.
Rubric sa Pagsasabuhay
10 Puntos 7 Puntos 3 Puntos
1. Nasuri nang
maayos ang
sitwasyong may
suliranin (dilemma)
batay sa layunin,
paraan, at
sirkumstansiya nito.
Maayos na nasuri
ang sitwasyon batay
sa layunin, paraan, at
sirkumstansiya nito.
Maayos na
nasuri ang
sitwasyon
ngunit kulang
ng isa ayon sa
hinihingi.
Isa lamang
ang nasuri sa
sitwasyon.
2. Natukoy ang
kabutihan o
kasamaan ng
pasiya o kilos at
nabigyan ito ng
paliwanag.
Natukoy ang
kabutihan o
kasamaan ng
isinagawang kilos o
pasiya at nabigyan
ito ng paliwanag.
Natukoy
ngunit hindi
naipaliwanag.
Hindi natapos
ang gawain sa
pagtukoy ng
kasamaan o
kabutihan ng
kilos o pasiya.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
49. D
EPED
C
O
PY
72
3. Nakapagbigay ng
sariling sitwasyon
mula sa karanasan
na nabibigyan ng
tamang pagtukoy
sa layunin, paraan,
at sirkumstansiya
gayundin ang
kabutihan o
kasamaan nito.
Nakapagbigay ng
sariling sitwasyon
ayon sa karanasan
at malinaw itong
naipahayag.
Nakapagbigay
ng sitwasyon
ngunit hindi
malinaw ang
pagpapahayag
nito.
Nakapagbigay
ng sitwasyon
ngunit hindi
natapos.
Talaan ng Ispesipikasyon / Susi sa Pagwawasto
Paksa Kasanayan Sagot
1. Kahulugan ng Kilos Kaalaman B
2. Etika ni Sto. Tomas de Aquino Pagtatasa C
3. Etika ni Sto. Tomas de Aquino Pagsusuri D
4. Etika ni Sto. Tomas de Aquino Pagsusuri B
5. Sirkumstansiya Pag-unawa B
6. Layunin Pag-unawa C
7. Sirkumstansiya Pagbubuo C
8. Sirkumstansiya Pagtatasa A
9. Sirkumstansiya Pagtatasa Pagtatasa A
10. Sirkumstansiya Pagbubuo A
11. Kahihinatnan ng Kilos Pag-unawa B
12. Kahihinatnan ng Kilos Pagsusuri D
13. Kilos Kaalaman B
14. Kilos Pag-unawa D
15. Kilos Pag-unawa A
Batay sa Balangkas (Outline)
Modyul 6: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng makataong
Kilos
I. Panimula
• Maikling pagtalakay tungkol sa kilos
II. Moral na Kilos – Ang Makataong Kilos
• Panloob na kilos
• Panlabas na kilos
III. Salik na Nag-uugnay sa Makataong Kilos
• Layunin
• Kilos (Paraan)
• Sirkumstansiya
IV. Iba’t Ibang Sirkumstansiya
A. Sino – tumutukoy sa taong nagsasagawa ng kilos
B. Ano – tumutukoy sa mismong kilos
C. Saan – lugar kung saan ginawa ang kilos
D. Paano – paraan kung paano isinasagawa ang kilos
E. kailan – kailan isinasagawa ang kilos
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
50. D
EPED
C
O
PY
73
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10
Ikalawang Markahan
Gabay sa Pagtuturo sa Modyul 7
ANGKABUTIHANOKASAMAANNGKILOSAYONSA
PANININDIGAN,GINTONG ARAL, AT PAGPAPAHALAGA
Bilang ng oras: 4
I. Pag-uugnay ng mga Pamantayan sa Pagkatuto at mga Kasanayang
Pampagkatuto
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan, gintong
aral, at mataas na pagpapahalaga.
Pamantayan sa Pagganap: Naitatama ng mag-aaral ang isang maling kilos
sa pamamagitan ng pagpapasiya gamit ang paninindigan, gintong aral, at
mas mataas na Pagpapahalaga
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas
ng mag-aaral?
Kasama sa nararapat na gamiting batayan sa paghusga ng kabutihan o
kasamaan ng kilos ang kautusang walang pasubali, gintong aral, at mga
pagpapahalaga.
Ano ang patunay ng pag-unawa?
Naitatama ang isang maling kilos sa pamamagitan ng paggawa ng mga
tiyak na hakbang gamit ang paninindigan, gintong aral, at mas mataas na
pagpapahalaga
Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ang pag-unawa?
Natutukoy ang proseso ng paghusga sa kabutihan o kasamaan ng kilos
ayon sa paninindigan, gintong aral, at mataas na pagpapahalaga
Pamantayan sa pagkatuto
Batayang konsepto
Pagsasabuhay ng mga pagkatuto
Kakayahan
Kaalaman
Anong kakayahan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa?
Nakapagsusuri kung paano paiiralin ang mas mataas na pagpapahalaga
sa isang sitwasyon na may conflict
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
51. D
EPED
C
O
PY
74
II. Pag-uugnay ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa Pagtatasa
Mga Kasanayang Pampagka-
tuto
KP1: Natutukoy ang proseso
ng paghusga sa kabutihan o
kasamaan ng kilos ayon sa
paninindigan, Gintong Aral, at
mataas na pagpapahalaga
KP2: Nakapagsusuri kung
paano paiiralin ang mas mata-
as na pagpapahalaga sa isang
sitwasyon na may conflict
KP3: Naipaliliwanag na kasa-
ma sa nararapat na gamiting
batayan sa paghusga ng kabu-
tihan o kasamaan ng kilos ang
Kautusang Walang Pasubali,
Gintong Aral, at mga pagpapa-
halaga
KP4: Naitatama ang isang ma-
ling kilos sa pamamagitan ng
paggawa ng mga tiyak na hak-
bang gamit ang paninindigan,
Gintong Aral, at mas mataas
na pagpapahalaga
Pagtatasa
KP1: Pagtatala ang mga kilos na isina-
sagawa sa bawat araw
Pagsusuri ng isang video.
KP2: Pagsusuri ng mga sitwasyon
KP3: Pagsagot sa mga tanong sa ba-
haging Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Pagbuo at pagpapaliwanag ng Ba-
tayang Konsepto.
KP4: Paggunita sa mga kilos na itinu-
turing na mali o hindi mabuti at pagsu-
lat ng mga paraan kung paano mo ito
maitatama sa pamamagitan ng pagbuo
ng mga pasiya gamit ang paninindigan,
Gintong Aral, at mataas na pagpapa-
halaga
Pagninilay sa mga isinagawang kilos
sa loob sa isang araw
Paglikha ng pocket reminder.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
52. D
EPED
C
O
PY
75
III. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto
A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
1. Talakayin ang panimula sa pahina 125 ng Modyul 7. Mahalagang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa mga nagdaang aralin tungkol sa layunin, paraan,
sirkumstansiya, at kahihinatnan ng kilos upang maipaunawa sa mga mag-
aaral ang halaga ng pagkatuto mula sa mga ito at ang kaugnayan nito sa
kasalukuyang modyul.
2. Mahalagang mapukaw ang isipan at damdamin ng mga mag-aaral sa
panimula pa lamang upang matiyak na makukuha ang kanilang interes para sa
pagsasagawa ng mga gawain. Maaaring tumawag ng ilang mga mag-aaral na
magbabahagi ng kanilang karanasan kaugnay ng naunang pangungusap sa
bahaging ito.
3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mahalagang tanong sa pahina 1.
4. Pagkatapos, ipabasa ang pahina 126 at isa-isahin ang mga layuning
pampagkatuto (kasanayang pampagkatuto) para sa Modyul 7.
5. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning
binasa?
Sa Unang Markahan, hinamon ka na sagutin ang tanong na, “Sa bawat
kilos ko, anong uri ng tao ang binubuo ko sa aking sarili?” Ito ay isang paraan
ng paghikayat sa iyo na balikan at pagnilayan mo ang iyong mga isinasagawang
kilos. Mulat ka ba sa mga gawi mo bilang tao? Paano mo nalalaman kung mabuti
o masama ang mga ito? Bilang persona na nasa proseso ng pagpupunyagi
tungo sa pagiging personalidad, paano ka makatitiyak na mabuti ang bawat gawi
at kilos mo?
Naunawaan mo sa Modyul 6 na ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at
kahihinatnan o bunga ng kilos ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama
ng kilos. Ipinaliwanag sa iyo ang kahalagahan ng pagsusuri ng layunin, paraan o
sirkumstansiya ng pagsagawa ng bawat kilos dahil dito masusukat kung naaayon
ang mga ito sa kabutihan o hindi. Nalaman mo na ang mabuting kilos ay mahalaga
sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao. Ngunit naitanong mo na ba kung:
sapat na ba ang pagsusuri sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan
ng isang kilos upang mahusgahan ang kabutihan at kasamaan nito? Kung hindi
sapat na batayan ang mga ito sa paghusga ng kabutihan o kasamaan, mayroon
bang mas malinaw at matatag na pamantayan upang tayahin ang kilos ng tao?
Sa pamamagitan ng modyul na ito, matutulungan kang lubos na
mapagnilayan ang iyong kilos at mula rito ay masasagot mo ang Mahalagang
Tanong na: Ano-anong turo o pananaw ang maaaring gamiting batayan sa
paghusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos?
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
53. D
EPED
C
O
PY
76
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
7.1 Natutukoy ang proseso ng paghusga sa kabutihan o kasamaan ng kilos ayon
sa paninindigan, Gintong Aral, at mataas na pagpapahalaga
7.2 Nakapagsusuri kung paano paiiralin ang mas mataas na pagpapahalaga sa
isang sitwasyon na may conflict
7.3 Naipapaliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
7.4 Naitatama ang isang maling kilos sa pamamagitan ng paggawa ng mga
tiyak na hakbang gamit ang paninindigan, Gintong Aral, at mas mataas na
pagpapahalaga
Tandaan: Hindi binanggit sa Modyul sa Pagkatuto ang kabuuan ng KP3 upang
maiwasan na kaagad na mailahad sa mga mag-aaral ang Batayang Konsepto.
Mahalagang matiyak na sa pagdaloy ng mga gawain at kabuuan ng aralin,
mahihinuha nila ang Batayang Konsepto.
Paunang Pagtataya
Layunin: Tayahin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa sa antas ng
KAALAMAN, KASANAYAN (process/skills), AT PAG-UNAWA (understanding of
concepts)
1. Ipabasa ang panuto para sa Paunang Pagtataya sa pahina 2 - 4 ng modyul.
Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto?
2. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa loob ng 10 hanggang
15 minuto.
3. Ipaskil o isulat sa pisara ang tamang mga sagot sa Paunang Pagtataya.
4. Gamiting gabay ang resulta nito upang mataya ang mga kasanayang
nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay.
5. Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang pagtataya at atasan silang itabi ito
upang magamit sa paghahambing sa resulta ng pagsagot muli nito pagkatapos
basahin ang Pagpapalalim.
Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral na kung ano man ang
maging resulta ng Paunang Pagtataya, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay
ng marka, kundi isang mahalagang pagbabatayan ng kaniyang pag-unlad.
Pagkatapos ng Paghinuha ng Batayang Konsepto, pasagutang muli sa mga
mag-aaral ang pagtataya upang malaman ang antas ng kaniyang pag-unawa
sa mga konsepto at kung nagkaroon ng pag-unlad ang kaniyang kakayahan sa
pagpapasiya at pagkilos batay sa paninindigan, GintongAral, at pagpapahalaga.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
54. D
EPED
C
O
PY
77
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1
1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag-
aaral sa pahina 128 ng Modyul 7.
2. Ipabasa ang Panuto at saka tanungin: Mayroon bang kailangang linawin sa
Panuto?
3. Bigyan ng 5 - 10 minuto ang mga mag-aaral upang maisagawa ang gawain.
4. Pagkatapos ay pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bilang 6, pahina
128.
5. Tiyaking magagamit ang pagkatuto sa mga nagdaang gawain upang maiugnay
ito sa mga susunod na gawain.
Gawain 2
1. Ipagawa ang Gawain 2 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag-
aaral sa pahina 129 ng Modyul 7.
2. Ihanda ang video ng “The Unsung Hero” mula sa Youtube. (https://www.
youtube.com/watch?v=cZGghmwUcbQ)
3. Maaaring isagawa ang gawain sa audio-visual room ng paaralan, kung mayroon.
Kung walang kagamitan sa paaralan ay maaari naman itong ibigay na lamang na
takdang-aralin sa mga mag-aaral.
4. Maaari rin namang i-share ang mga video na ito sa Facebook o sa iba pang social
networking site.
5. Matapos mapanood ang mga video na ito, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga
tanong sa bilang 2, pahina 129.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN,
AT PAG-UNAWA
Layunin: Tulungan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at
paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral
na hango sa karanasan.
1. Maaaring simulan ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagbabalik-aral.
Mahalagang matiyak na nanatili ang pagkatuto sa mga mag-aaral upang matiyak
na maiuugnay nila ang pagkatuto rito sa susunod na gawain. Muling itanong sa
mga mag-aaral ang kanilang mga pagtuklas sa naunang mga gawain.
2. Pagkatapos, ipabasa sa isang mag-aaral ang Panuto at saka sabihin: Mayroon
bang kailangang linawin sa Panuto?
3. Ipagawa ang Gawain 3 sa bahaging Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-
unawa sa mga mag-aaral sa pahina 129 ng Modyul 7.